Chapter 7

1309 Words
Chapter 7             Malayo pa si Mrs. Gonzales nang matanaw niya ang bukas na pintuan ng bahay nila, “maaga bang nagising si Mia ngayon?” Tanong niya sa kanyang asawa, na kapareho niyang kagagaling lang sa sakahan at naiwan ang bunso nilang anak na si Mia sa bahay.             Nagkipit-balikat si Mr. Gonzales, “hindi ko alam,” sagot nito sa asawa.             Hindi na muling nagtanong si Mrs. Gonzales, nakaramdam din siya ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib na animoy may hindi tama, nagmadali siyang makapasok sa bahay nilang nipa hut nang nakalipat siya, nang mabuksan niya ng tuluyan ang pintuan, bumungad sa kanya ang magulong bahay nila.             Gulat na gulat ito, hanggang sa makita rin ng asawa niya at mga anak na lalaki na kasama sa sakahan para tumulong. Agad nilang hinanap ang dalaga sa silid, kusina at likod bahay nila, hindi lang si Mrs. Gonzales ang kinabahan sa mga oras na ‘yon, kong di ang buong pamilya.             Nakita niyang lumabas ang isa niyang anak na lalaki, napasulyap siya sa labas nang tawagin siya ng anak mula sa labas, nagmadali siyang lumabas ng bahay, tinungo niya ang boses ng anak kong saan ito nang gagaling, nakarating siya sa talahiban sa likuran ng bahay nila, habang papalapit siya sa anak lalo dumadagundong ang dibdib niya sa kaba.             Nakatalikod ang anak ni Mrs. Gonzales, pero hindi doon nakataon ang atensyon kong di sa paang nakikita niya mula sa lupa, dahan-dahan siyang lumapit sa tabi ng anak na lalaki, hindi niya alam kong anong magiging reaksyon niya sa nakikita niyang anak na nakadapa sa lupa.             Hindi siya makapagsalita at nanginginig ang mga kamay, bumaba siya sa lupa at kinuha ang dalagang si Mia, basang-basa at balot ng putik ang buong katawan ng dalaga, nang kunin niya ito, nakita niya ang dugo sa palda at saksak sa sikmura, napahagulgol siya nang makitang may hiwa sa magkabilang gilid ng labi ng dalaga.             Doon siya tuluyang naging emosyunal, sinigaw niya ang galit at inis sa karumaldumal na ginawa sa kanyang anak na si Mia. ~*~ Wala pang almusal at kahit na anong maayos na paligo dahil sa biglaang tawag galing kay detective Irene. Kagigising pa lamang niya, pero dahil sa nalaman nilang may pinatay na dalaga nagising ang diwa niya. Nagkalat ang team ng soco at CPD, sumalubong sa pagdating niya ang galit na galit na magulang ng dalaga. Tinignan na rin nila ang bahay ng biktima, walang resulta na sapilitan na pinasok, may pagkakapareho sa na unang homicide na hinahawakan nila ngayon, ginahasa, pinatay at hinihiwa ang magkabilang gilid ng dalaga na animoy ngumingiti. Huli niyang nakita ang mukha ng dalaga nang isara ang bag kong saan nakalagay ang bangkay. Naglakad na siya palabas ng talahiban, sumalubong naman sa kanya si Irene, "wala ba kayong nahanap na weapon sa crime scene?" Tanong niya sa dalaga. Umiling si Irene, "wala, tinanong ko na rin yong pamilya ng biktima kong may kilala silang Jackie Torres na baka magkaibigan sila, pero hindi naman daw." "Na saan daw ang pamilya ng mangyari ang lahat ng ito?" Tanong muli ni Nathan sa dalagang detective. "Ang sabi nila lahat ng mag-anak ay nasa sakahan, na iwan si Mia para magbantay ng bahay," iiling-iling na sagot ni Irene, dahil nang hihinayang ito sa magandang dalaga na naging biktima lang ng ganitong bagay. Napaisip si Nathan, na-check na nila ang oras kong may bumisita ba sa unang biktima si Jackie ng araw na 'yon, pero ni isa walang bumisita sa dalaga at hindi ito umalis ng bahay, isang malaking tandang-pananong ito sa kanilang lahat. "It seems na pareho lang ito sa na unang biktima diba, pansin mo yong hiwa sa mga gilid ng labi nila, hindi kaya thread mark niya 'yon sa lahat ng ginagahasa at pinapatay niya?" 'Yon din ang tanong ni Nathan sa kanyang isipan, halos pareho sila ni Irene mag-isip. "Baka," sagot ni Nathan saka bumuntong hininga, "sana malaman agad ang resulta ng autopsy sa katawan ng biktima, kong may kapareho bang mark na naiwan ang suspek sa bawat biktima, baka iisa lang ang gumagawa nito o baka grupo sila." Tumango naman si Irene bilang pagsang-ayon, "darating din tayo dyan," aniya ng detective na kaharap. Nang matapos ang trabaho nila doon, saka lang nila na isipang bumalik sa opisina, nakisakay na lamang siya sa kotse ni Irene, total pareho lang naman sila ng pupuntahan at animoy magiging kapartner niya ito sa lahat ng paglutas ng kaso na nangyayari sa Claret. Nakatira ngayon sila sa apartment na malapit sa Claret Police Department. Pero nakakausap lang niya ang dalagang detective tungkol sa homicide at wala siyang masyadong ideya sa ka partner. Labing limang minuto ang nakalipas nang makarating sila CPD, maririnig nila ang nagsisigaw na babae sa desk information nang makapasok sila, nagkatinginan sila at nagtataka kong isa na naman ba ito sa kanilang kailangan ayusin. Nang tuluyan silang makalapit sa desk, narinig nila ang hinaing ng mag-asawa at pagmamakaawa nito. "Huminahon po kayo misis," sabi ng pulis na babae sa desk info. "Siraulo ka pala, nawawala ang anak namin tapos sasabihin mo huminahon kami, anong klaseng payo yan?" Halos mapamura na ang lalaking asawa dahil sa nangyayaring tensyon kaya pumagitna sila Nathan dahil parang mananapak na ang ama ng nawawalan ng anak. "Naiintindihan po namin 'yon, pero may sinusundan po kaming protocol na hindi pa maitatalagang missing ang isang person kong hindi pa umabot ng 24 hrs, pwede po natin tignan ang mga possibilities na baka nasa bahay ninyo o kaya'y nasa ibang ka kilala ninyo," aniya ni Nathan. Pero nagulat siya nang hatakin siya sa kwelyo ng lalaki, kahit dina ng lahat ng na andoon ay nakita ang ginawa sa kanya, gusto niyang makawala at pakalmahin ang kausap pero hawak-hawak pa rin siya nito. "Mga siraulo kayo, tanginang protocol yan! Nawawala ang anak namin, hindi kami tanga para hindi hanapin ang anak namin kahit saan pero hindi namin siya mahanap, kaya kami na andito para tulungan kami at hindi sabihin na huminahon. Paano kong nawawala ang anak namin tapos makikita na lamamg naming siyang patay sa kong saan?" Bigla siyang binitawan nito na halos ikatumba niya, inalalayan naman siya ni Irene at nagpasalamat. Naalala niya ang tungkol sa kapatid niyang nawala at patay na nang mahanap nila, kaya siya naging pulis dahil sa kapatid niyang nawala para mahanap niya ang kapatid, pinangako niya sa kanyang sarili na hindi na mauulit sa iba ang nangyari sa kapatid niya, pero minsan ang protocol na sinundan nila ay may mali rin, lalo na kong kinakailangan talagang mahanap ang nawawala, may punto ang lalaki kaya hindi siya nakaramdam ng kahit na anong inis sa ginawa nito sa kanya, kong di awa. "Patawarin ninyo po kami, wag po kayong mag-alala gagawin po namin ang trabaho namin," mahinahon na saad ng binata sa mag-asawa, napasulyap siya sa matandang babae, nakikita niya ang mga magulang niya sa mga kaharap niya ngayon, nakita na lamang niya ang sarili niyang tinatanong ang mag-asawa kong anong dahilan? Saan nangyari at bakit bigla na lamang nawala ang sampung taong batang anak nito, hanggang sa malaman niya ang lahat. Nang matapos niyang tanungin ang mag-asawa, muli siyang nag-ayos para sa pag-alis kailangan niyang pumunta sa public market kong saan huling nakita si Julie Daga, anak ng mag-asawa, palabas na sana siya ng CPD ng harangan siya ni Irene ng kape, inalok sa kanya ito kaya kinuha niya at nagpasalamat. "Sige alis na ako may iba pa akong trabaho," paalam niya pero natigilan siya sa kanyang paglalakad ng marinig niya si Irene na magsalita. "Hindi mo dapat aksayahin ang oras mo sa ibang kaso, hindi mo yan trabaho," aniya ng dalagang detective. Napangiti siya at humarap sa dalaga, "hindi nga akin ang trabahong 'to, pero gusto kong tumulong, naranasan ko na rin kasi ng mawalan ng mahal sa buhay, na gusto mong mahanap ang taong 'yon pero wala kang magawa kasi kailangan mong maghintay ng resulta mula sa awtoridad." Hindi nagsalita si Irene, ngitian niya ito at tuluyang umalis ng CPD na hindi pinipigilan ng kahit na sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD