Chapter 3

1760 Words
Chapter 3             ‘Ang dami na palang nagbago sa kanya,’ sa isip-isip ni Alex nang makita si Agatha mula sa park habang nakaupo at palinga-linga sa nagdaraan sa harapan, halos maglilimang minuto na siyang nakatayo sa punong malapit sa lugar ng dalaga pero hindi pa rin siya nagpapakita simula nang dumating siya.             Katulad ng ideya ni Dante kailangan niyang sumunod sa mga ito pero nagbago ng bahagya, sila Dante kasi ang dapat makikipagkita, pero siya ang haharap at kunwaring busy sa araw na ‘yon ang dalawang kaibigan. Wala naman siyang magagawa dahil ito rin naman ang gusto niya, katulad din ng dati unti-unti nawawala ang tikas niya dahil sa dalaga, isang oras din siyang nagtagal sa salamin at pagbibihis para lang sa dalaga, dahil ito ang muling paghaharap nila, pero kahit na alam niyang ayos naman siya sa suot niya, ngayon na lamang niya muling naramdaman ang hiya.             Maraming nagbago sa dalaga, mahaba na ang buhok nito at ngayon lang niya nalaman na mahabang kulot ang buhok ng dalaga, bahagyang nagkalaman ang katawan ng dalaga, nakasuot ito ng longsleeve na kulay asul, naka-fitted jeans at sneakers, simple katulad ng dati, pero may nagbago talaga sa dalaga hindi lang niya masabi kong ano.             ‘Siguro kong hindi ka umiwas at madalas mo siyang makita hindi ka magtatanong kong ano ang nagbago sa kanya,’ sabi niya sa kanyang isipan.             Pinagpagan niya ang damit na animoy may dumi kahit wala naman bago siya tuluyang umalis sa pagkakatago, paglapit niya sa dalaga, natigilan ito at naiwang nakatitig sa kanya, halata ang pagkagulat kong bakit siya ang kaharap ngayon.             Hindi niya alam kong siya ba ang unang magsasalita o si Agatha, ngitian siya nito dahil doon animoy tumakbo siya ng napakalayo nang magwala ang puso niya sa loob ng katawan.             “Hi,” bati nito sa kanya, “kumusta ka na officer Alex?”             Bago sumagot si Alex sa dalaga napasulyap siya sa dala nitong dalawang eco bag na puno ng mga pinamili ng dalaga kaya sumulyap din ang dalaga kong saan siya nakatingin, “ay sorry, namili kasi ako kanina bago ako pumunta dito, supplies sa bahay, ngayon ko na lang kasi ito uli nagawa,” sabay ngiti ng dalaga.             “Ayos lang,” sabay upo sa tabi ng dalaga pero may pagitan sa kanilang malawak na space na animoy may tatabi pa sa gitna nila, “sorry kong ako yong pumunta, hindi raw kasi makakarating sila Jane or si Dante may biglang emergency lang, kaya ako ang pinapunta nila para kausapin at pilitan na sumama ka sa amin sa bakasyon.”             Laking pasalamat naman ni Alex na hindi siya na uutal habang nagsasalita.             “Ga’nun ba, pero salamat pa rin at nagpunta ka para maging proxy sa kanila, pero hindi na magbabago yong desisyun ko, kailangan kong mag-stay muna kila mama nitong bakasyon bago ako uli pumasok sa susunod na pasukan, sorry talaga mukhang nag-aksaya ka lang ng oras para lang kausapin ako tungkol dyan, maraming-maraming salamat talaga, pero hindi talaga,” paliwanag ni Agatha, “sana maintindihan ninyo ako.”             Unti-unting nawala ang ngiti ni Agatha, katulad ng unti-unti pagkawala ng lakas ni Alex.             Pinilit niyang ngumiti para kay Agatha, “ayos lang yan, may next time pa naman, maintindihan naman ng dalawa na hindi ka talaga pwede.”             Wala siyang nagawa at naiinis siya sa katotohanang wala talaga siyang nagawa, nagpaalam na si Agatha na umuwi, kaya nagpaalam na rin siya, pero nag-iisip pa rin siya ng paraan para makumbinsi ang dalaga, habang naglalakad siya palabas ng park, napasulyap siya sa isang bake shop sa di kalayuan, isang ideya na naman ang pumasok sa kanya at tinawagan si Jane. ~*~             Masayang tumulong si Agatha sa kanyang ina sa pag-aayos ng hapunan nila, isang bagay na namiss niya noong na andoon pa siya, naririnig niya ang ingay mula sa sala ang dalawang kapatid niyang lalaki na sila Anthony at Aj na kinse anyos pa lamang.             Humahalo sa hangin ang amoy ng nilutong tinola ng ina niya, “ang bango, amoy pa lang mabubusog ka na,” papuri niya sa luto ng ina habang nilalapag ang mga plato sa kanya-kanyang puwesto.             Tumawa naman ang ina niya, “binola pa ako ng anak ko.”             “Na miss ko kasi ‘to,” paglalambing ni Agatha sa kanyang ina.             Mula sa loob maririnig ang doorbell sa labas, parehong nagkatinginan ang mag-ina at parehong napangiti.             “Pagbuksan muna at baka si papa muna ‘yon,” utos ng ina niya.             Lumabas siya ng kusina at bumungad sa kanya ang nagtatalong kapatid dahil lang sa remote control ng tv, “tumigil kayo na andyan na si papa,” saway niya sa dalawa, dumiretso na siya sa pintuan, nang buksan niya ang pintuan magsasalita na sana niya para batiin ang bagong dating na ama pero laking gulat niya na makita si Alex na may dalang box ng cake na katabi ng ama niya.             “Alex?” Hindi niya maitago ang pagkagulat.             “Magkakilala nga kayo, siya ba ‘yong pulis na kinikwento mo sa amin?” Muling napasulyap si Agatha sa ama.             Noong nakakauwi na siya sa bahay nila at naisatelebisyon ang nangyari sa dati niyang paaralan, pinuntahan siya ng mga magulang sa bahay ng lola niya, doon napilitan siyang magkwento sa nangyari, hindi naman siya kinamuhian na may kakaiba siyang kakayahan, ‘yon nga lang hindi na nila binubuksan pa sa usapan. Kaya kilala ng pamilya kong sino sila Alex, Dante at Jane, samantalang si Alex pa lang ang hindi nito nakikita ng harapan.             “Opo siya nga po,” sagot niya, binigyan daan niya ang dalawa para makapasok sa loob.             “Nakita ko siya kanina pagdating ko sa labas, akala ko naghahanap ng kamag-anak sa ibang kapit-bahay, ikaw pala ang hinahanap nito, kaya niyaya ko na dito sa atin, may importante atang sadya sayo,” paliwanag ng ama, “yayain muna nang maghapunan yan dito.”             “Sige po,” nakaramdam ng hiya si Agatha sa ama lalo na’t walang kahit na sinong lalaki ang dumadalaw sa kanya lalo na kong isang beses pa lang makakaharap ng mga magulang niya.             Kinuha naman ng ama niya ang kambal niyang kapatid na halatang nagtataka sa pagdating ni Alex, humarap naman siya kay Alex at sa hawak nitong kahon ng cake.             “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Agatha sa binata.             “Para dalhin ‘to,” sabay harap ng cake sa kanya, “at saka ipagpapaalam ka sa mga magulang mo, bagay mo sila pumayag, so pwede ka nang sumama sa amin.” MARIRINIG sa dining area sa bahay ng mga Domingo ang ingay doon dahil may bisita sila. Pero para kay Agatha itong gabi na ‘to ang kakaiba sa lahat, dahil siguro kasabay nilang kumain si Alex Montero ang pulis na naghinala sa kanyang mamamatay tao noon at naging bodyguard niya kalaunan, matagal nang wala sa kanya ang nangyari, pero hindi siya komportable kahit kanina pa sa park habang kausap ang binata.             “Bakit ka naman pala napapasyal sa bahay namin?” Tanong ni Mrs. Domingo sa binatang si Alex.             “Gusto ko pong kumustahin si Agatha, matagal-tagal na rin simula nong hindi ko na siya nakita dahil marami lang po akong ginagawa.” Magalang na sagot ni Alex.             “Pero ang pagkakaalam ko kasama mo sa team sila Dante at Jane na una nang nagpunta dito, madalas pa nga,” aniya ni Mr. Domingo.             “Minsan po hindi kami magkakasama, may ibang bagay na magkasalungat kami ng mga trabaho, kaya ngayon lang po ako nakapunta dito,” aniya ng binata.             “Diba ikaw yong madalas ma-interview sa balita tungkol sa mga murder case?” Manghang-manghang tanong ni Aj kay Alex.             Napasulyap si Agatha kay Alex na huli niyang nakatingin sa kanya kaya kumalabog ang dibdib niya sa kaba, tama ang kapatid niya, madalas nga nilang makita si Alex sa telebisyon nitong nakaraan na buwan, tumingin si Alex sa kapatid niya bago sumagot.             “Oo ako nga ‘yon,” sagot ng binata, makikita ang kaunting pagmamayabang sa mukha ng binata.             Hindi naman mawala ang pagkamangha sa mukha ng dalawang kambal, “wow,” sabay nitong sabi.             Maririnig naman ang tawa ni Mrs. Domingo.             “Mister and misis Domingo may gusto lang sana ako ipagpaalam sa inyo,” lahat ay natigilan at natahimik sa dining area, kasama na doon si Agatha, nagkatinginan ang mga magulang ni Agatha sa kanya at kay Alex.             “Ano ‘yon iho?” Pagtataka ni Mrs. Domingo.             Muling sumulyap si Alex kay Agatha, “gusto ko lang po ipagpaalam si Agatha sa inyo na kong maari makasama siya sa bakasyon namin nitong darating sabado, alam ko pa nitong nakaraang linggo lang nakauwi si Agatha sa inyo pero gusto rin po namin makasama ang anak ninyo sa bakasyon ng magkakaibigan, matatagalan kami doon ng isang buwan, pero pwede naman pong isang linggo lang para sa kanya, kong hindi man siya matuwa ako po mismo ang maghahatid sa kanya para sa inyo, maari po ba?”             Imbes na sabihin ‘yon ni Alex sa mga magulang ng dalaga parang kay Agatha sinabi dahil sa dalaga ito nakatingin, saka naman binalik ang tingin sa mga magulang ng dalaga.             Halata ang pagkagulat sa mukha ng dalaga, pero unang sumagot ang ama ni Agatha, “ayos naman kong makakasama siya sa bakasyon ninyo, pero siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo, kong hindi ikaw ang hindi makakauwi sa inyo.”             Sa pagkakataon na ‘yon si Agatha ang nagulat, “totoo ba ‘to?” Halos pabulong niya sa kanyang sarili.             “Maraming salamat po sa inyo, pinapangako ko po na walang mangyayareng masama kay Agatha at makakaasa po kayong tutupad ako sa usapan,” ngiting saad ng binata.             Kong ano-ano pa ang tinanong ng pamilya ni Agatha kay Alex na animoy mangliligaw ng dalaga kahit hindi naman, nagsalo-salo sila sa dalang cake ni Alex bago ito tuluyang magpaalam na uuwi. PAGKATAPOS ng masayang hapunan kasama si Alex, hinatid naman ni Agatha sa labas ng bahay nila ang binata, “dapat hindi muna ginawa ‘yon, na magpupunta ka para lang tanungin sila mama at papa na pwede akong sumama? Paano kong mapahiya ka at hindi ako payagan?”             Nagkipit-balikat si Alex, “edi kakausapin ko uli sila, wala namang masama sa pagsubok ah at saka ginagawa ko ‘to para kay Jane, gusto ka niya kasing makasama talaga sa bakasyon, pati rin si Dante, total pumayag na ang magulang mo, ok na ang lahat, mukhang matutuwa ang dalawa.”             ‘Silang dalawa lang ba talaga yong matutuwa?’ Tanong sa isipan ni Agatha na gustong itanong niya sa binata, pero hindi na niya sinubukan.             Nakaramdam siya ng inis sa binata na hindi niya alam kong anong dahilan, pakiramdam niya ang yabang ng binata ngayon, pinilit na lamang niyang ngumiti, “maraming salamat sa effort, makakauwi kana sa inyo, mag-iingat ka sana.”             Ngumiti naman si Alex saka kumaway, palayo na itong naglakad sa bahay nila, huminga siya ng malalim, pakiramdam niya talaga ibang tao si Alex nong kaharap ang mga magulang niya, kesa pagkaharap niya, hindi niya namalayan na kagat niya ang ibabang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD