Chapter 9

1127 Words
 Chapter 9             Nang makarating si Agatha sa banyo, malayo pa lamang siya habang nakatitig sa pintuan ng dalawang banyo, animoy gusto nang makawala ng puso niya sa kaba, ang kalat sa paligid, ang putik sa sahig, ang mga bakanteng tindahan, lamesa, ang tampak ng basurahan sa labas ng public market at ang banyo, parehong-pareho sa panaginip niya, hindi siya pwedeng magkamali, lahat ng nakikita niya sa harapan ay nakita na niya sa panaginip.             “Juskopo,” bulalas niya, hindi siya makapaniwala, pakiramdam niya nasa panaginip pa rin siya.             Naglakad siya palapit sa banyo, nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang banyo kong saan nakita niyang lumabas ang batang babae sa panaginip niya, naglakad siya sa kabilang daanan kong saan nakita niya sa panaginip, sa dulo may nakitang siyang lalaking nakatalikod sa direksyon niya.             Nakayuko ito sa sahig na kinatatayuan, agad siyang lumapit, palinga-linga pa siya sa paligid niya, nang makarating siya sa puwesto ng lalaki, pagsulyap niya sa kanan kong saan dinala ang batang babae ng lalaking nasa panaginip niya, pagsulyap niyang muli sa lalaki nakatingin na ito sa kanya na may pagtataka.             Matangkad ito at abot lang siya hanggang balikat, kaseng tangkad ni Alex, may maayos itong buhok, may kalakihan ang katawan at maayos ang pustura animoy isang model ng magazine.             “May maitutulong ba ako sa ‘yo?” Tanong nito sa kanya.             Umiling-iling siya, “wala naman po.”             Hindi na muli nagtanong ang lalaki sa kanya, yumuko ito at may kinuhang botelya sa isang zip lock bag, pinangtabo ito sa kulay pulang likido sa sahig, ang pagkakaalam niya ito ang dugo ng bata sa panaginip niya, nilagay ng lalaki ang botekya sa zip lock nang maisara ito, laking gulat niya na hawak ng lalaki ang isang flashlight na may dugo sa hawakan.             “Saan ninyo po yan nakuha?” Tanong niya sa lalaki.             Nagtataka ang lalaki sa kanya at sa mga pinatatanong niya, pero hindi niya mapigilan na hindi magtanong.             “Dito sa lapag, may bata raw kasing nawawala kaya kailangan kong mag-imbestiga dito,” sagot ng lalaki, “wag kang mag-alala isa akong pulis galing sa Maynila, para sa isang homicide.”             “Homicide tungkol sa nawawalang bata?” Gusto niyang makasiguro sa sinasabi ng pulis.             Umiling ito, “sa iba pang bagay, may dalawang dalaga kasing ginahasa at pinatay sa magkaibang lugar dito sa Claret, halos kaseng edad mo rin sila, kong ako sa ‘yo umalis kana dito, baka kong ano pang mangyari sa ‘yo, hindi ligtas ang panahon,” paliwanag ng pulis, “hindi ko trabaho ‘to, tumutulong lang akong sa nawawalang bata, hindi pa kami sigurado kong patay na siya pero wag naman sana.”             Lalong hindi makapaniwala si Agatha sa narinig niya, umuulit sa kanyang isipan ang sinabi ng lalaking pulis, gusto niya rin sabihin na patay na ang batang hinahanap nito, pero sinasabi rin ng kabila niyang isipan na baka nagkataon lang ang lahat.             “Ano pa lang ginagawa mo dito?” Natigilan siya sa pag-iisip nang magtanong ang pulis sa kanya.             “Nagbanyo lang po ako,” pagsisinungaling niya.             Tumango-tango naman ang pulis, “bumalik kana doon sa maraming tao, mas ligtas ang katulad mo doon kesa dito.”             Tumango naman siya bilang pagsang-ayon, “sige po aalis na ako.”             Ngumiti naman ito sa kanya at tumalikod na siya para lumayo sa lugar. Sa paglalakad niya nakita niya si Alex na nakatingin sa kanya at animoy naghihintay, malamang tatanungin siya nito, nang makalapit siya hindi nga siya nagkamali sa akala niya.             “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Alex sa kanya na may seryosong mukha, na palaging ipakita sa kanya.             “Alam muna naman na nagbanyo ako, hindi muna kailangan tanungin pa,” aniya ni Agatha.             Pinagtaasan siya ng isang kilay ng binata, “sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sinundan kita magmula umalis ka, hindi kita nakitang nagbanyo, parang namasyal ka lang sa lugar na ‘to at nakipag-usap sa hindi mo kilala, hindi ka ba nag-iisip Agatha.”             Biglang tumahimik si Alex nang dumaan sa tabi nila ang pulis na nakausap ni Agatha.             Muli itong nagsalita, “tungkol na naman ba ito sa panaginip mo?”             Natigilan si Agatha sa tanong ni Alex sa kanya, kilala na siya nito ano pa mang maitatago niya, nakasama na niya sa paglutas ng krimen, pero hindi siya sigurado sa nangyayari, hindi rin niya gustong magkwento tungkol sa panaginip niya, lalo na’t pakiramdam niya iba ang pakikitungo ni Alex sa kanya, parang katulad ng dati na nagkita sila at pinagkamalan siyang suspek.             “Hindi muna kailangan pang tanungin, bumalik na tayo sa kanila at baka pareho na tayong hinahanap,” pag-iiba ng usapan ni Agatha, pero imbes na maglakad nakatingin pa rin sa kanya si Alex. Pati siya’y natahimik, pero hindi niya gustong pakikitungo sa kanya na alam niyang kasama lang niya araw-araw, “ano bang problema mo?”             Huminga ng malalim si Alex, “ikaw, naalala mo na pinagpaalam kita sa mga magulang mo, sa oras na may mangyaring masama sa ‘yo, ako ang malalagot.”             Nakaramdam ng inis si Agatha at higit sa lahat para siyang nasasaktan na ganito si Alex sa kanya, hinahanap niya yong dating Alex na nakaintindi sa kanya noon.             “So yan ang dahilan mo kaya ka nagkakaganyan, dapat hindi muna lang ako pinagpaalam para hindi ka nagkakaproblema,” pinapakalma niya ang sarili niya at hindi gustong masira ang araw niya.             Umalis na siya sa harapan ng binata, narinig niya ang sinabi nito habang papaalis siya, “Agatha hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.”             Hindi na lamang niya pinansin, pero naramdaman niya ang dalawang kamay na humila sa kanya pabalik, dahil sa inis niya naitulak niya si Alex kaya nabitawan din siya nito, halata sa mukha ng binata ang pagkagulat, hindi na niya gustong itago kong ano ba yong inis niya ngayon.             “So anong ibig mong sabihin sa mga sinasabi?”             “Agatha pakinggan mo muna ako,” wika ng binata.             “Tumigil ka na Alex, hindi kita gustong makausap, lalo lang ‘tong lalala, hindi lang tayo magkakaintindihan, kaya sana wag muna lang ako kausapin, kasi para sa ‘kin ang mga sinabi mo parang ‘yon din ang pagkakaintindi ko, na sana nga hindi muna lang ako pinagpaalam, na sana wala kang naging problema sa ‘kin!” Hindi niya na pansin na pagtaasan niya ng boses ang binata.             “Agatha---”             Inunahan na niya si Alex, “please lang Alex, wag mo muna akong kausapin.”             Bago pa man magsalita ang binata, nag-umpisa na siyang maglakad, hindi niya alam kong ano pang masasabi niya kong magtatagal pa siyang kaharap ang binata, nang makabalik siya kila Dante, binalik niya ang ngiti niya kahit na hindi niya gusto, bumalik na rin si Alex, wala itong imik.             Nakaramdam siya ng guilty, hindi siya ito, pero dahil kay Alex, nararamdaman niyang may unti-unting nag-iiba sa kanya.             Nakabalik na sila sa bahay ng mga Marquez na hindi sila nag-iimikan ni Alex, para sa kanya gano’n naman talaga, tumulong na lamang siya sa pagluluto ng tanghalian para naman mawala sa isipan niya si Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD