Nakita ko na nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin. Agad akong umayos.
"Ikaw na naman! Wag mong sabihin na hangang dito sinusundan mo ako." Pagtataray ko sa kanya. Lalong kumunot ang noo niya.
"Sigurado ka na ako ang sumusunod sayo?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"At sino sa palagay mo ang sumusunod sa ating dalawa, ako? Mangarap ka no. Bat kita susundan?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Ewan ko, bakit nga ba?" Tanong niya na titig na titig sa akin. Nailang ako sa titig niya.
"Ewan ko sayo." Sabi ko saka nagmarcha na paalis. Napailing na lang si Kojima na sinundan ako ng tingin.
"Hoy besty, ang galing mo dun ha. Nakuha mo pang magtaray muntik ka na ngang mahuli no." Sabi ni Devine na tawa ng tawa.
Pumasok na kami sa kotse.
"Ano? Susundan paba natin sila?" Tanong nito sa akin.
"Hindi na uwi na tayo." Sabi ko. Nagpahatid ako sa kanya sa bahay.
"Sinasabi ko na nga ba Yaya. May asawa at pamilya na yang Kojima na yan. Gagawin niya pa akong kabit. Kung makakapit sa kanya yung babae parang linta. Sigurado akong asawa niya yun." Sabi ko kay yaya. Kasalukuyan nasa sala kami.
"Talaga? Naku magiingat ka anak. Ang mga may asawa pa naman na lalake ang galing mambola niyan. Gagawin nila ang lahat makuha ka lang nila. Kaya wag kang paloloko." Sabi ni yaya Belen sa akin. Kaya Napaisip ako.
"Tama ka diyan yaya." Sabi ko sa kanya.
"Ano ang balita?" Tanong ko sa imbistigador ko.
"Ano? Wala ka pang nakukuhang ebedensiya. " Sabi ko. Saka inis na pinatay ang Callphone ko.
"Ang hihina naman ng mga tao na kinuha ko. " Inis na bulong ko.
"Kailangan may gawin ako. Hindi pwedeng hayaan ko ang kompanya ni Papa. Baka kung ano na ang nangyayari dun." Bulong ko.
"Kailangan may makita na akong ebedensiya na magpapatunay na hindi siya karapatdapat na pakasalan ko." Bulong ko.
"Besty! Maupo ka nga. Nahihilo na ako sayo e." Sabi ni Devine sa akin. Kanina pa kami dito sa opisina pero wala parin akong maisip na gagawin.
"Kailangan may gawin ako Best, baka pag hindi pa ako kumilos ngayon bagsak na ang kompanya ng papa ko pag nakuha ko."
Sabi ko dito. Napaisip siya.
"Kung ganun pakasalan mo na nga lang siya talaga." Sabi nito sa akin.
"Yan ang hindi mangyayari Best." Sabi ko dito.
"Kung ganun, ano ang gagawin mo?" Tanong niya sa akin. Ng may maisip ako.
"What? Ay naku best. Hindi ko carry yang iniisip mo na yan ha. Iniisip ko palang lalabas na agad ang puso ko no." Maarteng sabi nito ng sabihin ko sa kanya ang plano ko.
"Sige na besty, Pag ako kasi ang gumawa makikilala niya agad ako mahahalata na sinusundan ko siya. " Sabi ko dito.
"No. Besty. Iba na lang ang ipagawa mo sa akin wag lang yan. Mamatay ako diyan sa nervous .Nakikita ko pa lang ang mga tauhan nun nahihimatay na ako no." Sabi niya sa akin. Tinitigan ko siya nagisip ako ng bagay na pwede kong ihain sa kanya na mapapasunod ko siya. May maya napangiti ako.
"E pano kung sabihin ko sayo na kapag nakakuha ako ng ebedensiya laban sa kanya at nahawakan ko na ang kompanya. Ibibigay ko sayo ang Alvea' s Boutique. Ano deal?" Sabi ko sa kanya. Alam ko na matagal na niyang gustong gusto na magkaroon din ng Isang Boutique. Kaya nga ng kuhanin ko siyang assistant ko sa boutique ko tuwang tuwa siya. Napalingon siya sa akin. Saka tinititigan ako.
"Walang echoes yan?" Tanong niya sa akin. Biglang naging seryoso. Tumango ako.
"Truth na truth?" Tanong niya uli sa akin. Gusto ko ng mapangiti. Pero tumango na lang ako.
"Sige susubukan ko ha. Pero hindi ako nangangako besty ha." Sabi niya sa akin. Napangiti na ako. Saka niyakap ko siya.
Niyakap niya rin ako.
"Hello? Besty ano nasan kana?" Tanong ko dito. Ang usapan namin kailangan niyang sundan si Kojima. Dahil kailangan niyang makakuha ng ebedensiya na magpapakita na masamang tao ito. Para pumayag si Atorny na hindi ako magpakasal sa kanya.
"Nandito ako besty sinusundan si Kojima. Kundi lang kita mahal besty. Hindi ko sasayangin ang beauty ko ng ganito no. "
Sabi nito. Napataas ang kilay ko.
"Kundi mo kamo mahal ang Boutique ko ang sabihin mo loka loka." Sabi ko sa kanya.
"Ganun narin yun.* Sabi nito sabay tawa.
"Pwera biro besty, bakit hindi mo na lang pakasalan si Papa Kojima. Ang yummy niya besty at ang gwapo." Sabi nito na kinkkilig pa. Napakunot ang noo ko.
"Nasan ka ba Best? Tanong ko sa kanya
"Nandito ako best nag gigym no." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"At kailan ka pa natutong mag gym?" Tanong ko uli sa kanya.
"Ngayon lang dahil kay Papa Kojima." Sabi nito. Napangiti ako sa narinig.
*****
"Ano na besty? Ano na ang mga nakalap mong ebedensiya?" Tanong ko kay Devine. Pagkalipas ng dalawang lingo.
"Wala besty." Sagot nito.
"What?" Gulat na sabi ko sa kanya.
"Dalawang lingo mo siyang sinubay bayan . Tapos ang isasagot mo sa akin wala. Anong nangyari sa pagsubaybay mo sa kanya?" Dismayadong sabi ko sa kanya.
"Anong magagawa ko. E wala naman talagang masamang ginagawa si Papa Kojima no. Mabuting tao kaya siya at gwapo pa." Sabi nito na kinilig pa. Inis na tiningnan ko siya. Buong maghapon akong walang nagawa. Sa kakaisip kung ano ang susunod na gagawin ko. Pumalpak na naman ako sa Plano ko.
Kinabukasan tinanghali ako ng pasok dahil sa kakaisip kung anong gagawin ko. Para mahawakan ko na ang kompanya namin.
"Wag ka ng magalit Besty. Pinaimbistigahan ko na siya sa killala kong imbistigador. Magaling yun besty, baka yun may makuha na ebedensiya na magagamit mo laban kay Papa Kojima." Sabi ni Devine sa akin. Napalingon ako sa kanya. Nagkaroon ako ng konting pagasa sa narinig.
Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ng biglang pumasok si Devine sa opisina ko na Kinikilig. Napakunot ang noo ko na tiningnan siya.
"Look who's here?" Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa pintuan. Sakto naman bumubukas ito at pumapasok si Kojima.
Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Anong ginagawa ng lalaking to dito?" Bulong ko sa isip ko.
"Hi!" Bati niya ng makita ako. Tiningnan ko lang siya.
" Why are you here?" Seryosong tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim Saka lumapit sa lamesa ko.
"Because of this person." Sabi nito saka pinakita sa akin ang picture ng lalake na nakasunod sa kanila. Napatingin ako kay Devine. Biglang nagpaalam ito sa akin at lumabas ng opisina.
"I don't know who's that." Pagmamaang maangan ko.
"Really?" Sabi niya. Saka tumingin sa akin at may inilabas uli na larawan.
"How about this person." Sabi niya uli Saka inilabas ang larawan ni Devine. Nagulat ako ng makita yun. Natahimik ako.
" Bakit hindi mo na lang ako pakasalan and then sasabihin ko sayo lahat ng gusto mong malaman tungkol sa akin." Parang wala lang na sabi niya sa akin.
"What? Are you serious?" Gilalas na tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.
"Yes. I'm serious." Sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya ng nakamamatay na tingin. Huminga siya ng malalim.
"Ok, ganito na lang alam ko na pareho lang tayo gustong matapos na ito. What if kung mag kasundo tayong dalawa." Sabi niya uli. Napakunot ang noo ko. Saka inirapan ko siya.
"Ako makikipag kasundo sa kanya. Naver." Bulong ko sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit bwisit na bwisit ako sa kanya wala naman siyang ginagawa sa akin. Basta naiinis ako sa kanya. Tapos.
"Ganito na lang gumawa tayo ng contrata na magsasama lamang tayo sa iisangbahay dahil sa mana at paglipas ng sampong taon ipapawalang bisa na natin ang kasal natin.
Ano payag ka na?" Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik. Wala akong tiwala sa kanya.
"Ayaw mo parin? Bakit ba Ayaw mo magpakasal sa akin. Natatakot ka ba na mainlove sa akin?" Tanong niya saka nakangiti na tinitigan ako.
"No! Of course not." Mabilis na Sagot ko sa kanya.
"Bat naman ako matatakot na mainlove sayo saka hindi naman talaga ako magkakagusto sayo no. Hindi kita type. Baka Ikaw pa nga ang magkagusto sa akin." Mataray na sabi ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko.
"E di patunayan mo. Pumayag kana sa gusto kong mangyari." Sabi nito. Inis na tiningnan ko siya.Tinitigan niya rin ako. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Sige ganito na lang. Maglagay ka din ng mga kondisyon mo. Kahit ano idag dag mo sa contrata." Sabi niya sa akin. Napaisip ako.
"Kahit ano?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya. Saka kinuha ang papel at ballpen.
"Sige sabihin mo isusulat ko." Sabi niya.
Nagisip ako.
"Sige gusyo ko ilagay mo diyan. Walang pwedeng magkagusto sa atin." Sabi ko sa kanya. Natigilan siya.
"Pano Kong mainlove ka sa akin?" Tanong niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya.
"Hindi nga sabi ako magkakagusto sayo. Hindi nga kita type." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"Sabi mo e." Sabi niya Saka sinulat ang sinabi ko sa kanya.
"Walang s****l attached. At bawal karing makipag kita sa mga babae mo." Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Parang unfair naman yun. Wala na ngang s****l attached sa ating dalawa bawal pa ako sa iba." Maktol niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Syempre, hindi naman tayo totoong magasawa no. Saka kung makikipag kita ka sa ibang babae iisipin ng mga makakakita sa inyo na kakilala ko. Pinagtataksilan ako ng asawa ko dahil ang alam nila magasawa tayo." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Tumingin ako sa kanya.
"Sige, pwede narin sa bahay na lang dalahin mo ang babae mo. Tutal wala naman akong pakialam dun. Basta ang mahalaga lang walang makakita sa inyo na kakilala ko. " Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.
"At panghuli gusto ko ako ang hahawak ng kompanya." Sabi niya. Napakunot ang noo niya.
"Ano aangal ka?" Sabi ko sa kanya.
"Hindi. Basta sa Isang kondisyon.Tuturuan mo na kita kung papano ito papatakbuhin at nasa akin ang desisyon kong pwede mo na itong pamahalaan. Sabi ni Atorny wala ka daw alam sa pamamalakad ng kompanya. Kaya kung papayagan kita sa gusto mo baka ibagsak mo lang ang kompanya ni Papa." Sabi niya. Aangal sana ako. Pero may punto siya dun. Wala naman talaga akong alam sa pamamalakad ng kompanya.
"Sige." Sagot ko sa kanya.
"At habang tinuturuan kita. Pansamantalang ako ang hahawak ng kompanya at under kita." Sabi niya uli. Napaisip ako.
"Sige." Sagot ko uli.
"Wala ka ng idadag dag?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Ngumiti siya saka tinupi ang papel at nilagay sa bulsa ng coat niya.
"Babalik ako para sa opisyal na pirmahan natin at para pagusapan narin natin ang magaganap na kasal natin." Sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagpaalam na siya sa akin. Ng makalabas siya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak ako sa dib dib ko. Hindi ako makapaniwala sa naging takbo ng usapan namin.
"Shemay Besty. Ang gwapo talaga ni Papa Kojima." Kinikilig na sabi ni Devine sa tabi ko. Hindi ako nakaimik dahil iniisip ko parin ang pinagusapan namin ni Kojima.
"Besty, kamusta? Anong napagusapan niyong dalawa." Tanong niya sa akin. Sinabi ko sa kanya ang napagkasunduan namin ni Kojima.
"Talaga besty? Pumayag kana na pakasal sa kanya?" Tili nito hindi makapaniwala sa narinig.
"Kasalanan mo ito e. Kung hindi ka kasi palapak hindi ako mapapasubo ng ganito." Sabi ko sa kanya.
"Sorry na besty, Ayaw mo nun ang gwapo kaya ng magiging asawa mo." Sabi nito.
"Correction no. Asawa ko lang siya sa papel, yun lang yun." Sabi ko sa kanya. Sumimangot siya.
"Ganun na din yun besty. Ikakasal parin kayo no." Sabi nito Saka ngumiti sa akin ng nakakaloko. Inirapan ko na lang siya Saka bumalik na sa lamesa ko at tinuloy ang ginagawa ko.
******KOJIMA POV#***
Pagkalabas ko ng opisina ni Althea napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko na napapayag ko siya na pakasal sa akin. Kahit ang totoo may kasunduan kami. Masaya parin ako.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng tauhan ko.
"Saan tayo Master?" Tanong sa akin ni Kayashi. Ang isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan maliban kay Taiko.
"Dalahin niyo ako sa kilalang jewelry store." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"Miss ano ang bago niyong sing sing?" Tanong ko sa staff na sumalubong sa akin.
"Here sir. Kalalabas lang po niyan kahapon. Iilan lang pong design niyan ang inilabas." Sabi ng Sales lady sa akin. Tiningnan ko ang sing sing Isa itong silver na napapalibutan ng maliit na diamond na may Hindi kalakihan na bato sa gitna. Sa tingin ko kasi simple lang ang gusto niya. Kaya sa palagay ko magugustuhan niya ito.
"Sige kukuha ako ng size 6 miss." Sabi ko sa kanya.
"Hindi niyo po ba itatanong ang price sir?" Tanong niya sa akin.
"Hindi na kailangan miss." Sagot ni Kayashi. Tumango Ang babae Saka ngumiti. Gumawa ito ng resibo Saka inabot sa amin ang paper bag na may laman na maliit na box na kulay pula.
"Sa counter na sir." Sabi nito sa amin.
Binayaran ko ito Saka ako lumabas na ng store.
"Yes Atorny. Pumayag na siya. Nais ko na ganapin ang kasal namin sa lalong madaling panahon." Sabi ko kay Atorny Lopez ang Atorny ni Papa.
"Kung ganun ihahanda ko na ang papeles na kailangan para mailipat sayo ang pangalan ng kompanya." Sabi nito. Isa iyun sa hindi ko sinabi kay Althea. Dahil alam ko na hindi siya papayag magpakasal sa akin pag nalaman niya na isa sa pinamana sa akin ni Papa ang kompanya. Ones na makasal kami ililipat na sa pangalan ko ang kompanya.