Chapter 13

1045 Words
" Oo nga no. E di ipakita mo sa babae na yun kung sino ka. Go girl, diyan ka magaling diba. Sa pagiging maldita. " Sabi ni Devine sa akin. Napangiti ako. Nagpa spa kami pagkatapos namin dun namili muna kami saka naood kami ng sine. Gabi na kami umuwi. "So pano good luck na lang." Sabi ni Devine sa akin sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako dito. Pagpasok ko sa bahay. Sinalubong ako ni yaya sa gate. " Naku Althea may bisita sila yung Haruko ba yun naku napaka landi masyado. Mukhang gustong gusto naman ng Tita ng asawa mo yung babae ma yun. Hindi naman pala yun kamag anak nila kababata lang pala siya ni Kojima." Sabi ng yaya ko. Uminit na naman ang ulo ko. "Sinusubukan talaga ako ng lalake na ito. Talagang dinala niya pa dito sa bahay ang babae niya." Inis na bulong ko sa isip ko. "Wag kayong magalala yaya akong bahala sa babae na yan. Namumuro na yan sa akin." Sabi ko kay yaya. Napangiti ito. "Sige nga Althea ipakita mo kung ano ka ni Kojima. ng matigil sa kalandian niya yun." Sabi naman ng yaya ko. Nasa pintuan palang ako naririnig ko na ang hagikhik nito. " Nasa kusina sila ni Kojima nagluluto. " Bulong na naman ni yaya sa akin. Lalo lang akong naiinis lalo na ng magtinginan sa akin ang mga katulong ko. Inis na pumasok ako sa silid ko. " Bwisit ka Kojima napaka babaero mo talaga. Porket sinabi ko na pwede mong dalahin ang babae mo dito tinotoo mo naman. " Bulong ko sa isip ko. Saka inis na pumasok ng closet ko. Inis na inis ako. Pumili ako ng damit ko. Napangiti ako ng makita ang mga pinamili namin ni Devine. " Eto ang isuot mo sigurado akong luluwa ang mata ni Papa Kojima sayo. " Sabi pa ni Devine. Saka dinampot ko ang damit na kulay light brown. Spaghetti strap ito na maiksi kapag inangat ko ang kamay ko makikita ang puson ko. Pinarisan ko ito ng maiksing short na kulay black. Saka naglagay ng manipis na lips stick saka face powder. Nang masatisfied sa itsura ko. Nagwisik na ako ng pabango ko. Saka ako lumabas na ng silid ko. "Ay, naku Althea hindi kita nakilala anak. Napaka sexy mo kaya e. Litaw na litaw ang kulay mo sa damit mo." Sabi ni yaya ngumiti ako diro. "Yaya model kaya ako. Kaya natural na sexy ako." Sabi ko dito. "Ay, Oo nga pala nakakalimutan ko." Sabi nito saka tumawa. "Naku siguradong luluwa ang mata ni Kojima sayo. Ewan ko lang kung pansinin pa niya ang babae na yun." Sabi ni yaya sa akin ngumiti ako. Pumasok na kami sa dining erea. Nagtatawana sila ng mapalingon sa akin si Kojima tiningnan ako nito mula ulo hangang paa. Nakita ko na napakunot ang noo ng babae na kausap niya. Nakita ko na nasa upuan ko ito. Naka maiksi din ito ng damit. Kagaya ng nasa office niya. Ngumiti ako dito. "Excuse me upuan ko kasi yan mukhang nakakalimutan ng asawa ko." Sabi ko sa kanya. Doon lang parang natauhan si Kojima. Tumayo ito at pinalipat si Haruko sa upuan na nasa tabi ng tita niya. Saka pinaghila ako ng upuan ko. Naupo ako. Pagtingin ko sa pagkain na nasa hapag. Naalala ko ang sinabi ni yaya kanina. Nagluluto daw ang dalawa. Nakita ko na puro Japanese cousins ang nakahain. "Manang wala po ba kayong niluto na Sinigang o kaya Adobo?" Tanong ko kay manang hindi ito sumagot saka tumingin kay Kojima. "Naku Iha hindi ko na pinagluto si manang kasi sila Kojima at Haruko na ang nagluto." Sabi ng Tita ni Kojima. "Pasensiya na po pero hindi po kasi ako masyadong kumakain ng Japanese food. Ayos lang po yun magpapaluto na lang po ako ng pagkain ko kay manang. Enjoy your food." Sabi ko saka tumayo na. "Yaya tawagin mo na lang ako pag naluto na ang pagkain ko." Sabi ko kay yaya saka lumabas na ako sa dining area. "Anong akala nila kakain ako ng niluto nila na pagkain, mamaya sa kalandian nila kung ano ano na ang nahalo dun no." Inis na sabi ko. Tawa ng tawa si Devine ng tawagan ko ito ng pumasok ako sa silid ko. " Siguradong hindi lang si Haruko ang bwisit na bqisit sayo pati yung magtita. Biruin mo pinaghirapan nila yun lutuin tapos ni tikim hindi mo ginawa. " Sabi nito. " Kasalanan niya gusto niya palang magluto bakit kailangan kasama niya pa ang babae niya no. Kung siya lang ang nagluto baka kumain pa ako. Pero kasama niya ang babae na yun. Yaak wag na no. " Sabi ko. Tawa ng tawa si Devine. " Bumalik na nga ang Althea na saksakan ng arte at spoild brat. " Sabi ni Devine. Hindi ako umimik. Pinadala ko na kay yaya sa silid ko ang pagkain ko. Kinabukasan pag gising ko nagpadala ako ng almusal ko sa terrace. Nagkakape ako ng mapatingin ako sa ibaba. Napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang kausap ng tita ni Kojima. "Hindi pa pala umuuwi ang babae na yan. Dito niya pa talaga pinatulog ha." Bulong ko. Nakaramdam na naman ako ng pagka inis. Sa inis ko na walan ako ng gana kumain. Pumasok ako sa silid ko. Nagpalit ako ng damit ko. Pag ganitong na iinis ako isa lang ang makapagpapakalma sa akin ang pool. Namili ako sa mga Lingeries ko. Napili ko ang kulay dilaw na two piece swimsuit ko. Saka kinuha ang see through na pang ibabaw ko. Sinuot ko ito saka sinuot ang sunglasses ko Saka kinuha ang tuwalya ko at lumabas ng silid ko. Sinalubong ako ni yaya. "Mag swiswimming ka sa pool?" Tanong nito. Tumango ako. "Oo magtatangal lang ako ng init ng ulo ko. Paki kuha na lang ng sun black ko yaya, saka paki kuha po narin ako ng Juice saka slice ng chocolate cake. Paki dala na lang sa pool." Sabi ko dito saka dumeretso na ako sa pool na daanan ko pa ang Tita ni Kojima at si Haruko. Kunyari hindi ko sila nakita. Pagdating ko sa pool hinubad ko ang nakaibabaw na see through. Saka naupo sa tabi ng pool. Dumating si yaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD