Chapter 17

1491 Words
Umakyat na ako sa taas para magbihis. Papasok na lang ako sa silid ko ng may humawak sa kamay ko. Napatingin ako dito Nagulat ko ng makita si Kojima na seryosong seryoso. "Anong sabi mo mageentertain ka ng suitors mo?" Tanong niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya. "Ano naman kung eentertain ko sila. Wala naman masama dun? Dahil hindi naman tayo totoong magasawa diba.Kaya nga malaya ka sa gusto mong gawin kaya malaya din ako sa nais kong gawin." Inis na sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya. Binawi ko ang kamay ko na hawak niya saka pumasok ako sa silid ko sabay sara ng pintuan. Huminga ako ng malalim ng maisara ko ang pintuan. Inis na inis ako sa kanya. Kinabukasan. Namili na naman ako ng damit ko. pinili ko ang dres ko na kulay red na fit sa katawan ko. kita nanaman ang cleavage ko may raffle ito na pa slide pababa sa gilid ng hita ko. lampas tuhod lang ito. Lumutang ang kaputian ko dito. Pagbaba ko nagulat ako ng makita ko si Kojima sa baba ng hagdan may kausap ito sa CP niya. Lumingon ito sa akin napakunot ito ng tingin ng makita ako. "Kailangan ba talaga ganyan ang suot mo pag pumasok ka?" Tanong niya sa akin. "What's wrong with my clothes? Formal naman ito." Sagot ko sa kanya. " Pero ikaw ang nagsabi na ayaw mong mapapansin ka nila.Sa ayos mo na yan siguradong malalaman nila kung sino ka." Sabi niya. Inis na tiningnan ko. "Bakit dahil ayaw mong malaman nila na ako ang asawa mo? Kaya ba sa pinaka mababa na posisiyon mo ako nilagay." Inis na tanong ko sa kanya. "Don't worry hindi nila malalaman na ako ang asawa mo." Sabi ko saka inis na tinalikuran ko siya. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Derederetso ako sa kotse ko. Nasa loob na ako ng maabutan niya ako. "Althea, magusap tayo." Sabi niya. Tiningnan ko lang siya ng masama saka pinaandar ko na ang kotse ko. Ng makalabas ako ng gate pinahrurot ko ito. sa inis ko. Kumalma lang ako ng makalayo ako. Takaw tingin na naman ako pagpasok ko sa opisina. Marami na namang bulak lak at kung ano ano ang nasa desk ko. Hindi ako umimik nagsimula na akong magtrabaho. Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko ng may dumating na napakaraming bulak lak. Napakunot ang noo ko. Tiningnan ko ang card kong kanino galing. "I'm sorry. Magusap tayo please." Basa ko sa nakasulat sa card. Inis na binalik ko sa bulaklak ang card. "Sorry paki balik na lang kung kanino galing ang bulaklak. Hindi ko kamo matatangap yan. Puno na ng bulaklak dito." Sabi ko sa delivery boy. Kakamot kamot ito na tumingin sa lamesa ko. halos puno na nga ito. Umalis na ito dala ang mga bulaklak. Nagbulungan ang mga kasamahan ko. " Siguro may manliligaw siya na mayaman. Aba ang mamahal ng mga bulak lak na yun no." Sabi ng isa. "Talaga? Pero bakit hindi niya tinanggap?" Tanong ng isa. "Baka, matanda na at may asawa pa." Sabi naman ng isa. uminit lalo ang ulo ko. Sa inis ko tumayo ako at pumunta ng banyo. Para kumalma ako. Naghugas ako ng kamay ko dun. May pumasok na tatlong babae. "Nakita niyo ba yung kasabay ng president kanina?" Tanong ng isa. "Ah yung secretary niya." Sagot naman ng isa. Tumango naman ito. "Sus lagi naman magkasabay yun sa kotse yun ng President lagi nakasakay. Magkasabay sila lagi sa umaga at sa hapon. Usap usapan nga dito na may relasyon sila ng President e. " Sabi ng isa. " Talaga? Kawawa naman yung anak ng may ari ng company nato. Diba yun ang asawa ni Sir Kojima? " Sabi naman ng isa. " Sabi nila bobo naman daw yun kaya nga si Sir Kojima ang pinahawak ng Papa niya ng Company kasi puro pasarap lang daw ang alam nun. Kaya hayan baka nagsawa narin ang asawa niya sa kanya. Ano ba naman ang aasahan sa sunod sa layaw. " Sabi ng isa. " Grabe ka naman. " Sabi naman ng isa. " Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung wala siya kakulangan bakit maghahanap ng iba ang asawa niya." Sabi naman ng isa bago ang mga ito lumabas ng banyo. Naikuyom ko ang kamao ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa upuan ko. Pagdating ng tanghali tumunog ang CP ko hindi ko ito sinagot. Nakisabay ako sa pagpunta sa canteen. Pumila ako para bumili ng pagkain. Ng Kumakain na ako. May mga sumali sa amin sa lamesa namin. May mga nagpadala ng inumin namin. Yung Head daw ng IT department ang nagbigay. Napailing na lang ako. Karamihan sa kasama ko sa lamesa ko lalake mga kakilala ng dalawang kasama ko. kwentuhan sila ng kwentuhan nakikisali ako sa kanila. Kahit papano nagagamay kona ang trabaho ko at nakakasundo ko na sila. Pagbalik ko sa upuan ko. Nilapitan ako ng isa kong kasama. "Althea pinapupunta ka daw ng President sa opisina niya." Sabi ng kasama ko. "Bakit daw?" Tanong ko dito. "Pinakukuha yung files na hinatid mo kahapon." Sabi nito. Nagiisip ako kung ano ang idadahilan ko pero wala akong maisip. Nang tumayo ang isang kasama ko. "Ako na lang ang kukuha Althea tutal pupunta din ako sa office ng Vice may kukunin ako dun dadaanan ko na lang." Sabi ni Albert. Nagpasalamat ako dito. Dahil sa totoo lang ayaw ko talagang pumunta dun. Ayaw ko muna silang makita. "Pagtinanong ka kung bakit ikaw ang pumunta sabihin mo marami kasi akong ginagawa." Sabi ko dito. Tumango ito. Pagbalik nito tinanong ko kung ano ang sinabi.Nagalit daw ang president. Ako daw ang pinapupunta niya. Pero ng sabihin niya daw na marami akong ginagawa nanahimik ito. Gabi na ako umuwi. Sumabay ako aa mga kasamahan ko. Niyaya nila ako na magpunta sa Bar.Pumayag ako dahil gusto ko din uminom. Paglabas namin nakita ko si Kojima na naghihintay sa kotse niya. Nagkatinginan kami. Nilapitan ako ni Kayashi. "Miss Althea, sa kotse kana daw sumakay.Sabi ni Boss." Sabi nito. Napatingin ako kay Kojima. Napakunot ang noo ko ng makita si Haroka na nasa Loob ng kotse. Nakaramdam ako ng inis. "Sabihin mo hindi na may lakad pa kami kamo." Sabi ko saka tumalikod na saka pumunta sa kotse ko. "Wow, bigatin ang chedeng natin ah. Bigay ba yan ng Jowa mo na mayaman yung pumunta na dito?" Tanong ng katabi na si Rose. Inis na tiningnan ko ito. "Bakit sa palagay mo hindi ko kayang bumili nito?" Tanong ko dito. "Eto naman pikon nagtatanong lang naman. Malay ko ba ang liit kaya ng sahod natin no. E yang sasakyan mo mukhang mamahalin no." Sabi naman nito. Hindi na ako umimik. Sumakay na ako. "Uy pasakay naman." Sabi nito. "Dito na ako sasakay. Susunod na lang kami sa inyo." Sabi nito. Tumango naman ang iba. Pagdating namin aa Bar. Nagorder sila ng inumin. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Nagkakasayahan sila. "Haays, Ano ba kasi ang nangyayari sa akin. Bakit ba kasi naapektuhan ako sa kanila." Bulong ko sa isip ko saka tinungga ang alak na nasa baso ko. "Ano ba kasi ang pake ko sa kanila. Kahit araw araw pa silang magkasama. Wala akong pake." Bulong ko uli. Saka tumungga uli ng alak. Hindi ko nalaman na napaparami na ang iniinom ko. Kaya ng maguwian kami. Lasing na ako. "Hoy! Althea kaya mo paba?" Tanong ni Rose sa akin. Tumango ako. Saka ngumiti dito. Nagyaya na sila umuwi. Tumayo na ako. Kaso ng hahakbang na ako. Umikot ang paningin ko. Kaya na out balance ako. Hinawakan ako ng isang kasamahan ko. "Kaya mo paba, Althea?" Tanong ni Albert sa akin. Tumango ako. "Mabuti pa ihatid na kita." Sabi nito. Sasagot na sana ako kaso may nauna ng magsalita. "Ako na ang maghahatid kay miss Althea pare. Mauna na kayo." Sabi nito napatingin ako dito. Nanlumo ako ng makita na si Kayashi ito. " Huh, sino naman ang inaasahan mo na magsusundo sayo dito si Kojima? Takot lang nun malaman ng mga kasamahan mo na ikaw ang tangang asawa niya." Bulong ko sa isip ko saka malungkot na ngumiti. Nagalanganin si Albert na bitawan ako. "Okay lang Albert kilala ko siya. Siya na lang ang maghahatid sa akin." Sabi ko kay Albert.Saka lang ito tumango saka nagpaalam sa akin. " Kaya niyo po bang maglakad miss Althea? " Tanong nito sa akin. " Pwede mo ba akong hinatyin sandali. iidlip lang ako." Sabi ko saka bumalik sa pagkakaupo at pumikit. Dahil sobra akong nahihilo. Hindi ito sumagot. Maya maya nagulat ako ng buhatin ako nito. " Ano ba Kayashi, Sabi ko sandali lang." Sabi ko dito. Pero hindi ito umiimik. Nahihilo talaga ako. Kaya hinayaan ko na lang siya. Naramdaman ko na sinakay niya ako sa kotse. Saka siya umikot sa Manibela. Hinayaan ko na lang siya pakiramdam ko hinihila ako ng antok ko ng maramdaman ang aircon ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD