(Alisson POV)
-
Todo akong napahiyaw nang nae- shoot ni Ethan ang bola sa ring. Kasalukuyan akong nanonood ng praktis ng basketball team ng school namin. Kung todo ang ginawang praktis ngayon ng buong team dahil malapit na ang interschool sport competition.
Inaamin ko, hindi talaga kasing galing si Ethan sa mga pinsan nya pagdating sa larong basketball. Pero, plus factor ang tangkad nya sa buong team. Sa anim na magpipinsan na parehong heartrob sa school namin, si Ethan na yata ang pinakamatangkad at pinakamalapitin sa mga babae.
Marami talagang fans club si Ethan kaya hindi na ako nagtataka sa lakas ng hiyawan ngayon. Sanay na ako sa isipin na talagang pinangarap ng karamihang babae ang mahal ko. Naiintindihan ko sila. Ako din naman ay ganun din.
Pero, iba ako sa mga babaeng naghahabol kay Ethan, dahil ako lang naman ang nag- iisang babae na pinangakuan nya na pakakasalan balang araw. Kaya ako talaga ang tunay na nagmamay- ari kay Ethan Montalban.
Napailing nalang ako na napangiti nang may babaeng lumapit kay Ethan, at pinunasan nito ang pawisan nyang mukha. Talagang marami kaming patay na patay sa kanya.
Kailan nga nagsimula ang pagkahibang ko Kay Ethan Montalban? Naalala ko, 8 years lang ako nung. Magkapareha kami bilang child model sa children's costume wear collection ng Blooms. Isa itong kompanya na kilala sa fashion industry, kung saan ang mommy lang naman ni Ethan ang kasalukuyang CEO.
Ethan's mother is a well know fashion designer while his father is a hotel magnate. He is came from a multi- billionaire clan.
At mula nung, lagi na akong nakasunod sa kanya.
Pati nga kung saan sya nag- aaral ay doon ko din piniling mag- aral. I don't know, I just can't help pasting my self to him. Para bang kulang ako kung malayo sya sa akin.
I know almost everything about him. Para bang isinilang lang ako para alamin ang lahat tungkol sa kanya. Even my dreams ay nakasalalay sa kanya.
Pitong taon na pala ang nakakalipas, ngayon 15 years old na ako. Kasalukuyang na akong nasa Grade 10, habang Grade 12 naman sya. Pero, ang pagkagusto ko sa kanya ay hindi man lamang nabawasan, mas lalo pa nga iyon umusbong sa paglipas ng mga taon.
Masisisi ba ako? Ang sweet naman kasi nya sa akin. Sweetheart pa nga ang endearment nya sa akin. See?! Para ko narin syang boyfriend.
Biglang nanlaki ang mga mata ko at nangitngit ng lihim na pagseselos ang aking kalooban nang nakita ko ang isang babae na lumapit sa mahal ko.
The girl I am talking about is Alaina Velasquez, at tulad ko din, patay na patay din sya kay Ethan. At sa babae lang ito ako nagseselos.
Maliban naman kasi sa taglay na kagandahan ng Alaina ito, napakayaman din ng angkan na pinagmulan nya. Sa tingin ko pa nga mas maganda sya sa akin, kaya natatakot talaga ako na maakit nya ng tuluyan si Ethan.
Sa kinis ng malaporselana nyang balat. Marami talaga ang naaakit sa kanya.
Kung baliw na baliw ako kay Ethan, hindi din pahuhuli sa kabaliwan ko si Alaina. Meron pa nga itong sariling fans club na nakasuporta sa love team na Ethan at Alaina. Panigurado ako na binayaraan lang nya ang membro ng club na 'yong.
Halos umuusok na ako sa sobrang inis nang nakita ko na nakipagtawanan pa si Ethan kay Alaina. Alam naman nya ang matinding pagseselos ko kay Alaina at nangako na sya sa akin na iiwasan na nya ang babae. Pero, ano itong nakita ko ngayon?
Hinawakan ng kaibigan kong si Shiny ang naikuyom kong kamao. Talagang ngitngit na ngitngit ako.
"Relaks, Alaina is just making you jealous." mahinahong bulong nya sa akin.
Kinalma ko ang aking sarili. Hindi ako dapat magpatalo sa malanding si Alaina.
Patuloy parin sa pagtatawanan ang dalawa. Selos na selos ako and I can't take it anymore. Napatayo at nagmartsa palabas ng gym. Nakasunod naman sa akin si Shiny.
Inis na inis talaga ako kay Ethan at lagot sya sa akin mamaya. Pinunasan ko ang ilang butil kong luha. Napaluha tuloy ako sa sobrang panibugho na nadarama.
-
(Ethan PUV)
I don't want to be rude kaya sinabayan ko ang pakikipagtawanan kay Alaina. Kahit pa sa kaloob- looban ko ay gusto ko na syang umalis.
God! Bakit ba nya ako laging ginugulo?
"Can I invite you for a snack?" yaya nya sa akin pagkatapos ng praktis namin ngayon hapon.
I don't have the mood to entertain her. I was looking for Alisson. I saw her a while ago. Maybe she saw me talking to Alaina, that's why she left. And I know she's angry right now.
"Thank you Alaina, but I am busy." mariin kong tanggi sa kanya. I don't want to sound bastos. I always have that gentleman image.
Napasimangot naman sya sa sinabi ko. In my side vision, I saw my bestfriend- cousin Haven walking towards us. Para akong nabunutan ng tinik. My savior from this tempting goddess is finally here!
Well, this cunning cousin of mine is Alaina's most hated human being.
"Alaina babe, bakit hindi nalang ako ang yayain mo ng date? Handa naman kitang samahan kahit sa langit pa." nakangiting sabi ni Haven kay Alaina sabay kidhat.
Pinsan kong buo si Haven at bestfriend narin. Since elementary days, magkaklasi kaming dalawa, at pareho kaming mahilig sa larong basketball. Mas madalas pa nga kaming magkasama kaysa sa twin brother nito.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Alaina. Nagbago ang maaliwalas na mukha nya kanina. Ngayon para na syang papatay ng tao sa klasi ng titig na pinakawalan nya kay Haven.
"Go to hell!" galit na bulyaw ni Alaina Kay Haven. "Pwede ba, wag kang humarang- harang sa daraanan ko. Naiirita ako sa pagmumukha mo."
Haven laugh loud of what Alaina said.
"Naiirita ko sa kaguapuhan ko? Mukhang sa akin ka may crush at hindi kay Ethan. The more you hate, the more you love pa naman."
Lihim akong napangiti nang nginisihan pa ni Haven ang umuusok sa galit na si Alaina.
"Alam mo Haven, praning kana yata. You're not handsome in my eyes, demonyo ka! Stay out of my way. Baka tadyakan kita dyan!"
Patawa- tawa lang talaga ang pinsan ko. Alam ko naman na tinutukso- tukso lang nya si Alaina.
"Bro, mauna na ako!" paalam ko kay Haven. Kailangan ko pang hanapin si Alisson. "Ikaw na ang bahala kay Alaina." tila bulong na pagkakasabi ko sa kanya.
"Don't worry Bro, ako na ang bahala sa babe ko." ani pa ng pinsan ko at inakbayan pa talaga ang galit na si Alaina.
"Don't touch me!" bulyaw ni Alaina kay Haven. "Ethan, where are you going?"
I don't have time of her, kaya hindi ko na sya nilingon. Bahala na si Haven sa kanya. I trust my cousin. She can handle a spoil brat heiress like Alaina herself.
"Bakit mo pa susundan ang pinsan ko kung nandito naman ako sa harapan mo? Hindi naman hamak na mas guapo ako kaysa kay Ethan."
Narinig ko pa na sabi ni Haven. Napangiti nalang ako na napailing.
Kaklasi namin dalawa ni Haven si Alaina. Sadyang iniiwasan ko sya hindi lang dahil pinagseselusan sya ni Alisson kundi dahil trouble ang hahantungan ko kung papatulan ko sya. She is a spoil brat heiress of a well known businessman.
Alaina is a transferee student, at kaya lumipat sya sa school namin dahil sa akin.
Mula daw nang nakita nya ako, alam na alam na daw nya na ako ang lalaking itinadhana ng panginoon para sa kanya. With that words, natakot ako, she has a tendency para pikutin ako. At ayaw kong mapikot nang maaga. I want to enjoy my bachelor life first before settling down.
With an image of being a playboy and a casanova, yes, settling down is really my plan. I don't want to be old alone. I wanted to have a family on my own. And I already choose a woman who will become the mother of my child.
And that is Alisson. Sya ang gusto ko dahil maliban na sya ang pinakamaganda para sa akin, I feel safe with her. Alam kong hindi nya ako kayang pikutin and paninindigan nya ang pangako nya na hihintayin nya ako hanggang sa magsawa na ako sa buhay malaya.
I know what Alisson feel for me is not just an infatuation, just like other girls na nagpapakita my interest sa akin.
She's young but I know that she really love me. At susuklian ko nyon sa pamamagita ng pagpapakasal sa kanya balang araw.
I smiled when I saw her with her bestfriend Shiny sitting in a bench inside our school park. Humakbang ako palapit sa kanila.