LYKA'S POV
“Sir, magagalit ka ba kapag hindi ako pumayag?” Lakas loob na tanong ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong niya rin sa akin.
"Sir, hinahanap na kasi ako ng anak ko. Hindi po talaga ako puwede kaya sana po maunawaan niyo ako." Sagot ko sa kanya.
Kailangan ko siyang iwasan dahil alam ko na walang magandang maidudulot sa akin kung sakaling sasama ako sa kanya. Alam ko naman na wala siyang gagawin sa aking masama. Iniiwasan ko lang talaga na may masabi sa akin ang ibang tao.
"Okay," parang naiinis na sagot niya sa akin.
"Dito na lang po ako, Sir." Sabi ko sa kanya.
"Why?"
"Bibili pa po ako ng ulam namin sa hapunan." Sagot ko sa kanya.
"Sige, ingat ka." Sabi niya sa akin at mabilis na pinaharurot ang motorsiklo niya.
Minsan talaga natatakot na lang ako sa kanya. Kung hindi kasi siya seryoso ay masungit naman siya. Bumili na lang ako ng lechon manok para sa hapunan namin dahil talagang pagod ang katawang lupa ko ngayon. Hindi ko na nga rin kayang mag-online selling. Sobrang dami kasi ng ginawa ko kanina. Plus puyat pa ako. Palagi lang naman akong puyat at wala namang bago doon.
Kaya pagkatapos naming kumain ay natulog na ako agad. Nagising ako na sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin na pumasok dahil sayang ang araw at iinom na lang ako ng gamot. Late na ako sa trabaho at alam ko na magagalit na naman sa akin si Chef.
"Good morning po," bati ko sa kanya.
"You're late." Kalmado lang na sabi niya sa akin.
"Sorry po," sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin sa kanya.
Pinipilit ko ang sarili ko na kumilos ng masigla at normal. Dahil ayaw kong magpatalo sa sakit ko. Pero hindi ko inaasahan na matatapon ko ang isang order ng kare-kare. Mabitawan ko ito dahil biglang kumirot ang ulo ko.
"Ang tanga mo naman, Miss. Gutom na nga kami maghihintay na naman kami." Galit na sabi sa akin ng babaeng customer.
"Sorry po, papalitan ko na lang po." Sabi ko sa kanya.
"Palitan mo talaga kung ayaw mo na ipatanggal kita sa boss mo. Tatanga-tanga kasi!" Sigaw pa niya ulit sa akin.
Kaya nakuha na talaga namin ang atensyon ng mga customer. Biglang lumabas si Chef. Kinausap niya ng maayos ang customer. Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong hinila papasok sa loob ng office niya.
"Ilang kapalpakan pa ba ang gagawin mo bago ka matuto?" Tanong niya sa akin.
"Sorry po," nakayuko na sabi ko sa kanya.
"Iyan na lang ba ang alam mong sabihin. Hindi ko kailangan ang sorry mo ang gusto ko ay gawin mo ang trabaho mo!" Sigaw niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at talagang nakakaramdam na ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyang umikot ang paningin ko.
Nagising ako na nakahiga na ako sa kama. Kaagad akong bumangon dahil naalala ko na may trabaho pa pala ako. Nawalan pala ako ng malay kanina. Lalabas na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Chef.
"Hindi kana sana muna pumasok sa trabaho, sis. Masama pala ang pakiramdam mo. Sabi ni Chef kainin mo daw ito. Mauna na kami sa 'yo." Sabi sa akin ng kasama ko sa trabaho.
"Salamat," saad ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na siya. Humigop naman ako ng mainit na sabaw. At nang maubos ko ito ay lumabas na ako. Pero laking gulat ko dahil gabi na at wala na ang mga kasamahan ko. Pumasok ako sa loob ng kusina at nakita ko si Chef na nagluluto pa rin.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Kaagad naman siyang lumingon sa akin.
"How's your feeling?" Tanong niya sa akin.
"Okay na po ako, salamat po at pasensya na po kayo." Nahihiya na sabi ko sa kanya.
"Bukas 'wag ka ng pumasok. Kapag magaling kana at okay na ang pakiramdam mo ay saka ka pumasok sa trabaho. Pinaka-ayaw ko is binibigyan niyo ako ng doubleng sakit sa ulo." Sabi niya sa akin.
Alam ko naman ang sinasabi niya. Dahil sakit na nga ako sa ulo sa trabaho ko sakit na rin ulit ako sa ulo dahil sa may sakit ako.
"Huwag ka munang umuwi dahil sabay tayo." Sabi niya sa akin.
Hindi na ako nagprotesta at hinintay ko na lang siyang matapos aa niluluto niya. Pagkatapos niya ay kaagad naming ni-lock ang restaurant.
"Pahawak," utos niya sa akin sabay bigay ng tupperware na may laman na ulam.
Dahil hawak ko ng tupperware ay siya na mismo ang naglagay sa ulo ko ng helmet. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil masyado siyang malapit sa akin. Alam ko tapos na niyang i-lock ang helmet pero hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya kaya tumingin ako sa kanya.
"Sakto lang ba? Hindi ba masikip?" Tanong niya sa akin at naamoy ko ang mabango niyang hininga.
Tumango na lang ako dahil iniisip ko na baka bad breath ako. Inalis na niya ang kamay niya at sumampa na siya sa motor niya. Ako naman ay kinakabahan na naman. Tuwing aangkas na lang ako sa kanya ay talagang kabado ako.
Hindi pa nga ako nakaayos ng upo ay bigla na naman niya itong pinaandar. Kaya napa-yakap na naman ako sa kanya. Ewan ko ba pero parang nang-aasar na lang talaga siya. Mabilis lang ang naging biyahe namin. Nakarating na kami agad sa may labasan namin.
"Sa inyo na 'yang ulam." Sabi niya sa akin habang tintanggal ang helmet sa ulo ko.
"Maraming salam—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Literal na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Nang mahimasmasan ako ay wala na siya sa harapan ko. Napahawak na lang ako sa labi ko na nalilito.
"Lyka, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng kapitbahay ko.
"Oo, okay lang ako." Sagot ko sa kanya at mabilis akong naglakad pauwi sa bahay namin.
Simula ng dumating ako sa bahay ay pakiramdam ko lutang ako. Pakiramdam ko nga ay parang mas sumama ang pakiramdam ko. Nakahiga na ako ngayon dito silid ko at mahimbing na rin ang tulog ng anak ko. Samantala ako ito dilat na dilat pa rin ang mga mata. Paano ba naman kasi paulit-ulit kong naalala ang halik sa akin ng boss ko?
"Bakit mo ba ako hinalikan?" Tanong ko na lang sa kawalan.
Iniisip ko tuloy kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya bukas. Bigla sumakit ang batok ko dahil na-stress ako sa halik niya na 'yon. Napa-tanong na lang ako sa sarili ko kung handa na ba akong maghanap ng panibagong trabaho. Dahil kumakaway na talaga ang resignation ko.