TNW 2

1179 Words
(Alisson) "Wag ka nang magdrama dyan! Ang mahalaga ikaw ang babaeng maging asawa nya balang araw. Ang swerte mo girl!" alo sa akin ng matalik kong kaibigan na si Shiny. "Alam ko, pero hindi ko talaga mapigilan ang magselos ng sobra kay Alaina." puno ng pagdaramdam ang aking boses. "Tama nga ako, nandito ka lang." Sabay kaming napatingin ni Shiny sa nagsasalita na nyon. Ang nakangiting si Ethan ang sumalubong sa paningin naming dalawa. Hindi ko na naman mapigilan hangaan ang kaguapuhan nya kahit pa may tampo ako sa kanya. Kahit gusto kong suklian ang ngiti nya, pero mas pinili ko ang sumimangot. "Aalis muna ako. Mag- usap muna kayong dalawa. " bulong na paalam ni Shiny sa akin. Ayaw ko sanang paalisin ang kaibigan ko pero mas mabilis pa kaysa alas kwatro ang ginawang nyang pag- eskapo. "Hi sweetheart, are you mad?" tanong naman ni Ethan sa akin. Tumabi sya sa pagkakaupo ko dito sa bench. Naramdaman ko na naman ang paggapang ng bultahi ng kuryente sa loob ng aking katawan ngayon magkatabi kaming dalawa, lalo na't halos isang dangkal nalang ang agwat ng pagitan namin. Ang matino kong pag- iisip ay nagsasabing umusad ako ng kunti palayo sa kanya, pero ang hibang kong puso ay sinasabing sasamantalahin ko ang pagkakataon. "Don't get mad, sweetheart." nakangiti nyang sabi. He has a natural flirt eyes, kaya alam kong hindi nya sinasadyang maakit na naman ako sa karisma nya. Pero nakasimangot parin ako. Alam kong marupok ako pagdating sa kanya pero kailangan muna nya akong suyuin ng kunti ngayon. Naiinis talaga ako sa isipin na nakikipagtawanan sya kay Alaina, kahit ipinangako na nya sa akin ang pag- iwas nya dito. "Sabi mo, iiwasan mo na si Alaina. Bakit nakipagtawanan ka pa sa kanya kanina?" may halong pagdaramdam ang boses ko. Masyado talagang transparent ang pagseselos ko at wala akong pakialam. Masyado naman kasi akong vocal sa nadarama ko sa kanya. "May sinabi lang sya sa akin na nakakatawa, but believe it or not, she's nothing to me. Walang saysay ang pagseselos mo ngayon." inakbayan nya ako. Parang may naghahabulan na mga daga sa loob ng dibdib ko sa ginawa nya. Hindi nya ito madalas na ginagawa sa akin pero hindi din ito ang unang beses na ginawa nya ito sa akin. At wala parin pagbabago, para parin tinatambol ang puso ko. Ito talaga ang hatid ni Ethan sa aking buhay. Pinakakabog nya ng sobra ang aking hibang na puso. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung ano ang gusto kong maging balang araw. Pag may nagtatanong sa akin, ang lagi kong sagot ay gusto kong magiging Mrs. Alisson Montalban balang araw. Ganyan ako kahibang kay Ethan. Nakasalalay sa kanya ang pangarap ko. Bawat pintig ng puso ko ay para lang sa kanya. "Maganda si Alaina at natatakot ako na baka maakit ka sa kanya." Hindi ko mapigilan sambit. Binalikwas nya ang braso mula sa akin at hinawakan nya ang isa kong palad, pinagsiklop nya ang aming mga daliri. "Ano ngayon kung maganda sya, kung ikaw naman ang pinakamaganda para sa akin." malambing nyang sabi. Sinabi ko na ba na marupok ako pagdating sa kanya? Kung hindi pa, sasabihin ko na marupok ako dahil ngayon napalis na naman ang nadarama kong tampo sa kanya. Kunting lambing lang nya sa akin ay mahuhulog na naman uli ang puso ko sa kanya. "Really?!" paniniguro ko. Binitawan nya ang kamay ko at hinaplos nya ang isang bahagi ng pisngi ko. "Oo. Walang makahihigit sayo sa paningin ko. Kaya nga, ikaw ang pakakasalan ko balang araw." tumigil sya sa ginagawa. "At saka, alam mo naman na wala parin sa plano ko ang magseryoso sa mga babae. Kung hindi na ako makapagpigil at papatulan ko na si Alaina, hindi ibig sabihin dun na seryoso ako sa kanya." Naging panatag ang loob ko. Hanggang ngayon ako parin ang babaeng gusto nyang pakasalan balang araw, ako parin ang pinakaspecial sa lahat ng babaeng patay na patay sa kanya. "Maniwala ka Alisson, ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at maging ina ng aking mga anak. So, wag ka nang magtampo. Alam mo naman na ayaw kong magtampo ka sa akin." Nanlambot na talaga ang puso ko. Ang makasama si Ethan habang buhay ay ang namayani sa puso't isip ko. "Ok." Ani ko sa mababang tono. "I'm sorry kung nagseselos ako." "It's ok sweetheart." nakangiting sabi nya. "So, are we good now?" Nakangiti akong tumango. "Halika!" Ani nya. Napakunot ang noo ko. Tumayo sya at tumalikod, and he bend his knee a little. "A- Ano ang---" "Mag- piggyback ka sa akin." lumingon sya sa akin sandali. "Ano? Piggyback?" Nakangiti syang tumango. Sandali akong napanganga, saka hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti sa sobrang kilig. - Oh my God! Nasa langit naba ako? Papasanin ako ni Ethan sa likod nya. Ako na yata ang pinakaswerteng babae sa buong school namin, o di naman kaya sa buong mundo. - "Oo. So, halika na!" Walang hiyang- hiya na agad akong sumampa sa likod nya. Mahirap na baka magbago pa ang isip nya. Sobrang kumabog ang aking puso. Lihim kong ipinagdarasal na sana bumagal ang pag- ikot ng oras. Ang sarap kasi sa pakiramdam habang naka- piggyback ako sa lalaking gustong- gusto ko. Si Ethan na talaga ang langit ko. "Hindi kaba nabibigatan sa akin?" Hindi ko mapigilan tanong habang naglalakad sya sa park ng school namin, at naka piggyback ako sa kanya. Baka naman kasi nabigatan sya sa akin. "Of course not, para kalang papel sa bigat mo." sagot nya. Hindi ko napigilan iyakap ang aking braso sa kanyang leeg at ipiling ang aking ulo sa isa nyang balikat. - Ang bango- bango nya. Ang sarap- sarap talaga sa pakiramdam na nakapiggyback ako sa kanya ngayon. - Mas lalo akong kinilig sa isipin na maraming estudyante ang nakatingin sa aming ngayon. Nyon ibang mga babae na may crush sa kanya ay napataas pa ang mga kilay, ang iba naman ay tila kinilig sa nakita. Ito pa kasi ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Ethan Montalban sa isang babae. - - - Sabay kaming napahinto ni Shiny sa paglakad nang bigla kaming hinarangan ni Alaina, kasama ang dalawang kaibigan nya. "Anong kailangan mo?" taas kilay na tanong ko sa kanya. Kung akala nya na natatakot ako sa kanya, pwes, nagkakamali sya, dahil handa kong ipaglaban ng p*****n si Ethan. Ngumisi muna sya bago nagsalita. "If you think na nakalamang kana sa akin dahil sa naka piggyback ka kay Ethan kahapon. Well, hindi." mas lalo syang ngumisi, pati narin ang mga kaibigan nya. "Para sa kaalaman mo, minsan narin akong kinarga ni Ethan. He carried me in a bridal style way." Inirapan pa nya ako bago sya nagmartsa paalis, kasunod ang mga kaibigan nya. Hindi ko mapigilan na sundan sya ng tingin. Naiinis ako sa sinabi nya. Totoo kaya na kinarga ni Ethan si Alaina? "C'mon, pinagseselos kalang nung. Wag kang maniwala." Ani ni Shiny sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. May punto naman kasi si Shiny. Pero, hindi ko talaga maiwasan ang isipin na baka totoo ang sinabi ni Alaina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD