Chapter 12

1202 Words
Chapter 12 Sumakay sila Alex at Agatha sa pang batang carousel, ang binata ang nakasakay sa mismong kabayo at ang dalaga naman ang nakasakay sa maliit na karawaheng nakakabit sa kabayong sakay ng binata, “bakit ka ba ganito sa ‘kin?” Tanong ni Agatha.             Yumuko naman si Alex para makita ang dalaga, nagtataka sa tanong nitong, “anong ibig mong sabihin?”             Nagkipit-balikat ang dalaga, “hindi ko alam kong ano ba ‘tong ginagawa mo, kumikilos ka na parang na iinis ka sa akin minsan, tapos ngayon napaka-overprotective mo, hindi ko alam kong bakit ka ganyan? Nalilito ako, yong mga sinabi mo kanina, hindi ko pa rin ‘yon naiintindihan.”             Tumingala si Agatha, nagkasalubong mga mata nila ng binata, tahimik lang ang dalawa at animoy nagpapakiramdaman, huminto ang labing-limang minutong rides nila sa carousel at huminto na ito. Unang tumayo si Agatha at lumabas sa lugar na ‘yon, nakasunod lang si Alex sa kanya, hinila naman ng binata si Agatha para magkaharap sila at hindi na ito binitawan.             “Hindi mo pa rin alam?”             Hindi umimik si Agatha sa tanong ng binata.             Huminga ng malalim si Alex saka ito nagsalitang muli, “ok, ayaw ko na lalapit ka sa ibang lalaki, maliban sa akin at kay Dante, hindi ko gusto yong pakikitungo sa ‘yo ni Marcus, hindi ko rin nagugustuhan kong paano tumingin sa ‘yo yong magician sa show. Lahat ng ito’y mahirap din para sa akin, mahirap magtapat ng totoong nararamdaman Agatha.”             “Bakit ako ganito sa ‘yo? Kasi gusto kita, hindi ka man maniwala pero may nararamdaman ako dito,” sabay kuha ni Alex sa kamay niya at tinapat sa dibdib nito, nararamdaman ni Agatha ang bilis ng t***k ng puso nito na animoy sumasabay sa bilis ng puso niya ngayon. “Hindi ko alam kong kailan nag-umpisa, pero gusto kita, mahirap lang sabihin dahil sa mga pinagdaanan natin, pero nasa sa ‘yo na ‘yon kong maniniwala ka sa akin o hindi, pero para sa akin alam ko na kong ano ba ‘tong nararamdaman ko, hindi ko na ‘yon mapipigilan, mahirap nang bawiin,” saka ngumiti ang binata kay Agatha.             Naramdaman ni Agatha ang pag-iinit ng pisngi niya sa mga sinabi ni Alex, pero may mga tanong siya sa isipan niya, kong totoo ba ang lahat ng ito? Gano’n rin ba ang nararamdaman niya para sa binata, pero gusto niyang makasiguro, kong anuman ‘tong nararamdaman niya ngayon hindi niya ito gustong madaliin, baka magsisi siya sa huli.             “Alex hindi ko gustong sirain yong nararamdaman mo, pero---”             Hindi na natuloy ang sasabihin ni Agatha nang magsalita muli si Alex.             “Naiitindihan ko, hindi rin naman ako nagmamadali, pero gusto ko dito ka lang sa tabi ko, gusto ko ako lang maghahawak ng kamay mo,” hindi maiwasan na mapangiti ni Agatha sa mga sinabi ni Alex, hindi man niya sabihin sa binata pero nakaramdam siya ng kilig sa mga oras na ‘yon.             “Hindi ko alam na si Alex Montero ay isang pulis na kayang magsabi ng mga ganyang bagay,” pabirong saad ni Agatha.             Tumawa naman ng mahina si Alex, “hindi ko nga alam kong nakita ba ng kakayahan mo na may nararamdaman ako sa ‘yo, sa tingin ko hindi,” saka muling hinawakan ni Alex ang kamay ni Agatha habang naglalakad.             Para sa dalawa ito na ata ang pinakamasayang gabi sa buhay nila. ~*~             Isang puyatang trabaho na naman ito kila Nathan at Irene, pareho silang nasa opisina habang pinag-aaralan ang mga ebidensyang nakalap nila sa mga nangyaring homicide, may nadagdag na naman sa listahan ng bagong biktima ni Joker, ‘yon ang pinangalan nila sa killer ng mga biktima na nag-iiwan ng hiwa sa magkabilang gilid ng labi, na animoy nagiging Joker ang mga ito sa haba ng hiwa nang labi.             Kagagaling lang nila sa isang simbahan ng Claret, kong saan nakuha nila ang pangatlong biktima ni Joker, katulad ng nauna walang resulta na pinilit na makapasok ng suspek kong saan nakatira ang mga biktima, wala rin silang makuhang weapon sa crime scene, madalas namamatay ang biktima sa dami ng saksak na nakuha nila sa pangyayare.             Hindi rin magkakakilala o anu pa man ang mga naging biktima, nangyari ang lahat sa magkakaibang lugar, magkakalayo sa bawat isa, na isip ni Nathan na random nakuha ng biktima ng suspek, dahilan sa paggahasa at pagpatay wala pa rin silang makita, wala ring cctv camera sa bawat lugar sa bayan ng Claret.             Ang nakakita kay Sister Dory ang isang binatang taga-linis ng simbahan na siyang pangunahing suspek nila ngayon, pero kahit din ito ay hindi nila masabeng suspek dahil may alibi ang binata na wala siya sa mga oras na ‘yon sa simbahan nang mangyari ang krimen.             ‘Pero sino ba talaga ang gumagawa ng lahat ng ito?’ Tanong ni Nathan sa kanyang isipan.                 Lahat ng bangkay may pare-parehong fingerprint na nakuha sa katawan na malamang sa iisang suspek, iniisip pa rin nila kong grupo ba gumagawa nito o iisa lang. May isa pa siyang problema ang batang nawawala na si Julie, ang dugo na nakuha sa flashlight at ang dugo sa sahig ng public market ay iisa, kinukuhanan pa ng resulta ang dugo ang mga magulang ng bata kong dugo ba ito ng nawawala nilang anak.             24 hours na rin itong nawawala, ibig sabihin kikilos na ang mga kasamahan niya para sa nawawalang bata.             Lumayo siya ng bahagya sa laptop niyang kaharap. Pagharap niya kay detective Irene nakatitig ito sa screen ng laptop kong saan naka-display doon si Irene na nakangiti at isang bata na kawahig nito. “Detective Irene sa tingin ko kailangan mo nang magpahinga, ipagpabukas na lang natin ‘to.”             Pagharap ni Irene sa kanya, nakangiti ito at halatang pagod na sa mukha. Naiwan pa ring nakatitig siya sa screen ng laptop ng detective, “anak ko siya,” nagulat siya sa sinabi nito at napasulyap kay Irene na nakatingin ngayon sa screen saka bumalik sa kanya.             “Hindi ko alam na may anak ka pala,” wika ni Nathan, hindi halata kay Irene na dumaan ito sa panganganak lalo na’t maganda pa rin ang hubog ng katawan nito, hindi rin niya maiwasang mamangha sa ganda ng detective, pero minsan nawawala ang paghanga niya pagsobrang seryoso ng detective, mas nakakatakot pa ito kesa sa kanya.             Napangiti naman si Irene sa sinabi niya, “may anak na ako officer Nathan hindi lang halata, namimiss ko na yong anak ko, minsan ko lang siya makita, alam mo ba na hindi ko matanggap na magkakaroon ako ng anak sa bata kong edad noong kolehiyo ako, hindi ko kasi akalain na ma-rape ako sa mismong pinapasukan ko at mismong tinuring kong kaibigan noon, pero dahil sa akin siya galing tinaggap ko na ang lahat.”             “Hindi ko na nakita yong hayop na tatay niya nang mangyari ang lahat ng ito sa akin, nakalimutan ko na nga ang mukha niya, hindi ko na rin siya hinanap dahil siguro alam kong kaya ko naman palakihin ang anak ko ng mag-isa, gusto ko lang siyang makita pagkatapos nito,” kwento ni Irene kay Nathan.             Nakaramdam ng kirot sa puso si Nathan siguro dahil nawalan siya ng kapatid at mahal sa buhay, “wag kang mag-alala makikita mo rin siya pagnatapos din natin ‘tong trabaho natin.”             Napangiti si Irene sa sinabi niya, “sana nga matapos na ‘to,” saka sumulyap sa litrato sa screen at gano’n din ang ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD