iling ako ng iling hindi ko matangap ang nalaman ko. Ng kumalma ako. Tinuloy na ni Atorny ang pagbabasa.
"I, Ramon Laviste III, leave all my property to my children, Althea Laviste and Kojima Laviste. But before I divide my property among them. I have one request they need to make. I want the two of them to get married and be together as husband and wife for ten years. If they can't grant my request. All my property will go to the Saint Luis Foundation and the Maria Lordes Orphanage. Signed Ramon Laviste III."
Basa ni Atorny. Napatayo ako sa Gulat.
"What?" Sigaw ko. Sabay tayo habang nakatingin kay Atorny.
"Is this real?" Tanong ko.Napatingin sa akin si Atorny.
"Yes Iha. Yan ang kagustuhan ng Papa mo bago siya mamatay."
"No, I don't want this conversation anymore. I can't stand what I'm hearing anymore. it's a big joke. I am going home."
Sabi ko . Saka tumingin Kay Kojima na walang kaimik imik sa tabi ko saka inis na tumalikod.
"Ahhh! I hate Papa, Why did he do that?" Sigaw ko ng makarating kami sa bahay. Saka sumalampak sa sofa.
"Iha baka iniisip lang ng Papa mo ang makakabuti sayo." Sabi ni yaya Belen.
"And how could he think that it would be good for me to marry his son. I don't even know that. Another thing is how he thought I could get along with that kojima." Inis na Inis na sabi ko.
"Ang sakit sakit na nga na malaman ko na Hindi nila ako anak. Tapos ipapakasal niya pa ako sa Kojima na yun, na bigla na lang niyang pinakilala sa aking anak niya at gusto niya pang maging asawa ko." Iyak ako ng Iyak sa inis ko.
"Ssssh, Iha isipin mo rin ang Papa mo. Hindi niya gagawin yun kung alam niya na mapapahamak ka sa Kojima na yun. Bakit hindi mo muna kilalanin ang anak niya malay mo mabait naman pala. Saka gwapo naman yung binata na yun." Sabi uli ni yaya Belen sa akin.
"Pano niyo naman na sabi na binata yun. Pano kung may Asawa na pala yun at pagdating ng huli naging kabit lang ako. O kaya baka Yakuza yun pag nagpakasal na kami katayin na lang ako nun para masolo niya ang mana palabasin niya lang na accident ang nangyari sa akin O kaya nawawala ako. Marami kayang nagyayaring ganun." Sabi ko kay yaya Belen. Natahimik ito. Saka nagisip.
"Ay ganun? Ano kaya anak kung paimbistigahan mo muna siya bago ka pumayag. Baka nga Yakuza siya. Hapon pa naman siya." Sabi naman ni yaya Belen. Natigilan ako saka napaisip sa sinabi niya.
"Mama , sana nandito kayo para napigilan niyo si Papa sa ginawa niya. Pano niya naman na isip na ipakasal ako sa anak niya na ngayun ko palang nakita. Gusto niya pang magsama kami nun bilang magasawa. Napaka unfair ni Papa mama. Hindi niya man lang inisip ang feelings ko." Sumbong ko sa puntod ng mama ko. Nandito ako ngayun sa sementeryo naisipan ko puntahan si mama. Saka ako tumingin sa tabi ng lapida ni mama.
"Nagtatampo ako sayo papa. Bakit mo ginawa sa akin yun. Porket ba siya anak niyo kaya parang wala lang na pinamigay mo ako sa kanya. Napaka unfair mo papa.
Pano mo naisip na makakabuti sa akin na makisama sa anak mo. " Bulong ko habang umiiyak ako. Natigil lang ako ng maramdaman na may dumating. Napatingin ako sa likod ko. Nagulat ako ng makita si Kojima may hawak na bulaklak ito. Nabuhay ang inis ko. Masama ko siyang tiningnan saka nagmarcha na umalis sa lugar na yun. Hindi ko kayang tumagal na kasama ko siya sa Lugar. Hindi ko alam kung bakit. Basta naiilang ako sa kanya magmula ng basahin ni Atorny ang nakasulat sa testamento. Nakakaramdam ako ng Inis. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako ni Papa.
"Humanda ka Kojima aalamin ko ang lahat ng baho mo. " Bulong ko. Saka ko pinaandar ang sasakyan ko.
"Nais Kong malaman Ang tungkol sa lalaking yan." Sabi ko sa isang imbistigador na kausap ko.
******KOJIMA POV#*****
"Papa, gustuhin ko man sundin ang nais mo pero mahirap Papa. Mukhang hindi ko siya mapapaamo kagaya ng gusto mo." Sabi ko dito.
"Sorry Papa kailangan ko na pong bumalik ng Japan marami po akong naiwan na gawain doon. Pumunta lang po ako dito upang magpaalam." Sabi ko saka yumuko at nagsindi ng kandila..
"Kojima, hindi na ba magbabago ang isip mo, Iho? Ginawa yun ng Papa mo para matulungan mo si Althea. Alam ng Papa mo na hindi kayang hawakan ni Althea ang negosyo niya at hindi rin pwedeng hatiin ang Share niya sa Kompanya. Pagnagkaganun magkakaroon na ng Chance ang kalaban na pasukin ang kompanya. Kung bubuuhin niya naman ibigay kay Althea, alam niya na hindi kakayanin ni Althea ang mga kalaban niya at baka ito pa ang maging mitsa ng buhay ni Althea." Sabi ni Atorny. Napatingin ako sa kanya. Huminga ito ng malalim.
"May ipapakita ako sayo. Ayaw sana itong ipaalam ni Ramon sayo. Pero sa tingin ko kailangan mo ng malaman ito." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. May kinuha ito sa drawer niya. Na isang brown envelope at binigay sa akin. Napatingin ako dito.
"Ano ito Atorny?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw na lang ang tumingin. Hindi ko alam Kong tama ako sa hinala ko.Nung sabihin ni Ramon ang tungkol sa problema niya sa Kompanya lihim Kong inimbistigahan ang kompanya at ng mamatay si Ramon pina autopsy ko ang bangkay ng Papa mo at yan ang nakita sa bangkay niya. Wala pa akong matibay na ebedensiya na nahahawakan malinis ang pagkakagawa nila. Kaya dun ko lang naintindihan kung bakit gumawa ng ganung kasulatan si Ramon. Dahil maaring manganib din si Althea." Sabi ni Atorny. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Kaya pala nitong huli naming paguusap. Kinukulit niya akong pakasalan ko si Althea. Dahil nakakatangap na pala siya ng mga ganito." Sabi ko. Nagtatagis ang bagang ko.
"Iiwan ko yan sayo kung ano ang plano mo Ikaw na ang bahala maghanap ng ebedensiya. Hindi sila madaling kalaban Kojima." Sabi ni Atorny. Naikuyom ko ang kamao ko.
****
"Yes! I still need to stay here. I have something important to finish here. you take care of the business and the group first. If there is a problem call me. Taiko."
Sabi ko sa kausap ko sa telepono.
"Yes Master!" Sagot nito. Pinatay ko na ang tawag.
"Master! I've been noticing that car following us for a long time." Sabi ng tauhan ko tumingin ako sa side mirror.
Napatiim bagang ako.
"Did they immediately find out what Attorney and I talked about?" Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim. Huminto ang sasakyan ko sa hotel na tinutuluyan namin ni Tita. Huminga ako ng malalim.
"Just let him go as long as they don't do anything bad." Sabi ko. Saka bumaba na ng sasakyan.
"Yes Master!" Sagot nila sa akin.
"Iho. When will we return to Japan? Shall I pack our stuff?" Tanong ni Tita sa akin.
"You go first back to japan. I will be left here. I still have important things to do here Auntie." Seryosong sabi ko dito. Napatingin ito sa akin.
"Don't tell me you're going to marry that spoiled brat girl?" Sabi ni Tita.
"Yes! If I needed to marry her. I do." Sabi ko. Natigilan si Tita.
"But, Why? You said you don't need your Papa's wealth. So why do you need to marry that girl? You will only have trouble with him." Sabi nito sa akin.
"Because of Papa. I need to know the truth about his death. I can only do that if I can control the company and in order to control the company I have to marry Althea" Sabi ko dito. Napatanga ito.
"Someone killed Papa. I don't know who he is and what his reason for killing Papa is. If I don't touch the company. Attorney said he had a hunch it is about the business. Because before papa died, Papa said that he saw an anomaly in the company and since then dad has been receiving death threats." Sabi ko kay Tita.
"That's why he wants you to marry his adopted son to protect her." Sabi ni Tita. Hindi ako umimik. Natahimik siya.
"Master, we found out who ordered to track you." Sabi ng tauhan niya. Napatingin siya dito.
"Who?" Tanong ko dito. Habang nakakunot ang noo.
"Your sister." Sagot nito. Napaisip ako.
"What are we going to do Master?" Tanong uli nito sa akin.
"Just let him." Sabi ko sa kanya. Napatanga siya.
"Yes Master!" May maya sagot niya. Saka nagpaalam na sa akin. Tumingin ako sa labas. Huminga ako ng malalim. Nasa tabi ako ng salamin na ding ding ng room na kinuha ko. Kita ang labas dito. Kinuha ko ang Cellphone ko at may tinawagan.
****ALTHEA POV#*****
"Bakit kasi hindi ka na lang magpakasal sa kanya?" Tanong ni Devine ang baklang Designer at kaibigan ko.
"Hello! Ngayun ko lang kaya siya nakilala. Malay ko kung anong klase siyang tao no."
Sabi ko dito.
"Sabi mo anak siya ng Papa mo?" Sabi niya.
Saka nilagyan ng pin ang damit ng manikin na nasa harap namin.
"Oo nga. Pero hindi porket anak siya ng Papa ko mabuti na siyang tao no. Malay ko kung sa mama niya siya nagmana ng ugali. E ang Tita niya nga ang sama ng ugali sigurado ang sama din ng ugali ng mama niya no." Sabi ko dito. Saka tinuloy na ang dinodrawing ko. Napatigil ito sa ginagawa.
"Talaga? Masama ang ugali ng Tita niya?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Ay, ganito na lang Best. Bakit hindi mo subaybayan para malaman mo kung anong klase siyang tao." Sabi nito sa akin.
"Pinaimbistigahan ko na nga siya." Sabi ko dito.
"E Anong sabi ng imbistigador sayo?" Tanong nito sa akin. Napaisip ako. Nakatingin naman siya sa akin.
"Wala pa." Sagot ko. Inis naman na Tiningnan niya ako.
"Akala ko naman may sinabi na sayo. Kung makaisip ka kasi diyan." Sabi niya.
"Naisip ko Kasi Best, Ang bagal ng imbistigador na kinuha ko. Hangang ngayun wala pa siyang balita sa akin e." Sabi ko sa kanya.
"Hay, naku besty humanap kana ng iba." Sabi niya.
Palabas na kami ng opisina ng makita ko si Kojima pasakay ng sasakyan niya may nakapulupot dito na babae. Nagmamadali kong hinila si Devine.
"Uy! Teka kotse ko yan. Hindi mo kotse."
Sabi niya ng sumakay na lang ako sa kotse niya na nakaparada sa harap namin.
"Alam ko, sumakay kana kung ayaw mo na Iwan kita." Sabi ko sa kanya, habang nakatingin sa kotse na nasa harap namin.
"Sino ba kasi yang sinusundan natin?" Tanong nito ng hindi makatiis.
"Sino pa kundi si Kojima." Sagot ko dito.
Kaya napatingin siya sa unahan namin.
"Talaga siya ang nakasakay sa kotse na yan. Infairness mas mahal ang kotse niya sayo besty ha." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Siguro mapera yang kapatid mo na yan." Sabi na naman nito.
"Correction hindi ko siya kapatid no." Sabi ko dito na nakataas ang kilay. Nakita ko na huminto sa Isang restaurant ang kotse nito.
Hininto ko sa isang tabi ang sasakyan ko. Nakita ko na pumasok sila sa Japanese restaurant. Pumasok din kami dun. Hinanap ko sila. Saka umupo kami malapit sa kanila. Kinuha ko ang menu sa lamesa at nagkunwaring tinitingnan ang kabilang lamesa.
"Hmmp...Sabi ko na nga ba na may asawa na siya gagawin niya pa akong kabit. Anong akala niya sa akin papayag na maging kabit. Ano siya Hilo." Bulong ko habang nakatingin sa babae na todo ang kapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit inis na Inis ako.
"Hoy besty! Mapuputol na ang chopstick sayo. Umayos ka nga." Sabi ni Devine sa akin. Saka ako sinipa sa ilalim ng mesa. Saka ko lang napansin na durog durog na ang pagkain na nasa harap ko.
Ng makita ko na tumayo na ang mga ito. Tumayo narin ako naglabas ako ng pera sa wallet ko. Saka nagmamadali na sinundan sila. Kaso palabas palang ako ng restaurant ng may mabanga ako. Magtataray sana ako
Kaso natigilan ako ng makita ko na siya ang nabungo ko sa pintuan.