Chapter 5

1057 Words
Chapter 5             Malakas ang ulan ng gabing ‘yon sa bayan ng Claret na may kasama pang kidlat at sobrang lakas ng hangin na animoy may bagyo, pero may isang dalaga ang takbo ng takbo mula sa talahiban. Hindi niya alintana ang lamig na nararamdaman niya, may humahabol sa kanya kanina pa mula sa bahay at isang binatang tinulungan niya, pero hindi niya alam na ito pala ang magiging dahilan ng pagkahamak niya sa buhay.             Iniinda rin niya ang sugat sa braso nang saktan siya ng binatang hindi niya kilala. Laking pasalamat na lamang niya at nakalayo siya sa bahay nila, nag-iisa lang siya sa bahay nila sa bukid at hindi pa nakakabalik ang mga kapatid at magulang mula sa pagsasaka.             Mangiyak-ngiyak siyang tumatakbo, hanggang sa mapatid siya ng batong hindi niya na pansin sa lupa at nang hindi niya namalayan na tumama ang braso niya sa lupa agad siyang napasinghal, pero bigla rin siyang tumahimik nang marinig niyang may paparating sa puwesto niya. Tinakpan niya ang mukha habang nakadapa sa lupa, wala na siyang pakealam kahit na ang dumi-dumi na niya at puno ng putik basta’y hindi lang siya mahuli ng binata.             Umilaw ang kalangitan at dumagundong ang buong kalangitan ng kumidlat ng malakas, nang laki ang mata niya nang makita ang pares ng sapatos sa uluhan niya, agad siyang umupo at tiningala kong sino ang kasama niya doon, ramdam niya ang kabog ng dibdib dahil sa takot, muling kumidlat kaya nasilayan niya ang mala-demonyong ngiti ng binata sa kanya.             “Wag po,” iling-iling niyang pagmamakaawa na wag siyang gagalawin, pero huli na ang lahat, hinila siya nito at muling pinadapa sa puwesto niya.             “Dito ba gusto mo huh, pwes ibibigay ko kagustuhan mo,” demonyong saad ng binata sa kanya.             Wala siyang nagawa kong di ang magsisigaw habang pinupunit ang damit niya ng binata. ***             Nang lalaking dumilat ang mga mata ni Agatha mula sa bangungot niya, pinakiramdaman niya ang sarili na hingal na hingal, pawisan at takot na takot. Napahawak siya sa kanyang dibdib at katulad din ng mga panaginip niya nong isang gabi ang panaginip na naman niya ngayon.             “Ayos ka lang?” Napasulyap siya sa nagsalita sa kanyang tabi mula sa gilid na si Alex, nakahinto ang kotse ni Dante at nakabukas ang pintuan na malapit kay Alex.             Nagtataka siya kong nakita ba siya ng binata na nanaginip, ngumiti siya bago sumagot, “ayos lang ako.”             Sabado ng gabi sila umalis sa bahay nila Agatha ng sunduin ang dalaga, nakatulog siya sa biyahe na hindi niya namamalayan at hindi rin naman niya gustong makipagkwentuhan sa binata na sa buong biyahe na katabi niya.             “Nakita kita kanina, mukhang binabangongut ka, nakakakita ka pa rin ba ng imahe sa panaginip mo o anumang oras?” Pag-aalala ng binata sa kanya.             “Oo, nitong nakaraang linggo lang nong magsasara ang klase, pero sa tingin ko normal lang na magkaroon ng panaginip,” pag-iiba niya ng usapan, sa tingin niya hindi naman ‘to bagong krimen na nangyayari sa ibang lugar, pero hindi siya pwedeng magsinungaling sa sarili niya at napakalinaw ng lahat ng nakikita niya. Maliban sa mga nakikita niyang tao o mga mukha nito. Masyadong malabo.             Nakipit-balikat naman ang binata, “oo nga, pero hindi na normal na managinip ka ng sunod-sunod na gabi.”             Ngumiti naman siya, “naku wag kang mag-alala wala talaga ‘yon.”             “Sabi mo eh,” hindi na nagpumilit pa si Alex na tanungin siya.             “Bakit pala tayo nakahinto dito?” Tanong ni Agatha.             “Nagutom na naman si Dante, sabi naman niya malapit na tayo sa Claret, isang oras na lang, saka sabi ni Dante nagtext daw ang mama niya sa kanya na maulan sa kanila doon kaya mag-stay muna tayo kahit na mga kalahating oras kaya na isipan nilang dito na tayo maghapunan,” paliwanag ni Alex.             Na siyang kinatigil ni Agatha, nang malaman niyang maulan sa Claret na siyang gano’n din sa panaginip niya, ‘imposible, nagkataon lang ang lahat Agatha,’ sabi niya sa kanyang isipan.             Napasulyap naman sila pareho ng binata nang tawagin si Alex ni Dante mula sa labas at hinarap naman siya ni Alex, “sa tingin ko kailangan na rin nating maghapunan, halika na.”             Tumango na lamang si Agatha bilang pagsang-ayon, sinara nila ang kotse at pumasok sila sa open na karinderya na hinintuan nila, hindi lang sila ang na andoon, dahil may ilang pasahero ng mga bus na kumakain din doon at nagpapahinga.             Humahalo sa malamig na hanging ang iba’t ibang amoy ng putahe sa kainan, pero mas napukaw ang pansin ni Agatha sa stall ng ihawan kong saan bumibili sila Dante at Jane. Nang makalapit sila agad silang inalok pareho ni Alex.             Kinuha naman niya ang isang barbeque na inabot ni Jane at nagpasalamat siya.             Inabot naman ni Dante para kay Alex ang isang barbeque pero hindi naman tinanggap ng binata kaya napasulyap siya.             “Alam mong hindi ako kumakain ng mga ganyang pagkain, nang didiri ako,” reklamo ni Alex, “kakain na lang ako ng iba huwag lang yan.”             “Ang arte muna mang lalaki ka, kong ayaw mo edi akin na lang,” aniya ni Dante.             Umabot din sila ng halos isang oras na pagpapahinga nila sa kainan at muli silang bumayahe. Nakatingin lang siya mula sa labas ng bintana, tahimik ang loob ng kotse at wala na ang ingay ni Dante o kahit na sino sa kanila dahil pagod na rin katulad niya.             Hindi na niya gustong bumalik sa pagkakatulog at natatakot siyang makakita na naman ng nakakatakot na panaginip. ~*~             Gising si Alex sa buong biyahe, ngayon nakikita na naman niyang tulog si Agatha na uuntog na naman sa salamin ng bintana, kinuha niya ang ulo nito at dahan-dahan na sinandal sa balikat niya, ‘antukin ka talaga’ sa isip-isip niya sa pagiging antukin ng dalaga.             Napasulyap siya kay Dante na napasulyap na naman sa kanyang ginawa katulad kanina nang ginawa rin niya ‘yon nong umpisa. Napangiti ito at hinayaan na lang siya. Buti na lang at tahimik lang ang kaibigan. Bigla rin niyang naalala ang nangyari kanina, kong paano niya makitang bangungutin ang dalaga, sobra siyang nag-alala at gusto pa sana niyang itanong kong ano ang masamang panaginip nito dahil alam naman nila kong ano ang kakayahan ni Agatha.             Pero sa tingin niya hindi naman magki-kwento ang dalaga kong hindi naman nito gusto kaya hinayaan niya na lamang ito, masaya na siya na makasama sa bakasyon ang dalaga at makatabi sa buong biyahe. Baka kasi hindi na ito maulit muli.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD