Chapter 2

1308 Words
AFTER TWO YEARS LYKA'S POV Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Natanggap kasi ako bilang isang waitress sa isang restaurant. Inagahan ko ang gising dahil ayoko ma-late sa unang araw ko. Nagluto muna ako ng pagkain ng mga kapatid ko bago ako papasok. "Yen, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala dito." Sabi ko sa kapatid ko. "Opo, ate. Ingat ka sa bago mong trabaho." Nakangiti na sabi sa akin ng kapatid ko. "Sige, tawag ka sa akin kapag may problema. Ikaw na ang bahala sa dalawa, okay?" “Opo, ate.” Lumabas na ako sa bahay na inuupahan namin. Isang sakay mula rito ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Sa jeep na ako nagsuklay at nagtali ng buhok ko. Sa dami ng ginagawa ko ay dapat talaga multi-task na ako. "Para po!" Sigaw ko kay manong driver. Nang makababa ako ay namangha ako sa restaurant dahil halatang pang mayaman. "GRIFFIN'S DINER," basa ko sa nakasulat sa labas ng restaurant. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Mamaya pa ito mag-open at may kalahating oras pa para matuto ako. Hindi man magiging madali pero sisikapin ko na maging maayos ang trabaho ko dito. Nagpakilala sa akin ang mga kasamahan ko. Wala pa daw ang chef at ang may-ari ng restaurant dahil mamaya pa pala ito darating. Tumulong muna ako sa pag-aayos ng mga mesa. At tinuro nila sa akin ang mga dapat kong gawin. Nangangapa pa ako dahil wala naman akong experience sa ganitong klase ng trabaho. Napatigil ako bigla dahil sa taong biglang pumasok sa loob ng restaurant. Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko. Kumurap-kurap pa ako para kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko. At hindi nga ako nagkakamali dahil siya nga. "Ikaw ba ang bagong staff?" Seryoso na tanong niya sa akin. "O—Opo," mahina at kinakabahan na sagot ko sa kanya. "Wala na bang ilalakas ang boses mo. Paano ka maririnig ng mga customers kung ganyan kahina ang boses mo? Kung gusto mo na may trabaho ka pa bukas ay ayusin mo ang sarili mo. And one more thing, ayoko sa mga taong tamad." Parang galit na saad niya bago ako iniwan at pumasok sa loob ng kusina. "Pagpasensyahan mo na 'yan si Chef. Mabait naman siya, may pinagdadaanan lang siya ngayon." Bulong sa akin ng kasama ko. Huminga ako ng malalim at kinumbinsi ko ang sarili ko na okay lang. Na kaya ko ang trabahong ito. Pero hindi pala talaga madali sa buong araw na ito ay hindi ko mabilang kung ilang beses ba niya akong sinigawan. Pero nilunok ko ang lahat ng mga masasakit na sinabi niya dahil kailangan ko itong trabahong ito. Malaki ang sahod kaya talagang gagawin ko ang lahat para tumagal ako dito. At isa pa gusto kong matuto. Malapit na kaming magsara. At ilan na lang kaming naiwan. Nakatuka sa akin ang paglilinis sa sahig. Nilinis ko ng maayos para hindi ako mapagalitan. "Lyk, nauna na kami sa 'yo." Sabi sa akin ni Carla. "Sige, malapit na rin akong matapos dito." Nakangiti na saad ko sa kanya. Ako at si Chef Brixon na lang ang naiwan dito sa loob ng restaurant. Nakaupo ito sa isang table at parang may ginagawa sa laptop niya. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil natatakot ako sa paraan ng tingin niya. Parang galit sa mundo o sa akin lang. Kasi kapag ibang empleyado naman ay mahinahon siya. Sobrang suplado niya na para bang hirap na hirap siyang ngumiti. "Hindi ka pa ba tapos? Bakit ba ang bagal mo?" Naiinis na tanong niya sa akin. "Sorry po, malapit na po akong matapos." Malumanay na sagot ko sa kanya. "Huwag mo ng tapusin at umuwi kana. Don't come back here. You're fired!" Sigaw niya sa akin. "S—Sir, please po 'wag niyo naman po akong tanggalin sa trabaho. Kailangan ko po ang trabahong ito." Parang naiiyak na saad ko sa kanya. "I don't care, ayoko sa mga taong tatanga-tanga. Alam mo ba na dahil sa kapalpakan mo ay magkano rin ang nawala sa akin." Galit na saad niya sa akin. "Sir, ibawas niyo po sa sahod ko. Huwag niyo lang po akong tanggalin. Gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko. Sir, kailangan ko po ito para sa anak ko." Saad ko sa kanya. "May anak ka na?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. "Opo, kaya sana po ay bigyan niyo po ako ng pagkakataon na matuto pa. Pangako po magsisikap po ako. Huwag niyo lang po akong alisin sa trabaho." Hindi ito nagsasalita at naging tahimik na siya. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. Nakayuko lang ako at nakatitig sa mop na hawak ko. Hinihintay ko ang desisyon niya. "I'm giving you one week to learn everything at kapag walang improvement ay tanggal kana sa trabahong ito. Kaya bilisan mo na diyan para makauwi na rin ako." Suplado na saad niya sa akin. "Thank you po talaga, Sir." Nakangiti na sabi ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa akin kaya umiwas na ako ng tingin at hindi na ako ngumiti pa sa kanya. Binilisan ko ang bawat kilos ko hanggang sa natapos na ako. Nagpalit na ako ng uniform ko at kinuha ko na ang mga gamit ko sa locker. "Mauna na po ako sa inyo, Sir." Paalam ko sa kanya. Hindi ito sumagot pero sumenyas naman siya kaya lumabas na ako sa restaurant para mag-abang ng jeep. Sumakay ako at umuwi na. Pagdating ko sa bahay na inuupahan namin ay sinalubong ako ng anak ko. Marunong na siyang maglakad. Ilang buwan na lang rin ay magdadalawang taon na siya. "Behave ba ang baby Lucio ko?" Malambing na tanong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Nilabas ko ang breast milk na naipon ko kanina sa trabaho. Nilagay ko sa freezer para may mainom siya habang wala ako lalo na kapag nasa trabaho ako. Kaninang break time namin ay nagpump ako ng gatas. Nagbihis lang ako ng pambahay pagkatapos ay nagluto na ako ng hapunan namin. Nakakatuwa dahil sakto na bakasyon ng mga kapatid ko sa eskwela kaya sila ang nag-aalaga sa anak ko. Kakabalik lang rin namin dito sa Maynila. Sobrang hirap kasi ng buhay sa probinsya kaya napilitan na akong lumuwas ulit. Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos naman ako ng mga parcel para sa mga buyers ko. Nag-online selling rin ako pandagdag kita. Ang ginagawa ko ay nagpost ako ng mga item o product at saka ko babalutin kapag may mga orders. Tumigil muna ako sa ginagawa ko para patulugin ang anak ko. Habang natutulog siya ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sobrang gwapo ng anak ko. Kahit na anong pagod ko ay siya talaga ang nagiging lakas ko. Maaga man akong naging isang ina ay alam ko na gagawin ko ang lahat para mapalaki ko siya ng maayos. Hindi ko hahayaan na maranasan niya ang mga naranasan kong hirap. Kaya ako nagsusumikap para sa kanya. Para maibigay ko ang mga kailangan niya at ng mga kapatid ko. Sa edad kong bente ay mag-isa na ako at lumalaban ako para sa aming apat. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan. Gusto ko ng kalimutan ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay ko. Nang maging mahimbing na ang tulog ni Lucio ay lumabas na ulit ako para tapusin ang mga binabalot ko. Mahigit alas dose na ako na tapos pero worth it naman. At kagaya ng ginawa ko kahapon ay maaga akong gumising para makadaan pa ako sa drop-off point ng mga parcel ko. At diretso na ako sa trabaho ko. Pero habang patawid na ako ay bigla akong nagulat dahil sa malakas na busina ng sasakyan na papalapit sa akin. Napaupo pa ako sa kalsada sa sobrang kaba ko. "Sorry po—" nanlaki ang mga mata ko dahil ang boss ko pala ang driver ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD