Nasa kalahati na ng Event ng kalabitin ako ni Devine. Napalingon ako dito. Nginuso niya ang pintuan. Nagulat ako ng makita ko si Kojima. Ngumiti ito sa akin. Lumakas ang t***k ng puso ko ng magtama ang paningin namin. Lumapit ito sa akin.
"Hi! Sweetheart, late naba ako?" Sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Kaya agad na kumunot ang noo ko. Magagalit sana ako sa kanya sa ginawa niya kaso nagkislapan ang mga camera sa paligid namin. Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko saka ngumiti dito.
"Bakit nandito ka? Akala ko ba nasa US ka pa?" Tanong ko sa kanya saka ngumiti ng peke sa kanya.
"Ikaw naman sweetheart, makakalimutan ko ba ang importanteng event mo. Asawa mo ako kaya dapat nandito ako." Sabi niya saka ngumiti sa akin at hinapit ako sa bewang. Nagulat uli ako sa ginawa niya.
" Nakakadalawa kana sweetheart. " Bulong ko sa kanya. Saka pilit na ngumiti sa kanya.
" Sumakay ka na lang maraming nakatingin sa atin. Kaya kailangan ipakita natin na sweet tayo." Bulong niya rin sa akin.
" Kailangan ba talaga maging ganito ka kasweet sa akin? " Tanong ko sa kanya.
"Ahhm, sa tingin ko. " Sabi niya. Inis na nagdahilan ako na pupunta ng banyo kasi naiinis na ako. Pakiramdam ko sinasamantala niya ang pagkakataon.
Kaya naiinis ako.
"Bwisit!" Inis na inis na binagsak ko ang bag ko sa sink. Inis na inis ako sa lalaking yun.
"Bwisit talaga ang lalake na yun. Bakit ba kasi nandito yun. Hindi ko naman sinabi na pumunta siya dito ah." Inis na bulong ko. Ang nangyari hirap na hirap tuloy akong kumilos dahil sa pagiging malapit niya sa akin. Sa kotse niya ako sumakay ng matapos ang event. Pagkasakay namin sa sasakyan niya Inis na tiningnan ko siya.
"Sino ba kasing nagsabi sayo na pumunta ka sa event ko?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Hey, ginawa ko lang naman kung ano ang tama ah.Bakit nagagalit ka?" Sabi niya sa akin.
" Talaga lang ah, ang sabihin mo pumunta ka para makaisa ka sa akin. Pero eto ang sasabihin ko sayo pumayag ako ngayon pero sa susunod na gawin mo uli yun ng walang permiso ko makakatikim kana sa akin." Inis na sabi ko dito.
" Okay! Sabi mo e. " Sabi niya saka tinaas pa ang kamay niya. Inis na tiningnan ko siya ng masama.
" Pero binabati kita dahil successful ang naging launching ng mga gown mo. " Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Pasalamat talaga siya dahil doon naging good mood ako.
"Why don't we celebrate? Where do you like to eat? My treat." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Bago pa ako makasagot niliko na niya ang sasakyan sa isang sikat na restaurant.
"just think that this is our first date as a couple." Sabi niya. Namula ang mukha ko.
"Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Panira ng mood." Bulong ko habang tinitingnan siya na umiikot papunta sa lugar ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Huminga na lang ako ng malalim. Sa totoo lang kasi nagugutom narin ako. Hindi ako masyadong nakakain sa party ng event kasi maraming nakipagusap sa akin.
Pagpasok namin sa loob inalalayan niya ako na umupo. Nagpasalamat ako sa kanya. Omorder siya ng pagkain namin.
" Kailan nga pala ako maguumpisa magtrabaho sa MI? " Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Ikaw kailan mo gusto." Sagot niya sa akin.
" Sa lunes, gusto ko ng magumpisa. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. Na tuwa ako sa wakas makakapagtrabaho na ako sa company ni Papa. Malapit ko naring mahawakan ito.
Maaga pa gising na ako excited ako dahil ngayon ako dadalahin ni Kojima sa MI building. Namili ako ng damit ko saka ako nagbihis at nagayos ng sarili. Ng matapos lumabas na ako ng silid ko. Nakita ko siya na naghihintay sa akin sa ibaba. Napagkasunduan namin na isasabay niya ako sa sasakyan niya.
" Talagang ayos lang sayo na magsimula bilang office clerk? " Tanong niya sa akin.
" Ayos lang sa akin. Alam ko na hindi mo ako ilalagay dun kung wala akong matutunan dun." Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin.
" Pero wag mong kalilimutan ang napagusapan natin." Sabi ko sa kanya.
Ayaw kong ipaalam niya na ako ang anak ng may ari ng kompanya at asawa ng Prisedente. Ayaw kong dahil dun mailang sa akin ang mga tao na makakasalamuha ko.
Ng dumating kami hinatid niya ako sa magiging pwesto ko. Binati siya ng mga nakakasalubong namin.
"Miss Chavez, siya ang sinasabi ko sayo. Ikaw na ang bahala sa kanya ingatan mo siya at turuan ng maayos." Sabi niya sa babae na inabutan namin sa opisina na yun. Ngumiti ito ng matamis kay Kojima pagkatapos nitong bumati kay Kojima.
"Siya po ba sir, ako na po ang bahala sa kanya sir makakaasa po kayo na tuturuan ko siya ng maayos." Malambing na sabi nito kay Kojima. Napangiwe ako.
"Hindi ko alam na kailangan palang maging malambing ka sa boss mo." Bulong ko sa isip ko.
"So pano maiwan na kita. Si miss Chavez na ang bahala sayo." Sabi niya sa akin tumango na lang ako sa kanya. Nagpaalam na siya sa babae. Ng tumalikod na si Kojima. Kinikilig na ngumiti ito. Ng mapatingin ito sa akin bigla itong naging seryoso.
"Ahhm. Sabi ni sir turuan daw kita mula umpisa. Kaya halika sumunod ka sa akin." Sabi niya lumabas siya ng opisina niya.
"Eto ang magiging desk mo. Ikaw ang magfifile ng mga papel na manggagaling sa HR department at sa accounting department. Kailangan maisaayos mo ng maige yun." Sabi nito sa akin Tumango ako sa kanya.
"Sa kanya niyo ibibigay ang mga natatapos niyo. Sa akin ka magrereport mula ngayon. Okay?" Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Tiningnan niya muna ako bago siya umalis.
"Sabi ni ma'am ibigay daw namin sayo ang mga natatapos namin." Sabi ng isa saka tiningnan niya ako mula ulo hangang paa.
"Huh, Todo postura kapa talo mo pa si ma'am kung pomorma." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa suot kong damit naka white pants lang naman ako na pinaresan ko ng off shoulder na blouse na kulay yellow at heel na kulay puti.
Hinfi ko na lang siya pinansin. Pagaayos lang naman ang gagawin ko madali lang yun.
"Eto pa. Pagkatapos mong ayusin yan ihatid mo sa HR department." Sabi naman ng isa saka tiningnan din ako sabay irap.
" May mali ba sa akin? Bakit parang mainit ang dugo nila sa akin?" Bulong ko sa isip ko. Hindi na lang ako umimik. Hindi ko akalain na mapapasabak ako madali nga lang ang trabaho ko pero napakarami pala yun. Pagdating ng gabi parang gusto ko ng mainis kay Kojima.
"Sinadya niya ba talaga ito sa akin?" Inis na tanong ko habang inaayos ang sangkatirbang papel.
"Bwisit ka talagang lalake ka. Akala mo siguro mapapasuko mo ako sa ganito. Ako si Althea Laviste hindi basta basta sumusuko. Ipapakita ko sayo na makakaya ko ito."Bulong ko sa isip ko.
Saka pinagpatuloy ang ginagawa ko.