CHAPTER 5

3222 Words
QUINN POV Halos isang buwan din ang training na ginawa namin para sa panibagong status ng ranking na magaganap sa Hidden Building Hotel..may underground area na hotel na yun at pag aari ito ng lider ng isang Notorius gangster sa Pilipinas ang Red Ninja g**g. Taon taon ay ginaganap ang labanang yun sa buong gangster world para malaman kung sino ang pinaka magaling sa lahat. Actually its a big question for me before, na kung bakit sila nagkakaroon ng ganitong mga palahok, at para saan pa? kung lahat naman kami dito ay iisa lang ang likaw ng bituka. para sa popularity na porket ikaw ang mananalo ay ikaw na ang pinakamalakas sa mundo. At kahit nakokornihan ako wala akong choice kundi isali ang grupo ko, dahil kapag ikaw ay hindi sumali automatic na nag grupo mo ang pinakama babang ranking at puntirya ng mga naglalakihang mobster sa mundo. kumbaga ang grupo mo ang sentro ng bullying. wala kang kapangyarihan at kapit sa nakatataas. kahit pa mayaman ka kayang kaya ka nila ibagsak sa loob lamang ng isang araw. Hindi simpleng grupo lamang ng gangster ang mayroon dito sa mundo, ng malaman ko kung sino ang nasa likod nito ay hindi ako makapaniwala. kinalakihan ko na ang mundong to, kaya maliit pa lamang ako ay kilala kona ang mga taong matataas na nasa likod ng gangster world sa Pilipinas. May mga Judge, senator at kung sino sino pang nasa matataas na posisyon ang kasama sa grupo. Sadyang madadaya ang ilang kalaban namin ang usapan ay walang patalim na gagamitin. Kaya laking gulat ko ng maglabas ng patalim ang isang grupo ng kalaban namin habang nasa gitna kami ng arena at nasa final round na dalawa kami ni Seven na lalaban sa apat na kalaban, naipanalo namin ni Seven ang laban ngunit nasa ikatlong ranking lang kami this time...nagkaroon kami ng violations dahil biglang tumulong si Kyu kanina which is against the rules. Nakita kasi ni Kyu na may ibabato sa aking shuriken ang kalaban at mabilis na rumisponde si Kyu hinarangan nito ng espada niya ang dapat na patama sa likuran ko.... At nang pauwi na kami ay tinambangan pa kami ng mga hayop na yun, akala nila ay sadyang mahihina na kami para tambangan nila ng ganun nalang..although lahat sila ay napabagsak namin, nasugatan naman ako sa tagiliran ko hindi ko napansin ang mabilis na pagsulpot ng isa sa kanila sa likuran ko, kung hindi ko lang nahawakan ang patalim na yun siguradong hospital ang bagsak ko.. Mabilis kaming umalis sa lugar na yun dahil may dumating na mga police marahil ay nakita nila sa cctv ang pangyayari kaya mabilis silang rumisponde, nagkahiwa hiwalay kami ng daan, isa sa rules namin yun, once na may humabol sa amin ay hindi maaaring magkakasama kami, kaya ako kahit sugatan dahil sa nangyaring paligsahan at paglaban sa mga talunan na yun ay dumiretso na sa laguna.... Sa secret passage ako dumaan upang walang makapansin sa akin na ganito ang itsura ko sa isa sa mga kawaksi. Tanging ang mga tauhan ko lamang ang nakakita sa akin at sila ang umalalay sa akin paakyat sa itaas. Hinang hina na ko alam kong madaming dugo na din ang nababawas sa akin. And anytime alam kong babagsak nako, Nagulat ako pagpasok ko sa library nasa lamesa si Chloe at natutulog , mahihirapan akong kuhanin ang gamot sa ilalim ng lamesa dahil nakaharang siya dun. At dahil na rin sa talagang hinang hina nako ay hindi ko napansin ang dadaanan ko hanggang sa nagising ito at nakita ako, natakot ata siya sa hitsura ko kaya binanatan na naman ako ng babaeng to laking gulat ko ng bigla nitong hinablot ang braso ko at ibangga ako sa aparador. napangiwi at napa igik na lamang ako sa sakit na nararamdaman ko. nakakarami nang atraso sakin ang babaing to e... hanggang sa halos wala nakong maramdaman at parang bibigay na ang mga mata ko na tuluyang pumikit. at biglang pagbukas ng ilaw sa library. Marahil ay nakilala na ako nito kaya halos sumusunod na lamang ako sa mga galaw at sinasabi nito. Hindi ko na maintindihan pa ang ilan sa sinasabi niya, basta't naramdaman ko na lang na parang may gumagalaw sa sugat ko hanggang sa mawalan na ako ng malay. Nang magising ako ay nakita ko siyang nakayukong natutulog sa lapag na nakasandal ang ulo sa upuan kung saan ako nakahiga sa sofa sa library. Makirot at mahina pa din ang pakiramdam ko , napansin ko ang dextrose na nakasabit , saka ko lang nalaman na nilagyan pala niya ako ng dextrose. dahan dahan akong umupo sa pagakakahiga ko at tinanggal ko na ang dextrose sa kamay ko at nilagay ko na lamang sa tabi ng lamesa , bumangon ako naglakad ng dahan dahan upang hindi siya magising...dahil nakadikit ang ulo niya dito sa upuan kung saan ako nakahiga. At mahina ang katawan ko ay pinilit kong kumilos dahil may kailangan pa akong gawin sa Manila at kailangan kong malaman kung ano na nag nangyari kila Kyu. Kumirot bigla ang sugat ko sa braso at sa tagiliran ko. niligpit ang mga kumot na nilagay sa akin ng babaeng to, at kinuha na din ang mga basura na ginamit niya sa paglinis sa sugat ko. napangiti na lamang ako dahil may silbi din pala ang isang to kahit papaano. Pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso na ako Banyo para maligo, nagdudugo pa din ang sugat pero tiniis ko na lamng ang sakit nito at pinalitan ko na lamang ng bandage muli. after breakfast ay bumalik ako sa library dahil sa celphone ko, at mukhang mahimbing pa din ang tulog ng abbaing to. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya, may secret door kase itong library patungo sa room ko mismo, at dun na rin ako dumaan papunta sa kwartong inookupa niya..... Nagtataka lang ako dahil ng may tahi ang sugat ko ng linisan ko ito kanina , wag niyang sabihing marunong siyang manggamot, or baka naman may tinawagan siyang doktor, imposible naman ata yun di sin sanay nagkukumahog na si nana sa akin kanina pa...pagkatapos kong maligo ay ako na mismo ang naglagay ng antibiotic ointment sa mga sugat ko at uminom na rin ng gamot..mamaya ko na tatanungin ang babaeng yun..... Tatawagan ko muna ang mga kaibigan ko........kanina pa maraming text message at missed calls ang mga kumag kong barkada. nagkanya kanya kami ng takbo kagabi para malito ang mga baliw na gangster na yun. tinawagan ko muna si seven dahil bukod sa akin alam kong may tama din siya kagabi. " hello! Seven Anong balita sa inyo...!" " were okay! Ikaw nga ang inaalala namin e! Dahil sinalo mo yung suntok at saksak na para kay Kyu dapat! Kanina pa nag aalala sayo yun..." " I'm okay! Pakisabi na lang sa kanila ...alam mo namang puhunan ng gagong yun ang mukha niya at kapag nabangasan yun siguradong tapos na nag career nun....andito ako sa Laguna tol! ...babalik din ako after two days... " mabuti naman at okay ka lang, by the way tol andiyan pa ba ang misis mo? hahahaha.." pahabol na wika pa ni seven, lakas talaga ng tama ng mga to nagawa pang mang asar sa sitwasyon namin ngayon. " misis ka diyan, siraulo ka talaga e, nagawa mo pang humirit dyna . oo andito pa, at Bakit mo naman naitanong?" " hahaha... wala naman tol, nagkita nga pala ang ermats ko saka si Czarina sa isang fashion shows, kilala mo naman si mama may pagka chismosa ang lola mo...ayun at nagkuwentuhan daw at naichika ng baklang PA nito na may asawa ka na daw tol at nakita daw nila mismo ang asawa mo. pasensiya na ha kilala mo naman si Mama." " whaat!? Anong ibig mong sabihin ! Papaanong nalaman nila ang tungkol Chloe!...linawin mo nga ang kuwento mo..".. Wikang gulat ko sa sinabi ni Seven, papaano naman nalaman ng mama ni seven about chloe. " nagpunta daw sila diyan at nagpakilala si Chloe na asawa mo kay Czarina....umiyak nga daw si Czarina at hindi naka pag pictorial ng araw na yun dahil namumugto ang mga mata.." " pumunta sila dito? you mean nagpunta sila Czarina kaya nalaman ni tita about chloe?Walang nababanggit sakin si Nana sa phone kahapon a?." " ano ka ba tol malamang hindi sasabihin ni Nana yun sayo! Si nana ang saksi sa pagdadalamhati mo nun diba! Nung halos magpakamatay ka na sa kakainom sa alak, malamang ayaw na niyang guluhin pa utak mo sa pagbabalik ng ex mo."..paliwanag na wika ni seven, kunsabagay noon pa man alam kong ayaw ni nana kay Czarina, hindi daw maganda ang pakiramdam niya kay Czarina. kaya nga ng maghiwalay kami ni Czarina ay lahat ginawa ni nana para lamang malibang ako. wala akong narinig na paninisi kay nana dahil kay Czarina. " sige tol mamaya na tayo mag uusap kakausapin ko muna yung babaeng yun..." " wait! Anong gagawin mo! Wag mong daanin sa init ng ulo ha! Alalahanin mo si nana Sandra baka siya ang magalit sayo kapag inaway mo yung bisita niya....and besides diba ang sabi mo gusto mo na ng closure at tuluyang mawala na ng kaugnayan sayo si Czarina eto na yung chance mo tol ! Pwede mong gamitin yang babaeng yan...para tuluyan ng iwan ka ni Czarina." " tatawagan na lang kita mamaya okay!....kunsabagay tama si Seven gagamitin ko si Chloe para tuluyan ng iwasan ako ni Czarina..mas gugustuhin ko ng layuan siya kesa naman siya ang pagtuunan ng pansin ng mga kalaban..mas gugustuhin kong magkahiwalay kami bastat buhay lang siya...matitiyak kong ligtas siya sa panganib... paggising ng babaeng yun kausapin ko na din siya. Parang di maganda na pang himasukan nito ang buhay ko. alam kong alaga at bisita siya ni nana pero gusto ko lamang na ilagay niya sa lugar ang pagiging bisita niya. Hindi porket pumayag ako na tumuloy siya dito ay pang himasukan naman ang buhay ko. kailangang malaman din nito na iba ang pilipinas sa bansa nila. nung unang pagsisinungaling niya naiintindihan ko pa , dahil talagang sira ulo yung taong tinakasan niya, pero ngayon ano naman kaya ang dahilan niya. Kailangang kausapin din ni nana ang alaga niya. Pagbaba kopa lang ay nakita ko na si nana na naghahanda ng almusal, at bago pa man ako makapag salita ay inunahan na ako nito about kay Czarina. Tinatanong ko si nana about sa ginawa ni Chloe pero nagulat na lamang ako sa boses ng babaeng yun.. " oh, about that thing, Im sorry, actually its not my intension to say those lies again to somebody, pero siya ang nag push sakin na gawin yun, she's so mataray and antipatika."...paliwanang na wika nito. " ganun! Dahil lang naantipatikuhan ka sa isang tao, magagawa mo ng magsinungaling ng ganun kabigat na bagay...alam mo bang hindi siya naka sipot sa pictorial niya dahil sa mga sinabi mo and besides anong karapatan mo para pagsabihan siya ng ganun ha! Sino kaba ? Baka nakakalimutan mo nasa pamamahay kita! bisita ka lang dito , pumayag akong mag stay ka dito dahil kay nana tapos kung umasta ka daig mopa ang amay ari ng bahay!.." " Quinn!!!"..sigaw na wika ni nana sa akin " its okay nana, no worries, actually tama naman siya e, sino ba naman ako, bisita lang ako dito. Alam kong mali ako at nagsalita ako ng di maganda sa babae mo okay? but before you act like a king here could you kindly listen to my explanation first your highness, siguro naman karapatan ko din ang mag explain ng side ko bago ka pumutak ng pumutak diyan na akala mo naman namatayan ka nang girlfriend!".. " Chloe! tama na yan ha, nasa harap kayo ng pagkain o, magsikain muna kayo bago kayo mag away. Ikaw Quinn mag uusap tayo pagkatapos mong kumain sasabihin ko sayo ang nangyari. Ikaw naman chloe anak, kumain ka na din muna at mag uusap tayong tatlo pagkatapos niyo kumain." paliwanag na wika ni nana. " pasensiya na nana, alam kong mali ako at bisita lang ako dito, inamin ko naman na mali ako diba, nasaktan ko yung feelings ng babae mo pero alangan namang hindi ako kikibo at manahimik lang sa isang sulok kung siya naman ang unang nang insulto sa pagkatao ko. to the point she didnt knew me at all. ...." " kahit na siya pa ang nauna...ang point ko dito bisita ka lang, kung sa tutuusin stranger ka nga sa bahay nato pati sa buhay ko e! Tapos gaganunin mo pa ang bisita ko! ..." " okay fine! Bagay nga kayong dalawa ! You are both pathetic....ganun pala ang batas dito sa pilipinas ! Pasensiya na ha ! Stranger kase ako, wala akong alam sa mga do's and don'ts sa batas niyo....wag kang mag alala , aalis nako sa pamamahay mo! Maraming maraming salamat sa pagpapatira mo sa akin.dito ..magkano ba ang mga nakain ko dito ....tama na ba to...tama na ba 100 thousand ....or baka kulang pa...babayaran ko na lahat ng nakain ko ! Hindi ko aantayin pang kuwentahin ang lahat..." wika nito Sabay hagis ng pera sa mukha ko, nagulat na lang ako dahil ngayon lang may taong gumawa nito sa buhay ko. kaya uminit agad ang ulo ko at ambang gaganti sa kanya ngunit naunahan na ako ni nana sa sigaw niya. " aba't talagang.. " Quinn !!!..." " Nana naman e."... " nakakahiya kang bata ka! Wala ka na talagang respeto sa akin....pati ang bisita ko ay nagawa mong bastusin...ganyan ba kita pinalaki ha ! " e nana siya naman kasi ang nauna binastos niya si Czarina...alam niyo namang..." " alam ko ang buong pangyayari Quinn! ..alam ko kung gaano kahalaga sayo si Czarina, kaya ka nagkakaganyan ngayon...pero hindi mo ba naisip kung gaano din kahalaga si Chloe sa akin, at wala ka ding karapatan na pagsalitaan ang bisita ko ng ganyan! Baka hindi mo nakikilala kung sino talaga si..." " Nana! Tama na niyo, It's okay! Don't worry about me! Ako ang mali ! Hindi ko dapat ginawa yun! Wag na kyong magalit ang puso niyo! Hay naku! Kailangan pag balik ko dito sa pIlipinas makikita ko ulit kayo okay!..." " anak ! Aalis ka na?." " opo Nana! Napag isip isip ko din na siguro hindi talaga dito sa Pilipinas ang kapalaran ko, anyway just like ive said before dinalaw lang talaga kita. at itong pilipinas ang unang destinasyon ko. Kaya okay lang yaya hayaan niyo na siya, puro salita lang yan dahil kapag sinaktan niya ko dahil lang sa babae niya, diyan nako lalaban. "...wika ng Chloe sabay irap sakin. a" akala ko ba hindi ka naniniwala sa Destiny destiny na yan ha! Bakit bigla atang nagbago ang pananaw mo ngayon..." " ganun pa din naman ang pananaw ko yaya! People make their own destiny...at dahil papayag nako sa condition ni dad, siyempre ako pa din ang gumawa nun at nag desisyon hindi ba! ....alam kong suntok sa buwan kung magkikita pa tayong muli Nana...kaya ngayon pa lang nagpapasalamat nako sayo ng lubos..." " napakalalim mo naman magtagalog na anak! Hasang hasa ka na talaga anak." " oo naman ako pa! Wag mo na lang pansinin ang taong yan yaya! Makakarma din yan ! And besides baka tumaas lang ang presyon niyo sa panget na yan!...o pano yaya labas muna ako ha! Aayusin ko muna mga gamit ko!..." At tuluyan ng lumabas ng kwarto ang babaeng yun, nagulat na lang ako kay nana ng pagpapaluin ako ng hawak niyang pangkamot sa likod... " ikaw na bata ka ! Napakasama mo sa kanya! Napaka bait na bata niyang si Chloe baka akala mo! Hindi siya katulad ng mayayamang bata diyan na masyadong sutil. kahit sarili niyang savings ginagamit niya para makatulong sa tao.!" " aray ko naman nana, masakit yan a! , kaya pala ganun na lang siya maghagis ng pera sakin! ...gaano ba kayaman ang babaeng yun nana! " " wag mo ng alamin! Hala damputin mo yung pera na hinagis sayo lahat at itatabi ko ako na nag magbabalik sa kanya....teka napano ba yang mga sugat mo sa mukha, napalaban ka na naman ba ha!...." " wala to nana! Ako na ang magbabalik nitong pera sa kanya..." " wag na! Ako na lang at baka hindi mo magustuhan ang gagawin niya sayo kung sakali....humingi ka ng tawad sa kanya ha! Naiintindihan mo! Hindi ko papayagang maka alis siya ng hindi ka humihingi ng paumanhin kay Chloe..." " Nana..siya naman..." " isa pa tatamaan ka ulit sakin.bahala ka basta humingi ka ng paumanhin sa tao...halika na!..." Ano ba kaseng klaseng babae yung tao na yun at mukhang ingat na ingat si Nana sa kanya..masyadong misteryoso si Nana, at ngayon lang nagkaroon ng bisita yun magmula pa noong bumalik siya galing ibang bansa..masyado tuloy akong nacucurious sa katauhan ng babaeng yun e...papatrabaho ko kay Ichie ang files nun, kung maka react si nana at matakot na masaktan ang alaga niya ganun na lang e. sumilip muna ako sa pinto ng room niya at napansin ko ngang nageempake na ito. " eto na yung pera mo hindi ko kailangan yan, pinatira kita dito ng libre at hindi Ko nagpapabayad. Pasensiya ka na at mainit lang ang ulo ko !..." " ganun ! Kapag mainit ang ulo mo kailangang May mapag diskitahang ibang tao at magbitaw ng masasakit na salita agad..matindi ka rin talaga e! Pwes sige gagayahin na lang kita!...since ganyan pala ang philosophy in life mo! Siguro naman maiintindihan mo ang gagawin ko sayo!... " anong ibig mong sabihin ha!..nagulat na lang ako dahil akala ko ay tatalikuran niya na lang ako bigla yun pala mabilis umikot ito at umigkas agad ang mga paa niya pasipa sa tiyan ko preferably sa mismong tahi ko pa.... " aaaah! Ouch!.....nagdugo ang sugat ko at bumalandra ako sa lapag... " yan quits na tayo! Ikaw ang walang utang na loob alam mo ba yun! Kung di dahil sakin patay ka na ngayon sana ungas ka......at dahil ako ang nagtahi ng sugat mo, ako din dapat ang magtastas niyan diba! "....at isang sipa muli ang inabot ko sa kanya, at may ginawa siya sa likuran ko , sa batok ko na bigla na lang akong nawalan ng pakiramdam sa buong katawan ko hindi ko maikilos ang buo kong katawan hanggang sa bumagsak na lang akong bigla dito sa lapag hindi ko rin maibuka ang bibig ko para magsalita.... " ano ! Papalag kapa! Wala ka pala e! Simple pa lang yang ginawa ko sayo tumba ka na! O pano aalis nako kamahalan diyan ka na. salamat sa lahat." Sira ulong babae yun a! Paralisado ang buo kong katawan, wala pa naman si Nana at nandito pa ko sa guest room siguradong matatagalan bago may makaalam na nandito ako, umaagos na yung dugo sa sugat ko sa may tahi...siya pala ang nagtahi ng sugat ko...marunong siya....!! Dapat talaga sinunod ko na lang yung sinabi ni Nana kanina at hindi ko na pinagpilitan pa na ako na magbabalik ng pera niya...eto pala yung sinabi ni Nana na ugali ni Chloe...hindi basta basta papayag na apak apakan siya ng kahit sinuman. At kaya naniniwala siya sa lahat ng sinabi ni Chloe ay dahil na rin sa ayaw na ayaw nito na tatarayan siya at aapihin ng kahit sino pa, dahil hindi siya papayag na hindi makakaganti sayo sa anumang paraan.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD