LYKA'S POV
"Sir, sorry po talaga." Nahihiya na sabi ko habang pinupulot ko ang mga parcel na nagkalat sa gitna ng kalsada.
Pero habang nagmamadali ako ay nagulat ako dahil tinutulungan niya akong kunin ang mga parcel ko. Napatigil ako at nakatulala lang sa kanya.
"What are you waiting for?" Suplado na tanong niya sa akin.
"Po?" Tanong ko sa kanya. Dahil nakatulala pa rin pala ako sa kanya. Parang gusto ko kutusan ang sarili ko.
"Ang bagal mo talaga, sumakay kana dahil nakakaabala na tayo sa daan." Sabi niya sa akin kaya mabilis akong naglakad papunta sa kotse niya.
Pinasok niya kasi ang mga gamit ko doon. Kaya wala akong choice kundi ang sumakay sa kotse niya. Medyo nahihiya pa ako dahil sobrang bango at halatang mamahalin ang kotse niya.
"Are you listening?"
"Po?" Nagulat pa ako dahil biglang tumaas ang boses niya.
"Ang sabi ko, saan ka pupunta?" Suplado na tanong niya sa akin.
"Sa jjj express po, ipapadala ko po kasi ang mga parcel." Nahihiya na sagot ko sa kanya.
"Bakit hindi ka nagpatulong sa asawa mo?" Nahihimigan ko ang pagkairita niya habang tinatanong niya ako.
"Wala po akong asawa." Sagot ko sa kanya habang nakatanaw sa labas ng bintana.
"Single mom ka pala. Nasaan ang tatay ng anak mo?" Tanong niya ulit sa akin.
"Hindi ko na po alam kung nasaan." Sagot ko ulit sa kanya.
"Gusto mo bang ipahanap siy—"
"Naku! Huwag po, mas mabuti po na hindi niya alam na may anak kami. Baka kasi masira ko pa ang buhay niya." Putol ko sa ano mang itatanong niya sa akin.
"Siguro kabit ka?" biglang sabi niya na ikigulat ko.
"Puwede po ba na huwag na nating pag-usapan ang bagay na 'yan." Saad ko sa kanya. Nahihiya na ako sa mga tanong niya lalo na ang sinabi niya na kabit ako. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado sa bagay na 'yan.
Ngayon ko lang rin naisip na paano kung kabit ako? Anong gagawin ko? Kaya nga ayoko ng gulo. Papalakihin ko ang anak ko mula sa sarili kong pagsisikap. Kaya nga ayaw ko na may makaalam sa nakaraan ko. Tanging si Amira lang. Pero nasaan na kaya siya? Mula noong umalis kami ay wala na kaming naging komunikasyon na dalawa.
Naging tahimik naman ito hanggang sa makarating kami sa tapat ng jjj express.
"Maraming salamat po, papasok po ako kapag natapos na po ako dito. Pasensya na po kayo kung naabala ko kayo."
Mahihiya na sabi ko sa kanya. Kinalas ko ang seatbelt ko at ibinaba ko isa-isa ang mga plastik bag na dala ko kanina. Sumilip ako sa bintana pero hindi na niya ako sinulyapan. Nang maibaba ko na lahat ay mabilis niyang pinasibad ang kotse niya. Napa-hinga na lang ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng jjj express. Nang matapos ko na ipadala ang lahat ng parcel ay nag-abang na ako ng jeep. Pagdating ko sa restaurant ay wala pa ang iba kong mga kasama. Kami pa lang dalawa ni Chef ang nandito. Masyado rin pala akong maaga.
"Lyka, come here." Tawag niya sa akin.
"May ipag-uutos ka ba, Chef?" Tanong ko sa kanya.
"Pakitikman ito," utos niya sa akin sabay lapit sa bibig ko ang kutsara.
Kaagad ko naman itong tinikman. Bigla akong napangiti dahil ang sarap. Ito ang unang beses na natikman ko ang niluto niya at masasabi ko na sobrang sarap.
"Kumusta?"
"Masarap po," nakangiti na sagot ko sa kanya.
Kumuha siya ulit at tinikman rin niya. Namula ako bigla dahil naisip ko na ginamit rin niya ang kutsara na ginamit ko rin. Hindi ba siya maarte? O maselan? Tanong ko bigla sa sarili ko.
"Kumain na tayo," biglang saad niya sa akin.
"Po?"
"I said, let's eat." Pag-uulit niya na yaya sa akin.
Kaya nakumpirma ko na talaga pa lang niyaya niya talaga ako. Pero dahil nahihiya ako kaya balak ko siyang tanggihan pero...
"Kung binabalak mong tumanggi ay 'wag mo ng tangkain." Saad niya sa akin.
"Pero—"
"Umupo kana dahil lalamig na ang pagkain. Hindi ba tinuro ng mga magulang mo na masama ang tumanggi lalo na sa pagkain." Naiinis na naman na sabi niya sa akin.
Nanahimik na lang ako at umupo sa tapat niya. Sa totoo lang ay naiilang ako sa tingin na pinupukol niya sa akin. Nakakahiya dahil para akong may dumi sa pisngi. Halos hindi ko kayang lunukin ang kinakain ko. Parang bumabara sa lalamunan ko. Panay rin ang iwas ko sa titig niya. Nakakapanghina kasi ng tuhod ang kagwapuhan niya.
"Hindi mo ba gusto ang pagkain? Ang sabi mo kanina ay masarap?" Tanong niya ulit sa akin.
"Masarap po, nahihiya lang po ako sa inyo." Pag-amin ko sa kanya.
Nagulat ako dahil tumayo na ito. Para umalis na pero tumigil ito at lumingon sa akin.
"Ubusin mo 'yan. Siguro naman makakain kana na wala ako sa harapan mo." aniya bago umalis.
Napatingin ako sa plato niya. Marami pa ang pagkain sa plato niya. Nakonsensya pa ako dahil ako pa ang naging dahilan para hindi niya natapos ang pagkain niya. Lakas loob akong tumayo para puntahan siya sa kusina.
"Ahmm... Chef," tawag ko sa kanya.
"May kailangan ka?" Tanong niya sa akin habang naghihiwa ng mga gulay.
"Sorry po at salamat po sa pagkain. Pero sana po ay samahan niyo po ako ulit kumain. Kaunti pa lang kasi ang kinain niyo po." Nahihiya na saad ko sa kanya.
"I'm already full. Bumalik kana doon at kumain kana ulit." Utos niya sa akin.
Hindi na ako nagsalita at bumalik na ako sa labas para ubusin ang nasa plato ko. Binilisan ko ang kilos ko dahil may mga gagawin pa ako. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para hugasan ang plato namin. Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil bigla kong naramdaman ang presensya niya sa likuran ko.
"Paki-hugasan rin ito." aniya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag at ipinagpatuloy ko na ang paghuhugas ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako para maglinis ng mga mesa. Kahit na malinis na ito ay nagpunas pa rin ako. Napangiti ako dahil makintab na ang lahat ng mga mesa.
"Mahilig ka bang magluto?" Biglang tanong sa akin ni Chef na nasa likuran ko na pala. Umabante ako ng kaunti bago ako humarap sa kanya.
"Medyo po, pero hindi po ako gaanong marunong." Sagot ko namana sa kanya.
"Gusto mo ba matuto?" Biglang tanong niya sa akin habang seryoso ang gwapo niyang mukha.
"Gusto ko po, pero—"
"Tuturuan kita kapag may free time ako. May aalis na isang chef kaya kailangan ko ng kapalit. Kung wala kang ginagawa ay agahan mo ang pagpasok para maturuan pa kita." Seryoso na sabi niya sa akin.
"Chef, sigurado po ba kayo. Baka po makaabala ako sa inyo? Mahirap po akong turuan, hindi po ako matalino at minsan ay makakalimutin po ako." Pag-amin ko sa kanya.
"Hindi mo kailangan maging matalino para makapagluto ka. Pero it's up to you kung gusto mo. Sabihan mo ako kapag gusto mo ng matuto."
Pumasok na ulit siya sa loob ng kusina. Sakto naman dumating na ang mga kasamahan ko. Nagbukas na kami at talaga namang maraming tao ang kumakain dito. Sosyal itong restaurant pero hindi naman ganun kamahal ang mga pagkain. Madalas ang kumakain dito ay ang mga empleyado sa mga kumpanya. May mga mayayaman rin.
Buong araw akong naging busy. Nang sumapit ang uwian ay nag-ayos na ako dahil kailangan ko pang mamalengke ng panghapunan namin. Pero habang naglalakad ako palabas sa restaurant ay may nakabangga ako.
"Are you blind? Ang tanga mo naman!" Galit na sigaw sa akin ng babae.
"Sorry po, Ma'am." Hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Cara, what's going on here?" Biglang dumating si chef.
"Baby, itong babaeng ito binangga kasi ako." Sumbong niya kay Chef.
"Nasaktan ka ba, baby?" Tanong ni chef sa babae pero sa akin siya nakatingin.
"Oo, dito oh." Sumbong pa niya sabay turo sa balikat niya.
"Sorry po talaga, Ma'am. Hindi ko po sinasadya." Hingi ko ulit sa kanya ng paumanhin.
"Umalis kana," malamig ang boses na utos sa akin ni Chef.
"Sorry po," saad ko ulit bago ako lumabas sa restaurant.
Alam ko na galit sa akin si Chef. Kitang-kita ko sa mga mata niya lalo na nasaktan ang girlfriend niya o baka nga asawa pa niya 'yon. Ang tanga mo kasi Lyka, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Galit na nga sa 'yo buong araw ang boss mo ay dinagdagan mo pa. Kaya huwag kang magulat kapag bigla kang natanggal sa trabaho. Kausap ko na lang sa sarili ko.