(Alisson)
-
"Your unproclaim boyfriend, may ibang babae na naman kasama." ani ni Shiny sa akin. Kagagaling lang namin magsimba sa San Bartolome Parish Church. Ngayon ay nasa isang coffee shop kami ng G-Mall. Pinakamalaking mall dito sa San Bartolome na pagmamay- ari ng mga Del Fuengo. Kamag- anak ni Ethan sa mother side nya ang mga Del Fuengo.
"Really?" nakangiti parin ako.
May itinuro sya sa akin, napatingin naman ako.
At nakita ko nga si Ethan na hawak kamay ang isang maganda at sopistikadang babae. Kalalabas lang ng mga ito sa gift shop ng mall. Mukhang binilhan ni Ethan ng teddy bear ang kasama nyang babae.
At tama nga si Shiny, ibang babae na naman ang kasama nito. Hindi ito ang babaeng kasama nya nung isang araw. Nakadama ako ng pagseselos pero nakasanayang ko na.
Hinayaan kong mag- enjoy masyado si Ethan sa kabataan nya. After all, lalaki sya at may mga pangangailangan. Balang araw, ako din naman ang pakakasalan nya.
Binawi ko ang aking paningin sa dalawang naglalambingan. Baka magdurugo lang ang aking puso.
Masaya sana ako dahil tumigil na sa panggugulo sa amin si Alaina, dahil sa nangyari sa pamilya nya.
Don't get me wrong! Hindi ako masaya sa nangyari sa pamilya ni Alaina, naawa nga ako sa kanya. Masaya lang ako dahil sumuko na ang pinakakaribal ko.
Pero si Ethan habang tumatagal, mas lalong naging babaero.
Akala ko noon, hindi ako makadama ng pagseselos. Pero nagkamali ako dahil ngayon selos na selos ako.
"Bilib din naman ako sayo, isa ka talaga dakilang martir. Ok lang talaga sayo na iba't- ibang babae ang kaharutan ng future husband mo." taas kilay na sabi ni Shiny.
"Ano naman ang gusto mong gawin ko? Hindi ko naman boyfriend si Ethan. Ang pinaghahawakan ko lang naman ay ang pangako nya sa akin." uminom ako ng inorder kong cappuccino kanina.
"Kung sa bagay..." matipid na sagot nya, sabay napailing. Saka sya umiinom ng inorder din nya na hindi ko matandaan ang pangalan. Hindi talaga ako mahilig sa kape. Napilit lang ako ni Shiny na aking pinagsisihan.
Kung hindi sana kami pumunta pa dito sa G- Mall at pumasok dito sa coffee shop, hindi sana namin makita si Ethan na may ibang kasamang babae. Hindi sana ako nasasaktan ngayon.
"Wala ka nga naman palang karapatan para pagbawalan sya. Ikaw na talaga!"
Ngumiti ako sa kanya kahit pilit lang.
I don't want to confront Ethan tungkol sa mga babae nya. Baka magbago pa ang isip nya at hindi na nya ako pakasalan balang araw. Ayaw na ayaw pa naman nya ang pinakikialaman.
Masaya naman ako kahit papaano sa status namin dalawa ngayon. Hindi ko sya boyfriend pero naramdaman ko naman na pinahalagaan nya ako.
I ate a little bit of chocolate cake I ordered a while ago.
"Hanggang kailan ba na ganito ang papel mo sa buhay ni Ethan? Hindi mo man lang nasubukan ang makipagdate o makipaglapit man lamang sa ibang lalaki. Masyado mong itinuon ang sarili mo sa kanya."
May simpatiya akong nababasa sa mga mata ni Shiny. Tama naman talaga sya.
"Eh, ayaw talagang tumibok ng puso ko sa iba. Bawat pagpintig nito ay para lang kay Ethan." madamdamin kong pagkakasabi. "Handa naman akong hintayin ang araw na pakakasalan na nya ako."
"Ok. Paano kung maputi na ang buhok mo, saka pa nya naisipan magseryoso at lumagay sa tahimik?"tanong nya. " At saka mas OA kapa kaysa mga babaeng nababasa ko sa mga nobela kung magkagusto sa isang lalaki. Para bang sa kanya na umiikot ang buhay mo."
Naiintindihan ko si Shiny kung nag- iba ang pananaw nya sa estado namin ni Ethan, ayaw lang nya akong masaktan. Noon kasi, todo support sya sa akin, pero ngayon lagi na nya akong pinaalahanan na maaaring masaktan lang ako kung ipagpatuloy ko 'to.
"Sa kanya nga!" may kabuuhan ang aking boses. "At kaya ko syang hintayin habang buhay."
"Iba talaga 'to. Ikaw nah! Parang gusto kitang bigyan ng award. Award ng mga martir!"
-
-
-
Napatago ako sa isang sulok nang nakita ko si Ethan na may kasamang babae, papunta sila sa pad ni Ethan. Ang babaeng kasama nya ay ang babaeng kasama din nya nung isang araw sa G- Mall.
Napagpasyahan ko na puntahan sya ngayon dito dahil ipinagbake ko sya ng paborito nyang cookies. Hindi ko naman lubos akalain na ito pala ang bubungad sa akin. Kung alam ko lang, sana hindi na ako naglakas loob na pumunta dito.
Huminto sila sa tapat ng pinto ng pad ni Ethan. Hindi pa nga tuluyan nabuksan ang pinto, nakita ko na ang paghahalikan nila. At pumasok ang mga ito sa loob na hindi man lamang naghiwalay ang mga labi.
Napasandal ako sa dingding. Nasasaktan naman talaga ako sa aking nakita.
Naitanong ko tuloy kung ano ang ginagawa nila sa loob.
Tinatatagan ko lang naman ang aking loob pag kaharap ko ang mga kaibigan ko o ang ibang tao na alam ang kahibangan ko kay Ethan. Ayaw ko lang na kaawaan nila ako, o husgahan na desperada, kahit alam kong parang ganun na nga ako.
Desperada na nga siguro ako. Pero, ano ang magagawa ko kung hindi ko kayang pigilan ang aking sarili na magkagusto ng sobra kay Ethan Montalban. Si Ethan lang ang sinisigaw ng aking puso.
Mas pinili ko nalang ang umalis, namamasa ang mga mata ko ng luha.
-
-
-
"Hi sweetheart, good morning!" bati sa akin ni Ethan nang pumasok ako sa main gate ng EastWest International School. Ito ang pangalan ng aming paaralan. Karamihan sa mga estudyante dito ay galing sa mayayaman angkan.
Hindi talaga kayang e- afford ng karamihan ang school namin. Medyo may kamahalanan talaga ang tuition fee dito. Buti nalang talaga at pumayag si daddy na dito ako mag- aral kahit pa halos doble ang tuition dito kumpara sa ibang private school. May 20% discount naman ako dahil sa pamilya ni Ethan. Del Fuengo din kasi ang may- ari ng school na 'to.
Membro ng CAT si Ethan sa school namin, at kasalukuyang silang nagbabantay sa may gate. CAT (Citizenship Advancement Training) ang tinutukoy ko at hindi pusa.
Pinilit kong ngumiti sa kanya ng matamis, kahit pa may tampo ako sa kanya. Sana hindi nya mapansin ang pamumugtong ng aking mga mata. Iyak na iyak kasi ako kagabi dahil sa sobrang selos na aking nadarama.
Nilampasan ko sya, pero sinundan nya ako.
"Hey, you look pale at medyo lumalaki ang eye bags mo. May problema kaba?" may pag- alala naman sa boses nya kahit papaano.
Oh my God! Nahalata nya ang eye bags ko. Baka ang pangit ko na sa paningin nya.
" Nag- aaral kasi ako kagabi. May exam kasi kami ngayon." pagsisinunggaling ko.
Hindi ako lumingon sa kanya. Hindi sa dahil galit ako sa kanya, kundi dahil hindi kasi ako komportable sa hitsura ko ngayon.
"Ah! Ganun ba?!" Ani nya. Nilampasan nya ako. Humarang sya sa akin.
"Ethan, malelate na ako." totoong sabi ko sa kanya.
Hindi kasi ako maagang nagising ngayon dahil sa pagdarama ko kagabi. Kailangan ko na talagang magmadali. Medyo may pagkaterror pa naman si Mrs. Camunting, na syang guro ko sa unang subject ko ngayon umaga.
"Ok. By the way, may ibibigay ako sayo mamaya. Ihahatid na kita mamaya sa inyo."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. May ibibigay sya sa akin? Ano kaya? At ihahatid pa nya ako. Makakasama ko na naman sya.
Lihim ko tuloy hiniling na sana nasa kabilang bundok ang apartment na tinutuluyan ko, kaya lang nasa kabilang kanto lang ito at kaya lang lakarin. Kainis naman!
"Ok." Alam kong hindi ko naitago ang sobrang kilig na nadarama sa isipin na makakasama ko sya mamaya.
"Kilig na kilig si manang." panunukso nya sa akin.
"Hindi kaya!" tanggi ko pero hindi ko naman mapigilan ang mabining ngiti.
Hindi ako makatingin sa mga mata nya. Naaakit kasi talaga ako sa mga titig nya.
"Aminin! Ang lapad ng ngiti mo, eh!" dagdag panunukso nya sa akin. "Ang ganda mo ngayon, sweetheart." tila bulong na pagkakasabi nya, sabay angat sa mukha ko. Nagkatama ang mga paningin namin dalawa. Naramdaman ko na naman ang hindi normal na pagkabog ng aking puso.
Nawala na naman na parang bula ang tampo ko sa kanya. Natutunaw na naman kasi ang puso ko.
Kunting pagpapakilig lang nya ay balik na naman ako sa normal. Nyon normal na dead na dead sa kanya.
-
-
-
Ang sarap ng aking pakiramdam. Magkahawak kamay kasi kami ni Ethan ngayon habang naglalakad dito sa San Bartolome Park. Para na akong naglalakad sa ulap, habang pinalilibutan ng mga bulaklak.
Hindi ko nga alam kung paano nagkaroon ng bulaklak sa ulap.
Wag epal, ito ang naiimagine ko ngayon.
Oblivious to all. Si Ethan lang at ako ang nasa isip ko sa mga oras na 'to. Sana tumigil sa pag- ikot ang oras.
"Nakita kita nung isang araw sa G- Mall kasama si Shiny. Alam kong nakita mo ako na may kasamang babae. I just want you to know, that woman is nothing to me." basag nya sa katahimikan namin. Seryoso ang kanyang mukha.
"I know. H- Hindi naman ako nagseselos." Pagsisinunggaling ko. Selos na selos talaga ako.
Bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko, saka sya tuluyang humarap sa akin.
"Thank you sweetheart at naintindihan mo ako. Naintindihan mo ang mga paniniwala ko sa buhay. " nakangiti nyang sabi. "Don't worry, before I get 30, pakakasalan na kita."
Naibsan ang agam- agam ko sa sinabi nya. Mali si Shiny, hindi puputi ang buhok ko sa paghihintay kay Ethan. Kung mag- aasawa sya ng 30, ibig sabihin, 28 pa ako. Sakto lang ang edad ko.
"Ok. Kaya naman kitang hintayin hanggang sa tuparin mo ang pangako mo sa akin. Ikaw lang ang lalaking gugustuhin ko, Ethan."
Hindi ko mapigilan sambit. Hindi ko kailangan mahiya sa nadarama ko sa kanya. Alam na alam naman nya kahit noon pa na patay na patay ako sa kanya.
Kahit hindi ako sigurado kung mahal nga ba nya ako basta pinaghahawakan ko ang pangako nya. Susugal ako para sa kanya. Ganun naman talaga ang pag- ibig, diba!
"Oo nga pala. May ibibigay ako sayo." Ani nya saka may kinuha sya sa loob ng kanyang bag.
Sobrang excitement ang aking nadarama. Ano kaya ang ibibigay nya sa akin? Sa totoo lang, madalas nya talagang nakakalimutan ang mga mahahalagang araw sa aking buhay pero babawi naman sya pag makaalala na sya.
Siguro, babawi sya dahil nakalimutan nya ang birthday ko mga tatlong buwan na ang nakakalipas.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang isang maliit na box na kinuha nya mula sa kanyang bag.
"A- Ano nyan?"
Hindi ko mapigilan tanong. Baka engagement ring ang nasa loob ng box.
Nakangiti sya habang binuksan ang box at tama nga ako, isang singsing ang nasa loob ng box.
Speechless ako.
Magpo-proposed na yata si Ethan sa akin ng pag- ibig. Baka naman, mahal na nya talaga ako.
Nakatitig lang ako sa kanya. Samu't saring emosyon ang aking nadarama.
"My dad gave this ring to my mom nung pinangakuan nya ito na pakakasalan balang araw. My mom gave this to me, para daw ito sa babaeng pakakasalan ko balang araw. This is not a diamond ring pero simbolo ito ng pagmamahal ng daddy ko sa mommy ko."
Pagmamahal? Ibig sabihin, mahal na ako ni Ethan.
"And since, hindi naman ako naniniwala sa pag- ibig." he paused.
Ouch! Nasaktan yata ako sa aking narinig. Hindi pa pala nya ako mahal. Pero, ok lang, tuturuan ko din sya na mahalin ako pag asawa ko na sya.
"At ikaw naman ang babaeng gusto kong pakasalan balang araw. Sayo ko na ito ibibigay. It serve as your daily reminder na magiging asawa kita balang araw, Alisson."
Napalis na naman ang sakit na nadarama ng aking puso. Magiging asawa ako ni Ethan balang araw. Hindi na ako dapat magkaroon ng agam- agam pa. Wala na akong pakialam kahit gawin pa nyang girlfriend lahat ng babae sa mundo. Ako naman ang magiging asawa nya.
Ibinigay nya sa akin ang box, habang nasa loob ang singsing. Inabot ko naman ito. Bahagya akong nanglumo. Akala ko pa naman makakarinig ako ng proposal mula sa kanya. Iniimagine ko pa naman na itatanong nya "Alisson, will you marry me someday?"
Pero, tinamisan ko parin ang aking ngiti. Baka isipin pa nya na masyado na akong demanding at nag- expect ng sobra- sobra. Mahal man nya ako o hindi, basta pakakasalan nya ako. Iyong ang mahalaga para sa akin.
"Hangga't nasa sayo ang singsing na nyan. Ikaw ang pakakasalan ko Alisson. Kaya, hindi ka dapat magselos sa mga babaeng nakakasama ko. Ikaw ang pinakamalapit sa puso ko."
Pinakamalapit sa puso nya? Ibig sabihin, ako ang may malaking chance na mahalin nya.
Maya't- maya lang, sobrang panlalaki ng aking mga mata. Papalapit kasi ang kanyang mukha sa aking mukha.
Oh my God! Hahalikan ba nya ako?
Para na yata akong inilipad sa kalawakan ng tuluyan nalapat ang kanyang labi sa aking labi.
This is my first kiss at si Ethan pa ang may gawa. Parang naramdaman ko ang pagdaloy ng libo- libong bultahe ng kuryente sa loob ng aking katawan.
Sandali lang naman ang paglapat ng mga labi namin. Pero, parang yatang tumigil sa pag- ikot ang aking mundo.
Ethan kissed me. Ethan is kissing me a while ago.
God! Pabalik- balik sya sa aking isip. Kaya nasa dreamy state parin ako habang nakatingin sa kanya.
Nakaangat ang mukha ko sa kanya, habang nakayuko naman sya sa akin. Napakatangkad naman kasi nya. Hanggang sa kili- kili lang yata nya ako. Nagkatama ang aming mga paningin.
"Your lips are the sweetest thing in earth, sweetheart!" nakangiting sabi nya sa akin.
Totoo ba talaga ang nangyari? Natupad na ang isang pangarap ko sa buhay.
Ang mahalikan ako ng nag- iisang Ethan Montalban. Kung panaginip lang ang nangyari, sana hindi na ako magising pa.