Chapter 13

1128 Words
Chapter 13             Unti-unting nanghihina si Scarlet sa nangyari sa kanya, pauwi siya mula sa coffee farm ng kanyang boss nang may umatake sa kanyang binata, papasok pa ang bahay nila sa isang sementeryo kaya walang makakakita sa nangyari sa panggagahasa sa kanya, hindi rin niya nakita ang mukha ng binatang gumawa sa kanya n’un dahil sa dilim.             Hawak-hawak niya ang tagiliran na nagdurugo sa nakuha niyang saksak, meron din siyang nakuhang saksak sa braso, binti, nang iwan siya ng binata nagkunwari na lamang siyang patay at walang malay, pero nang makaalis ito, agad din siyang bumangon kahit na nanghihina.             Mangiyak-ngiyak siya dahil sa nangyari, wala siyang kalaban-laban tapos sinaktan pa siya, nakikita na niya ang ilaw mula sa bahay nila, malapit na siya sa bahay nila nang matumba siyang muli at hindi na muling bumangon, nararamdaman din niya ang lamig dahil sa sira-sira na ang damit niya.             “Tu-tulong ma---” Hindi na niya magawa pang tapusin ang sasabihin dahil sa panghihina at maraming dugong na ubos sa kanya, mahina rin ang boses niya hindi na niya magawang makatawag pansin hanggang sa mawalan na siya ng malay sa kinahihigaan habang nakahawak sa tagiliran. ***             Kalahating oras nang nakaupo si Agatha sa kama niya nang magising siya sa masama na namang panaginip, ano pa bang magagawa niya, sunod-sunod nang nagpapakita ang mga ‘yon sa panaginip niya, kinuha niya ang notebook at ballpen sa loob ng bag na nasa baba lang ng kama niya, sinulat niya lahat ng napapaginipan niya, kong anong lugar, ang kasarian ng biktima at anong nangyari sa biktima.             Hanggang ngayon malabo pa rin sa kanya ang mukha ng mga ito, pero naririnig niya ang mga boses na animoy nakikinig lang siya ng radio, iniisip niya kong lahat ba ng nasa panaginip niya ay iisang lugar lang ba, sa Claret, pero palagi niyang iniisip na kailangan niyang masiguro ang lahat, pero kong lahat ng ito ay sa bayan kong saan sila nagbabakasyon, kailangan niyang tumulong pero hindi niya alam kong sa paanong paraan.             Bigla niyang naalala na napagkalaman siyang suspek ng mga pulis lalo na ni Alex dahil sa kakayahan niya, kong kila Alex ay maiintindihan nila ang kakayahan niya pero sa ibang tao sa tingin niya isa lamang itong biro, hindi naman niya gustong makakakita ng kamatayan ng mga tao sa paligid niya, lalo na ng isang krimen na nangyari sa isang tao.             Natigilan siya nang maalala niyang may narinig siyang pangalan sa mga nakikita niya, sinulat niya ang pangalang ADAM sa notebook niya sa iisang pahina kasama ng mga sinulat niya tungkol sa mga nabiktima, nilagay niya sa tabi nito ang MAIN SUSPECT, saka niya sinara ang notebook at tinago sa kanyang bag, umalis na siya sa kama at nag-ayos ng kanyang sarili bago lumabas ng silid. KATATAPOS lamang ng agahan ng pamilya Marquez kasama sila Agatha, napagdesisyunan naman nila Agatha at Jane na tumulong kay Mrs. Marquez sa pagdidilig ng hardin nito, may iba’t ibang bulaklak na napapalibutan sa bahay, animoy isa itong tindahan ng iba’t ibang magagandang bulaklak at mamahaling halaman.             Nakikipagtuwaan si Agatha nang makita niyang maraming tao sa labas at animoy may dinidikit sa poste, maririnig din galing sa isang police car na lumilibot sa buong bayan ng Claret ang sinasabi nito mula sa speaker na isang babala, “paalala: Pag-ingatin ng mabuti ang mga anak ninyong dalaga, pamangkin man, kaibigan, kakilala o apo na wag na pong palalabasin sa gabi, kong kailangan man nitong lumabas sa gabi kailangan po palagi itong may kasama, wag pong hahayaan na mag-isa sa bahay ang mga dalaga ninyo, dahil may gumagala pong rapist at mamamatay sa lugar, siya si Joker, meron na po siyang apat na naging biktima.”             ‘Apat nang nabiktima? Apat din ang dalagang nabiktima sa panaginip ko, hindi ba nagkataon lang ang lahat?’ Sa isip-isip ni Agatha nang marinig ang paulit-ulit na babala sa speaker lalo siyang kinabahan sa nangyayari.             Papasok naman sila Alex at Dante sa gate na may pareho itong hawak na piraso ng papel, “tignan ninyo ‘to,” aniya ni Dante sabay harap ng piraso ng papel. Isang litrato ng sampung taong gulang na batang babae na naka-uniporme, may maamo itong mukha, sa ibaba nito nakasulat na nawawala ang bata simula kahapon ng madaling araw, may pangalan itong Julie Daga.             “Grabe naman yang nangyayari sa bayan ninyo Dante, dumating ka lang naging malas na ang bayan ninyo,” biro ni Jane sa kaibigan.             Sumimangot naman ang binata sa sinabi ni Jane, “grabe ka naman sa akin, nagkataon lang ang lahat.”             “Pero maiba tayo, grabe naman yang nangyayari ngayon, apat na na-rape tapos nawawalang bata, sino naman ang suspek?” Pagtataka ni Jane.             “Anu ka ba hindi na kailangan mag-isip tungkol sa mga bagay na yan, bakasyon natin ngayon at wala tayo sa trabaho,” wika ni Dante.             Nahuli ni Agatha si Alex na nakatingin sa kanya, animoy alam nito na may nalalaman siya sa nangyayari, pero hindi niya gustong sabihin ang lahat, isinantabi na lamang niya ang mga bagay na ‘yon. ~*~             “Ilang beses kong bang isasagot sa paulit-ulit ninyong tanong na hindi ako ang pumatay kay Scarlet na girlfriend ko, hindi ko magagawa ‘yon sa kanya,” inis na inis na saad ni Ace kila Detective Irene at officer Nathan.             Nagkatinginan si Nathan at Irene saka bumalik sa binatang nakaposas na nakaupo sa harapan nila, “may nakapagsabi sa amin na ikaw lang ang huling nakasama ng dalaga bago ito mamamatay, so ibig sabihin ikaw lang ang makakagawa n’un sa kanya, bagay malay mo hindi pumayag sa gustong mong mangyari na makipagtalik sa ‘yo o kaya may pinagtalunan kayo na hindi mo nagustuhan kaya nagawa mo ‘yon sa kanya sa mismong sementeryo na malapit lang sa kanila, hindi mo nga lang nagawa ang trademark mong Joker’s smile dahil nagmamadali ka.” Aniya ni Nathan.             Napamura naman si Ace dahil sa mga pinagsasabi ng dalawang kaharap.             “Itikom mo yang bibig mo kong ayaw mong masaktan,” pananakot ni Irene kay Ace kaya natigilan ang binata.             Nilapag naman ni Nathan ang mga litrato nila Jackie, Mia at sister Dory, “kilala mo silang lahat?”             Sumulyap ang binata sa lamesa kong na saan ang mga litrato, umiling-iling ito at humarap sa kausap, “hindi ko sila kilala, ni hindi ko pa sila nakausap, alam ninyo kong ako ang tinuturo ninyong pumatay sa tatlong yan o ako yong iniisip ninyong Joker na pumapatay ng babae, nagkakamali kayo, una hindi ko lolokohin ang kasintahan ko, pangalawa hindi ko siya papatayin at pangatlo hindi ako mamamatay tao.”             “Pag-uusapan uli natin yan bata,” aniya ni Irene saka niyaya si Nathan na lumabas ng silid.             Nang makalabas na sila sa interrogation room, pareho itong napaisip, sa pang apat na biktima sa nangyayari, nangangati na ang mga palad nilang mahanap kong sino ba ang totoong Joker, sa tingin kasi nila nagsasabi ng totoo ang binatang nakaharap nila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD