Chapter 5

2000 Words
"Grabe bago talaga matapos ang lingong ito? Hindi ba bago matapos ang buwan na ito?" Sabi nito. Sinamaan ko uli siya ng tingin. "Sabi ko nga bago matapos ang linggo na ito. Ang ganda talaga ng mga designed mo beshey." Sabi nito na saka ngumiti pa. "Pero beshey, masarap ba ang pakiramdam ng may asawa? " Tanong niti bago umalis. " Baka gusto mong itanong narin kung magkano ang termination fee mo para. Magumpisa ka ng magbalot balot ng gamit mo. " Sabi ko dito. Agad na dinampot nito ang mga papel na nilapag nito uli sa lamesa ko. " Sabi ko nga gagawin ko na ang sample." Sabi niya sa akin. " Pero may tanong lang ako beshy?" Sabi nito sa akin saka huminto uli sa may pintuan. Napatingala ako sa kanya. " Bat ang bilis mo naman maglihi kakasal niyo lang kahapon diba? " Sabi nito. Agad na na dampot ko ang tissue sa tabi ko saka binato sa kanya. Kaso nakatakbo agad ito palabas ng opisina ko habang tawa ng tawa. Inis na inis ako dito. Hindi na ito nanggulo sa akin. Dahil naging busy na ito sa pag gawa ng mga sample ng designs ko. Pagdating ko sa bahay hinanap ko si Kojima. Nais ko siyang kausapin tungkol sa kompanya. Nakita ko siya sa terrace. "Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko dito ng makita ko siya sa terrace na may kausap. Napalingon siya sa akin saka nagpaalam sa kausap niya. sa phone. " May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin. " Itatanong ko lang ang tungkol sa Kompanya?" Tanong ko ditp. "Kanina palang ako dinala ni Atorny sa MI building. Aayusin ko lang ang lahat bago kita isama doon at Ihahanda ko pa ang magiging trabaho mo. " Sabi niya sa akin. Naalala ko na magiging under niya nga pala ako hangat hindi tinuturuan niya ako. Kaya tumango na lang ako sa kanya. Saka nagpaalam na ako sa kanya dahil naiilang ako kapag nasa malapit siya sa akin. Tatalokod na sana ako kaso tinawag niya ako uli. "What?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko na natigilan siya. "Ahhm, nothing." Sabi niya saka naiilang na ngumiti sa akin at ininom ang wine na nasa tabi niya. Napapakunot ang noo ko na umalis. "May sayad pa yata yun." Bulong ko saka dumeretso ako sa silid ko. ***** Paglabas ko ng silid ko kalalabas lang din ni Kojima ng silid niya naririnig namin ang ingay sa ibaba. Kaya nagmamadali kaming bumaba. Nakita ko si yaya at ang tita ni Kojima na nagbabangayan. "Anong nangyayari dito yaya?" Tanong ko sa yaya ko na galit na galit na nakatingin sa tita ni Kojima. "Pano kasi Althea binunot niya yung mga tanim sa hardin pinapalitan niya ng iba. E mga tanim pa yun ng mama mo." Sabi ni yaya. " What? " Sabi ko saka napatingin ako sa hawak ni yaya na tanim ni yaya si mama nga ang nagtanim nun. Hindi ko yun pinagagalaw sa kanila dahil alala yun ni mama. Naiiyak na kinuha ko ang tanim na hawak ni yaya. "Mama! Why did you do that?" Tanong ni Kojima sa tita niya. "Nakita ko kasi pagdating ntin kahapon na kulang sa sigla ang paligid dahil natatakapan ng mga halaman kaya nais ko lang palitan ang mga nakatanim ng halaman na nagdadag ng energy at swerte para ngayon na ikaw na ang hahawak ng kompanya ng papa mo mas lalo pa itong swertehin." Sabi ng tita niya na lalong nagpakulo ng dugo ko. "Matagal na pong tanim ng mama ko yan. Kahit kailan walang minalas dito mas lumago pa ang kompanya namin at isa pa sandaling panahon lang hahawakan ni Kojima ang kompanya dahil sisiguraduhin ko na matutunan ko agad ang ituturo niy sa akin.Saka ako ang magpapatakbo ng kompanya at hindi siya. " Mataray na sabi ko dito. Inis na tumingin ito sa akin. Maysasabihin sana ito sa akin pero pinatigil na ito ni Kojima sa salitang hapon. Saka ito tumingin sa akin. "Ahhm, sorry Althea." Sabi ni Kojima na nasa tabi ko. Inirapan ko ito. " Anong magagawa ng sorry mo sinira na ng tita mo ang mga tanim ng mama ko na matagal kong iningatan dahil alala niya ito. " Inis na sabi ko. Kumamot sa ulo si Kojima. " Ahhm, I'm sorry. Hayaan mo hindi na ito mauulit." Sabi niya. Inirapan ko lang sila saka inis na umalis. Sumunod sa akin si yaya dumeretso ako sa kotse ko. " Aalis ka na ba iha? " Tanong ni yaya tumango ako dito. Masamang masama talaga ang loob ko sa nangyari. Nalulungkot ako dahil yun na lang ang alala ng mama ko sa bahay. Sa tuwing na mimiss ko siya pumupunta ako sa hardin at tinitingnan ko ang mga halaman niya. " Hayaan mo susubukan kong itanim uli ito baka mabuhay pa." Sabi ni Yaya. Malungko'⁹t na ngumiti ako dito saka tiningnan ang mga halaman na hawak niya. Nagdertso ako sa puntod ng mga magulang ko. "Mama, sorry po hindi ko naalagaan ang mga tanim niyo. Mali po yata ako sa naging desisyon ko. Sana hindi ako napadalos dalos. Sorry mama." Bulong ko sa puntod ng mama ko habang naiyak. " Miss na miss ko na kayo ni Papa mama. Bakit niyo po ako iniwang nagiisa. Hindi ko po alam kung saan ako maguumpisa." Bulong ko uli. Iyak ako ng iyak. Ng kumalma ako nagpaalam na ako sa kanila. " Aalis na po ako mama papa. Pangako papa hindi ko po hahayaang bumagsak ang kompanya natin." Bulong ko saka ko hinalikan ang mga larawan nila at umalis na ako. Tuwang tuwa si Devine ng sabihin ko na siya na ang pahahawakin ko sa Boutique dahil papasok ako sa MI building. Pagaaralan ko ang paghawak ng kompanya namin. Kaya nagturuan kami maghapon. Nagulat ako pagdating ko ng makita na nakatanim na ang mga halaman ni mama. Parang walang ano mang nangyari dito. "Pinatanim uli ni Kojima. Tumawag siya ng mga tao na gagawa. Hindi siya umalis hanggat hindi nababalik sa dati ang mga tanim. Saka narinig ko na pinagalitan niya ang tita niya. Hindi ko nga lang naiintindihan kasi salitang hapon." Sabi ni yaya habang papasok kami sa loob ng bahay. Tumango ako. "Kakain ka ba?" Tanong ni yaya sa akin. " Hindi na yaya busog ako kumain na ako kasama si Devine." Sagot ko dito. Nagderetso na ako sa taas. Sakto naman kalalabas lang ng silid niya si Kojima. Nagkasalubong kami. Binati niya ako tiningnan ko lang siya ng makalampas na ako sa kanya saka ako may naalala. " Ahhm, Kojima! " Tawag ko dito lumingon siya sa akin. " S... Salamat sa pagbalik sa tanim ni mama. " Sabi ko dito. Ngumiti ito. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko. " Hindi mo kailangan magpasalamat kasalanan ni tita kung bakit nabunot yun kaya obligasyon kong ibalik yun. Ako ang dapat na humingi ng paumanhin sa maling ginawa ni tita. " Sabi nito. Tumango na lang ako saka nagpaalam na sa kanya. Naging busy kami ng sumunod na mga araw. Halos hindi kami nagkikita ni Kojima. Minsan siya ang maaga umaalis gabi na dumarating minsan naman ako. Kaya pagdating ng byernes ng gabi pagod na pagod ako. Dahil sa launching ng bagong designs ng mga gown na gawa ko. Nagising ako na may gumigising sa akin. " Ano ba yaya mamaya mo na ako gisingin inaantok pa ako. " Sabi ko dito habang nakapikit pa. Pero sige parin ang uga nito sa akin. "Yaya!" Ungol ko uli hindi ko parin dinidilat ang mata ko. "Althea gising!" Sabi nito. Natigilan ako. Parang hindi boses ni yaya ang narinig ko. Kundi boses ni Kojima. "Nanaginip pa yata ako. Pati sa panaginip naririnig ko ang boses ng lalake na yun." Bulong ko sa isip ko. "Hey, Althea wake up!" Sabi uli nito. Hindi nga ako nanaginip boses nga ni Kojima ang naririnig ko. Dinilat ko ang mata ko saka tinanggal ang nakatakip sa mata ko. Nakita ko ang mukha ni Kojima na nasa harap ko. Nakakunot ang noo nito. "Sa wakas nagising ka rin." Sabi nito na nakakunot ang noo. Naitulak ko ito ng maalala ko na nakapantulog pa nga pala ako saka hinila ang kumot ko at tinakip sa katawan ko. Napatingin siya sa akin. Nakita ko na naka short lang ito at wala itong damit na pang itaas. Nagpanic agad ako. "W... Why are you here in my room?" Nagkakandautal na sabi ko dito. Ng aktong lalapit ito sa akin lalo akong nagpanic. "Hey, Calm down. " Sabi niya. Pero imbis na kumalma ako lalo lang akong natataranta. Lalo nat nakikita ko ang mga pandesal niya sa tiyan. " W... Wag kang lalapit kundi sisigaw ako. " Sabi ko. Nataranta siya bigla siyang lumapit sa akin. Kaya natakot ako nagpipiglas ako at aktong sisigaw na ako kinabig niya ako saka tinakpan niya ang bibig ko. Nanlake ang mata ko ng makita na na yakap niya ako habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko at nasa pandesal niya ang mga kamay ko. Nanigas ang buo kong katawan. "Calm down okay? Wala akong gagawing masama sayo. Nandiyan si Atorny hinahanap tayo at paakyat na siya sigurado ngayon dito." Sabi niya doon lang ako natauhan. Aktong itutulak ko siya ng makarinig kami ng katok sa pintuan ko. Sabay kaming napatingin dito. Itinulak ko siya. Saka pinulupot ang kumot sa katawan ko at bumaba sa kama. Binuksan ko ang pintuan. Nanlaki ang mata ni yaya ng makita ang ayos ko. Pareho pa sila napatingin sa likod ko. Kaya napalingon din ako dito. Namula ako ng makita ko sa likod ko si Kojima na hubad baro. Ngumiti si Atorny. "I think hihintayin na lang kita sa ibaba Kojima. May gusto lang akong idiscuss sayo. Pero mukhang mali ang timing ko. Pasensiya na. " Sabi nito at nagpaalama na namula ako ng maisip kung ano ang iniisip nila na ginagawa namin. Kaya sa inis ko pinaghahampas ko si Kojima na iwas ng iwas habang natatawa. " Bakit ka ba nagagalit sa akin. Ikaw itong ang gisingin tapos tamang hinala pa. " Sabi nito sa akin. " Heh! Umalis ka na nga ng makapagbihis na ako." Sabi ko sa kanya. " Hindi ako pwedeng bumalik sa silid ko baka nasa labas lang si Atorny. Dito na lang ako magbibihis." Sabi nito. Kaya kahit ayaw ko wala akong nagawa. Inis na inis ako habang naliligo. Nauna na siya sa akin bumaba. Pagbaba ko nakita ko na naguusap sila ni atorny sa sala. Niyaya ko sila sa dining erea. Naguusap sila habang nagaalmusal kami. " Sabi ni Kojima balak mo daw na magtrabaho sa MI maganda yun kung dalawa kayong hahawak nito matutuwa si Ramon. " Sabi nito. Ngumiti lang ako. " Tuturuan ko muna siya. " Sabi ni Kojima. " So kailan naman siya maguumpisa? " Tanong ni Atorny dito. " Baka next week na may lalakarin pa kasi ako ngayong week na ito kailangan kong pumunta ng US. May aasikasuhin lang ako. " Sabi ni Kojima. Tumango si Atorny. Hindi ako tumutol. " Maganda nga yun maasikaso ko pa ang lunching ng bago kong gown." Sabi ko sa isip ko. May mga pinagusapan pa sila. Kinabukasan umalis si Kojima papuntang US ako naman pumunta ng Palawan ilang araw kami dun. Magkakaroon ako ng photoshoot gamit ang mga bagong designs na mga gown ko. Naging busy ako sa photoshoot ko pagdating namin doon. Nagkaroon narin kami ng maliit na passing show doon. Nagtagal ako doon ng dalawang lingo. paguwi ko kakarating lang din ni Kojima pero umalis din ito papuntang Japan nagiwan lang ito ng massage sa akin sa phone ko. May kailangan lang daw itong gawin doon. Hindi ko na lang pinasin dahil kailangan ko pang asikasuhin ang launching ng gown ko. Naging busy uli ako ng sumunod na lingo dahil sa launching. Nagkaroon ako ng malaking passing show. Tampok ang ibat ibang design ng mga gown ko. Maraming mga kilalang tao ang dumalo sa event ko. Kaya nagkakalat ang mga media sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD