Chapter 10

1215 Words
***ALTHEA POV#** Pagpasok ko kinabukasan nakakalahati palang ako sa trabaho ko ng ipatawag ako ng head namin. "Bakit hindi mo nakita ang mga yan? Ikaw ang nagaayos ng files dapat nakita mo na yan.?" Galit na galit na sabi niya sa akin. Napatingin ako sa papel na nasa mesa niya. Yung mga files na nakita ko kahapon. "Alam mo ba ng dahil diyan ipapatawag kaming lahat." Sabi niya sa akin. "Di po ba ma'am sinabi ko na yan sa inyo. Kaso sabi niyo wag kong pakialaman ang hindi ko trabaho. Kaya hindi ko pinakialaman yan." Sagot ko sa kanya. "Sumasagot ka pa. Kasalanan mo na nga." Sabi niya sa akin. "Teka ma'am pano ko po naging kasalanan. Hindi naman po ako ang may gawa niyan. Tagaayos lang po ako kung saan dadalahing department ang mga files. Di ba dapat sa accounting at sa Hr kayo nagagalit hind sa akin." Sabi ko sa kanya. Inis na tiningnan niya ako. "Dahil magaling ka. Magmula ngayon trabaho mo narin na ireview ang mga gawa ng accounting at HR." Sabi niya nanlake ang mga mata ko. "Bumalik kana sa trabaho mo." Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko ito. "Naku, pasalamat ka. Kailangan kong magpakabait para payagan na ako ni Kenjei na hawakan ang Company. Kundi lagot ka sa akin." Inis na bumalik ako sa mesa ko. "Hoy! Althea mag ot ka daw ngayon. Kailangan mo daw yan erevise ang mga yan." Sabi ng isang empleyado. Saka binagsak ang sangkaterbang mga papel sa mesa ko. Nanlake ang mga mata ko. "What?" Tanong ko. Pero inirapan lang ako nito. Saka iniwan. Inis na tiningnan ko ang mga papel na nasa lamesa ko. Iilan palang ang nagagawa ko ng tumunog ang phone ko. "Nasan kana?" Tanong ni Kojima sa akin. Gusto kong umiiyak pero baka tawanan lang ako nito. "Kailangan kong mag ot." Sagot ko dito. "What?" Tanong niya sa akin. "Kailngan ko pa kasing erevise ang mga gawa ng accounting saka ng HR." Sabi ko sa kany. Hindi ito umimik. " Bumaba kana. Iwan mo na ang mga yan. Hindi mo kailangan gawin yan. " Sabi niya sa akin. " Ano kaba. Pag hindi ko ito ginawa papagalitan ako bukas baka madagdagan nanaman ang trabaho ko. " Sabi ko sa kanya. "Aalis kana diya at baba dito O ako ang aakyat diyan at bubuhatin kita diyan. " Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kabilang room marami pang nagtatrabaho. " Ano? " Tanong niya. Napatayo ako sa upuan ko. " Oo na baba na. " Sabi ko saka pinatay ang phone ko. Napalingon ang mga kasama ko ng tumayo ako. " Hoy! Althea magoot ka daw ah. " Sabi ng isa. " Uuwi na ako. Paki sabi na lang kay ma'am" Sabi ko sa kanila. Saka nagmamadaling sumakay ng elevator. Pagdating ko sa basement nakita ko siya na naghihintay sa labas ng sasakyan niya. May kausap sa phone niya. Nang makita niya ako pinatay na niya ito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan saka siya umikot papunta sa kabila. Wala kaming imikan sa sasakyan. Naiilang ako sa kanya. Nakatulog ako sa biyahe. Nagising ako bago pa kami makarating sa bahay. "Kojima, Dumating si Haruko sa bahay nila kahapon galing ng Japan. Katatapos lang ng Contract niya doon. Kaya naghahanap siya ng bagong trabaho dito. Baka pwede mo naman siyang ipasok sa opisina niyo?" Sabi ng tita niya. Napatingin ako sa kanila. "Titingnan ko po mama." Sagot ni Kojima. Napakunot ang noo ko. Ewan ko parang naiinis ako sa Haruko na yun kahit hindi ko pa nakikita. Sino ba kasi ang Haruko na yun? Parang hindi talaga maganda ang kutob ko dun besty. " Sabi ko kay Devine. " Baka nagseselos ka lang besty. " Sabi naman nito inis na tiningnan ko ito. Nag peace signed ito sa akin. " Baka naman malayong kamaganak nila yun kaya gusto ng Tita niya na ipasok no Kenjei." Sabi nito uli. " Yun na nga e besty, baka lahat ng kamaganak nila ipasok niya no. " Sabi ko dito. " Oo nga besty tapos pag ikaw na ang humawak ng kompanya madali ka na lang nila patatalsikin. " Sabi nito napakunot ang noo ko. " Hindi ako papayag besty. " Sabi ko dito. " E anong gagawin mo wala ka naman kamaganak na ipapasok nagsosolo ka na lang kaya." Sabi niya. Napaisip ako. " Ikaw na lang kaya besty ang ipasok ko. " Sabi ko sa kanya. " Aaay, naku besty wag mo na akong idamay diyan ayoko na no. Maliban na lang kung maging secretary ako ni Papa Kojima." Malanding sabi nito. Napangiwe ako. " Ang lavndi mo besty. Kadiri ka kaya. " Sabi ko dito. " Kadiri ka diyan. Ewan ko sayo. Ikaw lang kasi besty. Kung ako ang nasa lugar mo naku mata lang ni papa Kojima ang walang latay sa akin. " Sabi nito saka nangarap pa Inis na pinatay ko na ang phone ko. " Bwisit na bakla na yun walang magawa. " Bulong ko saka nagtalukbong ako ng kumot ko. ***** " Hoy, Althea pinapatawag ka ni ma'am. " Sabi ng isang kasamahan ko. Tumayo ako. " Hmm, siguradong lagot siya akala mo kasi kung sino. Pinag oot siya kahapon umuwi parin. " Sabi ng isa. Hindi ko na lang pinansin. "Pinapatawag niyo po daw ako? " Tanong ko sa head namin. Tiningnan ako nito. " Ibalik mo sa mga may ari ang mga papel na nasa lamesa mo sabihin mo review hin nila bago nila ipasa sayo ang mga gawa nila." Sabi nito. Sa akin. Napakunot ang noo ko. "Ngayon lang yata hindi ito nagalit sa akin. Anong nangyari dito? " Tanong ko sa isip ko. Bumalik ako sa lamesa ko. Kinuha ko ang mga papel saka binalik sa kanila ang mga gawa nila. Nagulat sila. Nh matapos ako bumalik na ako sa mesa ko. " Bakit namin gagawin ito e trabaho mo ito diba? Trabaho mo pinapasa mo sa amin. Ang galing mo naman gawin mo yan. " Sabi nila sa akin. Saka nilapag ang mga gawa nila sa mesa ko.Napapikit ako sa inis ko. "Pinag oot ka kahapon hindi ka nagot tapos ngayon ipapagawa mo sa amin ang mga gawain mo." Sabi naman ng isa. Inis na tumayo ako. "Ako ubos na ang pasensiya ko sa inyo ah. Una ang trabaho ko dito taga ayos ng files at tagahatid nito sa mga department ninyo. Hindi taga revise ng gawa ninyo. Pangalawa bakit ako ang ang magaayos at magchecheck ng gawa niyo e trabaho niyo yan hindi ko trabaho dapat bago niyo pinapasa inaayos niyo na. Pangatlo sinusunod ko lang ang utos ng head natin kung may reklamo kayo sa kanya kayo magreklamo hindi sa akin. Kaya pwede ba alis alsin niyo yang mga gawa niyo sa lamesa ko. Kundi malilintikan na talaga kayo sa akin. " Inis na inis na sabi ko sa kanila. " Althea! pumasok ka sa office ko. " Sabi ng head namin ng lumabas ng opisina niya. " Buti nga ang yabang mo kasi. " Sabi ng isa. Inirapan ko ito. Saka pumasok sa opisina ng head namin. " Pinapupunta ka ng president sa office niya. " Sabi nito. Kinabahan ako. " Ngayon na po ba? " Tanong ko dito. " Oo ngayon na. " Sabi uli nito. Lumabas na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD