"Thank you Tamara at dumating ka," salubong sa kanya ni Dash nang makapasok na sila ni Klea sa Vince Bar. Hindi na nga rin siya nakaiwas pa nang humalik sa pisngi niya si Dash. "Happt birthday, Dash,' bati niya rito. "Happy birthday, Dash," bati na rin ni Klea sa ka eskwela. "Doon tayo, doon ako nagpa reserved ng table para sa mga bisita ko,' sabi ni Dash sa kanila. Sumunod naman na sila ni Klea rito. Wala na siyang sinayang na pagkatataon pa, agad na niyang inikot ang mga mata sa crowded na bar. Maraming tao na nagsasayaw at nag-iinuman. Hindi naman buong bar ang inarkila ni Dash, kaya may mga ibang nagpa-party rin roon, kaya masyadong crowded at maingay. Although sanay na siya sa ganitong crowd. Wala pa yata kasing party sa school na na invite sita at hindi pumunta. Basta pwede siya