Chapter 8

1261 Words
 Chapter 8             Katatapos lamang ni Agatha na mag-ayos sa kanyang sarili nang may kumatok sa pintuan ng silid, agad siyang lumapit at pinagbuksan kong sino man ‘yon. Laking gulat niya na si Alex pala ang kumakatok sa pintuan, nakaramdam siya ng kaunting kaba sa kanyang dibdib lalo na nang makita na naman niya ang seryosong mukha ng binata.             “Sumabay ka na raw sa amin mag-almusal,” wika nito.             “Oo susunod ako,” sagot naman niya.             Nagkipit-balikat lang ang binata at umalis na sa kanyang harapan para maunan na sa kanya.             Muli niyang sinara ang pintuan ng silid niya at muling sumulyap sa huling pagkakataon si Agatha sa salamin, inaalala niya na baka may nakalimutan siya, nang makita niyang nasa ayos naman ang lahat, lumabas na siya ng silid niya at bumaba papuntang dining area, madali lang naman makita dahil malapit ito sa sala at maririnig ang ingay mula sa loob ng silid ng mga tao doon.             Nang pumasok siya sa dining area, iba’t ibang bati ang natanggap niya, sa una niya ay nakaramdam siya ng hiya dahil baguhan lang siya doon pero nang tumagal-tagal nawala rin ang hiya niya dahil din pala-kaibigan at mababait ang kamag-anak ni Dante.             “Dito ka na Agatha,” hindi na siya nakatangi nang alukin siya ng upuan ni Marcus sa tabi nito sa may kaliwa.             Nagpasalamat siya at umupo sa tabi ng binata, saka lang niya na pansin na nasa harapan niya nakaupo si Alex, nahagip ng mga mata niyang nakatingin ito sa kanya pero nang sulyapan niya hindi na ito nakatingin sa kanya, napaisip siyang guni-guni lang niya ‘yon.             Maririnig ang kumustahan at mga tanungin ng miyembro ng Marquez sa kanilang mga bisita nang mag-umpisa na ang agahan, sa una si Dante at Jane ang kinukumusta hanggang sa mabaling kay Alex ang tanungan, nakikinig lang si Agatha, hindi niya gustong sumali sa usapan lalo na’t wala naman siyang sasabihin.             “Kumusta naman kasama ang anak namin si Dante?” Tanong ni Mrs. Marquez kay Alex.             Nakita ni Agatha na ngumiti ito, ngiting ngayon lang nakita ng dalaga, kasi kong siya ang kaharap ng binata, palagi itong may seryosong mukha, ngingiti naman ito ay tipid.             “Ayos naman pong kasama ang anak ninyo Mrs. Marquez, katulad pa rin ng dati mahilig siyang kumain kaya siguro tumataba na siya,” biro ni Alex na siyang pinagtawanan naman ng mga na andoon sa hapag at pinag-aasar naman si Dante ng mga pinsan niya.             “Lagot ka sa ‘kin Alex, akala mo ikaw lang marunong mang-ganyang porket mas gwapo ako sa ‘yo, masyado kang insecure,” seryosong wika ni Dante samantalang lalong lumakas ang tawanan, si Agatha naman ay pangiti-ngiti.             “Tumahimik ka na lang dyan at kumain kong wala kang magandang sasabihin, lalo mo lang pinapahiya ang sarili mo,” giit ni Jane.             Lalong lumakas ang asaran nang tumahimik si Dante dahil kay Jane, akala kasi ng lahat na magkasintahan ang dalawa kahit na magkaibigan lang ang turingan nito, pero para kay Agatha bagay naman ang dalawa at matagal nang magkakasama.             “Kumusta ka naman Agatha?” Natigilan ang lahat ng magtanong si Marcus sa dalaga, kahit siya’y natigilan sa ginagawa niya.             “Ayos naman ako,” sagot niya, nakakaramdam na naman siya ng hiya nang mapansin niyang nakatuon ang lahat ng atensyon sa kanya na hinding-hindi niya gusto.             Alam kasi ng pamilya ni Dante na siya yong dalaga na tumulong sa paglutas ng nakaraang murder case sa mismong paaralan nila, may ibang miyembro na iibahan sa kanya dahil tahimik at hindi palakibo.             “Malamang may boyfriend na si Agatha,” biro ni Mrs. Marquez sa kanya na siyang kinagulat niya.             Umiling-iling siya at matawa-tawang sumagot, “naku wala pa po sa ‘kin ang mga ganyang bagay.”             Nagulat naman sila ng umubo ng umubo si Dante, “naku naman aray ko Alex, masakit!”             Napasulyap si Agatha kay Alex na ang sama ng tingin kay Dante. Tatawa-tawa naman si Jane sa tabi nito.             “Kong kayang makita ni Agatha ang mga masamang mangyayare, malamang kaya rin niyang makita kong sino ang magiging boyfriend niya at malamang ako ‘yon,” pagmamayabang ni Marcus habang manghang-mangha sa kagandahan ng dalagang si Agatha.             “Kayo talaga, tigilan na ninyo si Agatha, tapusin na natin ang agahan, mamalengke pa ako para sa tanghalian natin, may mga bisita kaya kailangan ng masarap na pagkain,” natuwa naman ang mga bata sa sinabi ni Mrs. Marquez.             “Sasama po kami ni Dante para tumulong,” sabi ni Jane.             “Salamat naman kong gano’n,” masayang saad ni Mrs. Marquez.             “Ako po, sasama rin ako,” pagpi-presenta rin ni Agatha, may pakiramdam kasi siya na kailangan niyang malaman kong anong itsura ng palengke nila, hindi niya gustong isipan ang tungkol sa panaginip niya, pero hindi siya mapakali kong hindi niya susubukan.             “Ako rin sasama ako!” Aniya ni Marcus.             “Hindi na, dito ka lang sa bahay tumulong ka sa mga pinsan mo na mag-ayos dito at maglinis,” napasimangot si Marcus nang sabihin ‘yon ni Mrs. Marquez.             “Ako sasama rin ako,” napasulyap si Agatha at ang lahat muli kay Alex, hindi naman ito tinutulan ng ina ni Dante na sumama.             Natapos ang maingay at masayang agahan na naranasan ni Agatha, nang mapagpasiyahan nilang mamalengke, may kalayuan ang palengke sa mismong bayan ng Claret, labing-limang minuto ang tinagal ng biyahe bago sila nakarating sa palengke gamit ang kotse ni Dante.             Sa entrance pa lang, iba na ang pakiramdam ni Agatha sa palengke kong na saan sila, sa ayos at itsura nito, ito mismo ‘yong nakita niya sa panaginip niya na may pinatay na batang babae, ang lakad ng dagundong ng puso niya dahil sa kaba, ibig sabihin dito sa Claret nangyari ang isa sa mga panaginip niya, hindi siya pwedeng magkamali.             “Ayos ka lang ba?” Napasulyap kay Jane na nagtataka sa kanyang pamumutla at walang kibo.             Ngumiti siya bago sumagot, “oo naman, medyo na iihi lang ako.”             Sumulyap naman si Mrs. Marquez sa kanya, “nasa dulo pa ang public cr dito, kailangan mong maglakad ng diretso doon, tapos kumaliwa ka doon mo makikita ang banyo,” pagtuturo nito ng direksyon sa kanya.             “Salamat po, mauna na po kayo at susunod na lang po ako, hindi ko na talaga kaya,” pagsisinungaling niya kailangan niya kasing malaman ang buong itsura ng lugar kong ito na ba nasa panaginip niya, kailangan pa rin niyang magsiguro.             “Samahan na kita,” pag-aalok ni Jane sa kanya.             “Naku ako na lang, hindi naman siguro ako mawawala dito,” wika niya.             Nagkipit-balikat lang si Jane, “ok.”             Lumayo na siya sa mga kasama niya at nagsimulang maglakad papunta sa sinabing lugar ni Mrs. Marquez. ~*~             Habang naglalakad sila Alex at nag-uumpisa nang mamili si Mrs. Marquez, hindi siya mapakali na hindi niya nakikita ngayon si Agatha, na isip niya na baka maligaw o kaya’y may mangyaring hindi maganda sa dalaga, tapos wala siya, naalala niyang nangako siya sa magulang nito na walang mangyayare sa dalaga.             “Tsk,” singhal niya sa kanyang sarili.             Sobra-sobra na itong inis na nararamdaman niya, kanina sa agahan dahil kay Agatha at ngayon naman dahil na naman kay Agatha, hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya.             “Sa tingin ko hindi ok si Agatha, namumutla kasi nong mapansin ko siya,” narinig niyang komento kay Jane na kakwentuhan si Dante.             “Nagbanyo lang ‘yon Jane ang oa muna man, baka malay mo meron siya ngayon, alam mo ‘yon yong dalaw ng mga babae kaya naghanap ng banyo,” aniya naman ni Dante.             Pero iba ang nasa isip ni Alex, nakita niya sa biyahe na nanaginip ang dalaga. Huminto siya sa paglalakad at hindi na sumunod sa mga kasama. ‘Kailangan kong makita agad si Agatha,’ sa isip-isip niya, nakita na lamang niya ang sarili na sa ibang direksyon naglalakad kong saan naglakad din si Agatha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD