pagod na pagod ako ng matapos ko lahat ayusin ang mga papel. Naginat inat muna ako. Bago ako nagligpit ng mga gamit ko.
lumabas na ako ng silid. Nagderetso ako sa elevator. Nagulat ako ng bumukas ito at makita ko si Kenjei.
"What are you waiting for?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. Saka lang ako natauhan. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng elevator.
"Pauwi kana din?" Tanong ko sa kanya.
"Ahhm." Sagot niya.
"Kumusta ang unang araw mo?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Ayos lang." Sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Bakit akala mo susuko na ako no. Nagkakamali ka dun. Hindi kaya madali itong sumuko." Bulong ko sa isip ko.
"Buti naman at nagustuhan mo ang trabaho mo." Sabi niya hindi ako umimik.
"Kung hindi ko pa alam sinadya mo talaga na dun ako ilagay." Bulong ko uli.
Paglabas namin nakaabang na ang dirver niya. Wala kaming imikan sa biyahe. May kausap siya sa biyahe hindi ko naiintindihan ang usapan nila hapon kasi ang salita niya mukhang seryoso.
Nagpasalamat ako ng tumunog ang Cellphone ko. Nakita ko na nagchat sa akin si Devine.
"Kumusta kana Besty?"
Tanong niya sa akin.
" Eto pagod na pagod." Sagot ko dito.
" Bakit ano ba ang trabaho na binigay ng asawa mo sayo at napagod ka? " Tanong nito. Napakunot ang noo ko alam ko na nanunukso na naman ito.
" Taga file lang naman ng mga papel na natatapos ng mga taga Accounting at HR department." Sabi ko sa kanya.
" What? Bakit napakababa naman ng binigay niyang trabaho sayo? Kahit head ka manlang no may degree ka kaya at hindi basta basta ang school na pinasukan mo no. " Sabi niya.
" Meron daw akong matutunan dun. Saka ilang linggo lang daw ako dun ililipat din niya ako." Sabi ko uli.
" Pero sa tingin ko sinasadya niya yun para sumuko ako. Pero dun siya nagkamali dahil hindi ako madaling sumuko." Sabi ko sa kanya.
"Go mo lang yan Besty ipakita mo sa kanya na kaya mong hawakan ang kompanya niyo." Sabi niya uli sa akin. Napangiti ako. Pagtingin ko sa kanya nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo niya. Nagpaalam na ako kay Devine. Saka tinago ko ang CP ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Dahil sa pagod nakatulog ako sa biyahe. Nagising ako na nakahinto na kami.
" Buti naman gising kana. Mukhang napagod ka sa pinagawa nila sayo." Sabi niya napatingin ako sa kanya. Dun ko lang napansin na nakasandal ako sa dib dib niya kaya agad na umayos ako ng pagkakaupo.
" Sorry nakatulog pala ako." Sabi ko saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Napapikit na lang ako sa hiya.
" Ano kaba Althea bakit kaba tulog ng tulog. " Inis na bulong ko sa isip ko. Sinalubong ako ni Yaya kinuha niya ang mga gamit ko.
" Kumusta ang trabaho mo?" Tanong nito sa akin. Habang kinukuha ang gamit ko.
" Ayos lang po yaya. " Sagot ko dito. Nagderetso na ako sa taas. Pumasok kami sa silid ko. Pagdating ko sa loob ng silid ko agad na humilata ako.
"Ano ka bang bata ka magbihis ka nga muna. Ano bang ginawa mo at pagod na pagod ka." Sabi niya sa akin habang kinukuhaan ako ng damit ko sa closet ko. Nagkwento ako sa kanya.
"Talaga?" Sabi niya.
"Oo yaya, Akala niya susuko ako dahil dun hindi ako susuko ipapakita ko sa kanya na matutunan ko lahat ng ituturo niya." Sabi ko kay yaya.
"Kawawa naman ang alaga ko. I massage na lang kita. Para matangal ang pagod mo." Sabi ni yaya sa akin. Tuwang tuwa na umupo ako sa kama.
"Dito yaya masakit." Sabi ko habang tunuturo ang balikat ko.
"Aray! Yaya dahan dahan." Sabi ko habang minamasahe niya ang likod ko." Maya maya may kumatok sa pintuan ko.
"Seniorita kakain na daw po. " Sabi ng isang katulong namin.
" Sige baba na ako. " Sabi ko dito.
Nagayos na ako ng sarili nauna ng lumabas sa akin si Yaya.
Pagdating ko sa kusina nakita ko na nakaupo na si Kojima at ang tita niya sa dining erea. Pinaghila niya ako ng upuan ng makita niya ako. Nagpasalamat ako sa kanya. Umupo sa tabi ko si Yaya.
Tahimik ako na kumain. Sige ang kwentuhan nila ng tita niya. Nakikinig lang kami sa kanila dahil hindi naman namin sila naiintindihan.
Kinabukasan magkasabay na naman kami pumasok ni Kojima. Pasakay na kami sa elevator ng may may makasabay kami. Nagulat ito ng makita ako na kasabay ni Kojima.
"Bakit nandito ka para sa mga head lang dito sa kabila ka dapat sumasakay." Sabi niya sa akin napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng makita ang head ko.
" Ayos lang yun ako ang nagpasakay sa kanya dito." Sabi ni Kojima dito. Malambing na bumati ito kay Kojima. Napataas ang kilay ko.
" Sorry sir akala ko kasi hindi na inform sa kanya ang mga bagay bagay. " Sabi niya. Hindi umimik si Kojima. Ng huminto ang elevator sa palapag kung nasaan ang opisina namin. Lumabas na kami.
Tumingin na lang ako kay Kojima. Sinimangutan ako ng head ko ng makalabas na kami.
" Sa susunod kahit ayain ni Sir humindi ka magkaroon ka naman ng konting hiya Prisedente kaya natin yun." Sabi niya sa akin. Hindi na lang ako umimik. Nagtuloy ako sa upuan ko. Nakita ko na marami na namang nakatambak na papel sa ibabaw ng desk ko. Hindi ko pa nakakalahati ang ginagawa ko ng lapitan ako ng head namin.
"Nahihirapan kaba sa ginagawa mo?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"H...Hindi naman." Sagot sa kanya. Tinitigan niya ako habang nakasimangot.
"Baka nakita niya na ang bagal mo kumilos kaya pinatutulungan ka niya." Sabi uli nito napakunot ang noo ko.
"Nelia tulungan mo nga ito." Sabi niya ng tawagin niya ang isa sa mga nagtatrabaho dun. Lumapit naman ito sa akin.
"O hayan may katulong kana siguro naman hindi kana babagal diyan." Sabi nito.
"Bilis bilisan niyo ang kilos ng hindi kayo nakikita ni Sir. Nakakahiya kayo ang gaan gaan na lang ng ginagawa niyo kailangan may katulong pa kayo." Inis na sabi niya. Hindi na lang ako umimik.
Habang nagsasalansan ng mga papel. Pahapyaw kong binabasa ang mga naksulat dito. Napakunot ang noo ko.
"Parang may mali dito?" Sabi ko napatingin sa akin ang kasama ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan bilis bilisan mo diyan ng matapos na tayo. Hindi yung ang dami dami mo pang ginagawa diyan." Sabi ng kasama ko. Binasa ko uli ang hawak ko.
"May mali nga dito?" Sabi ko saka ako tumayo at dinala ang papel. Pumunta ako sa head office.
"Anong kailangan mo?" Inis na tanong nito ng makita ako. Napakunot ang noo ko.
"Ano bang problema ng mga tao dito. Bakit ba galit na galit sila sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanila."
Bulong ko. Huminga ako bg malalim.
"Ahhm. Sa tingin ko po kasi may mali po sa report ng accounting." Sabi ko sa kanya.
"Anong mali ang pinagsasabi mo. Ang bagal mo na nga kumilos ngayon naman nagmamarunong ka naman. Ano ang alam mo sa report nila. Saka pwede ba na ang trabaho mo ang pakialaman mo hindi ang trabaho ng iba. " Inis na sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero huminga na lang ako ng malalim.
" Ano pang hinihintay mo bumalik kana sa trabaho mo." Inis na sabi niya sa akin. Nagpaalam na lang ako dito.
" Ano may nangyari ba ang pagsipsip mo? Hindi na lang trabaho mo ang gawin mo. " Inis na sabi ng kasama ko.
" Nagmamarunong ba? " Sabi naman ng isa.
" Baka gustong maging head. " Sabi naman ng isa. Tiningnan ko na lang sila. Saka sinalansan ang mga papel.
Hangang sa paguwi nasa isip ko ang nabasa ko. Kaya hindi ako mapakali ng nasa sasakyan na ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Kojima ang nangyari. Napatingin ito sa akin.
" May problema ba? " Tanong niya sa akin. Napalunok ako. Huminga ako ng malalim.
" Bahala na nga. " Bulong ko sa isip ko.
Kwenento ko ang nangyari. Napakunot ang noo niya.
"Ganun ba. Hayaan mo titingnan ko ang report ng accounting bukas. " Sabi niya sa akin.
" Ganun lang yun. Sabi ko na nga ba dapat talaga hindi na lang ako nagkwento. Sayang lang ang effort ko. " Inis na bulong ko sa isip ko. Saka inis na pumikit.