Chapter 6

1309 Words
Chapter 6             Huminto ang kotse ni Dante sa harapan ng isang malaking ancestral na bahay ng pamilya nito, naghihintay mula sa malaking gate ang pamilya ni Dante para sa mga bisita at gising na si Agatha bago pa man sila makarating sa Claret. Madilim pa sa mga oras na ‘yon at basa pa ang mga halaman dahil nga sa dumaang ulan.             Unang bumaba si Dante, sumunod si Jane, Alex at si Agatha, lahat ay sinalubong ng pagbati ng pamilya Marquez, pero lahat ang mga ito’y nagulat nang makita ang hindi pamilyar na kasama. Si Agatha, lahat sila ay napatitig sa maamong mukha ng dalaga, pati ang tatlo at dahil ngayon pa lamang nakita ng mga Marquez ang dalagang si Agatha.             Nabasag katahimikan nang magsalita si Marcus na pinsan ni Dante at lumapit kay Agatha, “sa tingin ko ikaw yong sinasabing pasalubong ng pinsan kong si Dante,” biro nito kay Agatha.             Hindi naman alam ni Agatha kong matutuwa siya sa biro ng binata pero ngumiti na lamang siya kay Marcus, gumitna si Dante sa dalawa, ang sama naman ng tingin ni Alex sa binata at hindi pinapahalata ang pagkainis nito sa mga oras na ‘yon.             “Tumigil ka, bisita ko siya at bisita ng bahay na ‘to. Nagmumukha ka na namang mangyakis,” sabay tulak ng bahagya ni Dante sa pinsan.             Sumimangot naman si Marcus at lumayo. Noon kasi sa tuwing nagbabakasyon ang tatlo, si Jane madalas na biruin ng binat at nagpapasalamat naman ni Jane na hindi na siya kukulitin dahil may bago itong pagti-tripan.             “Ito pala si Agatha at isa sa mag kaibigan namin,” pakilala ni Dante sa dalaga sa buong pamilya niya. Isa-isa rin pinakilala ni Dante ang miyembro ng pamilyang nakatira sa ancestral house nila. Pagkatapos n’un pumasok sila sa loob, agad na inasikaso sila Agatha at binigyan ng magiging silid, malaki at malawak sa loob ng bahay.             May mga magiging silid sila para sa pagbabakasyon nila doon, mababait at masayahin ang pamilya Marquez.             “Sa tingin ko bukas na tayo mag-usap-usap, buti rin at nakarating kayo ng ligtas, magpahinga na muna kayo nakakapagod din ang biyahe,” wika ng ama ni Dante na may katandaan na pero malakas pa rin ang pangangatawan.             “Magandang ideya yan papa,” sarkastikong saad ni Dante.             “Ay sayang naman, hindi ko makakasama ng matagal si Agatha my love pero may bukas pa naman,” wika naman ni Marcus.             Isa-isa naman sila bumalik sa kanilang mga silid, gano’n din sila Agatha sa kanilang magiging silid sa loob ng dalawang buwan. ~*~             Alas tres ng madaling nang mag-umpisa ang mga tindahan sa palengke, dahil may mga mamimiling maagang mamili kaya kinukuha nilang oportunidad ang pagbubukas ng maaga sa kanilang mga puwesto, kasabihan nila na ‘sayang ang benta,’ pero mula sa dulo ng public market may iilang madidilim na parte na hindi rin madalas puntahan ng mga tao lalo na kong madilim pa.             Isa si Julie sa kailangang gumising para tumulong sa kanyang mga magulang, pero sa oras na ‘yon kailangan niyang pumunta sa madilim na parte dahil doon din nakalagay ang public comfort room, katatapos lang niyang magbanyo nang makarinig siya ng ingay mula sa labas ng cubicle.             Paglabas naman niya, wala naman siyang makitang tao doon, tanging flashlight na hawak niya ang nagsisilbing liwanag sa puwesto niya, may narinig na naman siyang ingay habang naglalakad siya sa pabalik sa puwesto nila na malayo-layo rin sa pinuntahan niyang banyo.             Palinga-linga at pinapakiramdaman niya ang paligid, napasulyap naman siya sa likuran nang may mapansin niyang may tao sa banyo. “Sino na andyan?” Animoy nagtatanong lang siya sa hanging dahil wala namang tao sa paligid niya.             Hingal na hingal siya at taas-baba ang dibdib dahil sa kaba, napalunok siya at bumulong ng dasal. Muli siyang naglakad pabalik sa puwesto nila, halos nagmamadali at liparin na niya makarating lang siya agad sa tindahan nila ng mga gulay.             “Dapat talaga nagpasama ka kay Kuya Johan,” bulong niya sa kanyang sarili, dahil sasamahan na sana siya ng kapatid pero inayawan niya ang alok ng nakakatanda, ngayon pinabalot siya ng takot, usap-usap pa naman sa lugar nila na may gumagalang kaluluwa sa public market.             Isang tunog ang narinig niya mula sa unahan, napatila siya sa gulat pero natigilan din siya nang makita kong sino ang nasa harapan niya, isang pamilyar na mukha na madalas niyang makausap ng mga magulang niya, pero noong nakaraan lang niya nakita ang ka kilala.             “Kayo lang pala yan,” wika niya sa lalaki, napasulyap siya nang may makita siyang itak na madalas gamitin sa karneng tinitinda sa public market.             Ngumiti ito sa kanya, ngiting madalas niyang makita kong kanino ito humarap, “mag-isa ka lang?” Tanong ng lalaking kakilala kay Julie.             Tumango-tango ang batang babae, “opo, nagbanyo po kasi ako, per pabalik na po ako sa amin.”             “Ihatid na kita, alam muna man hindi ligtas ang panahon nga ‘yon baka kong mapaano ka pa,” aniya ng lalaki.             “Sige po, natatakot na rin po kasi ako,” wika ng batang si Julie.             Nilapitan siya ng lalaki at inakbayan siya, inosenteng bata na akala niya lahat ng taong tutulong sa kanya ay mababait at walang gagawing masama sa kanya. Napansin niyang nag-iiba ang direksyon ng tinatahak nila, padilim na rin ng padilim ng lugar na nilalakaran nila, malayo kong saan ang alam niyang puwesto nila ng tindahan.             “Hindi po dito ang tindahan namin, doon po,” sabay turo ng bata sa kong saan.             Humigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang balikat na siyang kinatakot niya lalo, hinawakan niya ang kamay ng matanda at pilit na inaalis ang kamay ng lalaki, hinatak siya ng lalaki sa kong saan kaya lalo siyang nasaktan at naiiyak dahil wala siyang ideya kong anong maaring gawin sa kanya ng ka kilala.             “Wag po ninyo akong sasa---” Hindi natuloy ang sasabihin ng batang babae nang itapat sa kanyang leeg ang itak, habang umiiyak ng tahimik at nakatingin sa nakakatakot na mata ng lalaki.             “Kong ayaw mong saktan kita, sumunod ka sa gagawin ko, maliwanag?” Aniya ng lalaki, “pag-hindi ka sumunod sa akin, papatayin ko mga magulang mo at ang Kuya mo, kong mabait kang bata susunod ka sa gusto ko, sumama ka sa akin at ibabalik din kita sa kanila.”             Natigilan ang bata sa sinabi ng lalaki, “sa-saan po ba tayo pupunta?” Pagtataka ng bata pero hindi pa rin mawala ang takot nito.             “Sasamahan mo lang ako at babalik na tayo kila mama mo,” naging mabait agad ang lalaki.             Tumango-tango naman si Julie, pero nang bitawan na siya ng lalaki agad itong kumaripas ng takbo pero agad naman siyang nahabol ng matanda sa pamamagitan ng utak na binato sa kanyang likuran, gulat na gulat ang bata at agad na natumba sa madulas na sahig ng public market. Agad na lumabas ang dugo ng batang babae mula sa likuran, lumapit naman ang lalaki sa batang nakadapa sa sahig.             “Kong sumunod ka lang sa akin hindi ‘to mangyayare,” aniya ng lalaki saka binaon pa lalo ang itak sa likod ng bata na agad na kinamatay ni Julie. ***             Napabalikwas ng bangon si Agatha sa kama, napahawak siya sa kanyang dibdib, ang bilis ng t***k ng puso niya, pinagpapawisan siya at nakaramdam siya ng takot. Nanaginip siya tungkol sa batang babaeng pinatay sa isang public market, ngayon lang nangyari na magkaroon siya ng dalawang panaginip sa isang gabi, parehong masamang panaginip na pakiramdam niya siya mismo ang biktima.             “Juskopo,” bulong niya sa kanyang sarili habang tinatago ang mukha sa kanyang mga palad.             Nang tingalain niya ang bintana, may pumapasok nang liwanag mula sa labas, umaga na at maririnig ang ingay mula sa labas ng silid niya, saka niya naalalang nasa bakasyon siya ngayon, hindi niya kailangan matakot, marami siyang kasama sa bahay na ‘yon, isa pa panaginip lang ang lahat ng ‘yon.             ‘Pero paano kong may ibig sabihin ang lahat ng ‘yon?’ Tanong niya sa kanyang sarili, dahil ngayon na lamang bumalik ang kinatatakutan niyang kakayahan na makakita ng mga nangyayari sa ibang tao.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD