***ALTHEA POV#***
"Beshey, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Devine sa akin ng makita niya ako sa lamesa ko.
"Nagtatrabaho, bakit?" Tanong ko sa kanya na nagtataka.
"Ano kaba? Dapat naka leave kana ngayon." Sabi uli nito. Napakunot ang noo ko.
"At bakit naman ako magleleave aber?" Tanong ko uli dito.
"Ay naku, nakalimutan mo na ba na ikakasal kana. Dapat busy kana sa paghahanda ng kasal mo." Sabi nito.
"Haays, Hindi po yun totoong kasal no." Inis na sagot ko dito.
" Kahit na ikakasal ka parin kaya dapat nagpapaganda ka ngayon. Hindi yung nagpapaka stress ka diyan sa paggawa ng mga bagong design mo." Sabi nito sa akin.
" Excuse me hindi ko po kailangan magpaganda pa dahil maganda na ako at isa pa hindi po kasal ang magaganap isa po yung kasunduan. Okay? Kaya tigilan mo ako at busy ako ngayon. " Mataray na sabi ko dito. Magsasalita pa sana ito uli pero inunahan ko na.
" Isa pa sasamain kana sa akin. Hayaan mo sila magasikaso nun sila ang may gusto nun kaya sila ang bahala magasikaso nun. " Inis na sabi ko uli dito. tinikom niya ang bibig niya saka tinaas ang kamay niya saka yumuko at umalis na ng opisina ko. Napailing na lang ako.
******
Mabilis na lumipas ang araw. Maaga pa nag ayos na ako ng sarili ko, dahil may usapan kami ni Kojima na magkikita sa opisina ni Atorny. Doon kami magpipirmahan ng pekeng marriage contract.
"Salamat at dumating ka. Akala ko hindi kana darating." Sabi ni Kojima sa akin saka ngumiti ito sa akin. Lumakas ang t***k ng puso ko agad na umiwas ako ng tingin sa kanya.
"May isa akong salita." Sabi ko dito. Saka naupo sa tabi niya. Ngumiti sa akin si Atorny.
"Magumpisa na tayo Tutal nandito na tayong lahat." Sabi ni Atorny. Akala ko kami kami lang. Nagulat ako ng may mga dumating na ibang tao.
Ang isa ang tumayo na Judge at ang apat naman na kasama nito ang mga tumayong mga ninang at ninong namin. Nagtataka man hindi na lang ako umimik. Hindi ko alam na kailangan pa ng mga ganitong mga seremonyas. Akala ko pipirma na lang kami agad. Yun pala kailangan pa namin ng witness at ipakita na kinasal kami sa huwes at isang Judge ang nagkasal sa amin. Napapairap na lang ako habang sumasagot dito kapag tinatanong ako. Nagulat ako ng ilabas ni Kojima ang sing sing at isuot sa akin.
"At talagang bumili pa siya ng pinaka wedding ring namin ha." Bulong ko sa isip ko. Habang sinusuot ko ang isang sing sing sa daliri niya. Wala akong kaimik imik hangang sa matapos ang Seremonyas.
"Congratulation." Sabi nila atorny sa amin. Peke akong ngumiti sa mga ito. Pagtingin ko kay Kojima inirapan ko ito. Napangiti lang ito sa akin.
Pagkatapos namin kumain pa kami sa isang Japanese restaurant. Nakasakay ako sa kotse ni Kojima. Sa kotse ko sana ako sasakay kaso nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at akayin ako nito sa sasakyan niya. Magproprotesta sana ako. Kaso ng makita na nakatingin sa amin ang mga bisita ngumiti na lang ako at humawak sa braso ni Kojima sabay kurot dito. Napatingin ito sa akin. Nginitian ko ito ng napaka tamis. Napailing na lang ito. Gusto kong masuka sa sobrang sweet namin nito sa restaurant. Bago kami naghiwa hiwalay hinatid pa namin sila Atorny at ang iba sa mga sasakyan nila habang magkahawak kamay. Pero ng mawala na ang mga ito sa paningin ko. Agad na humiwalay ako dito.
"Bat hindi mo sinabi na may mga ganun pang ka eke ekan na gagawin?" Sabi ko dito. Napakunot ang noo nito. Saka napaisip. Bago nagsalita.
"Actually hindi ko din alam sinabi na lang sa akin ni Atorny nung nandito na ako." Sabi nito sa akin. Tiningnan ko na lang siya ng masama.
"Ihatid na kita." Sabi niya sa akin at aktong hahawakan niya ako. Agad ko siyang sinita.
"Stop! Hindi mo na kailangan na hawakan ako dahil wala na sila hindi na natin kailangan magpangap at hindi mo narin kailangan na ihatid ako. May sarili akong sasakyan saka kaya kong magdrive pauwi." Mataray na sabi ko sa kanya. Tumaas ang kamay niya sa kilay niya.
"Oka! Sinabi mo e. So pano mauna na ako bukas na lang uli." Sabi nito saka tumalikod na. Hindi na ako umimik.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makasakay na ako sa kotse ko.
"Grtabe, parang totoo na kinasal kayo sa huwes. Biruin mo isang Judge ang nagkasal sa inyo." Sabi ni yaya sa akin.
" Correction yaya hindi totoong Judge yun. Siguradong kinutsaba lang yun ni Kojima para magpangap sa harap ni Atorny." Sabi ko dito. Nanlaki ang mata nito.
" Talaga? Akala ko pa naman totoong Judge yun. Kaya todo galang ako sa kanya yun pala peke siya.." Sabi nito na galit na galit. Natawa ako dito.
Kinabukasan nagising ako sa tawag sa akin ni yaya.
"Yaya, bakit ba ang ingay ingay niyo. Ang aga aga pa nanggigising na kayo wala naman akong pasok ngayon." Maktol ko dito saka kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at tinakip sa mukha ko. Narinig ko na pumasok ito sa silid ko saka kinuha ang unan sa mukha ko.
" Bumangon ka na diyan at nadiyan na ang asawa mo dala ang gamit niya." Sabi nito. Magrereklamo sana ako kaso natigilan ako sa sinabi niya sabay napakunot ang noo ko.
" Pakiulit niyo nga po ang sinabi niyo yaya. Sino ang dumating?" Tanong ko dito.
"Ang asawa mo dumating na dala ang mga gamit niya." Ulit nito sa sinabi niya. Mas lalong nalukot ang mukha ko.
"Asawa ko?" Tanong ko uli parang hindi rumirihistro sa utak ko ang sinabi ni yaya.
"Oo si Kojima at ang yaya niya nasa ibaba dala ang nga gamit nila kaya bumangon kana diyan."
Sabi nito doon lang naging malinaw ang lahat sa akin ng marinig ko ang pangalan ni Kojima.
"Si Kojima nandiyan? Dala ang gamit niya at kasama ang Tita niya?" Tanong ko uli. Tumango ito. Napabangon ako at aktong lalabas na ako ng tawagin ako ni yaya.
"Bakit na naman yaya?" Dismayado na tanong ko dito.
"Hindi ka naman excited na makita ang asawa mo no. Baka gusto mong magbihis ka muna." Sabi nito saka tinuro ang itsura ko. Doon ko lang naalala na naka nighties pa ako. Kaya nagmamadali akong pumunta sa closet at nagderetso sa banyo. Ng matapos magayos ng sarili tumingin ako kay yaya. Nanginhiti ito sa akin.
"Correction yaya hindi ko siya asawa." Mataray na sabi ko dito bago ako tumalikod at lumabas ng silid ko.
"Sabi mo e." Bulong nito sa likod ko. Hindi na ako umimik. Nakita ko si Kojima na nakaupo sa sofa.
Umiinom ng tsaa katabi nito ang Tita niya. Napakunot ang noo ko. Ng makita ako nito tumayo ito at binati ako.
"Kanina maganda ang umaga ko pero ngyon hindi na. Bakit ka nandito?" Mataray na sabi ko dito.
Mgsasalita sana ang Tita nito pero sinamaan ito ng tingin ni Yaya.
"Tinatanong pa ba yun? Of course magasawa tayo. Kaya dapat na magkasama tayo sa iisang bubong. Kaya dinala ko na ang mga gamit ko dito. Pero Okay lang naman kung ayaw mo na dito tayo tumira pwede naman na ikaw ang lumipat sa place ko kung hindi ka komportable na dito tayo titira. " Sabi nito. Napapikit ako. Nawala sa isip ko ang napagusapan namin. Kaya huminga ako ng malalim. Hindi ko napaghandaan ito nawala kasi sa isipan ko ang pagtira nila dito.
" H.... Hindi ayoko nga.. I mean ayokong lumipat sa place mo. Dito na tayo tumira. Hindi ako sanay matulog sa hindi ko silid." Sabi ko sa kanya. Saka sinabihan si Yaya na samahan sila sa magiging silid nila. Ang silid ni Kojima katabi ng silid ko. Sa Tita naman niya pinahatid ko sa guest room.
Sa tabi ng silid ko ang ginawa kong silid niya ang dating silid ng mga magulang ko. Para mabilis lang siya makakalipat sa silid ko kapag biglang bumisita si Atorny.
"Ito ang silid nila Papa at mama. Dito kita nilagay para incase na dumating si Atorny madali ka lang makakalipat sa silid ko." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Nagpaalam na ako sa kanya.
Nakahinga ako ng malalim ng makapasok ako ng silid ko. Pakiramdam ko na sosuffocate ako kapag kaharap ko si Kojima.
"Haays, Ano kaba Althea dapat masanay kana dahil lagi na siyang makikita mo araw araw." Sabi ko sa isip ko. Saka ibinagsak ang likod sa higaan. Saktong kalalapat lang ng likod ko ng marinig mo ang boses niya agad na napabangon ako.
"Speaking of the devil." Bulong ko. Saka bumangon at pumunta sa pintuan.
"Bakit?" Seryosong tanong ko dito. Ngumiti siya bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ilalagay ko lang ang ilang gamit ko sa Closet mo." Sabi niya napakunot ang noo ko sabay tingin sa kanya.
" At bakit? Hindi ba nagkasya sa Closet nila Papa ang mga gamit mo at pati Closet ko gusto mong gamitin?" Mataray na tanong ko sa kanya.
" Naisip ko lang. Baka maisipan ni Atorney na tingnan ang Closet mo kaya mas maganda na siguro na may mga gamit ako dun para hindi siya magisip ng kung ano diba? " Sabi nito sabay kamot sa ulo niya. Huminga ako ng malalim. May punto naman siya kaya kahit ayaw ko binuksan ko ang pintuan ng silid ko at pinapasok ko siya. Tinuro ko ang Closet ko. Pumasok siya dito.
Naupo ako sa gilid ng kama ko. Ng may maalala napatayo ako bigla saka pumasok sa closet. Actong bubuksan nito ang drawer na pinaglalagyan ng mga underwear ko. Nagpanic agad ako.
" Stop! " Sigaw ko. Napalingon siya sa akin.
"A.... A... Anong gagawin mo bakit gusto mong buksan yan? " Nauutal na tanong ko sa kanya.
" Ilalagay ang mga underwear ko? " Sabi niya na nakakunot ang noo. Tumango ako.
" S....Sa kabilang side na lang p... Puno na kasi yan." Sabi ko na hindi parin kumakalma. Tumango siya. Saka nilagay ang underwear niya doon tumalikod na ako saka lihim na napabuga ako ng hangin.
Kinabukasan wala si Kojima umalis daw ito ng maaga. Nais ko sana siyang kausapin tungkol sa opisina. Kaya pumasok na lang ako sa Boutique.
"Oh, kamusta ang bagong kasal?" Tanong ni Devine ng makita niya ako sa opisina ko pagpasok niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pwede ba wag mong sirain ang araw ko." Sabi ko dito.
"Eto naman nangungumusta lang naman sinira na agad ang araw mo." Sabi nito. Inirapan ko siya. Saka binigay sa kanya ang natapos ko ng mga designed.
"Oh, ayan ang harapin mo gusto ko makita ang sample niyan bago matapos ang lingong ito." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa mga papel na binigay ko sa kanya.