Chapter 6

1449 Words
LYKA’S POV Puyat akong pumasok sa trabaho. Nakakainis dahil talagang pinuyat ako ng halik sa akin ni Chef. Hindi ko rin alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya. Pagdating ko sa restaurant ay hindi pa agad ako pumasok. Panay ang tago ko at sumisilip ako paminsan-minsan. Inaabangan ko kasi si Chef kung dumating na ba siya. “Bakit hindi ka pa pumapasok?” Nagulat ako dahil nasa likuran ko na pala si Chef. Literal na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Napalunok pa ako bago ako humarap sa kanya. “Sorry po,” mahina na saad ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na hahapitin niya ang baywang ko. Kaya napahawak ako sa dibdib niya. “Good morning,” nakangiti na bati niya sa akin at hinalikan na naman niya ako sa labi. Pero tinutulak ko siya dahil baka may makakita sa amin. At higit sa lahat ay hindi niya dapat ito ginagawa sa akin. Mabilis akong pumasok sa loob ng restaurant. “Lyka, sa kitchen kana raw ngayon. Ang sabi pala ni Chef ay doon ka na simula ngayon.” Sabi sa akin ng kasama ko. “Ha? Bakit?” “Diba ikaw ang papalit sa isang chef na aalis?” Sagot niya sa akin. “Aalis na ba talaga si Chef?” “Oo, next week raw eh. Sige na pumasok kana dahil baka mapagalitan kapa pag nagtagal ka pa dito.” Sabi niya sa akin. “Sige,” tanging sabi ko. Kabado ako habang naglalakad papunta sa kitchen. Bakit ba kasi niya ako hinahalikan? Nakadalawa na siya at nakakainis na. Talaga ba, Lyka? Nakakainis ba talaga? Tanong sa akin ng kontrabida kong utak. Pagpasok ko ay naghahanda na sila. Ako naman ay tahimik lang na nanonood sa kanila. Nakatingin lang ako kay Chef na nagluluto. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sobrang gwapo niya sa paningin ko. Napalunok pa ako bigla. “Okay ka lang ba, Lyka?” Biglang tanong sa akin ng isa sa mga chef. “Opo,” sagot ko sa kanya. “Kinakabahan ka yata.” Tanong pa niya sa akin. “Opo,” sagot ko ulit sa kanya. “Kaya mo ‘yan. Nandiyan naman si chef siya ang magtuturo sa ‘yo para matuto ka.” Nakangiti na sabi nila kaya napangiti na lang rin ako dahil ang bait nila sa akin. Pero nagulat kami dahil bigla na lang nagdabog si Chef. Kaya mabilis kong nilinis ang natapon na sauce. Naging tahimik ang paligid at busy na ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Parang normal na lang sa kanila na makita si Chef Brixon na nagdadabog. “Chef,” tawag ko sa kanya. “What?!” Sigaw niya sa akin. Anong bang klaseng lalaki ito? Tinawag lang naninigaw na agad. Ang sungit talaga niya. Pero kung maka-nakaw ng halik sa akin ay akala mo jowa ko. Yumuko na lang ako dahil ayaw ko na lang magtanong. Chef pa nga lang pero galit na. “Hindi ka ba magsasalita?” Tanong niya sa akin. “Galit ka naman. Bakit pa ako magtatanong?” Nanlaki ang mga mata ko dahil naisatinig ko pala ang nasa isipan ko. Narinig ko naman na tumikhim ang ibang mga kasama namin. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko dahil iyong bibig ko talaga bigla na lang sumasagot. “Labas muna kami, Chef.” Paalam nila. Kaya sasama na lang rin ako sa kanila. “At ikaw saan ka pupunta?” Biglang tanong niya kaya lumingon ako sa kanya. “Ako po ba?” Tanong ko sa kanya at itinuro ko pa ang sarili ko. “May iba pa bang sumasagot-sagot sa akin dito?” Suplado na sagot niya sa akin. Lumabas na silang lahat at kami na lang dalawa ng naiwan. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Kabado ako lalo na naglalakad siya papunta sa kinatatayuan ko habang seryoso ang mukha. Kaya natataranta na naman ako. “Anong—” “Tanggalin niyo na po ako sa trabaho. Pakiusap po, tanggalin niyo na ako.” Nakayuko na sabi ko sa kanya. Nataranta na ako kaya ito na lang ang naisip ko na paraan. “I can’t do that,” nakangiti na sagot niya sa akin. At talagang ngumiti pa ang bwisit na lalaki. Medyo naiinis ako sa ngiti niya dahil halatang nang-iinis lang siya. “Kung hindi puwede ay ibalik niyo na lang po ako sa pagiging waitress. Ayaw ko po sa inyo, ibig ko po sabihin ayaw ko po dito sa kusina.” Tuloy-tuloy na bulalas ko. “Hindi puwede, sa ayaw mo man o sa gusto mo. Dito ka lang sa tabi ko naki-usap ka sa akin na kailangan mo itong trabaho kaya wala ka ng choice ngayon.” bulong niya sa tainga ko. “Chef, please po. Sa labas na lang po ako.” “Hindi puwede,” sagot nito. Alam ko na seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin. Wala akong choice kundi sundin siya kahit na naiinis ako at labag sa loob ko. “Lyka, smile ka naman d’yan. Kanina pa nakabusangot ang maganda mong mukha.” Sabi sa akin ni Chef Ray. Pero mas lalo kong pinalungkot ang mukha ko. Mas gusto ko na ipakita sa Chef na ito na hindi ako masaya sa trabaho ko dito. Mas gugustuhin ko pa na maging taga-hugas ng mga plato kaysa ang magluto na kasama siya. Pero bakit nga ba ayaw ko? Tanong ko rin bigla sa sarili ko. Kasi natatakot ka sa kanya. Lalo na hinalikan ka niya. Pero masarap naman siyang humalik diba tapos gwapo pa. Tanong sa akin ng kontrabida kong utak. “Ang cute mo, Lyka.” Bigla na lang akong kinurot ni Chef Ray sa pisngi. “Uyy.. Ikaw Ray ha, manliligaw kana ba kay Lyka? Diba crush mo siya?” Biglang sabi pa ni Chef Tan. Hindi naman sumagot si Chef Ray at tumawa lang ito. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila dahil tuwang-tuwa na sila at talaga nagtatawanan na silang lahat maliban kay Chef Brixon. Hindi rin naman ako nakisali sa kanila. Minsan naiisip ko may saltik rin talaga sila. Nagkatinginan na lang kami ni Chef Bianca dahil mukhang naiinis na rin siya sa ingay ng mga ito. “Hindi pa ba kayo tapos?” Seryoso na tanong ni Chef Brixon sa kanila. “Sorry Chef,” sabay-sabay na sagot nila. Balik trabaho na ang lahat. Kaya naging tahimik na naman ang buong restaurant. Dahil may biglang booking kaya kailangan nilang magluto para sa trenta katao. Laking pasasalamat ko dahil kahit na medyo mabagal ako ay tama naman ang ginagawa ko. Biglang nag-extend ng isang oras ang restaurant kaya gabi na talaga ako makakauwi. Nagpaalam ako na tatawag lang ako sa bahay para alam ng mga kapatid ko na late na ako makakauwi. Alas diyes na ng gabi at ito ako nag-aabang ng masasakyan. Medyo mahirap sumakay dahil maulan. Nakauwi na ang mga kasamahan ko habang ako nandito pa. “Ihahatid na kita,” biglang sabi sa akin ni Chef. “Huwag na po,” sagot ko sa kanya. “Ang tigas talaga ng ulo mo.” Saad niya sa akin at hinila na niya ako papasok sa loob ng kotse niya. “Ang kulit mo rin, sabi ko na ‘wag n—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na naman niya ako sa labi. Sin*psip niya ang ibabang parte ng labi ko. Hindi ako tumugon sa halik niya pero bigla na lang niyang kinagat ang labi ko dahilan para bumuka ang bibig ko. Ginalugad niya at hinuli niya ang dila ko. “Kiss me back,” utos niya sa akin nang tumigil siya. “C–Chef,” nauutal na tawag ko sa kanya. “Please,” saad niya habang mapungay ang mga mata. Hinalik-halikan niya ako na para bang tinutukso. Nagkatitigan kaming dalawa, bigla na lang niyang sinalakay ang labi ko ng isang mapusok na halik. Napa-kapit naman ako sa balikat niya at tinugon ko na ang halik niya. Sinabayan ko ang bawat galaw ng labi niya. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Sobrang lamig sa labas dahil mas lalong lumakas ang buhos ng ulan pero ito ako. Sobrang nang-iinit lalo na pumasok ang kamay niya sa loob ng blouse ko. “Ohhh..” Nahinang halinghing ko dahil bigla niyang minasahe ang isa kung dibdib. “I want you,I want you so bad.” Bulong niya sa tainga ko na nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya. “Dito ba sa loob ng kotse mo?” Wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD