Chapter 11

1157 Words
"Haays, lagot talaga ako nito. bakit ba kasi hindi ko napigilan ang magtaray." Bulong ko habang naghihintay na huminto ang elevator. Ng huminto ito huminga ako ng malalim bago ako lumabas. Sinalubong ako ng assistant niya. "Miss Althea! Nasa loob po si Sir. pumasok na lang daw po kayo." Sabi nito. Ngingiti sana ako pagpasok para pang pawala ng nervous. Kaso nawala ang ngiti ko ng makita na nakayapos sa kanya ang isang babae. Napakunot ang noo ko. Napalingon sila sa akin. "Sorry, mukhang mali ang pagpunta ko babalik na lang ako." Sabi ko saka tumalikod na ako. Narinig ko na tinawag niya ako. Pero hindi ko siya nilingon. Derederetso ako sa elevator. Nakita ko pa na hinabol niya ako pero sinara ko agad ang elevator. Inis na inis ako. habang pababa ang elevator. "Pinapunta niya lang ako para makita ang kababuyan niya. bwisit talaga siya. Buti na lang ako ang nakakita." Bulong ko na inis na inis. Ilang beses ako pinapupunta ng head nin sa taas pero hindi ako pumunta. Pinuntahan ako ng assistant niya. "Sabihin mo busy ako." Sabi ko sa kanya. Tinawagan niya ako. Pero hindi ko siya sinasagot. Napapatingin na sa akin ang mga kasamahan namin. Nagtataka siguro kung bakit ako pinapatawag sa taas. "Miss Althea mauna na daw po kayong umuwi. Nasa labas po kasi ngayon si sir Kojima may ka meeting sa labas." Sabi ng Assistant niya. Hindi ako umimik lalo lang uminit ang ulo ko. "Ka meeting ang sabihin mo kasama niya lang yung babae niya." Bulong ko Inis na inis na tinapos ko ang mga gawain ko. Gabi na ng matapos ako sa ginagawa ko. Naginat inat ako. Saka nagayos na ako ng sarili ko. bago lumabas na ng opisina namin. Paglabas ko nakita ko ang driver namin na nakatayo sa tabi ng sasakyan namin. Palapit na ako sa sasakyan namin ng may humablot sa akin. Napatili ako sa gulat. Ng makita ko ang dalawang lalake na may hawak sa akin. "Sino ba kayo? Bitiwan niyo ako!!" Sigaw ko habang pinagpapalo ko sila ng bag ko. Nakita ko na palapit sa amin ang driver ko. Napatili ako habang nakahawak sa tenga ko ng barilin ng isa ang driver namin. Napatili uli ako ng makita na tumumba ang dirver ko. "Buhatin mo na nga yan para mabilis." Sabi ng isa binuhat ako ng isa. "Hayop ka bitiwan mo ako." Sabi ko habang nagpipiglas. "Ibaba mo ako hayop ka!!" Sigaw ko habang buhat buhat ako ng isa. Nagulat ako ng tumilapon ang kasama ng lalake na may buhat sa akin. "Put her down or else I will shoot your head." Sabi ng boses ni Kojima. Natigilan ako. Ibinaba ako ng lalake. Pero pagkababa sa akin nakipag agawan ito ng baril kay Kojima. Pumutok ang baril napatili ako sa takot habang nakatakip ako ng tenga ko. nagulat ako ng may yumakap sa akin. Nagpiglas ako. "Hey, It's me." Sabi niya napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Kojima. Nayakap ko siya dahil sa takot ko hindi ko na napigilan ang luha ko.Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. "Ssssh, It's okay ligtas kana." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. Nakita ko na may nagdatingan na mga pulis. Si Kayashi ang nakipag usap sa mga ito. Tungkol sa mga bangkay na nasa paligid. Inalalayan ako ni Kojima pumasok sa sasakyan. Tinawagan nito si Atorny sinabi nito ang nangyari. Nakita ko na may tama sa braso si Kojima. Maya maya dumating na si Atorny. Sumakay na sila ni Kayashi. "Sa bahay na tayo." Sabi niya kay Kayashi. "Hindi sa ospital tayo. Hindi mo ba ipapagamot ang sugat mo?" Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Daplis lang ito. Hindi na kailangan ng doctor." Sabi niya napatanga ako sa kanya. "Anong hindi kailangan ng doctor dugo ng dugo kaya yan kung maliit lang yan hindi ganyan karami ang dugo niyan." Sabi ko na natataranta na naman. Hinawakan niya ang kamay ko. "Ayos lang ako. Wag kang magalala kailangan na natin umuwi para makapagpahinga kana." Sabi niya uli. Napakunot ang noo ko magsasalita pa sana ako uli ng magsalita siya uli. "Magsalita ka pa hahalikan na kita. Hindi mo ba alam kung gaano ako pinagalala ngayon." Sabi niya napatingin ako sa kanya. Napalunok ako. Saka umiwas ng tingin sa kanya. Hindi na ako umimik. Hangang sa makarating kami ng bahay. Nataranta si yaya ng makita ang dugo sa braso ni Kojima. "Yaya kunin mo ang first aid kit." Sabi ko kay yaya. Nagusap sila ng tita niya. Ng aktong aakyat na siya hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin. "Ahhm, Hayaan mo na linisin ko ang sugat mo bilang pasasalamat sa ginawa mo." Sabi ko sa kanya. Tutol pa sana ito pero nagpumilit ako. Tumango na lang ito. Pinaupo ko siya. Pinahubad ko ang damit niya. Hinubad niya ang coat niya saka ang long sleeve niya. Napapalunok ako ng sando na lang ang matira nakita ko ang malaking tattoo niya sa mga braso niya. "Okay ka lang? Kung hindi mo kaya ayos lang ako na lang." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. " Wag kang malikot. " Sabi ko sa kanya saka hinawakan ang braso niya. Saka sinimulan linisin ang sugat niya. Tinahi ko ito. Saka nilagyan ng benda. "Akala ko takot ka sa dugo." Sabi niya sa akin. "Hindi ako sa dugo natakot kanina. Sa putok ng baril at sa mga lalake na yun." Sabi ko sa kanya. Habang nililigpit ang mga ginamit namin. "Saan ka natuto magtahi ng sugat?" Tanong niya sa akin. "Nagaral din kasi ako ng medicine kaso hindi ko pinagpatuloy kasi nalaman ko na hindi yun ang hilog ko." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Saka sinuot na ang long sleeve niya. "Salamat." Sabi niya sa akin. "Hindi, ako ang dapat magpasalamat sayo." Sabi ko sa kanya. "Ayos lang." Sabi niya. May gusto pa sana akong itanong pero hindi ko na tinuloy. Nagpaalam na ako sa kanya. "Hatid na kita sa silid mo." Sabi niya sa akin. Hinatid niya ako sa silid ko. Bunuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko. Ng aktong aalis na siya. Tinawag ko uli siya. "Ahhm, salamat uli." Sabi ko saka sinara na ang pintuan ko. Napahawak ako sa dib dib ko ng maisara ko na ang pintuan. Napangiti ako ng maalala ang sinabi niya sa akin sa sasakyan kanina. Napahawak ako sa pisngi ko pakiramdam ko ang init nito. Kinabukasan maaga pa gising na ako. Pakanta kanta pa ako habang naliligo. Ng makita ko siya sa dining erea binati niya ako. Nginitian ko siya. Napatitih siya sa akin. "What?" Tanong ko sa kanya. Nagalala tuloy ako baka nagkalat ang maskara ko O kaya naman lumampas ang lipstick ko. "Ahh, nothinhg." Sagot niya saka naupo na. Kagaya ng dati magkasabay kaming pumasok. Nagulat ako ng batiin din ako ng guard ng batiin siya nito. Hindi na lang ako umimik. Pasakay na kami sa elevator ng may madatnan kami naghihintay sa kabilang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD