Chapter 14

1117 Words
Chapter 14             Simula nang dumating sila Agatha sa bahay ng mga Marquez lalo pang nagbigay ingay at saya sa ancestral house, makikita sa labas ang nagtitindang si Mang Jack, maraming bumibili na animoy isang sikat na palabas sa sinehan kong balik-balikan ng mga bata at matatanda na gustong-gusto ang mga tinitinda nitong ihaw.             Habang nasa loob naman ang buong angkan ng mga Marquez, nagkakatuwaan ang mga babae kasama si Jane habang kumakain ng mga panghimagas na gawa ni Mrs. Marquez, ang mga lalaki naman ay nag-iinuman kasama sila Dante at Alex. Lahat ay masaya maliban kay Agatha, masyado niyang iniisip ang mga nakikita niya, hindi siya makatulog o maging mamuhay ng normal kong may ganito siyang mga nakikita.             Napapalibutan man siya ng masasayang tao, salubungin man siya ng mga ngiti ng kahit na sino, sa loob-loob niya may lungkot at inis na hindi niya maitago, gusto niyang maging normal na tao, parang isang sumpa na makakakita ng kamatayan ng isang tao. Gusto man niya tumulong, wala siyang magawa, ayaw na niyang mangyari ang katulad noon.             Binibigyan ng mga ngiti ang mga kasama niya, hindi niya pinapahalatang hindi siya ayos ngayon. Pero hindi niya alam may isang taong nahahalata ang lahat ng mga kinikilos niya, si Alex na kanina pa nakatingin sa kanyang puwesto, hindi lang niya napapansin dahil masyadong puno ang utak niya sa mga bagay na inaalala niya.             Nagpaalam siya may aayusin lang siya sa silid niya, dahilan lang niya para makatakas siya doon at makapag-isa. Nang makapasok siya sa loob ng bahay, hindi niya alam na nakasunod na pala sa kanya si Alex hanggang sa makaakayat siya sa taas, papasok na sana siya sa silid niya nang may magsalita sa likuran niya.             “Matutulog ka na?” Napaharap siya sa nagsalita sa likod niya.             Hindi niya akalain na si Alex pala ito, hindi niya alam kong sasagutin ba niya ‘yon o hindi.             “May problema ba Agatha?” Napakagat labi si Agatha nang tanungin siya sa bagay na ‘yon.             Marami siyang problema na problema ng iba dahil sa mga nakikita niya, bahagyang yumuko ang ulo ni Agatha para hindi masalubong ang mga titig ng binata, masaya rin naman siya na may nararamdaman sa kanya ang binata, sa tingin niya gano’n din ang nararamdaman niya pagdating sa binata, isang bagay na lumalaki habang naiitindihan niya si Alex, pero hindi niya masabi ang lahat ng ‘yon sa mga bagay na inaalala niya.             Lumapit si Alex sa kanya, hinawakan ang mukha niya para maingat at makita siya. Pakiramdam niya namumula ang mga pisngi niya sa sobrang lapit ng binata, hindi niya alam kong ano ba ang nagawa niya sa binata para maging ganito ito sa kanya, pero para sa kanya masarap sa pakiramdam, ang lakad din ng t***k ng puso niya.             Napangiti siya ng makitang namumula ang pisngi ng binata, hindi niya alam kong pareho ba sila ng nararamdaman ngayon o dahil sa pag-inom ng binata ng alak at lasing na ito dahil naamoy niya ang alak na humahalo sa mabangong hininga ng binata.             “Wala akong problema,” sagot ni Agatha sa tanong ni Alex.             Naningkit ang mga mata ni Alex animoy alam kong nagsisinungaling ang dalaga, “sigurado ka?” Tanong muli ng binata, “madalas kasi kitang mapansin na tulala, sa tingin ko kaya ka nagkakaganyan dahil sa kakayahan mo, may alam ka ba sa nangyayari sa Claret?”             Natigilan si Agatha, pakiramdam niya siya mismo ang suspek sa nangyayari dahil sa klase ng tanong na ‘yon, lumayo siya sa binata kaya hindi na siya nito hawak, “hindi mo ako maiintindihan sa kong ano ang pinagdadaanan ko, gusto ko nang magpahinga.”             Isasara na sana ni Agatha ang pintuan ng silid niya nang harangan ito ni Alex at bahagyang binuksan para makapasok ito, “hindi mo ba ako naiitindihan na gusto ko nang magpahinga, bukas na lang tayo mag-usap.”             “Paano kita maiintindihan kong hindi mo ipapaintindi sa akin? Agatha kilala na kita noon pa  siguro hindi pa, pakiramdam ko lang na kilala na kita dahil sa nagsama na tayo noon sa isang krimen, pero Agatha nararamdaman ko na takot ka pa rin sa kakayahan mo,” wika ni Alex.             Naiwang nakatayo lang sa gitna ng silid si Agatha habang papalapit sa kanya si Alex, “ayokong may nagkakaproblema sa akin, kaya asahan mo na hindi ako magkwento ng kahit na ano sa ‘yo.”             “So takot ka na may nag-aalala sa ‘yo? Akala ko ba malinaw na sa ‘yo kong ano ba ‘yong nararamdaman ko sa ‘yo, bakit parang nilalayo mo yong sarili mo sa akin?” Mga tanong ni Alex habang papalapit ng papalapit ito sa dalaga             “Hindi ‘yon ang gusto kong---” Hindi na tuloy ang sasabihin ni Agatha nang magsalita si Alex.             “Pero ‘yon ang nakikita ko sa mga kinikilos mo, hindi mo gustong may nag-aalala sa ‘yo?” Nakalapit na si Alex kay Agatha pero hindi pa rin na iisip ng dalaga na sobrang lapit na nila sa isa’t isa dahil okyupado ang utak niya sa tanong ng binata.             Gusto ko. Yan ang gustong isagot ni Agatha pero hindi niya masabi ang mga salita na nasa utak niya, masaya siya pag-na andyan si Alex para sa kanya, kong paano ito mag-alala sa kanya, hindi man niya sabihin, may kakaibang saya ang hatid nito sa kanya.             “Kasi ako sobra akong nag-aalala sa ‘yo, hindi kita maalis sa isipan ko, gusto kong binabantayan kita,” wika ng binata.             Huli na ang lahat ng gustong lumayo ni Agatha kay Alex nang magdikit na ang labi nila, animoy may sumabog sa dibdib niya nang halikan siya ng binata, kakaibang pakiramdam ang hatid nito sa kanya, milyon-milyong bultahe ang umaakyat sa kanyang katawan, isang simpleng halik na may malaking epekto sa kanyang sistema.             Bumitaw si Alex at pinatong ang noo nito sa kanya, pareho silang humihingal at nakangiti.             “Wow,” napasulyap siya sa binata nang magsalita ito.             “Bakit?” Tanong ni Agatha na may halong pagtataka.             “Pwede bang ulitin natin ‘yon?” Biro ng binata kay Agatha kaya ito’ natawa, “bakit hindi ba masamang magtanong?”             “Wala akong sinabi,” matawa-tawang saad ni Agatha.             “Hindi ko gustong sirain yong maganda mong ngiti, pero kong hindi mo pa gustong sabihin sa akin yong dinadala mong problema, naiitindihan kita, hihintayin ko na lang ‘yong oras na magkwento ka, ibig sabihin n’un pinagkakatiwalaan mo ako.” Napakagat labi si Agatha sa mga sinabi ng binata, ramdam niya ang sinsiradad nito para sa kanya.             “Oo ikwento ko na sa ‘yo lahat, tama ka naman sa hula mo eh, tungkol ‘yon sa kakayahan ko, nakakakita na naman ako ng mga taong pinapatay katulad ng dati,” sa mga sinabi ni Agatha bigla naman nagseryoso si Alex.             “Ok, makikinig ako,” sabi ni Alex kay Agatha, sabay silang umupo sa dulo ng kamay ng dalaga at nag-umpisa na itong magkwento ng mga nakikita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD