"Kojima! Kumusta ang araw mo sa opisina?" Tanong ni Tita sa akin.
"Ayos lang po mama." Sagot ko dito. Nakasanayan ko ng tawagin na mama ito. Dahil ito ang nagaalaga sa akin mula maliit ako. Siya ang nasa tabi ko maliban kay Ina.
"Kakain ka ba magpapahain na ako." Sabi niya. Tumango na lang ako. Umakyat na ako sa taas. Dumeretso ako sa silid ko. Nagbihis ako iniisip ko ang sinabi sa akin ni Taiko.
"Iisa nga kaya ang pumatay sa kanila?" Tanong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim. Ng makapagbihis lumabas na ako ng silid ko. Napatingin ako sa silid na katabi ng silid ko.
"Natulog na kaya siya agad?" Tanong ko saka naalala ang itsura niya habang nakasandal sa balikat ko. Napangiti ako ng maalala ang pagkagulat niya ng makita na nakasandal siya sa dib dib ko.
Napailing na lang ako. Aktong kakatukin ko na sana siya ng marinig ko na may kausap siya. Napakunot ang noo ko. Hindi nakasara ng maigi ang pintuan nila kaya naririnig ko sila.
"A.. Aaray! Yaya, ang sakit talaga." Sabi niya. Napakunot ang noo ko.
"Ano ba kasi ang ginawa mo maghapon at sumakit ng husto ang mga balikat mo?" Rinig kong tanong ng yaya niya.
"Bwisit kasi ang lalake na yun, Nananadya akala ko pa naman ang ibibigay niyang trabaho sa akin ay computer ang kaharap ko yun pala gagawin niya akong kargador at utusan.
Kaya ayan ang sakit tuloy ng katawan ko sa kakabuhat ng sangkaterbang mga papel."Sabi niya napakunot ang noo ko. Huminga ako ng malalim. Bumaba na ako sa ibaba.
" Tintin paki tawag niyo na ang seniorita niyo para kumain kung gusto niya kamo ipapahatid na lang ang pagkain niya sa silid niya. " Utos ko sa isang katulong ng dumating ako sa dining erea.Maya maya dumating na siya pinaghila ko siya ng upuan. Pinakikiramdaman ko siya. Wala naman siyang sinabi kumain lang ito ng tahimik. Kaya kumain na lang din ako.
Kinabukasan. Maaga pa gising na ako. May meeting akong dadaluhan ngayon.
Pagbaba ko nakita ko na mainit na naman ang ulo ng mama ko.
"What happened?" Tanong ko dito.
"Naku Kojima ha, Nauubusan na ako ng pasensiya sa yaya na yan. Akala mo kung sino siya umasta. Baka nakakalimutan niya na yaya lang siya ni Althea." Sabi niya na galit na galit.
"Ano na naman ang pinagawayan niyong dalawa?" Tanong ko sa kanya.
"I ask her to buy Ramen because I want to Cook for you. But she buy noodles."
Inis na inis na sabi niya sa akin. Inakbayan ko na lang siya.
"Mama, yaya didn't know what's
Ramen did you ask for. The only ramen she knows is in the groceries store. So don't be mad at her. She buy ramen noodles, not to make you mad. She buy that because she want to please you " Sabi ko sa kanya. Sumimangot siya at nag cross arms.
" But I want to cook Japanese food for you. Because since we came here you haven't eaten well. Because they cook purely Filipino food.. " Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
" Mama I'm okay, when I have a meeting out side we are in the Japanese restaurant and i can ask my assistant to order japanese food and bring it to my office if I want." Sabi ko sa kanya.
" So don't worry about me, I'm okay. Ha mama? ".
Sabi ko uli sa kanya.Hindi siya umimik.
" All right, if you really want to eat Japanese food. I'll tell Kayashi to take you to the Japanese restaurant after he drops Althea and me off at the office."Sabi ko uli sa kanya. Ngumiti na siya. Nagpaalam na ako sa kanya ng makita ko na pababa na si Althea.
Pagdating namin sa MI building pinabalik ko na si Kayashi sa bahay para ihatid si Mama sa japanese restaurant.
Pagpasok ko sa opisina ko tinawagan ko ang assistant ko.
"Tawagan mo ang accouting office. Sabihan mo na bigyan ng assistant si miss Althea." Sabi ko sa kanya habang binabasa ang manual na binigay niya sa akin. Napatingin siya sa akin.
"Ahhm, isa pa nga pala sabihin mo rin na ipabuhat niya sa mga janitor ang mga papel na ipapaorganize nila kay miss Althea . Dinala ko si Althea sa opisina niya para turuan nila hindi para maging taga buhat ng mga papel at utusan nila. Okay? " Sabi ko dito. Napatanggo na lang ito.
Maya maya tiningnan ko ang relos ko saka tumayo na at lumabas ng opisina ko. Sumunod ito sa akin.
Dumeretso na ako sa conference room.
Sunod sunod ang naging meeting ko ngayon. Pagkatapos ko sa meeting ko naging busy naman ako sa pagbabasa ng mga filles na naabutan ako sa opisina ko.
Nasa sasakyan na kami napansin ko na parang hindi siya mapalagay sa tabi ko. Napakunot ang noo ko.
"Napagod na naman ba siya sa trabaho niya?" Tanong ko sa isip ko.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya ng hindi ako makatiis.
"Ahhm, Kanina kasi habang inaayos ko ang mga report ng Accounting department at ng HR. Binabasa ko ang mga files. May napansin ako.Hindi nagtutugma ang report ng HR department sa Accounting department. Hindi pa yun napansin ko din na may mga mali sa computation sa report ng accounting. Saka bakit may mga bayarin ang companya na hindi na babayaran. Like yung mga pangunahing mga expenses ng mga tao. Kinausap ko ang head namin pero sinabihan lang ako na hindi ko na daw trabaho yun ang trabaho ko ay mag file lang ng mga report." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Kung ganun may mga anumalya ngang nangyayari sa kompanya." Bulong ko sa isip ko.
"Ibig sabihin tama ako sa naiisip. Hindi lang sa taas may problema ang kompanya. Pati ang HR dapartment at accounting may alam sa nangyayari."
Bulong ko sa isip ko.
" Ilang meeting na ang ginanap mula ng hawakan ko ang kompanya. Pero may ilang shareholders ng kompanya ang hindi ko pa na memeet. Laging mga assistant lang nila ang umaatend."
Bulong ko sa isip ko. Napatingin ako sa kanya nakita ko na nakatingin siya sa akin.Nailang ako sa kanya.
" Hayaan mo titingnan ko na lang bukas.
Sabi ko na lang saka kinuha ang phone ko at tinawagan si Taiko. Ewan ko kung bakit parang masaya ako na hindi siya ngayon galit sa akin. Nakakailang pala.