Chapter 4

1616 Words
LYKA'S POV Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang nangyari. Marami ang tumatakbo sa isipan ko. Paano kung tanggalin niya ako bigla sa trabaho? Kinuha ko ang phone ko dahil nais kong tanungin si Chef. Nakakahiya man pero nais ko pa ring makasigurado. Mahirap na kapag bigla na lang akong nawalan ng trabaho. Galit nga siya sa pagiging mabagal ko sa pagbangga ko pa kaya sa girlfriend niya. Me: Chef, good evening po. Puwede po ba akong magtanong? Kabado man ay talagang nagtext ako sa kanya. Hinihiling ko na sumagot siya sa akin agad. Chef: Who are you? Nakakaloka dahil hindi pala ako nagpakilala sa kanya. Nagtipa ako ng isasagot ko sa kanya. Me: Si Lyka po ito. Chef: Anong itatanong mo? Me: Okay lang po ba sa inyo na magtanong ako? Chef: Itanong mo na ang dapat mong itanong dahil sinasayang mo ang oras ko. Ang suplado mo talaga. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakasimangot na naman siya. Nakanguso na saad ko habang nakatingin sa screen ng phone ko. Me: Huwag na po pala. Good night po at sorry po sa abala. Galit na yata siya kaya mas mabuti na hindi na ako magtanong sa kanya. Pero bigla na lang ako nataranta dahil bigla na lang siyang tumawag. Literal na lumaki ang mga mata ko. Talaga bang tumatawag siya? Baka guni-guni ko lang o namamalikmata lang ako. Kaya pumikit ako at dumilat ulit. Tumatawag nga talaga siya. Chef: Wala ka bang balak na sagutin ang tawag ko? Chef: Alam ko na gising ka pa. Me: Sorry po, Chef. Kumalabog na naman ng malakas ang dibdib ko dahil tumawag na naman siya. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam......... sampu." Nagbibilang pa ako para lang sagutin ang tawag niya. Pikit mata kong pinindot ang selpon ko. "H—Hello po," nauutal pa na sagot ko sa kanya. "Ang sabi mo may itatanong ka." Kaagad na bungad niya sa akin. "Kasi po..." "Lyka, you're wasting my time." Kahit suplado siya ay bigla naman akong napangiti dahil naalala niya ang name ko. "May trabaho pa po ba ako, Chef?" Lakas loob na tanong ko sa kanya. "Bakit mo naman naisip na wala ka ng trabaho?" Tanong niya rin sa akin. "Kasi po, nagalit ka sa akin kanina. Puro palpak na ako sa trabaho ko tapos nabangga ko pa ang asawa mo. Kaya ramdam ko na galit ka sa akin. Katunayan po ay hindi po ako makatulog sa kakaisip sa 'yo. Baka po kasi tinanggal mo na ako sa trabaho." Hindi ko na talaga mapigilan ang bibig ko dahil dumaldal na talaga ako sa kanya. "Kung talagang gusto mo magtagal sa trabaho ay umayos ka. Sana sa loob ng isang linggo ay matuto kana. Dahil kung hindi ay tatanggalin talaga kita sa trabaho. Ayoko sa tao na sakit ng ulo sa trabaho." aniya sa akin. "Salamat po, Chef. Matulog na po kayo at huwag ng magpuyat. Good night po at see you po bukas." Tuloy-tuloy na bulalas ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Huli ko na marealize ang mga sinabi at ginawa ko. Para tuloy akong bastos dahil bigla ko na lang siyang binabaan ng tawag. Pasaway ka talaga Lyka. Pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil may trabaho pa rin ako. Kahit papaano pala ay may kabaitan rin siya. Pinag-iisipan ko na tuloy ang tungkol sa sinabi niya na tuturuan niya ako. Parang gusto ko na lang tanggapin. Ang alam ko ay mas malaki ang sahod ng mga taga-luto. Umayos na ako ng higa dahil bukas ay maaga pa akong papasok sa trabaho. Me: Sir, payag na po ako na turuan niyo akong magluto. Good night po ulit. Pinadalhan ko siya ng mensahe para alam niya na pumapayag na ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at natulog na ako. Maaga pa ako gumising at sobrang gaan ng pakiramdam ko. Nagluto ako ng pagkain ng mga kapatid ko bago ako umalis. Habang nag-aabang ako ng jeep ay may tumigil na motorsiklo sa harapan ko. "Sumabay ka na sa akin." Kahit hindi niya alisin ang helmet sa ulo niya ay kilalang-kilala ko ang boses niya. "G—Good morning po, 'wag na po. Sige po mauna na ako sa inyo." Paalam ko sa boss ko at mabilis akong sumakay sa jeep. Hindi na ako lumingon pa sa puwesto niya. Ito na naman ako, kinakabahan habang nasa biyahe. Nakakahiya naman kasi kung pumayag ako. Baka may makakita pa sa amin at ma-issue pa ako. Gusto kong magtagal sa trabaho ko. Nang makarating ako ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok na ba ako sa loob ng restaurant. Pero no choice ako dahil nakita na ako ni Chef. Pagpasok ko ay napaka-seryoso ng gwapo niyang mukha. Pero masasabi ko na mas bumagay sa kanya na ganito siya. Nalaman ko sa mga kasamahan ko na hindi daw ganito si Chef noon. Masayahin at palabiro pero noong namatay ang kasintahan niyang si Mary ay nagbago na raw ito. Naging suplado at naging mainitin na ang ulo. "Good morning po," nakangiti na bati ko kay Chef. Wala siyang response at nakatingin lang siya sa akin. Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa locker room. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Tahimik kami pareho ni Chef. Nakaupo siya habang nagkakape at ako naman ay nagma-mop ng sahig. Nakakabingi ang katahimikan pero tiniis ko. Hindi kami close para magkwentuhan na dalawa. Inisang lagok lang niya ang natitirang kape sa tasa niya pagkatapos ay tumayo na siya at naglakad papasok sa kusina. "Lyka!" Tawag niya sa akin kaya mabilis akong pumasok sa loob ng kusina. "Yes po, Chef?" "Let's start your training now." Seryoso na saad niya sa akin. "Okay po," nahihiya na saad ko sa kanya. Tinuruan niya ako kung paano ang iba't-ibang klase ng paghihiwa ng mga sangkap. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya at ginagawa ang inuutos niya. Naiilang ako sa bawat pagdikit ng mga balat namin. Para kasi akong napapaso. "Are you okay?" Biglang tanong niya sa akin. "Opo, okay lang po ako." Hindi ko maiwasan na hindi mapa-lunok dahil kinakabahan ako. "Magrelax ka lang. Dapat kapag nagluluto ka ay confident ka. Para maging masarap rin ang outcome ng ginagawa mo." Bigla siyang nagsalita sa bandang tainga ko na naghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam ko ay sobrang sikip namin dito sa kusina kahit na dalawa lang naman kami. Pero kagaya ng sabi niya ay relax lang ako. Hanggang sa hinayaan na niya ako na ako ang magluto. Nasa likuran ko lang siya at itinuturo niya ang dapat kong gawin. Hanggang sa natapos na ako. Kumuha siya at tinikman niya ito. Nakatingin naman ako sa kanya. Nagthumbs-up siya kaya sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya bigla. "Sorry po, sorry po talaga. Masaya lang po ako, pasensya na po kayo." Hingi ko ng pasensya at mabilis na lumayo sa kanya. Parang balewala lang sa kanya ang ginawa ko. Kumuha siya ng niluto ko at pumasok siya sa opisina niya dito sa restaurant. Ako naman ay kinain ko ang niluto ko. Pagkatapos kong kumain ay naglinis ako dito sa kusina. Masyado akong maaga kaya matagal pa darating ang mga kasamahan ko. Dahil close pa naman kami at wala pa namang gagawin ay umupo mna ako sa isang sulok dahil gusto kong umidlip. Pero nagulat ako dahil pakiramdam ko umangat ako sa iri kaya mabilis kong idinilat ang mga mata ko. Binuhat pala ako ni Chef. "C—Chef," nauutal na tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin pero karga pa rin niya ako papasok sa loob ng opisina niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na ibinaba niya ako sa isang malambot na kama. "Dito ka na muna at matulog ka." Sabi niya sa akin bago niya ako iniwan. Sa tingin ba niya makakatulog pa ako sa lagay na 'to. Caring naman pala siya kahit na seryoso ang mukha niya. Lumabas na lang ako at doon ba lang sa labas tumambay. Minsan nagtatagpo ang mga mata naming dalawa pero ako ang unang umiiwas ng tingin. Para kasi akong hinihigop tuwing nakatingin siya sa akin. Mabilis na lumipas ang mga araw. At biyernes ngayon. Day-off ko bukas pero kinukulit ako ng mga kasamahan ko na gumimik naman daw kami mamayang gabi. "Pasensiya na kayo, hindi ako puwede. May anak na kasi ako," pagtanggi ko sa kanila. "Sayang naman, mas masaya sana kung kumpleto tayo. Sige na, Lyka. Kahit ngayon lang." Pamimilit pa nila sa akin. "Huwag niyo na siyang pilitin." Biglang sumingit si Chef. Kaagad naman silang humingi ng paumanhin kay Chef. Ako naman ang nahihiya dahil sana pinagbigyan ko na lang sila. Nang mag-uwian na ay ako ang huling lumabas. "Sumabay ka na sa akin." Biglang sabi sa akin ni Chef. "Hindi na po," sagot ko sa kanya. "I insist," seryoso ang mukha niya kaya napapayag niya ako. Hindi ko alam kung kakapit ba ako sa kanya. Nahihiya at nag-iiba kasi ang pakiramdam ko. Sobrang naiilang kasi talaga ako. "Hindi ka ba kakapit sa akin?" "Po? Ayy!" Bigla akong napayakap sa kanya dahil bigla na lang niyang pinatakbo ang motorsiklo niya. Akmang tatanggalin ko ang kamay ko ay pinigilan niya ako. Wala akong nagawa kundi ay yumakap na lang sa kanya. Ang bango niya. Kahit buong araw siyang nasa kitchen ay talagang fresh pa rin siya. Sana all na lang talaga ako nito. Gabi na at madilim na ang paligid. "Puwede mo ba akong samahan tonight na uminom? Don't worry ihahatid rin kita agad." Biglang tanong niya sa akin. Papayag ba ako? Pero paano ang anak ko? Pero paano rin kung alisin ako sa trabaho? Papayag na ba ako? O tatanggihan ko siya? Tanong ko bigla sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD