CHAPTER 4

3528 Words
CHLOE POV " yaya aalis na po ako salamat sa pagpapatira niyo sa akin dito...hindi napo ako magpapa alam sa amo niyo mukhang busy naman sila e! ...." paalam na wika ko kay yaya " Babalik ka na ba agad sa Korea anak.? ...kung bakit naman kase umalis ka pa dun! Ako ang kinakabahan sa ginawa mong ito anak, Alam mo namang napaka raming kaaway ang iyong ama baka mapa ano ka ! saka alam mo naman na noon pa man bata kapa e, hindi malayong isa ka sa magiging choice ng palasyo para mapangasawa ng crown prince diba? naalala ko pa nga noon na ikaw lang ang kasundo at gusto ng crown prince na pumupunta sa palasyo at masaya ka diba.?..." " yaya, malapit naman talaga ang loob ko sa crown prince at alam kong mabuti siyang tao at tinuturing ko na din na isa sa matalik kong kaibigan, pero iba na yung usapang kasal and besides yaya hindi nako bata ayoko ko pang magpakasal at makasal dun sa crown prince. let's say na guaranteed na ang future ko dahil isa na kong prinsesa pero iba pa din ang buhay sa loob ng palasyo yaya alam mo yan, mula pagkabata palasyo at school lang ang pinupuntahan ko kaya and even in our house para pa din akong nakakulong, mabuti pa nga ang mga preso may time na pwede silang makalaya, pero ako since I was a child bukod sa inyo may dalawa pa akong taga alalay sa lahat ng gagawin ko, hindi ako makapag laro sa labas at loob ng school dahil kailangan ko ng umuwi, at kapag nakakatakas naman ako parang halos lahat ng classmate ko takot sakin ayaw na ayaw nilang lalapitan ako. tapos pati sa marriage life hanggang sa kamatayan ko na din ata nakakulong pa din ako. dahil sa palasyo lahat ng mata nakabantay sayo, para silang mga nagbabantay ng pagkakamali mo para maparusahan ang crown prince. saka yaya ayoko din ako sa loob ng palasyo. i hate politics, Mas mahirap kaya ang maging asawa ng prinsipe yaya...sayang lang ang pinag aralan ko dun...para lamang akong puppet na sunod sunuran sa lahat ng gusto nilang mangyari , kilala mo ako yaya, kapag ginusto ko talagang gagawin ko.. naalala mo yung sinabi ko sayo dati...darating din yung time na makakaalis ako ng bahay at mapupuntahan ko ang lahat ng lugar na gusto kong puntahan yung walang bodyguard na susunod sunod sakin...yung kaya kong magtrabaho on my own at kumita sa sarili kong pagod ..."...seryosong wika ko kay yaya " alam ko anak aNg sakin lang ay hindi ka sanay sa na walang mag aasikaso sayo ni maglaba ta magbihis wala kang alam. Saka alam mong magulo ang mundo ng papa mo paano kung may makakilala sa iyo diyan at gamitin ka para gumanti sa papa mo. saka Ngayon ka lang nawalan ng bodyguard sa tabi mo ..."... " yaya dont worry, wala namang nakakakilala sakin na ako ang nag iisang anak na babae ng president of south korea, saka ang saya ko kaya at wala nag bodyguard sa tabi ko hahahahaha....siyempre sa umpisa aaminin ko na mahirap at takot ako, lalo na nung unang araw ko dito sa pilipinas pag gising ko sa hotel nawala sa isip ko na ako na pala ang mag aasikaso sa lahat, pero ng maalala ko na wala na nga pala akong utusan ngayon at kailangan kong kumilos para sa sarili ko..okay na sa akin....masasanay din ako....wag kang mag alala yaya kaya ko ang satili ko matagal ko ng pinaghandaan to babalik din ako sa Korea. But not now hmmm...alam kong malaking g**o ang iniwan ko dun mahirap naman kung basta na lang akong babalik agad dun...mag aaral pa ulit ako yaya after nun saka nako magtatrabho..." " hindi bat naka graduate ka na bakit mag aaral ka ulit . saka anak iba ang kultura dito napaka laki ng kaibahan sa korea baka mahirapan ka." " mag mamaster ako Yaya gusto kong maging prosecutor. Matagal ko ng pangarap yun remember? and dont worry about me kaya kong mag adjust for your culture hmm..sige na yaya andito na ata yung driver nang hotel nagtext na sakin nasa harapan na daw siya ng gate niyo." ...wika ko sabay halik sa noo ni yaya na alam kong nag aalala lamang sakin. gusto ko sanang sabihin kay yaya na samahan niya muna ako sa hotel dahil talagang may kaba pa din sa dibdib ko. at naglalakas lakasan lamang ako ng loob mag isa. though its a little bit excitement dito sa journey na ginawa ko. " wag kang aalis ng bansa ng hindi ko nalalaman ha! Babalik ka dito at tatawag tawag ako sayo dun sa hotel .....teka nga! Bakit hindi ka na lang dumito sa akin ...kung inaalala mo si Quinn...wag mong isipin yun hindi naman madalas dito yun , nagkataon lang na may kinuha yung batang yun, minsan lang umuwi dito yun. kapag kailangan tutal may sasakyan naman dito at driver pwede kita samahan sa pamamasyal mo at kung gugutuhin mong lumuwas maaari kang ihatid ng driver sa manila pabalik dito ulit walang problema kay Pilo yun ...."..wika ni yaya " wag na yaya..papaano akong matututo kung aaasa din ako sa yo dito..." " a basta dito ka na lang kakausapin ko si Quinn na wag na muna dito umuwi dun muna siya sa condo niya sa manila....wag kang mag alala hindi naman maaaring biglaang alisin ang lahat ng bagay na nakasanayan mo na anak masyado kang mahihirapan at baka magkasakit ka..hayaan mong tulungan kita uunti untiin natin ang lahat okay ba!.....antayin mo ako dito at sasamahan kita sa manila para kuhanin ang gamit mo...wag kang tatanggi pa sa akin...." " ay naku yaya! Ikaw talaga, sige mag stay muna ako dito ng 3 days bago ako humanap ng tirahan ko, alam kong mahal sa hotel kaya samahan mo na rin akong humanap ng condo for sale at ready for occupancy na yaya ha." " sige sige mas mainam ngang bumili ka na lang ng condo kesa sa hotel, magbibihis muna ako at antayin mo ako dito. " " sige yaya." Hindi Ko alam kung ano ang sinabi ni yaya kay Quinn, dahil pumayag daw naman ito agad sa nais na mangyari ni Yaya mamaya din ay aalis ang mga ito pabalik ng manila...at walang problema dito ang pagtira ko pansamantala sa bahay niya.. Bago kaming bumalik ng Laguna ni Yaya ay nag ikot ikot muna kami sa mall sa manila at nag shopping ng ilang gamit na kulang sa mga dala ko. alam kong Pakonti konti ay masasanay rin ako na ako ang nag aasikaso sa sarili ko, yung sa pagtimpla ng tubig sa bathtub at paliligong mag isa, buong buhay ko ay may tatlong kawaksi na nag aasikaso sa akin kapag naliligo at nagbibihis ako ngunit ngayon ako na lang mismo ang naliligo at nag aayos sa sarili ko. ang 3 days na sinabi ko na mag stay kay yaya ay naging dalawang linggo, at sa loob ng dalawang linggong pananatili ko sa bahay nato ay walang Quinn akong nakita , tama nga si Yaya dahil hindi nga madalas umuuwi ang taong yun dito...ngunit isang umaga ay nagulat na lang ako na may dumating na isang babae, isang napaka gandang babae, yun nga lang ako ang nanghihinayang sa ganda niya dahil sa tingin ko naman ay maganda na siya kahit hindi siya maglagay ng makapal na foundation at lipstick.... Eksakto pang wala si Yaya ng mga oras na yun dahil nasa supermarket ito hindi lang ako sumama na dahil masyadong masakit na ang balat ko sa araw masyado ng namumula ang dalawa kong pisngi at nararamdaman ko na ang hapdi dito....araw araw kasi ay nasa mall ako ng bayan nato kung ano anong klase ng libro akong binibili pati na rin ang ibat ibang uri ng tinapay ay binibili ko.. Isa ang tinapay sa pinaka gusto kong pagkain kahit hindi ako kumain ng kanin basat may tinapay ako at gatas or kahit coffee solved nako ..... Marahil ay kilala ng mga guard ang babae kung kayat pinapasok na nila ito....naiilang ako sa paghagod niya sa kabuuan ko...ganito ba talaga ang mga tao sa pilipinas, kung makatingin hindi pwedeng hindi titignan ang kabuuan ko...naka leggings kasi ako ng bulaklakin at sleeveless na body hugging blouse, sabi nga ng mga kasambahay ay sexy ako..ang kaso nakakailang din pala kahit babae ang tumitingin sayo mula ulo hanggang paa..... " yes can I help you! " tanong ko sa babaeng nasa harap ko..tinanggal niya ang suot nitong shades... " tama nga ang sabi nila....may babaeng inuwi si Drake dito...sino ka! At taga saan ka!...wika ng estrangherong babae...mapapansin at mararamdaman mo sa boses niya ang parang pang uuyam sa isang kagaya ko...marahil ay pinag iisipan niya ako ng di maganda ..marahil ay isa sa mga babae to ng amo ni Yaya...alam kong wala namang kapatid na babae ang amo ni yaya, dahil ayon sa mga kasambahay na nakausap ko matagal ng patay ang kapatid na babae ng amo nila...at nasa ibang bansa na ang karamihan sa kamag anak ng amo nila, maging ang papa nito ay matagal ng di umuuwi ng Pilipinas sampung taon na ang nakararaan...tanging ang amo lang nilang lalaki ang pumupunta sa ibang banasa upang dalawin ang ama nito.... "Excuse me! ...and who are you !.." Pagtataas ko na rin ng kilay sa kanya. Lumabas na rin ang katarayan ko..mabait akong tao kung alam kong mabait ang kaharap ko. Pero kapag inumpisahan mo ko ng kasupladahan ay baka pagsisihan mo pa na nakilala mo ako... " hindi mo siya kilala!...my god saang planeta ka galing .." Wika naman ng kasama nitong bakla at kahit pa mukha siyang babae sa panlabas na kaanyuan makikita mo naman sa pilantik ng mga kamay nito na bakla talaga... " tama na yan Gertrude, wala ka sa sarili mong pamamahay para umakto ng ganyan...pagpasensiyahan mo na siya..talagang matalas ang bibig ng baklang ito...siya si Czarina ..Czarina Mendez isa siyang modelo international model na siya ngayon, ako nga pala si Donna manager ni Czarina , hinahanap namin si Drake..ahmm..Quinn Drake..and you must be.." Magalang na wika ng manager ng Czarina na yun.. " Chloe ...my name is Chloe Touya...I'm sorry kung hindi kita kilala...hindi kase ako mahilig magbasa ng entertainment page sa newspaper...at manood ng T.V about the actors and actresses ..you know hindi naman lahat ng tao had the same interest , by the way , anong kailangan niyo sa asawa ko!.." Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko na namang asawa ko ang Quinn na yun...tsssk! Patay na naman ako nito pag nagkataon e! Nakakaasar kase tong dalawang babae na to kung maka asta akala mo kung sino isa lang naman palang modelo..mas matangkad lang nga siya sakin siguro mga 2 inches..mukhang 5'8 ang height niya pang model talaga, akao 5'6" lang pandak kasi ni dady e! Sila kuya nakuha ang height ng mommy ko pareahas. 5'9 ang height ng mga yun ..ako na unano grabe... Kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nilang dalawa....kahit ako nga sa sarili ko nagulat din ako e...sila pa kaya.. " a..asawa! Asawa ka ni sir Drake! ...Maarteng wika nung bakla..akala mo naman siya yung jowa nung Drake..grabe a! Ang dami niyang pangalan....nakita ko ang lungkot sa anyo nung babaeng nag ngangalang Czarina bigla itong napa upo sa upuan at inabutan ito ng juice ng manager niya...para namang na guilty ata ako sa ginawa ko, hindi kaya sobra nako sa ginawa ko...siguradong uusok na naman ang ilong ng taong yun, kapag nalaman niya ang ginawa ko... " kailan pa! Kailan pa kayo ikinasal...bakit ! Hindi man lang niya ....kaya pala..kaya pala everytime na tatawag ako laging sasabihin niyang busy siya ...."..biglang taas ng boses nito at alam kong galit na siya... " tama na yan Czarina...sinabi ko naman sayo diba! Mahirap ang long distance relationship, and besides lalaki kaya yun , malamang maghanap yun ng iba..lalo pat napaka gwapo niya, siguradong napakadaming naghahabol diyan..sa siyota mo!..." Pagpaparinig pa sa akin ng baklang kaibigan nito..gwapo ba yung lampang na yun...eto pala ang girlfriend niya a! Infairness maganda ang Gf niya, yung nga lang may pagka malditang tinatago din...ako ba naman hamunin niya ng pagka maldita yan tuloy...saka ko na lang ipapaliwanag sa kanila kapag nagkabukuhan na... " well mga one year na rin...our relationship is a long distance also, mga two weeks pa lang ako dito sa pinas, ayoko nga sanag umuwi e kaso nagagalit na yung asawa ko at miss na miss na daw nito ako kaya napulitan nakong umuwi dito sa pilipinas..." Pagpapatuloy ko pa din sa pagsisinungaling..grabe for the first time in my life , nagawa kong makipaglaro sa mga tao at take note wala pako sa sarili kong bansa... " come on halika na Czarina mahuhuli na tayo sa taping mo..sinabi ko naman sayo kanina tumawag muna tayo e! Hindi yung ganito...tignan mo tuloy ang nangyari nabigla ka sa lahat...noon pa naman malakas na ang kutob ko e.." Pagpapaliwanag ng manager nito dito habang patuloy naman sa pag iyak si Czarina... " I'm sorry kung nabigla ka..actually hindi lang naman ikaw ang nagulat sa lahat kahit ako hindi ko alam na may girlfriend pala siya na pinangakuan...hayaan mo sasabihin ko sa kanya pag uwi niya na mag usap kayo.."..mahinahong wika ko, parang naawa akong bigla sa babaeng to grabe , nakasira pa ata ako ng relasyon grabe ka na talaga Chloe ...haissst!... " sige mauuna na kami salamat Chloe ..." At umalis na silang parang tulala pa din si Czarina..patay ako nito ! Kailangang maka alis na ko sa bahay nato kung hindi baka daliri ko lang walang latay sa taong mayabang na yun... Nagtanong ako kay Yaya kung sino si Czarina sa buhay ni Quinn at ikinuwento nito ang lahat sa akin..first love pala nito ang babaeng yun at walang closure ang relationship nila..both sides ayaw ng partido sa isat isa. Grabe naman pala sa love story ang buhay nila kaloka... Matapos kong malaman ang lahat lahat ay ipinagtapat ko kay yaya ang nangyari kanina sa pagitan namain ni Czarina ...I thought magagalit si Yaya, pero nagulat na lang ako sa biglang pagtawa nito.. Pagkatapos nun ay ipinagtapat ko na rin ang unang pagkikita namin ng amo niya, except siyempre sa kissing scenes namin masyadong PG yun e ..delikadong malaman ni yaya, nakakahiya.... Pinagsabihan na lang ako ni yaya na wag mag alala sa bagay na yun at sigurado namang hindi na talagang babalikan ni Quinn ang taong yun , although alam niyang may pagtingin pa din ito dun sa dating nobya, kilala daw niya si Quinn mas gugustuhin nitong siya ang masaktan kesa sa taong mahal niya.. Hindi maipaliwanag sa akin ni yaya ang lahat , balang araw ay malalaman at maiintindihan ko din ang lahat lahat at wag ko na daw intindihin ang mga pangyayaring yun siya na ang bhala kay Quinn na siya namang pinaniwalaan ko...dahil alam ko namang malaki ang paggalang nito kay nana Sandra niya... Malapit nakong mag isang buwan sa bahay nato dahil ayaw akong paalisin ni yaya hanggat hindi ako natututo mag luto ng ulam at ni anino ni Quinn ay diko na nakita and after two weeks magmula ng magpunta dun sa bahay si Czarina ay walang Quinn na nagwawala dahil sa ginawa ko, marahil ay sinabihan na ito ni Yaya Ngunit laking gulat ko na lang isang araw nagulat na lang ako sa kalabog na narinig ko. Nasa library kasi ako at nagbabasa ng di ko na namalayang nakaidlip ako dito. Nakita ko Quinn na nasa lapag at mukhang namamalipit sa sakit..mukhang nabunggo ito sa isang lamesa pagtayo nito ay kitang kita ko ang napakaraming dugo sa noo at putok ang labi nito sa gilid hawak hawak nito ang tagiliran niya na punong puno ng dugo... Sisigaw sana ako dahil natakot ako sa itsura niya..ngunit mabilis nitong tinakpan ang bibig ko at mabilis ko naman itong tinabig ngunit dahil siguro sa nanghihina siya ay bumalandra itong muli sa sahig na siyang lalo niyang ikinangiwi .... " ouch! Grabe ka talagang amasona ka..." Wika nito sakin sa nanghihinang boses... " sorry ! Akala ko kasi kung sino ka e! Napano ka ba at ganyan ang itsura mo...! Wait! Tatawagin ko si Nana ha! Para maipahanda sa driver ang sasakyan ...kailangan mong madala sa hospital.." " no! Wait! Wag mo ng gigisingin si Nana..kaya ko ang sarili ko...pakikuha na lang yung gamot diyan sa ilalim ng table....ng mesa yung box na nasa ilalim tapos maaari mo nakong iwan...." " sira ulo kaba! Look at yourself! Baka maubusan ka na ng dugo kung hindi ka magagamot...magpapakamatay ka ba ha!..ang putla putla mo na naginiginig na nga yang mga kamay mo..." " will you please shut up! Ang ingay mo matutuluyan akong lalo sayo niyan e! ...hindi mo pwedeng gisingin si nana matanda na yun at baka tumaas pa nag bp nun kapag nakita niya akong ganto. Gusto mo bang mauna pang mamatay si nana sa akin ha...and besides it's already 2:30 am...ayokong bulabugin sila ng dahil lang sa simpleng sugat nato....kumpleto ako sa gamot diyan kaya ko ang sarili ko okay!.... Madaling araw na pala at dito nako inabutan ng antok sa library...kunsabagay ama siya lately ay panay ang sumpong ng highblood ni Yaya..kanina nga lang ay uminom siya ng gamot dahil mataas ang bp nito ...ano bang gagawin ko sa taong to...ayoko namang pabayaan na lang ang isang to pero sa nakikita ko mukhang sanay naman siyang gamutin ang sarili niya.... " akin na nga yan ! Ako na nag maglilinis ng sugat mo" ..hindi nako nakatiis at ako na ang gumamot ng sugat niya, mukhang nanghihina na talaga siya dahil wala na siyang nagawa at hindi na rin umangal pa sa akin. Pinahiga ko siya dito sa may upuan sa library...pinunasan ko ang lahat ng dugo na umagos sa mukha niya at nilagyan ko ng antibiotic ointment ang sugat sa noo at ilang sugat sa mukha niya... Makikita sa mukha nito ang sakit , napapangiwi siya sa bawat pagdampi ng wipes na gamit ko sa katawan niya ginupit ko na ang damit niya para makita ko ang mga nasugatan sa katawan nito, laking gulat ko ng makita ko ang medyo kalalimang sugat na mukhang galing sa isang patalim pati na rin sa balikat nito.... Mabuti na lang at may kaalaman ako sa medicine dahil kumuha ako ng ilang units sa forensic medicine nun dahil connected ito sa pagiging prosecutor ko kung sakali... Masasabi kong lumaban siya at tinangkang pigilan ang taong gumawa sa kanya nito base na rin sa sugat nito sa kamay bakat ang hiwa ng patalim at medyo malalim ito...kinakailangang tahiin ko ang sugat sa tagiliran niya dahil ayaw tumigil ng dugo nito...mabuti na lang at sadyang kumpleto nga siya sa lahat ng gamit dito..mabuti na lang dahil kung hindi wala akong alam sa lugar nato na mabibilhang gamot kung sakali....nilock ko ang pinto dito sa library bago ko simulang tahiin ang sugat niya..... Pagkatapos kong matahi ang sugat niya ay nilagyan ko na siya ng suwero at sinaksakan sa Dextrose niya ng antibiotic para na rin hindi ma infection ang sugat nito...may lagnat na rin siya kaya dinaan ko na lang din sa suwero niya ang paracetamol... Pumunta ako sa kwarto niya at kumuha ng damit at kumot para mapalitan ko na siya ng damit..nahirapan akong suotan siya ng damit dahil napakabigat niya talaga...napansin kong nanginginig siya at ng makita ko sa thermometer ay napakatas ng lagnat nito..gustong gusto ko ng gisingin ang ilang kasambahay para naman may makatulong ako dito...kinakabahan ako baka mamaya mamatay pa tong kumag nato e.... Pinunasan ko lang siya ng pinunasan hanggat hindi bumababa ang lagnat niya....ilang kumot na ang nilagay ko sa kanya ...para hindi siya ginawin....at ng bumaba na ang lagnat niya saka lang ako naging kampante... Nakaramdam na ko ng antok ng makita ko sa thermometer na bumaba na ang lagnat niya...pagtingin ko sa oras ay pasado alas singko na pala...pihadong gising na ang ilan sa kawaksi ng mansion...baka may makakita sa akin sa labas kung lalabas pako ngayon....binalot ko sa isang supot ang lahat ng basura na nagamit ko paglilinis ng sugat ni Quinn pati ang damit nito ay tinapon ko na rin at binalik ko na sa dati ang lahat ng gamit na nagamit ko sa panggagamot kay Quinn... Naalimpungatan ako sa pagsara ng pinto, bigla kong naalala si Quinn baka may makakita sa kanya, bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga at laking gulat ko nasa loob nako ng kwartong inookupa ko... Papa anong napunta ako dito...panaginip lang ba ang lahat, imposibleng panaginip yun...nang tumayo ako at tangkang lalabas ng pinto napansin ko ang suot kong damit na may bahid pa ng dugo dahil nawala ako sa sarili na napapunas ako sa damit ko habang tinatahi ko yung sugat niya. Napansin ko din sa tokador na may sulat na nakadikit sa may salamin and it was written by Quinn. Napangiti na lang ako dahil sa sobrang tipid niya mag bigay ng notes , and only " thanks " that was he said on that piece of paper. at napaisip akong bigla na ang ibig sabihin hindi talaga panaginip ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD