Kanina pa niya pinapanood si Tamara sa magana nitong pag indak sa dance floor kasama ang isang lalake na nakayakap sa manipis na katawan ni Tamara. Sa nakikita niyang kilos ni Tamara sa dance floor, masasabi niyang sanay na sanay na ito sa malaswang galawan nito sa mga ganitong bar. Kung sa bagay nabanggit na rin naman sa kanya ni Joseph kung ano ang talagang pag-uugali ng stepsister nito. Bata pa kasi ito kaya marahil ine-enjoy lang nito ang kabataan nito sa paraang nais nito. Ano man ang ugaling meron si Tamara hindi pa rin nito deserve ang ginagawa ni Joseph rito na ipambayad utang si Tamara kung kani-kanino. Hindi niya naiwasang mapa iling ng ulo nang makitang halos maghalikan na si Tamara at ang kasayaw nitong lalake sa gitna ng dance floor. Sanay naman siyang makakita ng mga gani