DEAR DAD,
I'm sorry....I can't marry the prince.....
Love,
Chloe.....
" hanapin niyo ang batang yun....isang malaking kahihiyan at insulto ito sa hari...ano pang hinihintay niyo...magsikilos na kayo!.."
" No! Please...Dad ! stop this okay!..tama na...bakit hindi na lang natin hayaan muna si Chloe.....malaki na siya dad, ito ang buhay na gusto niya....alam mo bang isa lang ang wish niya magmula pa noong bata pa siya.....she wants her freedom...yun lang dad...tama na....tama na ang politika....wag naman pati si Chloe ay magiging katulad namin....."
" bakit Drake nagkamali ba ako ng ipakasal ko kayo ni Ireen ha...hindi bat nagpasalamat ka pa nga sa akin noon....and besides its for her own good...mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa kanya sa palasyo...."
" nandun nako dad! Oo nagpasalamat ako, dahil nagkataon lamang yun na matagal ko ng gusto si Ireen at siya mismo ang pinili mong ipakasal sa akin.....katulad na lang kay kuya Jake...look at him after two years of marrying that girl na pinili mo, ayun sumama sa ibang lalaki..."
" because he didn't give him a single moment to look at her...kaya naghanap ng ibang lalaki yun na magmamahal sa kanya..."
" no dad! Because they don't love each other sa simula pa lamang.....but kuya Jake tried so hard para lang mag click ang married life niya...pero ano pa rin ang nangyari.....iniwan siya at nagpa anak pa sa ibang lalaki at ang masaklap iniwan pa kay kuya ang bata....you see dad, ayaw na ni Chloe na matulad ang buhay kay kuya...hayaan niyo na muna siya, kung nahihiya kayo sa mahal na hari ako ang kakausap sa kaniya and besides hindi pa naman tayo sigurado kung si Chloe nga ang mapipili diba! It's people choice pa lang naman, hindi pa pumipili ang mahal na prinsipe, pwedeng humanap na lang sila ng iba pa...I'm sure marami pa ang matutuwa once na malaman nilang nag back out si Chloe...."
" ewan ko! Ewan ko! Isang malaking diskusyonan ang mangyayari nito kapag nagkataon....kung sana sa umpisa pa lang ay hindi na nag participate ang kapatid mo at sinabi sa akin na ayaw niya, di sin sanay hindi ako nalalagay sa gulong to ngayon....isang malaking insulto sa panig ng hari ang ginawang ito ng kapatid mo..." .......
" I know dad! But please pabayaan niyo na lang muna si Chloe ngayon, ako na ang bahalang magpaliwanag sa hari at maghahanap na rin ako ng babaing ipapalit natin kay Chloe..."
" hindi lang yun ang inaalala ko anak! ...what if may makita siya ng mga taong nakakaalam na anak ko siya....alam mo namang noon pa man ay marami na ang nagtangka na kuhanin ang kapatid mo...."
" magtiwala kayo kay Chloe dad! Kaya niya ang sarili niya....para saan pat nag aral siya ng martial arts hindi ba!...mahusay si Chloe sa lahat ng larangan sa pakikipaglaban kaya niya ang sarili niya...."
" sana nga anak kaya niya ang sarili niya.."
CHAPTER 1
CHLOE POV
"yes! Sa wakas I'm free!.....hehehe." Diko mapigilang wika pagkalabas ko ng airport, mabuti na Lang at wala masyadong tao sa mga oras nato sa airport. I landed on the Philippines at lunch time na kaya ang tiyan ko ay nag aalburuto na. Hindi kase ako masyadong naka kain sa eroplano masyado kase akong kabado na Baka may mga nakakita sa akin at nag Mamatyag sa Paligid at nag antay Lang ng chance na kuhanin ako bigla. Kaya para akong praning at Diko ka enjoy ang pagkaing bago sa paningin ko, lalo na ng tanungin ako ng stewardess about the food I want. But they only have two choices on economy section sa airplane. Only chicken or beef they ask mo to chose, at siyempre I'd chose chicken kase vegetarian ako kaya mas okay na ang chicken sakin.
First time kong sumakay sa economy section sa airplane, kase kapag sa first class or business class ako malamang may makakita sa akin at Kung may nakasunod man sakin Alam Kong dun nila ako unang unang pupuntahan, kaya best choice na talaga ang economy.
Mabuti na Lang at marunong akong magsalita ng wikang pilipino, na natutunan ko sa nanny ko na pilipina, actually kahit mga kapatid ko medyo marunong din, pero ako ang mas fluent sa wikang Tagalog dahil halos araw araw ay kinakausap ako ng nanny ko sa wika nila.
Good thing Natabi kopa yung ang address ng bahay ni Yaya Cassandra Bago siya umuwi ng Pilipinas noon. I remember iyak ako ng iyak nun ng uuwi na siya ng pilipinas. She was our nanny since my second brother was born. Hanggang sa Ako naman ay isilang ng mother ko, actually si Yaya Cassandra na ang tumayong nanay ko dahil maagang namatay ang mother ko, Im only 6 months ng mawala ang mother ko, sabi ng papa ko my mom was sick but I heard sa mga kasambahay namin nun, it was ambushed at himala daw na nabuhay ako dahil sa dami ng tama ng sasakyan ng mama nun, and I know it's not impossible dahil my dad is in politics. At Marami and death threats na nakukuha nito sa araw araw.
I miss Yaya, iyak ako ng iyak nun ng bumalik siya ng Philippines, but I need to understand her dahil may sarili din siyang pamilya.
kilala pa kaya niya ako, I was 14 ng umalis si yaya samin, And I was 19 now ilang rain na din magmula nun, makilala kaya ako ni yaya, wala namang nagbago sa itsura ko ganun pa din e. kamusta na kaya si yaya siguro naman hindi siya lumipat ng bahay sa huling pag uusap namin noon nabanggit niya na hindi siya maaaring umalis at lumipat pa dahil kaniya na yung bahay na yun at nabayaran na niya ng buo ang lupang yun....
Mabuti naman at may car rental sa hotel na nakuha ko, kaya Hindi nako nag aksaya ng oras pa. Iniwan ko Lang ang maleta ko at nag dala ng ilang pirasong damit just in case na Hindi ako makabalik agad. And some important things.
I am on my way sa probinsiya ni yaya Cassandra sa Laguna . mabuti na lang at maraming Alam ang driver na lugar sa Laguna ,dahil wala akong alam sa pasikot sikot dito sa manila at sa lugar na pupuntahan ko at alam ng driver nato ang lugar ni Yaya....
Minabuti ko munang dumaan muna ako sa mall at bumili ng pasalubong, wala akong anumang pasalubong na bitbit kay yaya nakakahiya sa family niya kung sakali. At pinakain ko na din si kuya driver dahil mukhang malayo layo din pala ang lugar ni yaya sa airport, Akala ko malapit lang.
Hindi ako sanay sa maraming tao, bibihira lang kasi akong lumabas ng bahay at kung lumabas man ako kasama ko ang lima kong bodyguard plus yung personal assistant ko pa. kapag nagpupunta ako ng mall laging sa opening, kung minsan naman sa gabing gabi...I don't want to attract any attention to others that's why I wear sunglass and a cap para siguradong walang makakuha ng atensiyon ko at makakilala sa akin...although alam ko namang kahit kailan ay hindi pa ako nakikita ng media never akong nagpa interview at magpakilala sa madla bilang anak ng presidente ng bansa.....
Habang nasa isang fast food chain ako at umorder muna ako ng pagkain namin ng driver na kasama ko siguradong gutom na rin yung isang yun....natakam kase ako sa food at dessert nila dito kaya instead na itetake out ko na lang sana ay napakain na agad ako....matakaw talaga kase ako, isa sa hilig ko ang pagkain. Since bago sa paningin ko ang mga food dito sa pilipinas at talagang katakam takam sa paningin ko ay hindi ko na pinalampas pang matikman....
At habang nag aantay ako sa food na pinabalot ko ......napansin ko yung dalawang lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin, natatakot ako sa atensiyong binibigay niya sa akin ngayon it makes me creepy. Kung ano ano tuloy ang puma pasong sa isip ko, I'd remember one time yung classmate ko sinabi niyang mag ingat ako dahil ang mga katulad daw naming anak ng mga politicians ay takaw k********g. Lalo pa at wala ako sa sarili Kong bansa. At isa pa na kinakatakutan ko ay yung baka napasundan ako dito ng daddy ko mahirap na. pero mukhang hindi naman siguro hindi familiar sakin ang mga mukha ng mga to , lalo akong natakot at nabahala ng bigla silang lumapit sa akin.....
" Hi! Your new face here, and you looks foreigner, Where are you from?....are you alone.....oh! By the way I'm Leo..." Pagpapakilala nito sa akin, although hindi siya panget pero alam mo yun yung feeling na you don't trust him kahit pa sabihing he looks rich and handsome. I have a feeling na hindi siya dapat pagkatiwalaan...naalala ko yung mga salitang binitawan sa akin ni Yaya bago siya umalis non na kapag napunta ako ng pilipinas or kahit saan mang lugar, wag na wag kong ipapahalata na isa akong dayo lamang sa isang lugar na yun, I have to more alert to everyone, dahil kilala ang aking ama ay hindi malayong maraming magtatangka sa buhay ko.....marunong naman akong ipagtanggol ang sarili ko kung sakali yun nga lang hindi ko alam kung ano ang batas dito sa Pilipinas, Mahirap na baka makasuhan pa ako at malaman pa nila kung sino ako kaya kailangang behave lang ako for now....
" I'm sorry.? no ! I'm not a foreigner and new face here, madalas akong suman dito nagkataon Lang siguro na ngayon mo Lang ako nakita. And I'm not alone , May kasama ako actually...nandiyan lang sila sa labas....I'm...I'm with my husband"...sobrang kaba ang nararamdaman ko habang nagsasalita , first time kasing may nag approach sa akin at naglakas na kausapin ako. Sa Korea kase Walang nakakakalapit sakin even my classmates outside sa classroom without my permission. Dahil na din sa mga bodyguards ko.
this is the first time na walang bodyguards na humaharang sa lahat ng taong gustong kausapin ako, kaya ganito na lang ang kaba ko....
" really! Alam mo bang kanina pa ako nandito at nakita kong wala ka namang kasama....kanina ka pa din dito diba!...wag kang matakot miss hindi naman akami nangangagat e!...gusto ko lang naman makipagkilala....and if you want I can tour you around ......Wika ng estrangherong lalaking yun..kahit madami pa siyang suot na alahas sa katawan hindi matatakpan ng kayabangang niya sa katawan....masyadong mayabang ang taong to, hindi ko na dapat pang pagka abalahang kausapin ang taong to, mahirap na wala ako sa sarili kong bansa, mabuti na lang at magaling akong magsalita ng tagalog kung hindi mahihirapan ako sa bansang to hindi pa naman lahat ng nandito ay marunong umintindi ng english.......
Nang maibigay na sa akin ng waitress ang order ko ay mabilis kong dinampot ang bag ko at nagmamadali akong umalis sa lugar na yun...
" excuse me! I have to go!....naiinip na ang asawa ko sa akin...." Paalam ko sa lalaking kausap ko ngunit nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso ko, na siya namang ikinairita ko. Dahil no one dares to touch me without my permission kaya reflex na lang siguro ang nangyari nagawa ko siyang masampal ng mabilis na siya ata niyang ikinagulat at ikinagalit....
" anak ng! " Sigaw ng lalaking estranghero, kaya mabilis kong binawi ang kamay ko. Dahil nakaramdam ako ng takot sa sigaw niyang yun....Wala pa naman akong kasamang bodyguard ngayon na maaaring magtanggol sakin......nagmamadali akong maglakad at halos takbuhin ko na ang pinto palabas ng restaurant na yun rinig na rinig ang yabang ng mga taong yun na humahabol sa akin , hindi ko napansin ang taong papasok sa pinto dahil nakatingin ako sa likod ko sa mga taong humahabol sa akin, kaya pagharap ko ay tumama ang mukha ko sa dibdib ata ng isang estrangherong tao kaya nahulog ang suot kong shades. Pupulutin ko sana ang shades ko ngunit naunahan na ako ng taong kasama ng lalaking nabangga ko at pagtingin ko sa likuran ko nakita kong nasa likod ko na ang mga lalaking humahabol sakin kanina......
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at basta ko na lang hinawakan ang braso ng lalaking nabangga ko. Alam kong nagulat din siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sakin...
" help me please..just this once okay....makisakay ka na lang sa sasabihin ko please mamang ano...hmmm!..." Bulong ko sa lalaking matamang nakatingin sa akin....hindi pa ako sigurado kung papayag ba siya o hindi sa gusto kong mangyari ay humarap ako sa lalaking humahabol sa akin...
" this is my husband ...." Pakilala ko sa lalaking humahabol sakin..at humarap akong muli sa lalaking pinakilala kong asawa ko, kita ko sa mukha niya pati na rin sa mga kasama nito ang gulat sa sinabi ko...ahmm..hun ! Pasensiya na kung nahuli ako ng labas ha..kumain pa kasi ako e...kabadong wika ko sa lalaking pinakilala kong asawa na hanggang ngayon ay nakatitig pa din ng madiin sa akin...kinakabahan ako sa maaaring gawin din ng taong ito , pero kung tutuusin ay isa rin siyang estranghero sakin pero magaan ang pakiramdam ko sa kanya, I feel safe lalo nat nakahawak ako sa braso niya...medyo niluwagan ko lang ang hawak ko ng pakonti konti dahil baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko..I thought na ilalaglag niya ako sa ginawa ko dahil inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa damit niya....natakot ako at parang maiiyak sa mga sandaling iyon ngunit laking gulat ko dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop pa niya ang palad namin , nanlaki ang mata ko gayundin din ang mga kasama nito, at kahit ang lalaking humahabol sa akin ay nanlaki ang mata.....
At humarap kami sa lalaking humahabol sakin.......
" anong problema Leo...mukhang pati ang asawa ko ay kinakatalo mo na a!...wika niya sa lalaking humahabol sa akin, nagulat ako dahil kakilala pala niya ang taong yun...
" really! At kailan ka pa nag asawa Zero!...mukha atang wala akong nabalitaan ah!..." Wika ng lalaking humahabol sa kin na halatang nang uuyam sa bawat bitaw niya ng salita.. Zero pala ang pangalan nitong lalaking to..
" at sino ka para pagka abalahan ko na sabihan ka kung kailan ako mag aasawa, kaibigan ba kita hmm..." Nakangiting pang asar ng lalaking tumulong sakin...nakita ko ang biglang pagseryoso ng mukha ng lalaking humahabol sa akin...
" well...ang sa akin lang e wala akong nabalitaan na may asawa ka na pala....parang kailan lang iba ang kasama mo sa Inauguration ng Hotel ni Mr. Lafier ngayon naman ay iba ang kasama mo, and I remember that you said na wala sa bokabularyo mo ang pag aasawa at sakit lang ng ulo ang mga babae...."..confident na wika ng lalaking humahabol sa akin, napatingin naman akong bigla at tinignan ko sa mata ang lalaking may hawak ng kamay ko...naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa palad ko..
" well...nasabi ko ang mga salitang yun that day because we had a misunderstanding dalawa and .......wait ! bakit ko ba kailangan ko pang ipaliwanag sayo ang lahat..."
" wala naman it's just that parang hindi kapani paniwalang ang isang tulad mo ay mag aasawa..and
" so ang ibig mong sabihin ay hindi ka naniniwalang asawa ko ang babaeng to ganun ba....
" well...hindi na sa akin nanggaling ang word na yan at.....
Nagulat na lang ako sa biglang paghawak ng lalaking to sa batok ko at biglang halik sa labi ko, magsasalita sana ako para tanungin siya kung bakit niya ginawa yun ay mas lalo akong nagulat dahil naging mas mapangahas ang halik na ginawad niya sa akin, halik na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko...kung hindi pa siguro siya kinapos ng hininga ay hindi niya ititigil ang paghalik sa akin....at pakiramdam ko ay babagsak ako ngunit parang alam na niya na parang matutumba ako kaya hinawakan niya ako sa bewang ko para alalayan...
" now! Are you satisfied Leo....so what now! ...anong kailangan mo sa asawa ko Leo!....hanggang ngayon pa rin ba ay gusto mo akong kataluhin ha Leo.." Galit na wika ng lalaking tumulong sakin sa lalaking humahabol sa akin. Mukhang may malalim na ugnayan at awayan ata tong dalawang to base na rin sa sagutan nila...nakita kong naalarma ang dalawang kasama ng lalaking humahabol sa akin at binulungan nito ang amo nila...
" ahmm pasensiya na Zero hindi ko naman akalain na asawa mo pala ang magandang dilag nato, I thought mag isa lang siya e! ...sige mauuna na kami....."..wika naman ng isang lalaking kasama ng lalaking nagngangalang Leo at mukhang magkakakilala nga , ngunit bago siya umalis ay tumingin pa ito sakin at ngumiti ng nakakaloko na siyang mas lalo akong kinabahan...mukhang hindi magiging maganda ang pagpunta ko dito sa bansang ito..unang araw ko pa Lang sa Pilipinas ay ganito na agad ang nangyari sa akin....kailangang makita ko na agad si Yaya tapos aalis na ko sa bansang to mahirap na...speaking of Yaya naku baka naiinip na yung driver ko. Mabilis kong hinatak ang kamay ko sa lalaking tumulong sa akin at napansin kong nakatingin na din siya sakin, ngayon ko lang napansin na guwapo pala ang taong to....
" ahmm...aalis nako..at mabilis akong tumalikod ngunit nagulat ako ng bigla siyang magsalita...
" hindi ka ba man lang magpapasalamat sa akin pagkatapos ng ginawa kong pagsalo sayo sa taong yun"
Naiinis ako sa kanya, dahil hinalikan niya ako basta and that was my first kiss for pete's sake ....tapos sasabihin niya na di ba ako magpapasalamat......
" magpapasalamat...okay ka lang ! Bayad nako sayo no! Yung ginawa mong paghalik sakin na walang permiso ay sobra sobrang bayad na yun sa utang na loob ko sayo...diyan ka na nga...at mabilis akong tumakbo palayo sa lugar na yun...mabuti na lang at mabait yung driver ng sasakyan na inarkila ko. Pagdating ko sa parking lot ay umalis agad kami sa mall na yun...
" mam , andito na po tayo.."
" sigurado ka bang ito yung lugar na nasa address....."..wika ko sa driver ..nagulat lang ako dahil isang mansion ang bahay na nasa harap namin ngayon..nakakagulat lang dahil hindi ko sukat akalain na mayaman pala si Yaya Cassandra e bakit pa siya nagtrabaho sa amin, halos magka sinlaki lang ang mansion namin sa mansion ngayong nasa harapan ko....
" mam! Aantayin ko na lang po ba kayo dito sa labas o ipapasok ko pa po sa loob ang sasakyan...
Nasa loob mg isang executive village ang mansion na to kaya mahigpit ang seguridad sa loob at labas ng village, malalaman mong mayayaman ang nakatira sa village nato base na rin sa naglalakihang bahay sa paligid...
" ahmm..paki antay mo na lang muna ako dito, hindi rin naman ako magtatagal kasi itatanong ko lang kung nandito pa rin yung taong hinahanap ko..."
" yes mam..."
Para akong natatakot na ewan habang pipindutin ko ang doorbell ng mansion...wala kong makitang guard sa pinto, mukhang automatic ang gate at ramdam ko na may mga matang nakatingin sa akin...marahil dahil na rin sa CcTV cam na nasa gate....
Laking gulat ko ng di pa nga lumalapat ang daliri ko ay kusang bumukas na ang malaking pintong bakal...nagulat ako dahil tatlong lalaki ang malalaki ang katawan ang sumalubong sa akin....mga armado sila ng b***l alam ko, dahil ganito rin sa bahay namin...
" wooah! Sorry guys for disturbing.....I just want to ask ...ahmm ! Dito ba nakatira si Cassandra Dimalanta..."....
" Cassandra! Si Nana Sandra ba ang hinahanap mo...?
" ahmm..siya na nga siguro yun...mataba siya maliit tapos puro puti na nag buhok niya which is normal na lang sa hair niya yung kulay na yun...and wait ito kase yung address na binigay niya sa akin e...eto ba ang address niyo dito.."..binigay ko sa kanila ang papel kung saan nakalagay ang address ni Yaya..at nagkatinginan silang tatlo...
" bakit mo hinahanap ang taong to, kaano ano ka ba niya..." ..wika naman ng isang kasama nung lalaking nahulaan niya agad na si yaya Cassandra ang Hinayana ko.
" ako nga pala si Chloe...ahmm ako yung alaga niya sa Korea....Pakisabi naman andito si Chloe kamo"
" ah! Oo naalala ko na nagpunta nga si Nana nun sa Korea...."
" nandiyan ba siya ! Pwede ko ba siyang maka usap....
" wait lang ha! Tatanungin ko muna si man ang kung kilala ka niya..." Akala ko ay papapasukin na nila ako sa bahay nila ngunit laking gulat ko ng tinawagan pa nila mula sa hawak nilang walkie talkie..masyado atang mahigpit ang bahay na to sa tingin ko ay nagtatrabaho pa din si Yaya dito at mukhang bigatin ang amo niya dahil mahigpit ang security nila...at maya maya ay nakita kong may lumabas na isang matanda ....
" diyos ko ! Ikaw nga ! Chloe anak anong ginagawa mo dito....diyos ko sinong kasama mo! Papaanong!.."palinga linga pa si Yaya na parang hindi makapaniwalang nandito ako sa harap niya....
" it's a long story Yaya...ako lang po mag isa ang pumunta dito ! Wala akong kasama.."
" halika na sa loob at mainit dito..tignan mo ang mukha mo namumula na sa araw...
" ahmm Yaya may kasama po ako yung driver nang nirentahan ko sa hotel. Hindi po ako magtatagal gusto ko lang po kayong makita tapos aalis na din po ako agad....."
" ano! Nag hire ka ng hindi mo kilala! Diyaskeng bata to!
" Yaya it's okay....driver ng hotel yan na tinutuluyan ko..."
" ako ng magpapahatid sayo sa manila....hindi ako papayag na hindi ka dito matutulog ngayong gabi...halika na anak at eksaktong may niluto akong pagkain at ipapatikim ko sayo...walang ganito sa korea...."..wika ni yaya ngunit bago kami pumasok sa loob ay Lima usap muna nito ang driver ng car rent ko.
Namangha ako sa kakaibang design ng bahay sa loob, napakaganda ng pagkakadesign ng bahay nato..mukhang bigatin nga ang amo ni yaya or baka naman kamag anak ni Yaya ang mga nakatira dito...
" uunahan na kita anak ha! Hindi ko ito bahay, hanggang ngayon ay naninilbihan pa din ako sa amo ko...bago ako pumunta ng Korea at manilbihan sa inyo ay dito na talaga ako nakatira, mabait sa akin ang amo ko na siyang naging amo na rin ng mga magulang ko dito na ako isinilang hanggang sa makapag asawa.. Nagkaroon lang ako ng matinding pangangailangan noon at nagkataong wala dito ang mga amo ko sa pilipinas at wala akong malapitan kaya napag isipan kong mag abroad para kumita...."
" mabait ba sila Yaya kaya hindi ko naisipan pang bumalik sa amin..."
" mabait siya anak, at hindi na rin iba kung ituring ako ng amo ko kaya nga kahit kinukuha na ako ng mga anak ko ay hindi ko magawang umalis at iwan si JC....siya nga pala paanong naka alis ka ng bansa ng wala man lang ni isang kasamang bodyguard wag mong sabihing..."
" ahmm! Tumakas ako yaya e.....tapos ikaw ang nauna kong naisip na puntahan and besides hindi iisipin nila daddy na dito ako sa pinas pumunta....wag mo nakong tanungin yaya kung paano ko nagawang tumakas sa higpit ng mga bantay ko dun...okay! Ang mahalaga nandito na ako....siya nga pala Yaya mong sasabihin sa amo mo kung sino akong talaga ha!..."
" mabait ang amo ko anak kaya wag kang mag alala ....hala tikamn mo itong ginataan kong nilo bilo masarap yan at sinamahan ko pa ng langka yan ...kakakuha lang ng langkang yan sa puno...."
" mukha ngang masarap yaya a!....
Nagkuwentuhan pa kami ni yaya hanggang sa di ko na namalayan ang oras, nalaman kong hindi pala madalas nag iistay ang amo niya sa Laguna mas madalas itong tumuloy sa isa niyang condominium sa manila...kaya napapayag na rin ako ni yaya matulog sa isa sa mga guest room sa mansion na yun, mas gusto ko sanang sa tabi na lang ni yaya matulog ngunit ayaw niyang pumayag dahil baka daw pag gising ko ay pulang pula na ang buong balat ko...hindi pa daw niya napapalinis ang kwarto niya at sadyang madumi yun at maalikabok nakakahiya naman daw sa ama ko kapag nalamang pinatulog niya ako sa maids quarter....
Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mata ko...nalimutan ko nga palang isarado ang kurtina kagabi, nawili kase akong panoorin ang mga bituin sa langit kagabi...mabuti na lang at may nakapamili ako ng damit kahapon sa mall....kakaunti lang kasi ang dala kong damit kaya kinailangan kong bumili ng ilang pirasong damit..
Maliligo muna ko bago bumaba, pinili ko ang short at sleeveless na blouse..na napili ko, ngayon lang ako nakapag suot ng ganito dahil sa Korea hindi naman ako nakakapag suot ng ganito dahil hindi naman ako nakakagala doon kung hindi rin lang sa mga party at sa school ay wala nakong iba pang nadadaluhan...
Nagulat ako ng may lumabas na isang babae sa loob ng CR...
" good morning po mam...nahanda ko na po yung pampaligo niyo ibinilin po kasi sa akin ni Nana Sandra na ihanda ang pampaligo niyo.....may ginagawa po kasi siya sa baba kaya ako na po ang inutusan niyang mag handa, kilalang kilala na po kayo talaga ni nana Sandra at alam na alam niya ang oras ng gising niyo..wika ng katulong mukhang halos lahat ata ng katulong dito ay may mga idad na, mukhang mabait nga ata ang amo nila at hindi niya pinapalitan ang mga may idad ng kasambahay....
" salamat....tipid na tugon ko na lamang sa katulong , napansin siguro niyang wala ako sa mood makipag usap kaya nag paalam na lang to agad...tumayo na rin ako at nagpasyang maligo. Kailangang makabalik na ako sa manila ng maaga...sinuot kong muli ang sumbrero ko at salamin, kahit alam kong malayo nako kila daddy hindi pa rin ako dapat maging kampante baka mamay may makakilala sa akin, mahirap na...kahit basa pa ang buhok ko ay tinali ko na rin agad ayoko ng gumamit ng dryer kasi hindi ko alam kung paano gagamitin sanay akong si Violy ang nag aasikaso sa buhok ko nun...
Paglabas ko pa lang ng pinto ng kwarto rinig na rinig ko na ang boses ng puro lalakeng nag uusap sa ibaba..kitang kita ko silang lahat mula dito sa itaas ..mukhang dumating na ata ang amo ni Yaya , pababa nako sa hagdanan ng mapansin ko ang lalaking bumababa rin sa hagdanan at ang lahat ay biglang nagsipagtahimik at napatayo sa pagkakaupo nila at palipat lipat ang tingin nila sa akin at sa lalaking nauunang bumaba sa hagdanan....
Sinundan naman ng lalaking nasa unahan ang tinitignan ng mga lalaking ito at mapatingin siya sa akin laking gulat ko kung sino ang taong yun....