Chapter 18

1034 Words
Nagising ako na nasa silid ko na ako. Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Napapikit ako. "O, Gising kana. Uminom ka muna nito." Sabi ni yaya sa akin. " Ano na po ba ang oras yaya? " Tanong ko dito. " 9:30 na ng umaga." Sagot nito. Napabangon ako ng di oras. " Ano? Bakit hindi niyo ko ginising yaya? late na ako." Sabi ko dito. " Si Kojima ang nagsabi na wag kang gisingin hayaan ka daw na magpahinga." Sabi ni yaya. Nakaramdam ako ng inis ng marinig ko ang pangalan niya. Nahiga na lang uli ako. Kasi masakit pa talaga ang ulo ko. Nagpahinga ako maghapon. Tawa ng tawa si Devine. " Bakit ka naman kasi uminom? Aber. Tapos first time mo pang uminom akala mo mauubusan ka pa ng alak kung lumaklak. Kaya ayan ang inabot mo. Pasalamat ka pinasunod ni Kojima si Kayashi sayo kung hindi ewan ko sayo kung ano ang nangyari sayo besty." Sermon nito sa akin. Hind na ako nakipagtalo sa kanya. Kasi masakit pa talaga ang ulo ko. Kinabukasan maaga pa ng umalis ako sa bahay. Sa opisina na ako magaalmusal. Kasi siguradong tambak ang gawain ko. Pagdating ko sa opisina tama nga ako. Ang daming kong trabaho. Kagaya ng dati ang daming bulaklak ang nasa mesa ko.Doon ko na kinain ang pagkain na binili ko sa daan. nakakarami na ako ng dumating si Rose. " Uy! Ang aga mo ah." Sabi nito sa akin. "Kailangan e ang dami ko ng trabaho." Sabi ko sa kanya. Natawa siya. "Alam mo ba na ang daming naghanap sayo kahapon." Sabi nito sa akin. Napatingin ako dito. "Sino naman?" Tanong ko sa kanya. "Sino pa kundi ang may ari ng mga bulaklak na yan." Sabi niya sa akin. Napatirik na lang ang mata ko. Natawa siya. "Alam mo ikaw lang ang binibigyan ng roses and chocolate na hindi masaya. Hindi na lang ako umimik. Naging busy na kami ng sumunod na araw. hindi ko binubuksan ang Phone ko. Ayoko makatangap ng mensahe galing sa kanya. Nagpadala nanaman siya sa akin ng bulaklak pero hindi ko na naman ito tinangap. "Althea dalahin mo daw yung files na galing sa HR department sa taas." Sabi ng kasamahan ko. Ang ginawa ko pinadala ko sa isa naming kasama na papunta din sa taas. Kaso maya maya dumating si James.Pumunta ito sa head namin. "Miss Althea, pinapupunta ka sa office ng President. Hindi daw nakaayos ang mga files na dinala dun hindi niya naiintindihan. Ano ba ang ginawa mo bakit hindi mo inaayos ang trabaho mo." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. Inis na tumayo ako. Alam ko na inayos ko ang mga files kaya imposibleng hindi nakaayos ito. " Sigurduhin niya lang na talagang hindi niya maintindihan ang pinadala ko sa kanya. Bwisit siya " Gigil na gigil ako sa kanya dahil napagalitan ako dahil sa kanya. Pagdating ko sa opisina niya napatingin sa akin si James na nasa labas. Bumati ito sa akin. "Nandiyan ba si Mr. Kojima?" Tanong ko dito. Tumango ito. Yun lang at nagderetso ako sa pintuan. Tinulak ko ang pintuan wala akong tanong tanong. Napakunot ang noo ko ng makita na minamasahe ito ni Haruka. Inis na lumapit aki sa lamesa nito. " Sinasabi ko na nga ba. " Sabi ko sa isip ko. "Bakit bigla bigla ka na lang pumapasok hindi ka man lang kumakatok." Sabi ni Haruko sa akin. Hindi ko ito pinansin. "Wag kang magalaala hindi ko kayo iistorbohin kukunin ko lang ang files na pinadala ko dito." Sabi ko sabay kuha ng mga files na nasa lamesa ni Kojima. Kaso paghawak ko dito hinawakan niya din ang kamay ko. "Lumabas ka muna Haruka. Paki lock ang pintuan at wag kang magpapasok hangat hindi ko sinasabi." Matigas na sabi ni Kojima. Napatingin si Haruka dito. Inis na tiningnan ko si Kojima. Saka pilit na hinihila ko ang kamay ko. "Sige na Haruka." Sabi ni Kojima dito tiningnan ni Haruka ang kamay ni Kojima na nakahawak sa kamay ko. Saka tiningna niya ako at inis na lumabas ito ng pintuan pagkatapos nitong i lock ang pintuan. Saka ko lang nahila ang kamay ko. "Ano bang ginagawa mo?" Inis na Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako. Kaya mas lalo lang akong nainis aktong kukunin ko ang files ng hawakan niya ang braso ko saka hinila ako palapit sa kanya sabay hapit sa akin. Inis na tinulak ko ito. "Ano bang Problema mo Kojima?" Tanong ko uli dito. "Anong problema ko? Ikaw, kasi hindi na kita maintindihan hindi ko na alam kung pano kita iintindihin alam mo ba yun." Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya. "Hindi mo kailangan na intindihin ako." Sabi ko sa kanya. " Kailangan dahil asawa kita. " Sabi niya na lalo lang nagpainit ng ulo ko. " Asawa? Baka nakakalimutan mo na hindi tayo totoong magasawa. Kaya kung nagaalala ka na baka pigilan kita sa mga ginagawa mo. Wag kang magalala. Hindi ko nakakalimutan na kasunduan lang ang lahat ng ito." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng hapitin niya ako at halikan.Nagpiglas ako pero sinandal niya ako sa ding ding. Kinulong niya ang mga kamay ko sa magkabilang gilid. Habol ko ang hangin ng pakawalan niya ang labi ko. Inis na tinulak ko siya. Saka nagmamadali kong binuksan ang pintuan at lumabas. Nagderetso ako sa elevator. Pagpasok ko dun tumulo na ang luha ko. Hindi dahil sa galit dahil may isang bagay akong nalaman sa sarili ko. Umiyak ako ng umiyak. Ng tumunog ang elevator pinunasan ko ang luha ko. Pagdating ko sa opisina bumalik na ako sa upuan ko. Walang imik akong gumawa. Inakala nila na pinagalitan ako ng President. Nagpaalam ako na uuwi ng maaga sa head namin. Sabi ko masama ang pa ang pakiramdam ko. Pinayagan naman ako nito. Nagpahatid lang ako ng hapunan sa silid ko. Ayoko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit. Kinabukasan. Nagpasalamat ako na wala na siya ng magising ako. Pagpasok ko sa opisina binati ako ni Rose. kagaya ng dati marami na namang bulaklak sa lamesa ko. Hindi na siya nagpadala ng bualklak sa akin. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD