CHAPTER 3

2906 Words
CHLOE POV Hindi ako maaaring magkamali ang taong yun...siya yun ! ...ang hayop na yun na lumapastangan sa labi ko.....papaanong!..oh! My god! Wag niyang sabihing siya ang..... " ikaw! ..papaanong ! Wait! Talaga bang..." Wika ng lalaking nanghalik sa akin, nang mapatingin ako sa mga taong nasa salas ay nandito din silang lahat. Yung mga kasama niyang akala mo MIB sa porma kahapon napagkamalan ko pa silang bodyguard nitong kumag na lalaking nanghalik sa akin... Napatingin na lang ako sa bigla lalaking bigla na lang pumito, mukhang koreano ang feautres niya kung titingnan mo na parang chinese din..kakaiba siya kung tumingin sakin parang kinikilatis ang nuong sistema ko sa ginagawa niya, napataas na lang tuloy ako ng kilay sa kamanyakang pagtingin sa kabuuan ko... " tapos ka na ba? .....did I pass...? Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya, na siya namang kinatawa ng isa pang kasama nitong mukhang instik sa pagka singkit ng mata na halos wala na atang mata kung tumawa, in fairness ang ganda ng dimples niya...cute... Nagulat na lang ako ng bigla akong hatakin paakyat ng taong mapangahas na humalik sa akin kahapon hinatak niya ako papasok sa isang kwarto. Na mukhang study room or library room ata. " what are you doing here ! Who are you! " ...galit na wika nito sa kin pagkapasok na pagkapasok namin sa kwartong yun. At Marin pa din ito ng Nakahawak sa braso ko. "Sakit nun ah! Isang hatak pa sa braso ko sasamain ka na sakin..." Inis na wika ko, napansin kong namula agad ang braso ko sa higpit ng hawak niya kanina..pasalamat siya at mabilis akong pumick up na baka siya ang amo ni Yaya kundi ko lang naisip ang kalagayan ni Yaya baka nasapak ko na to kanina pa e!...eto ba nag mabait na sinasabi ni yaya mukhang gangster kung manghatak ang kumag na to e.... " answer me young lady!..." Young lady daw o! Kunsabagay mukha ka na talagang matanda sa itsura mo....pero bago pa ako makasagot ay narinig ko na kumakatok na si yaya Cassandra sa pinto... " buksan mo tong pinto Quinn mag usap tayo! Wag na wag mong sasaktan si Chloe kundi malilintikan ka sakin...napangiti na lang ako sa nakita kong pagkamot sa ulo at pagkunot ng noo ng lalaking tinatawag ni yaya na Quinn...so ! Quinn pala ang name niya a! I though Zero ang tawag sa kanya nung manyak na yun sa mall...aisshh! Bakit ko ba iintindihin ang bagay na yun kahit ano pa ng pangalan nila pare parehas lang silang sakit ng ulo..... " kilala ka ni Nana?...nakakunot na wika nito sa akin... " paano mong nakilala si Nana? ..kaano ano mo siya...? Bisita ka ba niya? patuloy na salita nito pero hindi ko naman siya pinapansin na. Masyadong presto ang isang to na Akala mo Kung sinong gangster umarte. "ano ba! Hindi mo ba ko sasagutin?.. inis na wika nito sakin. Pero ayaw pa din niyang buksan ang pinto kahit katok na ng katok si Yaya at mga kaibigan nito , inikot ko na lang ang paningin ko sa loob ng room na pinasok namin. At ng bitawan nito ang braso ko at magkamot sa ulo niya ako naman ay biglang napatinigin sa paligid , mukhang library ata ito ang daming libro e. nagsimula nakong maglakad dahil natuwa ako sa mga libro mukhang hindi ako maiinip nito. Isa sa weakness ko ang pagkahilig sa Libro at hobbies ko na ang magbasa maghapon. Ngunit bago pa akong muling makalakad ay hinawakan niya ako sa braso, at dahil masakit pa din yung brasong hinawakan niya kanina, bilang reflex action na lang sakin kasi kapag masakit na yung nahawakan mo or kahit hawakan mo lang ako lalo nat hindi kita kilala ay automatic ng gumagalaw ang kamay ko para manapak ng tao.. At dahil sa masakit na ito hindi lang batok or sampal ang nagawa ko sa kanya, dahil sa paghawak niyang yun ay nahawakan ko din siya sa braso niya at napatumba ko agad siya...ewan ko kung dahil ba sa lakas ng paghagis ko sa kanya ay nasira ang upuan or sadyang mabigat lang siya kung bakit biglang nawarak ang silyang mukhang matibay naman, ewan ko ba kung bakit nawasak yun ng ganun katindi, siguro luma na... Bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko si Yaya kasama ang apat na lalaking mukang MIB kahapon, lahat sila nakatulala sa nakita nila dahil nakabulagta sa sahig ang kaibigan nila, Nahiya naman ako kay Yaya dahil sa ginawa ko sa amo niya. " yaya Wala akong kasalanan siya ang may kasalanan kung bakit nasira yang upuan ...babayaran ko na lang ha! ....sorry Yaya ha! Luma na siguro yung upuan niyo no sorry!...Hindi maipinta ang mukha ko habang sinasabi ko nag mga katagang yun , nakakahiya kay yaya inilagay ko siya sa matinding g**o ngayon dahil sa ginawa ko....pasaway kasi tong taong to e...ang sakit sakit ng braso ko hinawakan pa, hindi ko tuloy mapigilan ang inis ko...at ng mahimasmasan siguro ang mga lalaking nakatulala kanina ay dali daling tinulungan ng mga ito yung amo ni yaya " ganun! Ako pa ang may kasalanan! Galing mo din e! Kundi moko hinagis dito hindi masisira to!..galit na wika ni Quinn. " ang kulit mo kasi e! Hinawakan mo pa yung braso ko! Kita mo na ngang masakit e! Namumula pa nga o! Sabihin mo talagang mabigat ka lang , mag diet ka na kase ang taba mo na ... pasigaw na wika ko din sa kanya at lahat sila ay parang natahimik sa parang a sit pusa naming bangayang dalawa. " hindi naman masakit yung hawak ko a! Tinatanong ko lang naman kung paano mo nakilala si Nana, ayaw mong sumagot at paikot ikot na yang mga mata mo sa libro.....ganting banat naman muli sakin ng kumag nato...habang hinihimas ang likuran niyang mukhang napalakas nga ata ang pagkakahagis ko... " anong sagot sagot ka diyan. Hindi kita maintindihan sa mga pinagsasabi mo no, at bakit naman kita sasagutin sino kaba ha, so rude.." wika ko sa kanya habang nakataas pa isang Kilay ko sa kanya. " rude! Ako pa ang rude sa ting dalawa ha, Baka nakakalimutan mo nasa loob ka ng pamamahay ko Ikaw tong trespassers kaya malamang magtanong ako diba!??"" " magtanong.? Pagtatanong ba yang ginagawa mo.? That's harassment you know, and besides Kung may isip ka mister! Hindi ako magtetresspass sa bahay mo sa dami ba naman ng guards and CCTV cam sa paligid ng house mo makakalusot ba ako ha! Birdbrain!!" " Birdbrain? Ako? Ako ba sinasabihan mo ng ganyan ha,!" " Stop! Stop! Can you two lovers stop nagging to each other for a while sakit na ng tenga namin sa Inyo ha."...wika ng isang kaibigan nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga niya. " pasensiya na mga anak ha, pwede na ba akong magsalita ...singit na wika ni yaya Cassandra sa amin...yung apat na lalaki ay tahimik lang na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Quinn... " sige na Nana magsalita napo kayo, pagpasensiyahan niya na din yang dalawang yan away mag asawa lang yan " ..natatawang wika ng isang kaibigan ng lalaking pasaway. " pasensiya ka na iho kay Chloe ha! Ako ang nagpatulog sa kanya sa guest room kahapon . kilala ko siya...anak siya ng kaibigan ko sa Korea kadarating lamang niya sa pilipinas kahapon dinalaw lang niya ako...o siya halika na kayo sa ibaba at handa na ang almusal niyo...magsikain na kayo dun....halika na Chloe sa ibaba...papatawag ko na lang si Mando para kuhanin ang sirang upuan na yan...." wika ni Yaya sa mga lalaki preferably sa nagngangalang Quinn. Ngunit Palabas na sana kami ni yaya ng bigla na namng magsalita si Quinn sa amin.... " hey! Wait! .....sabi niya sa amin at hinarap muna ang apat na lalaki na hanggang ngayon ay mukhang shock pa din sa mga pangyayari... "mauna na kayo sa ibaba susunod na lang ako.."..at lumabas na nga yung apat na lalaki sabay sa akin naman humarap... " Ikaw babae! ...." " ano na naman bang problema mo ha! Diba sinabi ko na nga babayaran ko na lang yang nasira ko...wag kang mag alala bago ako umalis ngayon babayaran kita sabihin mo lang kung magkano no!..." " hindi ko kailangan ang pera mo! " e ano nga!.. " palitan mo yang suot mo! Ayokong bababa ka diyan sa salas at sasabay sa kanilang kakain na ganyan ang suot mo! ...at kapag hindi ka nagpalit hindi ka maaaring bumaba sa ibaba na ganyan ang suot mo. Dito ka sa library kakain naiintindihan mo!..." Nanlalaki ang mata ko sa sinabi ng lalaking to...hindi ko akalaing napaka old fashion pa rin pala niya..and besides ano bang pangit sa suot ko, hindi naman kaigsian ang shorts ko sakto lang naman hindi namn masagwa ang sleeveless blouse na suot ko a! May doble pa nga akong sando sa loob nito e... " Quinn..Baka naman .." wika ni Yaya sa Alaga niya " nana, para rin naman sa kanya yun e! Tignan mo nga ! Puro lalaki kaming lahat sa ibaba...tapos.. " It's okay yaya..este nana pala.." muntik nako dun a! Ayoko pa namang malaman nila ang Tunay kong estado..alam kong alam nito na nag work si yaya sa Korea at sa presidente ng Korea pa mismo...ang amo nito... " actually mas pabor sa akin yun e, na dito na Lang ako sa room nato , ayoko namang kumain talaga e! Hindi naman ako kumakain sa umaga kahit coffee na lang nana okay lang sa akin..." " kaya pala ganyan ang katawan mo e! Parang isang ihip lang sayo liliparin ka na e! ..." " ganun ! ....Kaya pala humagis ka kanina diyan.....baka gusto mo pa ng isa pang hagis diyan..." Asar na wika ko sa amo ni yaya Cassandra... " nabigla lang ako kanina...kaya nagawa mong mahagis ako kanina...at saka isa pa babae ka kaya, kaya hindi kita papatulan..." " ganun!...gusto mo ng isa pa ulitin natin Baka sakali ng maalog yang utak mo ." " ay naku! Tumigil na nga kayong dalawa diyan!...sige na halika na Chloe sa ibaba hindi pwedeng hindi ka kakain, kilala mo ako anak walang diet diet sa akin...tama si Quinn masyado ka ng payat ngayon...at ikaw Quinn bumaba ka na rin dun at kumain,..." " Nana pagpalitin mo muna siya ng damit niya kase.." ..pagpupumilit na wika pa rin ni Quinn habang nagkakamot ng ulo. " alam mo ang kulit mo din e paulit ulit lang ang usapan natin...wala nga akong ibang dalang damit na dala no!...sige na Nana dito na lang ako kakain sa library okay lang sa akin ...gusto ko nga yun e daming libro dito malilibang ako....kilala niyo naman ako eto ang gusto ko diba! Baka kung sasabay lang ako kumain sa kanila sa baba, baka maboring lang ako dun...kaya dito na lang ako..."..pagpupumilit na wika ko din Kay yaya " sige ikaw na nga ang bahala! Sige ipapadala ko na lang ang pagkain mo...hala ikaw naman Quinn bumaba ka na dun...pabayaan mo na si Chloe dito...." " wag kang magkakalat dito ha! ..." .........Pahabol pang wika ng lalaking to sa akin...inambahan ko lang siya ng suntok bago siya lumabas ng library...saka nag ikot ikot na ako at nagsimula ng maghanap ng books..mas malaki nga lang ang library sa bahay namin compare dito....pero in fairness madami silang books kaso puro boring naman yung mga nandito walang tungkol sa batas ng Pilipinas puro novels at tungkol sa business at meron pang pambata hahaha....nagbabasa pa rin pala siya ng ganitong kuwento....wala sa itsura niya a!... Nakakita ako ng babasahin ko pwede na rin to tungkol nga lang sa politics pero pwede na rin to compare naman sa mga walang kuwentang kuwentong kutsero ngayon.. Napakaraming pagkain namang ipinadala si Yaya, na para bang kaya kong kainin ang lahat ng ito...mahigpit pa naman yun pagdating sa pagkain, once na hindi mo naubos ay lalo pa niyang dadagdagan ang pagkain ko.... Aissh! Nasusuka na ako sa busog....pero okay lang masarap naman tong food e...hindi na lang ako mag lulunch mamaya pag balik ko sa Manila... *********** QUINN POV " grabe tol under ka pala ng asawa mo!....pang aasar ni San kay Quinn sabay tawanan ng barkada ko. " kilala pala siya ni Nana Sandra! Hindi kaya siya yung sinasabi ni Nana na alaga niya sa Korea yung anak ng presidente...kasi kung titignan mo siya mukhang Hindi pangkaraniwang tao Lang e, sa mga suot niya halata mong mga branded e. kakaiba pa ang kutis niya at kahit walang make up talagang maganda siya a!... Wika naman ni Seven... " " grabe sa pagkilatis tol ha.."pang aasar naman ni Ichie.... " baket ako lang ba ang nagkilatis sa kanya kayo din naman a, halatang kakaiba ang tingin niyo sa asawa ni Quin hahaha" " grabe pare ! isang babae lang pala ang magpapabagsak sayo ng ganun...ako ilang beses na kitang sinubukang patumbahin kaso hindi ko magawa..tapos isang babae lang pala katapat mo..tsssk! ..." Pang gagatong din ni Kyu... " pwede ba nagulat lang ako sa ginawa niya, isa pa bagong gising lang ako no! Saka gutom na ko...and besides never akong pumatol sa babae..." Pangtatanggol naman ni Quinn sa sarili niya.. " weee ! Di nga! Parang kailan lang nga babae yung kalaban mo diba! Yung taga spider g**g ...ano nga ba ulit ang name nun..."...wika ni Ichie.. " Joey...si Joey yun yung pinaka sexy sa grupo nila akala ko nga hindi mo papatulan e! Pero laking gulat ko ng sabog ang nguso at tanggal pa ang ngipin nung babaeng yun ..tsssk! Grabe ka nga nun e..nanghinayang pa naman ako sa kagandahan niya...."Sagot na wika ni Seven... " pumunta ba kayo dito para mang asar o magsasanay...baka ngayon pa lang umpisahan ko na sa inyo ang pagsasanay, tutal hindi ko ba nagagawa sa inyo ang paghagis ng mga pinggan at baso sa mga mukha niyo! Gusto niyong gawin ko na !..." Asar na wika ni Quinn sa mga kagrupo niya.... " sabi ko nga kakain na lang kami..." " pero biruin mo yun ! Talagang pinagtagpo kayo ng tadhana diba! Baka siya na ang babaeng tatapos sa pagkabinata mo Zero...mukhang may sinabi sa pakikipaglaban ang asawa mo a.." ..patuloy na pang aasar na wika ni Kya " yeah! Right! ....bibihira lang ang ganyang pagkakataong nangyayari....baka.." " baka mamaya hahagis na lang tong plato na to samga mukha niyo...kung tapos na kayo! Mauna na kayo dun sa likod bilisan niyo..." Sabay tayo ko na lang sa hapag kainan at dire diretso na sa Silid ko. Dahil tong mga kaibigan ko paniguradongdi ako tatantatanan. Ewan ko ba Kung Bakit iniisip ko ang babaeng pasaway na yun. Baka kung ano ano na ang pinaggagawa ng babaeng yun sa library, baka kung ano ano na ang kinakalikot nun dun. Mabilis At maiiksi lang ang paliwanag ni Nana Sandra kanina. anak ng isang Pilipino Na nakapag asawa ng koreano ang mga magulang ni Chloe at naging kaibigan niya ang mga yun ng nasa korea pa siya, mababait sa kanya ang pamilyang ni Chloe kaya tumatanaw lamang ito ng utang na loob at isa pang sinabi ni Nana na ayaw na ayaw daw talaga nito ang hinahawakan siya at automatic daw na talaga na umiigkas ang kamay at paa nito once na ginulat at hinawakan itong bigla. Kaya ang ginawa niya kanina sa akin ay isang automatic response lamang nito . Although humingi na nang paumanhin si Nana para Kay Chloe.kaya pinag sabihan ako ni Nana na kung ayaw kong maulit yung nangyari kanina ay wag na wag ko ng gagawin pang muli ang hawakan ito sa braso o sa kamay man...... Aaminin kong malakas siya kompara sa isang ordinaryong babae, ang mga galaw nito ay Hindi sa ordinaryong babae na pinagtatanggol Lang ang sarili. Dahil tinamaan niya ko sa panga ,At hanggang ngayon ramdam ko pa din ang kirot sa panga ko kaya iritang iritado ako sa babaeng yun. sabi naman ni Nana ay marunong ng basic martial arts si Chloe, dahil bata pa lamang daw ito ay tinuruan na ng kanyang mga kapatid. talagang pinag aral daw ito ng mga magulang niya dahil na din sa madalas itong mag isa sa bahay nila at matuto itong protektahan ang sarili niya....kaya hindi imposibleng masaktan ng ganito ang panga ko. at sa tanang buhay ko ngayon pa lamang may nakatama sa panga ko kaya naiirita talaga ako dahil diko akalaing isang babae lamang ang makaka first base sa panga ko. aaminin ko maganda siya, at halatang mayaman base na rin sa kutis nito, sa unang pagkikita pa lang namin sa store na yun alam ko at ramdam kong hindi siya pangkaraniwang babae lamang , the way she talk alam kong isa siyang foreigner, though she can talk filipino language alam kong isa pa din siyang foreigner. Pero hindi ko akalaing ganun siya kalakas kaya sobra kung makaasar ang mga kumag kong barkada dahil sa isang babae lang daw ako mapapatumba ng ganun. kaya lalong nagkainteres ang mga kolokoy na yun sa personality ng alaga ni Nana. Sa umpisa ng sinabi ni nana na alaga niya ay kinabahan ako dahil sa pagkaka alam ko isang anak ng may pinaka mataas na katungkulan sa Korea ang alaga nito. Although wala akong masyadong matandaan sa usapan nila papa noon about kay nana. isa pa hindi ko alam kung babae or lalaki ang alaga ni nana dun. Maliit pa ako noon at wala akong masyadong pakialam pa sa nangyayari sa buhay ng mga kasambahay sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD