CHAPTER 2

3065 Words
ZERO POV Galing ako sa meeting ng mga MoBster at Gangster g**g sa lihim na lagusan sa makati manila ...at bilang pinuno ng Fire Dragon Assassin ay kinakailangan kong pumunta sa naturang meeting, dahil may nababalitang may kumakalaban sa grupo ng 6 Dragon gang.... May lumusob at nagtangkang gahasain ang girlfriend ng isa sa miyembro ng 6 dragon kamakailan at balitang isa sa grupo ko ang pinagbibintangan nila, base na rin sa patalim na nakita at naagaw ng isa sa tauhan ng g**g na yun.... Bawat patalim na gamit namin ay may mga initials na nakaukit dito, at nakita sa pinangyarihan ang patalim na may initials na nagsasabing pag mamay ari ko...ngunit sinabi ng babae na hindi niya nakita ang mukha nito dahil naka maskara ito ng black...which is hindi black ang gamit naming maskara kapag lumulusob kami or nasasabak sa gulo... At isa pa ay matagal ng nawawala ang patalim na yun sa Isang miyembro ko at kapag nakakawala ng isa sa aming armas ay may parusang naka abang para sayo...kaya kinakailangang dalhin ko ang tauhan ko at ipakitang tapyas ang isa niyang tenga, at medyo papagaling na ito....ibig sabihin ay matagal ng nawawala ang armas na yun at hindi nila maaaring ibintang sa amin ang isang bagay na kailan man ay hindi namin ginawa.... Nanalo kami sa usapang yun dahil matagal na nilang alam na ganun ang parusa ko sa kahit sino pa man ang makawala ng armas nila..... Mainit ang ulo ko ng araw na yun dahil dalawang malaking deal ang pinalampas ko para sa negosyo ko para lamang magpaliwanag sa harap nila, alam kong madami ang nagtatangkang sirain ang grupo ko dahil ilang taon na rin na kami ang number one sa ranking. Hindi lang dahil sa ang grupo ko or ang organization ko ang may pinakamaraming kliyente dahil walang mission kaming hindi nagagampanan or nalulutas agad na walang sabit. Kundi na rin sa walang makatalo sa amin sa araw ng magkakaroon ng ranking about who's the strongest group of gangster and assasins in the Philippines... Nasa idad kinse (15) pa lang ako ay kami na ay nasa rank one minsan two ang rank ng g**g ko..at ngayon ngang nasa ida bente dos nako (22)ay kami pa din ang nangunguna sa ranking.... Araw gabi sadyang matindi ang pag eensayong ginagawa ko sa kanila para sa pagdating ng pakikipag laban ay hindi sila agrabyado.... Papunta kami sa isang mall ay dumaan muna kami sa isang food chain para kumain bago bumalik sa opisina ay nagulat na lamang ako sa isang babaing mabilis na tumatakbo at nakita ko si Leo na mukhang may pinagtitripan na namang babae...isa sa mga grupong pinaghihinalaan ko at number one sa list ko ay ang grupong predator g**g kung saan si Leo ang lider ang siyang nagtangkang humalay at pumatay sa isa sa mga kasamahan ng grupong 6 Dragon..... Nagulat na lamang ako ng biglang hawakan ako ng babaing yun at sabihang asawa niya ako...nakasuot ng shades at nakasumbrero ang babae kaya hindi ko masasabi kung ano talaga ang itsura niya, pero kung titignan mo naman ay maganda ito kahit pa Hindi ko masyadong makita ang itsura niya..makinis ang kutis niya base na rin sa nakikita ko at mukhang mayaman din ang isang to. At halatang sa pananalita nito na isa siyang dayuhan base na rin sa pananalita nito kahit pa sabihing nagtatagalog ito. May pagka slang pa din ang salita niya. Kilala ko ang bracelet na suot niya. Hawig ito sa bracelet nang mama. At Alam Kong iilan lamang sa ang may ganung klaseng bracelet sa mundo tanging mayayaman lang talaga ang maaaring maka afford ng ganung klaseng bracelet . pasadya ang ganun gag klase , ultimo ang sumbrero at relos niya masasabi kong mamahalin kahit na ang bag niya at sapatos ay talagang bigatin..... " please help me! ...just this once mister...I don't know him..." Pagmama kaawang wika nung babae...ngunit sadyang tuso at mayabang ang Leo nato alam kong hindi basta basta maniniwala ang isang yun...na asawa ko nga ang babaeng ito...kilala ako ni Leo bilang isa sa mayaman dito sa bansa. Kilala din nila ang papa ko bilang dating pinuno ng Mafia ilang taon na rin ang nakakaraan. Alam niyang kahit matagal ng wala ang papa ko sa ganung grupo ay maram pa rin itong connection sa ibat ibang grupo at politiko sa ibat ibang panig ng mundo . hindi niya kilalang ako ang Lider Fire Dragon...dahil kada laban namin ay nakasuot kami ng maskara..... Wala sa plano ko ang halikan siya, kiss lang sana sa lips ang gagawin ko, ngunit hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ko nagawang halikan ng torrid ang estrangherong babaeng nagsabing asawa ko siya...kung hindi ko lang talaga kilala si Leo ay masasabi kong isa tong babaeng to sa mga babaeng nagpapapansin at sumusubok na makuha ako.... Mukhang nagulat din ang babae sa kapangasahang ginawa ko sa kanya at mukhang mataray at palaban din ang isang to , base na rin sa pagsagot niya sa akin, ng sinabi kong wala man lang pasasalamat siyang gagawin sa akin... Tinaasan lang ako ng kilay sabay sabing...." Nakahalik ka na nga sa akin at lahat sasabihin mo pang magpasalamat ako sa iyo...tsssk! Yung halik lang na yun sobra sobra pa sa bayad sa ginawa mo sa akin..."...at sabay alis na agad ng babaeng yun...ang lakas tuloy ng pang aasar ang ginawa sakin ng mga kumag kong kaibigan.... " wooah! Grabe tol! ..under ka agad..."....wika ni Ichie or Richie Uno Chen sa totoong pangalan ..Ichie is only a code name sa g**g nila ....na isa sa ka grupo ko at pinaka magaling na hacker ng grupo. Siya ang naka assign at nagiging guide namin sa lahat ng missiong aming ginagawa....siya ang CEo ng Uno oil company...mayaman ang pamilyang pinagmulan niya at walang makakapag sabing isa siyang mahusay na reaper ng grupo.... " Grabe ! Tol...ngayon ko lang nalaman may asawa ka na pala...hindi mo man lang ako inimbitahan , grabe ka ! Naturingang magkaibigan tayo tapos ni isang text hindi mo magawa.." Wika naman ni San na may pahawak hawak pa sa puso ....si San or Alessandro Go na isang Neurologist at pinaka matanda sa grupo ko..he's 25 years old already and still single, ayaw pa niyang mag asawa dahil kapag nag asawa na siya ay siguradong mahihinto na daw ang lahat ng pambabaeng ginagawa niya sa buhay, which is yun ang ayaw na ayaw niyang mangyari...masyado pa daw siyang nag eenjoy sa buhay ng pagiging single at walang nagbabawal sa kanya....si San na siyang pinaka mabilis kumilos sa aming lima... " in fairness tol ...a! Maganda yung wife mo hindi mo man lang kami ipinakilala bago umalis.." Wika ni Seven, si seven or Jeremy Shen Satori ...na isang Pharmacist at may ari ng ilang kilalang drugstore sa buong mundo....kasing idad ko lang din halos si seven matanda lang siya sa akin ng buwan at kilalang doktor ang mga magulang nito...si Seven na siyang sniper ng grupo namin... " masarap ba tol ! Mukhang napalaban ang nguso natin kanina a! Grabe ka makahalik tol parang nanonood ako ng p**n kanina, grabe ka kung makalaplap sa labi ng asawa mo hahahaha!...wika ni Kyu na siyang pinaka matangkad sa grupo at isa siyang model at kilala sa buong mundo...at ang cassanova sa grupo namin. Si Kyu or Park Kyu Jin , ang may pinaka mabilis mag isip ng paraan sa grupo dahil na rin sa angking talino nito.... " aishh! Manahimik na nga kayo! Siguradong ngayon pa lang ay nagsisimula na namang mag isip ng panibagong panggugulo sa g**g natin yun...kaya mag iingat kayo....sabihan niyo na rin ang iba.... " yeah! Alam na namin ang gagawin...paano tara na gutom na kong talaga e....." " sayang naman hindi ko man lang nalaman ang name niya! In fairness pare maganda siya ha! Kahit walang kolorete sa katawan , kita mo ang kutis mukhang mayaman ..." " grabe ka talaga Seven..wala talagang ligtas sa mapanuri mong mga mata......pati asawa ng boss natin pinag nanasaan mo na rin..."..pang aasar na wika ni Kyu kay Seven pero ang mga mata ay nakatutok kay Zero.... " alam ko ang pinahihiwatig mo Kyu kaya kung ako sayo kung ayaw mong mag pictorial ng may pasa sa mukha ititigil ko na yan..." Naasar na wika ni Zero kay Kyu..at si Kyu naman ay hinawakan ang mukha na para bang anytime ay sasapakin siya ni Zero... " maiba ako Zero......nagkita na ba kayo ni Czarina..."..nabanggit na wika ni Ichie. " oo nga pala nakita ko siya sa airport kahapon, kasabay ko nga siya sa eroplano e..akala ko nga siya yung nasa VIP passenger kasi ayaw magpapasok ng kahit sino sa area na yun.....tapos nung pagbalik ko halos limang upuan lang pala ang pagitan namin...babatiin ko sana kaso mahigpit yung manager niya hindi ako pinalapit pa.....tapos nang pababa na kami sa eroplano hindi ko na siya nakita pa saka ang dami kasing reporter kaya umiwas nako......nawala lang sa isip kong banggitin sayo kanina...."..kuwento ni San at matamang nakatingin kay Zero.... " anong plano mo Zero gusto mo ba siyang kausapin...sabihin mo lang alam mo namang close kami ng manager ni Czarina isang tawag ko lang nagmamadali pang bumigay yun heheheh..." Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Kyu ..... " No! Mas maganda na rin sigurong hindi kami magkita na ni Czarina...iba na ang buhay niya ngayon , matagal na niyang pinangarap yun and besides alam niyo naman ang estado ng samahan ngayon , ayokong siya pa ang mapag diskitahan ng mga kalaban natin , ayokong maulit pa yung dati...mas maganda na yung mapalayo siya sa akin.." Alam kong mas mapapabuti siya ngayon kung nasan man siya. Mas mabuti na ang ganito ang malayo sa akin, hindi baleng ako na lang ang masaktan wag lang siya...ayoko na muling maulit pa yung muntikan siyang mapahamak ng dahil lang sa akin.... " siya nga pala Zero uuwi ka ba ng Laguna ngayon, pakibigay nga pala kay Nana Sandra tong pasalubong ko at pakisabi pinabibigay ng pinaka pogi sa grupo hehehe..." Nakakalokong wika ni San...lahat kase ng ka grupo ko sa g**g ay close kay Nana Sandra..higit sa lahat si San dahil lagi siyang pinaghahanda ni nana paborito nitong pagkain kapag nasa bahay na kailan man ay hindi nagagawa ng mother ni San sa kanya.... " yeah! Sige uuwi na lang ako nga pala dun, balak ko sanang sa makalawa na lang dahil tinatamad akong magbiyahe ng malayo ngayon ,pagod na pagod ang pakiramdam ko " " sama na lang ako ! Naisip ko baka magtampo si Nana at hindinna niya ipakilala sa akin yung sinasabi niyang alaga niya nung nasa Korea siya...anak ng presidente pa naman yun ..tssk! Bigatin yun sayang yun. Baka yun na ang matagal ko ng hinihintay...ang aking soulmate!..." Madramang wika ni San na may pahawak hawak pa sa puso habang nagkukuwento.... " malala ka na tol kahit kailan mahirap makatuluyan ang soulmate mo alam mo ba yun! Dahil sabi nga nila kung makatuluyan mo man ang soulmate mo hindi rin magtatagal ang pagsasama niyo...mas maganda pa din daw na makatuluyan mo ang taong sinasabi nilang destiny mo..yung true love baga..."...maarteng wika naman ni Kyu.... " iwww! ...Ang babaduy niyong dalawa grabe...soulmate ! Destiny!....naniniwala kayo diyan! Alam niyo namang sa status natin ngayon mahirap ang may lovelife..right Zero!....MAGIGINg hassle lang yan sa diskarte natin ...alam niyo naman ang black g**g diba! Matinding banta sa buong pilipinas ang g**g na yun...walang patawad ang g**g na yun..."..seryosong wika ni Seven.. " oo nga pala....o pano san tayo magsasanay, dun na lang kaya tayo sa inyo Zero...tutal andun si Nana Sandra may mag aasikaso sa atin..right guys!." ..wika ni San " right! ....Dun na lang tayo sa inyo Zero ..wait ! tatawagan ko na ang mga bata....para dumiretso na lang sila dun...namimiss ko na yung mga luto ni Nana Sandra e..." Excited na wika ni Ichie.... Hindi pa ako isinisilang ay kasambahay na namin ang buong pamilya ni Nana Sandra..mga dose (12) anyos ako ng malaman kong nasa ibang bansa siya...si Nana Sandra ang siyang nag alaga sa akin mula ng ipinanganak ako maagang nawala ang mama ko namatay siya ng Two years old pa lang ako, dahil na rin sa mga gangster na mortal na kalaban ng aming angkan...ako si Quinn Drake "Zero" Touya...21 years old ...my father is the leader of the mobster g**g sa bansang Japan at nagkaroon din ito ng ilang miyembro sa ibat ibang panig ng bansa. At dahil na rin sa lihim na trabahong ito ng aking pamilya ay nangyari Ang isang aksidenteng hindi inaasahan. Kinidnap ang mama ko habang nasa isang mall ito kasama ang kapatid kong babae, ni r**e at pinatay ang mama at kapatid ko magmula noon ay hindi na tumigil ang papa ko sa paghahanap sa mga taong gumawa ng karumal dumal na sinapit ng aking ina at kapatid.....narami na ring napatay ang aking ama na sa palagay niya ay siyang may kinalaman sa pagkamatay ng aking inat kapatid...kaya magmula noon ay iniwasan ko na rin ang magkaroon ng ugnayan at relasyon sa sinumang babae upang hindi ko maramdaman at maranasan ang lahat ng nangyari sa aking ama.... Ngunit hindi ko inakalang dadating talaga sa buhay ng isang tao kahit hindi mo man gustong mangyari ay sadyang mangyayari sa buhay ng tao.... Nakilala ko si Czarina isang ordinaryong babae lamang working student siya at scholar sa mismong pinapasukan kong school kung saan tanging mayayaman at makapangyarihang tao sa lipunan lamang ang nakaka pasok...mga artista , anak ng politiko at iba pa ang maaaring makapasok sa Touya University , yun nga lang pinaghihiwalay hiwalay ang bawat estado ng buhay sa university na to..ang lahat ng artista at modelo ay sama sama sa isang building nasa rank 3 sila kumbaga. Ang mga anak ng CEO o anak ng may ari ng malalaking kumpanya ay sama sama rin gaya ng iba pang estado. Katulad ko at ng mga Kagrupo ko ay nasa rank 1. Si Czarina ay nasa rank 3 instead sa rank 4 dahil isa siyang part time model at kilala na rin sa university dahil sa angking ganda at talino ay inilagay siya sa rank 3 instead na nasa rank 4 kung saan ang mga scholar na nabiyayaan at mga panlaban sa ibat ibang panig ng patimpalak sa ibang ibang university nilalaban... Muntik na sanang makapasok si Czarina noon sa Harvard dahil may binigay ang harvard university noon ng chance para sa mga scholar sa university namin at isa si Czarina sa sumubok. Ang pagsubok na gagawin ay kinakailangan nilang matalo ang ibang school sa ibat ibang panig ng mundo sa isang quiz bee na gaganapin sa Japan... Malaki ang tiwala ng school namin noon na malaki ang chance ni Czarina dahil sa lahat ng kasali sa school namin ay dalawa na lang sila ang natira at sila ang pinadala non sa Japan..alam naming mananalo noon si Czarinadahil alam naming nahihirapan sa wikang English ang ibang lahi. Ngunit laking gulat namin dahil isang 16 year old student lamang ng Seoul south Korea ang tumalo kay Czarina at sa ibang bansa. Napakalaki ng lamang ng kalaban kay Czarina nito...out of 20 na tanong sa loob ng isang minuto ay nasagot lahat nito ang question. May math pang kasama yun at nasagot niya yun sa loob lamang ng 30 seconds. Samantalang si Czarina ay nakasagot lamang ng dalawa sa loob ng isang minuto gayundin ang ilang kalahok..televised kasi yun at live na ginawa at napanood namin sa mismong school.....hindi namin nakita at nakilala ang babaeng yun dahil naka blurred ang larawan niya kagaya na rin sa ibang bansang mahigpit ang kultura... Gayunpaman ay nabigyan pa rin ng parangal si Czarina ng school. At dumami na ang nakakilala dito. Noong una ay sadyang torpeng torpe ako magpakilala sa kanya. Palihim pa akong magbigay ng bulaklak at chocolates sa kanya...ngunit dahil na rin sa pananakot ni San ay nagawa ko siyang harapin at after 1 month kong panliligaw ay sinagot niya rin ako. Sa Sobrang kaligayahang nararamdaman ko ay nakalimutan ko na ang sitwasyong kinahaharap ko sa mga taong Banta sa buhay namin.... Muntik nang makuha si Czarina ng mga taong naka van minsang magkaroon ito ng pictorial sa isang clothing campaign nila..sa isang brand na pinagmomodelan niya....although sinabi naman sa police report na gawa yun ng mga nababalitang dumudukot ngayon sa mga kabataan, talamak na kase ang ganoong krimen ngayon sa bansa..... Gayunpaman ay natakot ako sa maaaring mangyari kay Czarina lalo pat siya ang bread winner sa pamilya niya, siya lang ang inaasahan ng nanay niya at mga kapatid dahil isang kartero lamang ang tatay nito.... Nahanap at nabugbog namin ang mga taong muntik ng makakuha kay Czarina kaya nalatunayan namain na wala sa mga g**g na kalabang sila nabibilang ....magmula noon ay kinausap ako ng magulang nito lalong lalo na ang tatay niya na hanggat maaari ay huwag akong magiging hadlang sa anumang pangarap ng anak nila. Naintindihan ko naman sila, alam kong mataas talaga ang pangarap nito para sa kanyang pamilya . Kaya todo kayod sa pagtatarabaho noon si Czarina ako ang naaawa at nahihirapan sa kanya... Ayoko siyang alukin ng pera baka iba pa ang isipin niya kung gagawin ko yun, naging madalang na ang aming pagkikita hanggang isang araw ay kinausap na rin ako ni papa tungkol kay Czarina at muling pina alalahanan , hindi ko kayang makipag hiwalay kay Czarina at sabihing maghiwalay na kami... Hanggang sa tuluyan na kaming nawalan ng communication dahil sobrang naging abala na ito sa pagdating ng sunod sunod na projects sa modelling career niya at pati ang pagiging commercial model ay napasok na rin niya.. Walang closure sa relasyon namin. Hanggang sa magtapos ako sa university ay nawalan na ako ng balita sa kanya. Nagpunta ako ng Japan at nag stay dun dahil na rin sa matinding pagsasanay namin ng grupo ko ng walang paalam akong ginawa kay Czarina. Nawalan nako ng chance pang kausapin siya dahil laging naka off ang cell nito hanggang sa maka alis ako ng bansa... At after 2 years ngayon ko lang siya kung sakali makikitang muli....masaya ako sa naging takbo ng buhay at career niya....ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi pa din nagbabago, siya pa rin ang nasa puso ko, mas mahirap lang ang sitwasyon ko ngayon dahil mas malalaki at matitinding kalaban ang nasa paligid ko. Hindi maaaring makitang magka usap at magkasama kami , para na rin sa kaligtasan niya.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD