Chapter 4

1014 Words
Chapter 4             Pinarada ni officer Nathan ang kotse niya sa harapan ng isang bahay sa Claret, pagkapatay niya ng makina, agad siyang bumaba ng kotse at pinagmasdan ang buong paligid, ang bahay ay napapalibutan ng yellow line ng mga pulis, may ilang police car na nakaparada, mga lalabas at papasok na mga tauhan ng pulis sa bahay kong saan nangyari ang isang krimen, tatlong araw ang nakalipas.             Isang malaking bayan ang Claret, na may tatlong oras ang biyahe magmula Maynila, madalas itong dayuhan ng mga turista dahil sa angkin nitong ganda, animoy isang probinsya, napakatahimik at napakalinis ng mga kalsada dahil sa pagiging disiplinado ng mga taong nakatira sa nasabeng bayan.             Mag-iisang buwan pa lamang si Nathan na nakabalik sa Maynila, ngayon na lamang siya magtatrabaho na malayo sa labas ng Maynila, noon sa malayong bayan ng San Vicente, dahil sa kakaunti ang nag-aasikaso tungkol sa krimen na nangyari at kakaunti lang ang pulis sa malaking bayan na ito, kinuha si Nathan para magtrabaho ng isang buwan, siya naman ay pumayag, lalo na’t wala naman masyadong trabaho sa department nila, pinayagan na rin naman siya ng Director nila.             Pumasok siya sa yellow line, isang babae ang lumabas sa bahay, pinaningkitan siya nito at nilapitan, “bawal pumasok sa police line mister,” wika nito sa kanya.             Hindi siya naka-uniporme kaya hindi siya makikilalang pulis, hindi rin naman nakapang-pulis na uniporme ang babaeng lumapit sa kanya, una niyang na isip na isa ito sa nakatira sa bahay.             Kinuha niya ang badges niya sa bulsa sa mismong wallet na siya’y isang pulis, “ako si officer Nathan Bustamante, isang pulis na galing sa MPD, pinadala nila ako dito para tumulong sa pagresulba ng krimen na nangyari noong nakaraang araw.”             Nagtaas naman ang isang kilay ng babae, nilapas ng dalaga ang badges na nagsasabing pulis din ito mula sa ilalim ng suot na jacket, “ako si detective Irene Tan ng QCPD, katulad mo pinadala rin nila ako dito para tumulong, pero parang nahuli ka ata.” Pagpapakilala ng nagngangalang Irene habang inaayos ang suot na jacket na puti.             Halos magkasintangkad lang sila ni Irene, may pagka-boyish ayon na rin sa pananalita nito, pero may mahabang buhok na maayos na nakatali, wala ring ka-make-make-up sa mukha pero namumula ang mga pisngi at labi nito. Nakaramdam ng pang iinsulto si Nathan pero hindi na lamang niya ito pinansin, makakasama niya ang bawat isang pulis sa trabaho kaya kailangan niyang makisama, hindi na siya nagsalita, niyaya naman siya nito na pumasok sa loob ng bahay.             Bumungad sa kanila ang mga nagtatrabahong team ng SOCO sa loob ng sala, merong mga mark sa sahig ng chalk, may bukas na first aid kit sa lamesa, nakasunod lang siya kay Irene, umakyat sila sa second floor ng bahay at pumasok sila sa bukas na pintuan ng silid.             Nakita ni Nathan ang dugo mula sa kama, ayon sa silid at ayos nito, mukha itong pang babae, may mark din ang kama na hugis tao, nagkalat din ang dugo sa sahig, sinundan niya ng tingin ito hanggang sa makita niya ang bukas na pintuan ng banyo, pumasok siya doon, nagulat siya na puno ng kulay pulang likido ang bathtub, animoy pool ng dugo.             Lumabas siya ng banyo ng hindi makayanan ang amoy, “ano bang nangyayari dito?” Tanong ni Nathan kay Irene.             “Isang dalagang nagngangalang Jackie Torres, ang ginahasa at pinatay sa loob ng sarili niyang silid at mismong sa loob ng sarili niyang bahay. Ayon sa autopsy at mga nakuha niyang sugat, ginahasa na muna siya bago siya pinatay, may mga sugat siya sa kamay at paa na halatang tinali siya habang ginagawa ang pang gagahasa, namatay siya sa pagkalunod, ginamit ang bathtub at doon siya pinatay, may mga kong ano-ano pang pinag gagawa ng suspek sa katawan niya, hiniwa ang magkabilang dulo ng labi niya para masabeng siya’y nakangiti.”    Kwento ni Irene kay Nathan.             “Mga around 9 siguro nangyari ang lahat, isang oras bago nalaman ng mga magulang niya na patay na siya nang makauwi ito galing sa isang party sa kompanya ng ama ng biktima,” pailing-iling na wika ng babae.             Kahit din si Nathan hindi makapaniwala sa nalaman niya.             “Sa nakikita namin walang resulta ng pagpupumilit na buksan ang bahay, ibig sabihin mukha ka kilala lang ng dalaga ang suspek, ngayon iniisa-isa namin ang pwedeng dumalaw na kaibigan ng dalaga noong araw na ‘yon, mga taong may galit sa kanya o ano pang motibo,” ngayon lang na pansin ni Nathan ang hawak na folder ni Irene, “sa ngayon nag-aasikaso ang mga magulang niya ng libing ng biktima at sinisigaw nila ang hustisya.”             “Wala bang mga security accessories sa loob ng bahay?” Tanong ni Nathan kay Irene.             “Wala, kaya nahihirapan kaming ayusin at hanapin kong sino ang suspek, hindi naman ‘to iba sa sa mga nakita kong homicide crime,” sagot naman ni Irene.             Hinarap ni Irene ang folder na puti kay Nathan na inabot naman ng binata, “dyan nakalagay lahat ng profile ng biktima,” wika nito.             Nang buklatin niya folder, nakita niya ang maamong mukha ng biktima sa litrato at mga litrato sa crime scene, litrato nito na may hiwa sa magkabilang gilid, duguang katawan at naliligong katawan ng biktima sa sariling dugo sa bathtub.             Ang lakas ng t***k ng puso niya, dapat sanay na siya sa mga ganitong pangyayare pero sa tuwing makikita niya na ang biktima ay babae, hindi niya maiwasang maalala ang kapatid niyang namatay. Sinarado ni Nathan ang folder at muli na namang sumunod kay Irene nang yayain siya nitong magpunta sa Claret Police Department, para doon mag-asikaso at magtrabaho ng mga naiwan pang trabaho.             Nag-uumpisa na siyang mag-isip ng mga tanong at mga maaring sagot sa nangyari. Paglabas nila ng bahay, na pansin niyang magkakalayo ang agwat ng bahay sa bawat isa, kong hihingi ng tulong ang biktima sa loob, mukhang mahihirapan itong makakuha ng atensyon sa labas.             Bumalik siya sa kanyang kotse at pinaandar, sinundan niya ang kotse ni Irene kong saan ito papunta, lalo na’t hindi pa naman niya kabisado ang lugar, habang nagmamaneho na pansin niya ang bahay na lalong malalayo ang mga agwat mula sa unahan sa dinadaanan nila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD