Chapter 10

1100 Words
Chapter 10             Natapos ang tanghalian sa bahay ng mga Marquez, ang iba naman ay nagpapahinga, hindi na muling nakita ni Agatha si Alex pagkatapos ng tanghalian, gusto niyang humingi ng patawad, hindi man siya ang nag-umpisa, hindi niya gustong may kagalit siya, hindi siya komportable sa ginagalawan niya.             Pinapanood niyang mag-guitara si Dante kasama ang mga kapatid, si Jane at mga pinsan nito sa hardin ng mga Marquez, napasulyap naman siya kay Mang Jack, isa sa mga tito ni Dante na nagnenegosyo ng ihaw sa tapat ng bahay, maaga itong nag-aasikaso sa pagtitinda.             Walang pamilya si Mang Jack, ang dahilan hindi niya alam kong bakit, hindi na buksan ang usapan pagmagkakasama sila, mas maganda sigurong hindi na lang niya pansinin, napasulyap naman siya sa binatang pumasok ng bukas na gate ng bahay, natigilan din ito at napatitig sa kanya.             Ngumiti ito sa kanya, “hi,” bati nito sa kanya.             May kapayatan ang binata, maputlang balat, may kulot na buhok na bahagyang makapal, may singkit na mata at may malambot itong katangian dahil sa maamong mukha.             Ngumiti rin siya at binati ang binata nang makalapit ito sa kanya, magsasalita pa sana ito nang biglang sumulpot si Marcus sa tabi niya.             “Hello bro, binabalaan kita wag ka nang magbalak na lumapit kay Agatha kasi akin siya,” hindi na lang pinansin ng dalaga ang sinabi ni Marcus sa ka kilala.             Lumayo naman si Marcus at inakbayan ang bagong dating, “oo nga pala, Shawn siya si Agatha, isa sa mga bisita sa bahay, kasama ng pinsan kong si Dante. Agatha siya naman si Shawn matalik kong kaibigan dito sa Claret, magaling ‘tong mag-magic at dahil bakasyon nagtrabaho siya sa carnival malapit lang dito sa amin.”             “Talaga, nagagalak kitang makilala Shawn,” aniya ni Agatha.             “Ako rin,” makikipagkamayan sana ang binata sa dalaga nang hilahin ni Marcus ang kamay ni Shawn kaya hindi sila nakapagkamayan, “siraulo ka talaga Marcus.”             “Sabi ko sa ‘yo akin si Agatha, wag muna ako unahan,” biro ni Marcus.             Natawa naman si Agatha kong paano makipag-usap si Marcus sa kaibigan nito.             “Ewan ko sa ‘yo wala kang kwentang kausap,” sabay tulak ni Shawn kay Marcus, natawa naman ang binata. “Nagpunta ako dito para yayain kang pumunta mamaya sa carnival, may show kami mamayang gabi.”             “Sige ba, pupunta kami ni Agatha, i-date ko siya at manonood ng show mo,” aniya ni Marcus, “pero bago ka umalis pumasok na tayo sa loob, may sasabihin ako sa ‘yo,” humarap naman si Marcus kay Agatha, “dyan ka lang may loves may boys talk kami nitong kaibigan ko.” Sabay hatak ni Marcus kay Shawn papunta sa likod ng bahay, napailing naman si Agatha sa dalawang binata.             Naging tahimik ang puwesto niya, hindi naman niya gustong pumunta kila Dante, nakaramdam siya ng antok, pero natatakot siyang makakita ng kong anong panaginip, magpapahinga na lang siguro siya, sa isip-isip niya.             Pumasok siya sa loob ng bahay, umakyat ng hagdan patungo sa pangalawang palapag, kakalabas pa lamang sa silid ni Alex nang makita niya ito, pareho silang nagkatitigan sa isa’t isa, naalala na naman niya ang pagtatalo nilang dalawa, yumuko siya at dumaan sa gilid ng binata dahil sa dulo pa ang silid niya. Pagkabukas niya ng pintuan agad siyang pumasok sa loob.             Napahawak siya sa dibdib niya nang maramdaman niya ang kabog ng puso.             Lalapit na sana siya sa kanyang kama nang matigilan siya kinatatayuan niya dahil may kumakatok mula sa silid, paglapit niya at buksan, nakita niyang si Alex lang pala ito, bumalik na naman ang kaba niya, “anong kailangan mo?”             “Mag-uusap tayo kong maari lang,” mahina lang ang boses ng binata, tama lang para marinig niya.             “Kong tungkol lang ‘to kanina, sorry pero ayos na ako, naiitindihan ko na,” nakaramdam ng hiya si Agatha dahil hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya ng binata.             “Hindi naman ‘yon ang gusto kong ipaintindi sa ‘yo Agatha, kahit na kailan hindi mo maiintindihan yong nararamdaman kong hindi mo rin nararamdaman ang bagay na ‘yon, hindi tungkol sa kong magagalit ang magulang mo o kong magkakaroon ako ng problema sa ‘yo pag-may mangyari sa ‘yo, pero gano’n na rin, pero iba ang ibig kong sabihin,” paliwanag ni Alex sa kanya.             Muli siyang tumingala sa binata, hindi siya nagsasalita at pinapakinggan lang ang binata.             “Agatha yong pagiging ganito ko sa ‘yo kasi may malaki akong problema sa ‘yo, hindi ko gustong mapahamak ka o malagay sa kahit na saan na sitwasyon na alam kong hindi ko magugustuhan, kailangan kitang ingatan kasi ‘yon ang gusto kong gawin,” nalilito si Agatha sa mga sinasabi ng binata at nagtataka pero unti-unting nabubuhay ang puso niya sa pamamagitan ng paglakas ng t***k ng puso nito na animoy gustong makawala.             Gusto pa niyang marinig kong anong sasabihin ng binata pero napahilamos ito sa mukha na animoy hindi na gustong magsalita, nang alisin ni Alex ang kamay niya sa mukha, laking gulat niya na namumula ang pisngi nito, lalo siyang nagtaka at hindi niya alam kong matatawa ba siya.             “A-ano bang gusto mong sabihin Alex?” Halos nakakunot noo na ang dalaga sa paghihintay ng sagot.             Inangat ni Alex ang kamay nito, akala ni Agatha kong ano lang ang gagawin, nagtaka naman siya nang idikit ng binata ang hinlalaki nito sa kunot niyang noo para inunat, lalong nagwala ang puso ng dalaga, “ganito ang gusto kong sabihin, gusto kong inunat yang kulot mong noo pagnagtataka ka, parang yong nararamdaman ko na gusto kitang lapitan o kausapin pero hindi ko magawa kasi mahirap sabihin.”             Nabato na si Agatha sa kanyang kinatatayuan, napakapit siya ng mahigipit sa magkabilang dulo ng damit niya.             Bumaba ang kamay ng binata at hinawakan siya sa baba kaya lalong inangat ang ulo niya, unti-unting lumapit ang mukha ng binata sa kanya, ilang dangkal lang ang layo sa kanya kaya halos hindi siya makahinga.             “May nararamdaman ka ba? Kasi ako meron,” naamoy niya ang mabangong hininga ng binata.             May nararamdaman si Agatha, isang pamilyar na pakiramdam, pero hindi siya sigurado kong totoo ba ang lahat ng ‘yon.             “A-alex ano ba kasing pinagsasabi mo?” Mautal-utal niyang tanong sa binata.             “You’re so naïve Agatha.” Wika ni Alex.             Binigyan siya ng halik nito sa tip ng ilong niya at saka ito lumayo sa kanya, pero hindi pa rin siya binibitawan nito.             “Pwede ba Alex kumuha naman kayo ng kwarto!” Pang aasar ni Dante nang makita sila.             Namula ang pisngi ni Agatha saka tinulak si Alex palayo at sinara ang pintuan ng silid niya. Kumakalabog ang dibdib niya sa nangyari, hindi niya alam ang gagawin, animoy gusto niyang magwala pero naiwan siyang nakatulala sa kawalan.             “Oh my,” bulalas niya, hindi pa rin mawala ang pagkakapula ng pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD