LYKA'S POV "Guyz, meet our new chef. Miss Alena." Pakilala ni Chef Brixon sa kasama niya. "Hi, guys." Mahinhin na bati niya sa amin. "Sigurado po ba kayo na new Chef siya? Hindi niyo po ba new girlfriend?" Nakangiti na tanong ni Chef Ray sa kanya. "Soon…" malawak ang ngiti ni Chef Brixon. Ako naman ay yumuko na lang sa narinig ko. May kumirot sa puso ko. Ano bang laban ko sa maganda, mahinhin at isang chef na kagaya ni Alena? "Congrats in advance, Chef. Bagay na bagay po talaga kayo." Saad pa ng isa sa mga kasama namin. "Kayo talaga, back to work na. Sana nga sagutin na niya ako para naman may jowa na ako." Dagdag pa nasabi ni Brixon. Ngayon ko lang rin siya ulit narinig na tumawa kaya masasabi ko na masaya siya. Ako ang unang bumalik sa ginagawa ko. Hindi ko siya kayang makita. Ku