LYKA’S POV “Panagutan mo ako,” sabi pa niya sa akin. “Hindi ka buntis para panagutan kita.” Wala sa sariling sagot ko sa kanya. “Pero hinalikan mo ako.” Parang bata na sabi niya sa akin. “Bakit big deal ba sa ‘yo ang kiss?” naiinis na tanong ko. “Oo naman, loyal ako kaya bawal akong halikan lalo na kapag hindi naman ako kayang panagutan.” aniya pa sa akin. “Bakit noong inangkin mo ako? Sinabihan ba kita na panagutan mo ako? Kay Alena ka na lang pumunta,” sabi ko sa kanya at mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa baywang ko. “Ikaw ang nag-umpisa kaya ikaw rin dapat ang tumapos.” “Ang sabi mo sa akin loyal ka. Thank you kiss ko lang ‘yun dahil tinulungan mo ako. Walang ibang kahulugan ‘yon. May boyfriend na rin ako. Pasensya kana,” nakayuko na sabi ko sa kanya. Naging tahimik ito.