LYKA'S POV Tumingin ako sa dalawa kong kapatid lalo na sa anak ko. Naisip ko na hindi ito ang oras para magmatigas ako sa tulong niya. Kailangan ko ito ngayon at tatanggapin ko hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. “C—Chef, tatlong araw lang kami sa ‘yo. Maghahanap rin ako ng matutuluyan namin. Pupuntahan ko muna ‘yong nakausap ko nakaraan.” Nahihiya na sabi ko sa kanya. “Okay, hintayin muna natin ang van dahil parating na 'yun para kakargahan ng mga gamit niyo.” Sabi niya sa akin. “Bunso, Yen, kayo na muna ang magbantay kay Lucio. Aayusin ko lang ang mga gamit natin.” “Sige po, ate.” “Pumasok muna kayo sa loob ng kotse para hindi mainit.” utos sa kanila ni Brixon. “Sige po, Sir Chef.” Pumasok sila sa loob ng kotse habang ako ay isa-isa kong inaayos ang mga gamit nam