Chapter 20

1096 Words
Tanghali na kami bumangon. Nagpapatuyo ako ng buhok ng puntahan ako ni yaya para kumain. "Ano ka bang bata ka, anong oras na hindi ka pa lumalabas ng silid mo. Kanina pa ako katok ng katok nakalock ang pintuan kaya hindi kita madalahan ng pagkain mo.Sinabi ko na sayo na bawal ang magpagutom." Sermon ni yaya sa akin ng pumasok ito sa silid ko. " Oo na yaya susunod na po ako sa inyo." Sabi ko dito. Hindi aantayin na lang kita baka hindi ka na naman kumain. Kilala kita sigurado akong nagdadiet ka na naman." Sabi nito at umupo sa kama kama ko. Ng biglang bumukas ang banyo. Lumabas si Kojima na nakatapis lang. "Sige na yaya sabay na kami ng honey baba. Wag po kayong magalala hindi po ako papayag na hindi siya kumain ng agahan." Sabi ni Kojima.Sabay yapos sa akin. Nagulat si yaya. Napatingin ito sa akin na nagtaganong. Ngumiti na lang ako kay yaya. Pulang pula ang mukha ko. "S.. Sige mauna na ako sa inyo." Sabi na lang ni yaya saka iniwan na kami. Pinaghahampas ko si Kojima. "Ouch! Why?" Tanong nito kunyari. "Why ka diya. Ginulat mo kaya ang yaya ko. Buti na lang hindi yun inatake." Sabi ko dito. "Ano naman ang mali sa sinabi ko?" Sabi niya saka hinarap ako sa kanya. "Sa sinabi mo wala namang mali. Pero ang lumabas ka sa banyo na ganyan ang itsura mo sabay yayapos ka sa akin. Siguradong magtataka yun no. " Sabi ko aa kanya. " Bakit mali bang yakapin ko ang asawa ko." Sabi niya. Tumaas ang kilay ko. " Alam po ni yaya ang totoong sitwasyon natin no. " Sabi ko sa kanya. Tumawa siya. " Bakit ayaw mo ba na totohanin na natin? " Sabi niya sa akin. " Ewan ko sayo." Sabi ko sa kanya. " Anong ewan ko sayo ha? " Sabi niya sabay buhat sa akin saka ako inihiga sa kama sabay dagan sa akin. " Ano ba Kojima. Hinihintay na tayo ni yaya sa baba." Sabi ko dito saka pinaghahampas ko ito. Natawa lang ito. Pinagtitinginan kami ni yaya at ng Tita niya habang kumakain. Pano kasi sige ang asikaso sa akin ni Kojima. Pagkatapos naming kumain. Nagyaya ito maligo ng pool. " Wala ka bang lakad ngayon? " Tanong ko sa kanya. " Pina cancelled ko na ang lahat ng lakad ko ngayon. Gusto ko makasama ka ngayong maghapon." Sabi niya sa akin. Parang lumukso ang puso ko sa narinig. Kaya nagbihjs na ako para maligo sa pool. "Ang sexy naman ng honey ko. Parang ayaw ko na tuloy maligo sa pool parang gusto ko na lang sa bath tub na lang tayo maligo." Sabi nito sabay yapos sa akin. "Manyakis ka talaga." Sabi ko sa kanya. Sabay hamapas dito. Natawa ito. "Bakit wala naman akong sinabinh masama ah. Masama bang maligo sa bath tub?" Sabi niya sa akin. "Ikaw hon ah, Pinagnanasahan mo ako ah." Sabi niya sa akin. Natawa ako sabay hampas dito. "Kapal mo talaga, kahit kailan hindi kita pinagnasahan no." Sabi ko sa kanya. "Talaga?" Tanong niya sa akin. "Talaga " Sabi ko saka tumalon na sa tubig. Tumalon din siya sa tubig. Pagahon ko umahon din siya sa tapat ko. Sabay yapos sa akin. "Talagang talaga?" Tanong niya sa akin. "Oo no." Sabi ko sa kanya. "Kung ganun ako hindi dahil noong una palang kitang nakita humanga na ako sayo." Sabi niya sa akin na titig na titig sa akin. Namula ako. "Kaya pala hindi mo manlang nga ako pinansin nung naliligo ako dito no. Mas pinansin mo pa nga si Haroka kesa sa akin." Sabi ko sa kanya. Na nagtagampo. Napakunot ang noo niya. "Hindi totoo yan. Alam mo ba na hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan ka. Kaya nga nagpalit ako ng pampaligo nun dahil sasamahan sana kita maligo kaso umalis ka naman nun." Sabi niya sa akin. "Panong hindi ako aalis. Ayoko nga makaistorbo sa inyo ni Haroka no." Sabi ko aa kanya. "Ano kaba, Sinabi ko ng wala kaming relasyon ni Haroka, Kababata ko lang siya. " Sabi niya sa akin. Hindi ako umimik hinalikan niya ako sa tungki ng ilong ko. Hindi parin ako umimik. Hahalikan niya sana ako sa labi ng lumapit ang isang katulong sa amin. "Sir dumating po si ma'am Haroka. Hinahanap po kayo." Sabi nito. Sumimangot agad ako. Tumingin sa akin si Kojima. Sabihin mo busy ako. Sabihin niyo kay mama siya na lang ang bahala kay Haroka." Sabi nito sa katulong. Sabay hapit sa akin ng umalis na ito. "Bakit hindi mo pinuntahan? Pinuntahan ka niya dito tapos hindi mo manlang siya hinarap." Sabi ko sa kanya. " Hayaan mo siya. Hindi ko sinabi sa kanya na pumunta siya dito." Sabi niya uli sa akin. Lihim akong napangiti. " Tara paunahan tayo." Sabi ko sa kanya. Sabay langoy. Pumunta ako sa kabila humabol siya sa akin habang tawa ako ng tawa. Nagkakatuwaan kami ng pumunta sa pool si Haroka. "Akala ko naman kung ano ang pinagkakabisihan mo. Yan lang pala. Gusto mo palang maligo ng pool dapat sinabi mo na lang para maaga akong pumunta." Sabi nito. Napalingon kami sa kanya. Nakapang paligo na ito. Agad na humiwalay ako kay Kojima. Umahon ako kinuha ko ang tuwalya saka pumasok sa loon ng bahay. Hindi ko na siya pinasin kahit tinatawag niya ako. Inis na inis ako sa kanilang dalawa. Pagdating ko sa silid ko nagderetso ako sa banyo." Inis na inis ako. Nang mahimasmasan ako. Saka lang ako lumabas ng banyo para magbihis. Nagulat ako ng makita ko siya na nakasandal sa gilid ng ding ding ng banyo. Tiningnan niya ako. Hindi ko siya inimik. Naiinis talaga ako sa kanya.Aktong hahakbang ako ng hapitin niya ako. "Galit kaba?" Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik. " Ano ba kasi ginagawa mo dito? Bat iniwan mo ang bisita mo dun?" Sabi ko sa kanya. " Wala na pinauwi ko na siya." Sabi niya sa akin. " Bakit mo pinauwi gusto niya pa nga na maligo kayo ng pool diba? " Sabi ko uli dito. Hindi maalis alis ang inis ko. "Sabi ko tapos na ako maligo kung gusto niya maligo na lang siya." Sabi nito. Hindi ako umimik. " Hindi naman siya ang gusto kong makasama maligo. Umakyat kana kaya ano pang gagawin ko dun. " Sabi niya sa akin. Saka hinalikan ako sa leeg ko. " Bakit mo ba kasi ako iniwan? " Tanong niya. Hindi ako umimik. Niyaya niya na lang ako na magmovie marathon kami. Kaya maghapon kami na nasa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD