Chapter 11

1589 Words
Chapter 11             Kalalabas lamang ni Adam sa taniman ng mga kape, na iinis siya sa mga oras na ‘yon dahil kailangan na naman niyang makahanap ng bibiktimahin, bumalik na naman ang pakiramdam na kailangan gawin, ang makipagtalik sa babae dahil na iingit siya sa dalawang magkasintahan na napanood niyang nagtatalik sa taniman.             Gusto niya uli maramdaman ang pakiramdam ng nasasarapan siya, animoy isang drugs na hindi niya matanggihan kahit na anong gawin niya, isa na ito sa drugs niya, nagbibigay lakas sa kanya ang makipagtalik sa biktima niya, gusto niya muli marinig ang sigaw ng mga biktima niya, ang maidikit ang katawan niya sa katawan ng babae, napapikit siya nang maramdaman niya ari niya na tumitigas sa loob ng pantalon niya.             Sabihin man ng utak niya na mali ang lahat ng ginagawa niya, hindi naman mapigilan ng katawan niya, kasi ito ang hinahanap-hanap ng katawan niya. Nag-uumpisa na namang sumakit ang puson niya, palinga-linga siya sa paligid, naghahanap siya ng mabibiktima na naman niya. Malapit na rin magdilim. Nagtatalo ang liwanag at dilim sa kalangitan. Naglakad-lakad pa siya hanggang sa huminto siya sa isang simbahan, madalas siyang magpunta sa simbahan ng Claret para humingi ng patawad sa kanyang ginagawa, marami rin siyang madreng nakakasalamuha sa simbahan, may isang madre siyang gustong-gusto. Ngumiti siya ng animoy asong ulol. Muli siyang tumingin sa paligid, kakaunti lang ang nagdaraan at walang makakapansin sa kanyang gagawin, nagmadali siyang nagpunta sa likod ng simbahan, nagtungo siya sa maputik na lugar,  binasa ang kamay sa putikan, pinahid niya ang kamay na puno ng putik sa pisngi at damit na suot para magmukha siyang kawawa, sa ganitong paraan, matutulungan niya ang sarili na mapadaling makuha ang kailangan ng katawan niya. Huminga siya ng malalim at saka lumapit sa pintuan sa likurang bahagi ng simbahan. Kinalampag na niya ang pintuan, ilang minuto siya doon hanggang sa may magbukas, sa una ay nagulat pa siya dahil ang mismong nagbukas ay ang madreng napupusuan niya. 'Kong siniswerte ka nga naman,' sa isip-isip niya. Pero kailangan niyang umakto na kailangan niya ng tulong. "Anong nangyari sa ‘yo Adam?" Aniya ng batang madre sa kanyang kalagayan. "Tulungan ninyo ako sister, may humahabol sa ‘kin at gusto akong patayin, hindi ko alam kong saan ako magtatago, tulunga po ninyo ako, sasaktan nila ako," pagmamakaawa niya. Sa likod ng kanyang isipan, siya tumatawa ng sobrang lakas dahil naawa ang dalagang madre sa kanyang kalagayan, kitang-kita niya sa mukha nito. "Halika dito sa loob para hindi ka nila makita," anya ng madre saka siya sumunod sa loob, "hindi ka nila dito mahahanap, magtiwala ka." Habang nakatalikod ang madre sa kanya at nakasunod lang siya, nag-iisip na siya ng bagay na pwede niyang gawin pagkatapos ng lahat, kailangan niyang pag-aralan kong saan siya lalabas para walang makakaalam sa gagawin niya. Pinakiramdaman din niya ang patalim sa bulsa ng pantalon niya, magagawa na naman niya ang gusto niyang mangyari at walang makakapigil sa kanya. ~*~ Nakatigil si Agatha sa kinauupuan niya sa hapag-kainan, isa-isa nag-uumpisang umalis dahil tapos na ang hapunan, pero nakaupo pa rin siya, ang lakas ng kabog ng dibdib niya, kahit gising siya anumang oras, may nakikita siyang imahe, mga larawan tungkol sa isang pagpatay, katulad ng dati, isang kakayahan na kinatatakutan niya sa lahat, dahil hindi niya gustong makakita ng mga gano’ng bagay. Natigilan siya sa kanyang pag-iisip sa katatapos pa lang na imaheng nakita niya tungkol sa isang madreng namatay. May isang kamay na humawak sa balikat niya, "ayos ka lang ba Agatha?" Narinig niya ang boses ni Jane. Tumayo si Agatha at hinarap si Jane, "ayos lang naman ako, bakit pala?" Halata sa mukha ni Jane na hindi ito kumbinsido sa sinabi ni Agatha na ayos lang siya pero hindi na lamang nito pinilit ang dalaga na tanungin pa. "Labas tayo kasama sila Dante, nagyaya kasi si Marcus na manood ng magic show sa carnival ng kaibigan niyang si Shawn," wika ni Jane. Naalala naman ni Agatha ang sinabi ni Marcus sa kanya kanina, "oo nga pala, sinabi rin sa ‘kin 'yon ni Marcus, sige sasama ako, minsan lang yan." "Halika na," hinawakan ni Jane ang kamay ni Agatha nang lumabas sila ng dining area. Unang nakita ni Agatha si Alex na nakaupo sa sofa sa sala habang nakikipag-asaran na naman kay Dante, napahinto ito nang magsalita si Jane kaya napasulyap ang dalawang binata sa dalawang dalaga, lalo na si Alex kay Agatha, agad na nilayo ang tingun ni Agatha kay Alex nang maalala niya ang nangyari kaninang tanghali. "Na saan na pala si Marcus?" Tanong ni Jane sa dalawa. "Hindi makakasama, biglang sumakit ang tyan kaya ayon tambay sa banyo, tayo na lang na apat, makakaalis naman tayo kahit wala ang mokong na 'yon," wika ni Dante sa nangyari tungkol sa kanyang pinsan. Nagpaalam na muna ang apat na aalis sila para manood ng magic show, hindi na sila sumakay ng kotse ni Dante at naglakad na lang, dahil malapit lang din 'yon na may sampung minuto kong lalakarin. Tanging si Jane at Dante lang ang maingay sa buong paglalakad nila, paminsan-minsan ay sumusulyap si Agatha kay Alex na nakikitawa lang, napapansin niyang may nagbago sa binata simula kanina, hindi niya mawari kong ano ang bagay na 'yon. Napakagat siya sa labi at hindi na lamang pinansin ang binata, bumabalik na naman kasi ang kakaiba niyang pakiramdam. Sa di kalayuan matatanaw nila ang carnival, may mga labas-masok din sa pukana ng nasabing lugar, lahat ay masaya mapa-bata man o matanda, may ingay ng tugtugan at kong ano-ano pa. Nakalimutan naman ni Agatha ang tungkol sa nakikita niya at ang tungkol kay Alex nang makapasok sila sa loob. Bumungad sa kanila ang samut-saring palaro sa carnival, mga tindahan ng mga pagkain, mga mini rides, horror house at mga show sa bawat kanto, ngayon lang napagtanto ng dalaga na napakalaki at napakalawak ng carnival. Sa kwento naman ni Dante ngayon lang nagbukas ng carnival na tinatawag na Dreamland na patok na patok sa mga bata, nagbukas ito dahil malapit na ang piyesta sa bayan ng Claret. Nang makarating sila sa magic show ni Shawn, ito'y nag-uumpisa na nang makapasok sila sa loob ng maliit na pinagtagpi-tagping trapal, naghanap agad sila ng mauupuan na malapit lang sa stages, katatapos lang ni Shawn sa act nito, na pansin naman nila agad na halos mga babae at dalaga ang nanonood, napaisip naman si Agatha na dahil maitsura ang binata. Hindi pa sila nakakaupo nang magkasalubong ang mga tingin nila Shawn at Agatha, bumaba ng stages si Shawn at naglakad patungo sa direksyon nilang apat, laking gulat ng mga manonood kong anong gagawin ng binata nang maglabas ito ng panyong kulay rosas, walang ideya si Agatha kong anong gagawin nito pero nakangiti lang ito sa kanya habang may ginagawa. Tatlong beses binato-bato ni Shawn ang banyo sa eri hanggang sa pagbagsak ng kamay nito na isa nang rosas, lahat na mangha kahit si Agatha na lalong kinatuwa ng binata dahil sa kanyang naging reaksyon. "Pwede mo bang hipan para sa ‘kin magandang binibini?" Tanong ni Shawn kay Agatha. Tumango naman si Agatha, "oo naman," agad niyang hinipan ang rosas na hawak ng binata hanggang sa maging pira-piraso itong confetti na agad na sinabog sa eri ni Shawn na parang ulan, nagpalakpakan ang mga manonood sa isa na namang pinakita ng binata saka ito umalis sa harapan nila Agatha, saka lang nakaupo si Agatha sa tabi nila Jane. "Ang galing niya," komento ni Jane. "Oo nga eh," hindi rin maiwasang mamangha si Agatha sa pinakita ni Shawn sa kanila. "May daya 'yon," napasulyap naman ang tatlo kay Alex ng magkomento rin ito, "marami nang nakakagawa n'un, dapat mabilis lang ang kamay mo at mabilis kang mag-isip." Tumawa naman bigla si Dante, "I feel you bro pero wag naman pairalin at ipahalata ang pagiging bitter at insecure mo." Tumingin si Agatha kay Alex na seryoso na naman ang mukha na madalas niyang makita, umiwas siya nang sulyapan siya nito, baka magtalo na naman sila, sayang na 'yong pag-aayos nila kaninang tanghali na medyo magulo pa rin sa kanya dahil sa kinilos nito, hindi niya gustong mag-isip ng iba, baka nagkakamali lang siya. Umabot din ng kalahating oras ang panonood nila nang matapos ito, napagpasiyahan naman nilang kumain at bumili ng ticket para sa rides na gusto nilang sakyan. Paglabas nila agad silang huminto sa stall ng nagtitinda ng cotton candy. Dumiretso naman sila sa harapan ng horror house nang makabili sila ng ticket, pero ito ang lugar na hindi gustong pasukin ni Agatha. "Ayoko hindi ako papasok. Hihintayin ko na lang kayo sa exit basta hindi ako papasok dyan," iiling-iling na giit ng dalaga sa tatlo. "Ay sayang masaya pa naman 'to," pang hihinayang ni Jane. "Hindi rin ako papasok," sabi ni Alex na siyang kinagulat ni Agatha. Hindi niya gustong pumasok sa horror house at mas lalong ayaw niyang makasama ng silang dalawa lang ni Alex, pero mukhang wala siyang magagawa. Nagkipit balikat lang sila Dante at Jane nang pumasok sila at pinayagan na iwanan ang dalawa. Nang makapasok na ang dalawa, unang naglakad si Agatha patungong exit, pero laking gulat niya nang sabayan siya ni Alex at hawakan pa ang kaliwa niyang kamay habang naglalakad sila, hihinto sana siya nang magsalita ito. "Wala akong gagawin na iba, hahawakan ko lang 'yong kamay mo kong pwede lang," sabi nito sa kanya. Na andoon na naman ang pamilyar na pakiramdam sa puso niya, naramdaman din niya ang pag-iinit ng pisngi niya, "ano pa bang magagawa ko?" "I think it’s a yes na pumapayag ka," wika ng binata at naririnig niya ang mahinang tawa nito. "Wag na natin sila hintayin sa exit area, may pupuntahan tayo na iba, kong sila nag-eenjoy mag-enjoy din tayo." Hindi sumagot si Agatha pero napapangiti siya dahil sa mga sinasabi ni Alex. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD