***KOJIMA POV#***
Pumunta ako ng US para kunin ang kailangan ko pero mas lalo lang akong naguluhan at nadagdagan lang ang mga tanong ko ng mapanood ko ang disc na kasama ng mga filles na laman ng isang box. Ng mapanood ko ang disc nagpasya akong bumalik ng japan para alamin ang katotohanan. Dahil dun nasagot ang ilang katanungan sa isipan ko. Pero may isang bagay na gumugulo sa akin.
"Parang hindi ako naniniwala na ang hinahanap ng mga kalaban ay ang filles na nakuha ko. Ang listahan ng mga kasapi ng Mafia organization. Pero kung yun ang dahilan kung bakit pinatay si George Washington bakit kinailangan pa nila na magpalitan ng mga anak. Ganun ba talaga kahalaga sa kanila ang files? " bulong ko. Nasa pilipinas na ako.
" Kung ano man ang dahilan kung bakit nila pinatay si Ina at ang ama ko. Malalaman ko din. Kung totoo na ang filles ang dahilan gagamitin ko ito para lumabas sila sa mga lungga nila. " Sabi ko saka naikuyom ko ang kamao ko. Huminga ako ng malalim saka lumabas na ng silid ko. Nagderetso ako sa kusina. Naupo na ako. Kauupo ko lang ng dumating si Althea natigilan ako. Pinaghila ko siya ng bangko. Lihim ko siyang pinagmamasdan.
"Ano kaya ang magiging reaction niya pag nalaman niya ang lahat tungkol sa pagkatao niya." Huminga ako ng malalim. Inaya ko na siya na magumpisa na sa trabaho. Pipilitin kong matutunan niya ang lahat.
Nagaalala ako ngayon ang unang araw niya sa trabaho. Nagaalala ako kung tatagal ba siya sa ipapagawa ko. Meron lang akong nais malaman at kakailanganin ko ang tulong niya.
Hinatid ko siya sa magiging lugar niya.
Ng dumating ako sa opisina ko inutusan ko ang assistant ko na bantayan siya.
"Kumusta na siya?"
Tanong ko sa kanya.
"Mukhang Okay naman po siya Sir." Sagot ng assistant ko.
"Patapos na ba siya sa ginagawa niya?" Tanong ko uli dito.
"Opo nagliligpit na po siya ng iwan ko po." Sagot niya uli. Tumango ako. Nagligpit narin ako.
"uuwi na po kayo Sir?" tanong niya sa akin.
"Ahhmm." Sagot ko habang sinasalansan ko ang mga papeles na nasa mesa ko.
"Ikaw na ang bahala dito. Ihanda mo ang schedule ko para bukas." Sabi ko sa kanya at tumayo na. Sinuot ko ang coat ko. Tumango siya. Tiningnan ko ang relos ko.
"Tama lang ito siguradong tapos na siya pagbaba ko." Bulong ko sa isip ko. Naglakad na ako papunta sa elevator.
Pumasok ako sa elevator at hinintay na bumaba ito kung nasaan ang opisina nila. Pagbukas ng elevator nagulat ako ng mabungaran ko siya. Nagulat din siya sa akin. Hinintay ko na pumasok siya sa loob pero nakatingin lang siya sa akin.
"What are you waiting for?" Tanong ko sa kanya.Saka tinaasan ko siya ng kilay. Doon lang siya natauhan nagmamadali siyang pumasok sa loob. Gusto kong mangiti ng makita ang pamumula ng mukha niya. Pero hindi ko ginawa. Dahil siguradong magagalit siya. Habang pababa kami pinakikiramdaman ko siya. sige ang hipo niya sa leeg niya.
Pagdating namin sa labas nakaabang na ang tauhan ko. Pinagbuksan ko siya bago ako umikot sa kabila.
"Boss Taiko call me he wants to talk to you." Sabi ni Kayashi sa akin. Napatingin ako dito sa unahan.
" Okay! I call him. " Sabi ko saka kinuha ang Phone ko sa coat ko. Nagusap kami tungkol sa grupo. Meron daw nagtatraidor sa grupo. May pumasok daw sa silid ng aking Ina hinalungkat ang mga gamit nito parang may hinahanap. Napaisip ako.
" Boss, hindi kaya ang disc at ang filles ang hinahanap nila? " Tanong niya sa akin.
" Maybe. Hayaaan niyo sila. Siguradong malapit na kaming magkita ng tunay na kalaban. " Sabi ko. Napaisip ako.
" King ang filles ang hinahanap nila. Alam na nila ngayon na nasa akin ito. Siguradong ako ngayon ang pupuntiryahin nila. Kung ganun hihintayin ko sila. " Bulong ko sa isip ko.
" Boss kailangan niyo po ba ako diyan? " Tanong nito sa akin.
" No need. Mas kailangan kita diyan. Kailangan mong protektahan ang mga tao natin diyan. Hindi natin alam kung ano ang binabalak nila. Wag kang magalala sa amin dito kaya namin sila ni Kayashi. Isa pa mahahalata nila na alam ko na ang lahat kapag pumunta kayo dito. Siguradong magiging alerto sila. Hayaan natin na isipin nila na wala pa tayong alam. " Sabi ko sa kanya.
" Ang gawin mo hanapin mo kung sino ang tao nila sa loob ng grupo. " Sabi ko dito.
" Kung yan ang gusto niyo Boss. Wag kayong magaalala hahanapin ko kung sino ang traidor sa grupo. " Sabi niya . Tumango ako. Saka nagpaalam na. Napatingin ako sa katabi ko. Nakita ko na busy ito sa pag type ng CP niya. Napapangiti pa ito. Napakunot ang noo ko. Ewan ko kung bakit parang gusto kong malaman kung sino ang kausap niya. Maya maya mukhang nagpaalam na ito sa kausap niya dahil pinatay na niya ang phone niya saka umayos ng upo. Nakahinga ako ng malalim. Aayain ko sana siya na kumain na lang kami sa restaurant bago kami umuwi. Kaso pagtingin ko tulog na ito. Lihim ko siyang pinagmasdan. Napangiti ako ng maisip na king gising lang ito siguradong nakataas na naman ang kilay nito sa akin dahil pinagmamasdan ko siya. Huminga ako ng malalim. Aayos na sana ako ng upo kaso tumumba ang ulo nito papunta sa balikat ko. Natigilan ako napalingon ako dito. Napalunok ako ng makita na gadangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Natulala ako hindi ako agad nakakilos. Kaso biglang huminto ang sasakyan kaya nahawakan ko ang pisngi niya para hindi matumba.
inangat ko ng dahan dahan ang kamay ko para mapasandal siya sa dib dib ko. Kinakabahan ako na magising siya.
Baka masampal ako ng di oras. Nakahinga ako ng hindi ito magising.
Napakunot ang noo ko.
"Mukhang napagod si miss Althea Boss." Sabi ni Kayashi. Napaisip ako.
"Pero sabi ni Liam ayos lang daw siya kanina." Bulong ko sa isip ko. Hindi na lang ako umimik. Ingat na ingat ako na magising siya.
"Boss nandito na po tayo." Sabi ni Kayashi. Napatingin ako sa labas nakita ko na nakahinto na kami. Nagdalawang isip tuloy ako kung bubuhatin ko ba siya O gigisingin ko na lang. Kinakabahan naman ako na magising siya na nandito siya sa dib dib ko baka magalit siya sampalin na lang ako.
"Boss baba na po ba kayo?" Tanong sa akin ni Kayashi.
"Ahhm, hindi. Mauna kana." Sabi ko sa kanya. Tumango siya at iniwan na kami.
Maya maya nagising narin siya. Nagulat siya ng mapansin na nakahinto na kami.
"Buti naman agising kana. Mukhang napagod ka ah." Sabi ko sa kanya. Agad na itinulak niya ako ng makita na nakasandal siya sa dib dib ko at agad na lumabas ng sasakyan. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Whew akala ko masasampal ako." Bulong ko saka tiningnan siya na nagmamadali maglakad papasok ng bahay. Napangiti na lang ako.
"Boss kumusta nagalit po ba si miss Althea?" Tanong ni Kayashi sa akin.
"Hindi. Ipark mo na ng maayos ang sasakyan." Sabi ko sa kanya. Saka pumasok na sa loob ng bahay.