"What!!" Gulat na tanong ko sa kausap ko. nabitawan ko ang gown na susuutin ko sa photoshoot na gagawin ko ngayon. Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"I need to go back to the Philippines." Sabi ko sa mga kasama ko.
"Pero Althea kailangan na nating tapusin ito. Ikaw na ang susunod na rarampa." Sabi ng bakla na make up artist ko.
"I need to go." Sabi ko lang. Saka kinuha na ang bag ko at tumalikod na. Hindi ko na sila nilingon pa.
"Hello? I need to go to the Philippines now." Sabi ko sa kausap ko. Saka pumasok na sa sasakyan. Pagdating ko sa airport dere deretso lang ako sa private plane namin. Nakita ko na nandun na ang mga bagahe ko. Nandun narin ang yaya ko.
Umakyat na ako saka naupo sa paborito kong lugar.
Pagkaupo ko pinakawalan ko na ang luha ko na pinipigiln ko kanina pa. Nakatangap ako ng tawag galing pilipinas. Bumangga daw ang sinasakyan ng papa ko at wala na itong buhay ng dalahin sa ospital.
Iyak ako ng Iyak habang yakap ako ng Yaya ko. Tahimik lang naman ang ibang tauhan namin na nakatingin sa akin.
" Yaya, kung alam ko lang sinunod ko na sana si papa na wag akong umalis." Sabi ko saka umiyak ng umiyak. Nais ng Papa ko na pamahalaan ko na ang kompanya dahil matanda na daw siya. Pero hindi ako pumayag. Nageenjoy pa ako sa pagmomodel ko at sa boutique ko. Nagalit siya sa akin. Kaya umalis ako na may samaan kami ng loob. Sabi ko babawi na lang ako pag natapos ang shoot ko at pag bumalik ako sa pilipinas. Ganun naman si Papa pag nilambing ko nawawala na ang galit niya sa akin.
" Pano pa ako makakabawi sa kanya wala na siya Yaya." Sabi ko habang umiiyak.
"Ssshh. Tahan na. Kahi hindi ka humingi ng tawad sa Papa mo alam ko na napatawad ka na niya." Sabi ni yaya.
Pagdating ko sa NAIA may naghihintay na nasasakyan sa akin. Hinatid ako nito sa Manila momerial chapel. Kung nasaan naka burol ang papa ko.
Pagbaba ko palang gusto na agad tumulo ng luha ko. Lumapit ako sa kabaong ng Papa ko.
"Papa sorry, alam ko na masama ang loob mo sa akin." Iyak ko Hinahagod naman ng yaya ko ang likod ko. Hindi ko pinapansin ang mga tao sa paligid ko. Iyak lang ako ng Iyak. Pagdating ng gabi may dumating na Dalawang tao. Nakita ko na kinausap sila ni Atorny. Saka hinatid sa tabi ng kabaong ni Papa. Umiyak ng umiyak ang babae.Habang hinihimas ng Kasama niyang lalake sa likod. Hindi ko siya pinansin Iyak lang ako ng iyak. Naupo sila katapat ng kinauupuan ko.
Hangang sa nailibing si Papa hindi ako makausap ng maayos kasi sige lang ang iyak ko. Wala akong kinakausap kundi si Yaya. Hindi umalis ang magina hangang sa ilibing si Papa.
"Althea, Tumawag si Atorny kailangan niya na daw basahin ang last will and testament ng Papa mo." Sabi ni Yaya. Habang ginigising ako. isang lingo na ang nakakaraan mula ng ilibing si Papa. Pero iyak parin ako ng iyak. Wala parin akong kinakausap.
"Althea, Bumangon kana at hihintayin ka daw niya sa bahay niya ngayung tangahali."Sabi ni yaya sa akin. Sabay hablot ng kumot na nakapulupot sa akin.
"Yaya naman eh, ayoko ngang umalis."
Sabi ko sa anya.
"Althea, Magagalit si Papa mo kapag hindi mo parin hinawakan ang kompanya niyo. Wala na ang Papa mo kaya kailangan mong hawakan na yun. Kundi, hindi ka talaga mapapatawad ng Papa mo kapag bumagsak yun ng dahil sayo." Sabi ni Yaya sa akin. Kaya para namang natauhan ako. Bumangon ako at nagderetso sa banyo.
"Paglabas ko nagasikaso ako ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng sunglasses para itago ang pamamaga ng mata ko. Dahil sa kakaiyak.
Pagdating ko sa bahay ni Atorny sinalubong ako ng katulong nila.
"Nasa opisina po sila ni Atorny." Sabi nito. Napakunot ang noo ko.
"Sila bakit dito ba gaganapin ang board meeting?" Tanong ko sa isip ko. Pero sumunod ako sa katulong. Huminto kami sa isang pintuan. Kumatok ito.
"Come in!" Sabi ni Atorny. Kaya pumasok na ako. Nagulat ako ng makita ang dalawang bisita na dumating nung nakaburol ang papa ko. Napakunot ang noo ko.
"Anong ginagawa ng mga ito dito?" Tanong ko sa isip ko. Napalingon sila sa akin.
"maupo ka iha." Sabi ni atorny naupo ako sa isang bakanteng upuan malayo sa dalawa.
"Buti naman dumating din akala ko hindi na naman darating." Bulong ng may edad na babae.
"Ma!" Sita ng lalake na katabi niya. Tiningnan ko sila ng masama.
"Ahhm. First of all I want to introduce you to each other." Sabi ni Atorny. Napatingin ako dito.
"This is Miss Althea Laviste. Miss Althea I would like to introduce you to Kojima Hayashi Laviste and his aunt Koisumi Hayashi." Pakilala ni Atorny sa amin. Napakunot ang noo ko. Tumayo yung Kojima.
"Nice to meet you Miss Laviste." Sabi niya. Sabay lahad ng kamay sa akin.
"Kojima Laviste?" Kaano ano siya ni Papa? Baka malayong kamaganak Naghihintay ng ambon na mana." Bulong ko saka Tiningnan ko ang kamay nung Kojima na nakalahad sa harap ko sabay irap dito.
"Abat.." Sabi ng tita niya na magsasalita sana kaso sinamaan naman ng tingin ni yaya kaya nanahimik uli. Tumikhim si Atorny.
"Much better if Let's get started." Sabi ni
Atorny. Saka binuklat niya ang folder na nasa harap niya. Nagsitahimik kami.
"I am Ramon Laviste III I leave my property to my children." Panimulang basa ni Atorny.
"Wait! Wait, What children? I am the only child of Ramon Laviste III. You know that, Attorney." Sabi ko kay Atorny. Tumingin sa akin si Atorny. Bago huminga ng malalim. Saka may inabot sa akin na sulat.
"Binigay yan sa akin ng Papa mo noong ipagawa niya to sa akin. Kabilin bilinan niya na ibigay ko sayo yan kapag wala na siya." Sabi ni Atorny. Kinakabahan na kinuha ko ang sulat. Saka binuklat ko ang sulat.
"Althea my princess, I know that when you read this I won't be by your side to apologize. Because we can no longer confess everything to you. Princess, we are not your real parents. Your real parents are Roman Agunsilio and Evelyn Agunsilio, our fiduciary at the Hacienda. Your Mama and I have not had children because she has a maternal disability, so we thought of adopting the Agunsilio's child. But I have an only child, Kojima Hayashi. He is in Japan. I can't get him because I don't want to hurt your mom. So I raised him secretly from her. But Althea, we love you very much, my princess. You are the only one our princess. and you are the only child of us and your mom. We love you so much my princess.
Love Your Papa," Basa ko. Habang tuloy tuloy ang tulo ng luha ko. Hinagod ni yaya ang likod ko. Binigyan ako ng tubig ni Atorny.