Chapter 18

1029 Words
Pagkarating nila sa school ay ganoon pa rin ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso lalo na nang akbayan siya nito nang salubungin ito nila Wade. "O, pare, kumusta?" bati ni Wade sa binata. "Eto, friends na kami ni Chioni." Ngumiti ito nang ubod nang tamis bago siya tiningnan, "hindi ba Chioni?" Tumango lang siya dahil pakiramdam niya ay malulusaw na siya sa klase ng ngiti at tingin nito sa kaniya. Sa kabilang banda ay para siyang nasa alapaap dahil sa pagtrato nito sa kaniya. Hindi niya naiwasang kiligin nang maisip niyang para silang magkasintahan nang mga oras na iyon lalo pa at may mga mata sa paligid na nakatingin sa kanila. "Talaga bang friends lang?" tanong ni Wade na kaagad ikinapamula ng kaniyang mukha. "Oo naman. Hindi ko pa naman siya nililigawan," sagot ni Ridere. "Hindi PA naman?" Pinagkadiinan pa ng kaibigan nito ang word na pa para iemphasize iyon sa kaibigan. "Pero may balak kang ligawan siya?" Tumawa naman si Ridere kasunod ang isang malapad na ngiti, "we'll see." "Ibang klase ka, Ridere. May pa we'll see we'll see ka pa. Hindi ka pa nanliligaw pero kung akbayan mo si Chioni parang girlfriend mo na." Kaagad itong napatingin kay Chioni at doon lang din ito tila natauhan nang mapansin ang pagkakaakbay sa dalaga. "Ay! S-sorry, Chioni. Masyado lang akong nadala ng tuwa kasi kinakausap mo na ako ngayon kumpara nang mga nakaraang araw," paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. "A-ayos lang." Sakto naman din dating ng kaibigan niya kasama ang kapatid nito kaya kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Kaagad silang pumasok sa kanilang mga silid nang marinig ang pagtunog ng bell. Tanging sulyap na lang ang nagawa ni Chioni habang papalayo ang lalakeng sinisinta ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo rito nang makaramdam siya ng p*******t sa kaniyang tiyan na hindi niya naiwasang indain. "S-sandali lang, Elysia." "Chioni, ayos ka lang ba?" "Ang tiyan ko... masakit." Iyon ang huling nasabi niya bago siya tuluyang makaramdam ng pagkahilo at bumagsak. "OMG! Chioni!" Kaagad na napatakbo pabalik si Ridere nang marinig ang pagsigaw ni Elysia. Tinapik-tapik pa nito ang pisngi ng dalaga nagbabakasakaling babalik ang ulirat ni Chioni ngunit tila wala siyang naririnig. Tanging dilim lang ang siyang bumabalot sa paligid ni Chioni na siyang nagdala sa kaniya sa isang malalim na pagkakahimbing. +++ "Chioni, anak, iligtas mo kami." "I-ina?" "Anak, ikaw na lang ang siyang makapagliligtas sa amin. Kailangan ka ng ating kaharian. Bumalik ka na sa amin ng iyong ina." "A-ama?" Naguguluhan siya nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung dapat niya bang paniwalaan ang mag-asawang nasa kaniyang harapan. Maganda ang ginang kahit na kita na ang katandaan sa itsura natin. Gayundin ang kakisigan ng ginoo ngunit ang nagpapagulo sa kaniyang isipan ay ang itinawag nito sa kaniya. Anak? "Kayo ang tunay kong mga magulang?" "Malaki ang kasalanan namin sa iyo. Napakalaki ng aming pagkukulang sa 'yo ngunit nais naming iparating sa 'yo na kapakanan mo lang ang siyang palagi naming iniisip. Ang malayo ka sa amin ang siyang tanging magagawa lang namin para mapanatili na ligtas ka. Hindi namin kagustuhang kalimutan at pabayaan ka." Naiintindihan niya ang mga ito at sa totoo lang kahit na kailan ay hindi sumama ang loob niya rito kahit na iniwan siya ng mga ito. Alam niya kasing may dahilan ang mga ito kung kaya nagawa iyon. Iyon nga lang, ang kapangyarihang mayroon siya ang naging dahilan kung bakit hindi siya namuhay ng masama buong buhay niya mula nang magkaisip siya. Sa tuwing iisipin niyang iyon ang dahilan kung bakit siya nilalayuan ng lahat ay hindi niya maiwasang magalit sa sarili niya at makaramdam ng tampo sa tunay niyang pinagmulan. Dahil sa taglay niyang kapangyarihan marami ang nagagalit sa kaniya at tinatawag siyang isang halimaw. Maging ang inaakala niyang ama na nag-aruga sa kaniya ay kinamumuhian siya. Tanging ang kaniyang kinilalang ina lamang ang tumanggap sa kaniya iyon nga lang ay kaagad lang din itong binawi sa kaniya. Dahil doon ay nakaramdam siya ng pag-iisa at dumating nga ngayon sa buhay niya sina Elysia at Ridere. Ngunit hanggang kailan, wala itong mga kaalam-alam sa kung anong kapangyarihan mayroon siya. Alam niyang may kapangyarihan ang kaibigan niya ngunit kabaligtaran iyon ng kapangyarihan mayroon siya. Kung sakaling malaman nito ang kapangyarihan niya alam niyang iiwasan siya nito lalo pa at maaaring makapinsala rito ang kapangyarihan niya. "Ina. Ama. Gusto ko na kayong makasama." "Bumalik na sa amin, anak. Ikaw lang ang siyang makapgliligtas sa amin. Tulungan mo kami." "P-pero paano?" Ngunit bago pa man makasagot ang mga ito sa kaniya ay isang pamilyar na pigura ang kaniyang nakita. "Masyado na kayong nakasisira sa mga plano ko. Panahon na upang mamaalam kayo, mahal kong ina at ama." Sa sandaling iyong isang nakasisilaw na liwanag ang siyang bumalot sa buong lugar at sa isang iglap ay naging matitigas na yelo ang mga ito. "INA! AMA!" "Paalam mga mahal kong magulang." Kasunod ng mga salitang iyon at tuluyan nitong binasag ang matitigas na yelong bumabalot sa katawan ng kaniyang mga magulang na siyang naging dahilan din upang magkapira-piraso ang buong katawan ng mga ito. Para siya nanigas mula sa kaniyang kinatatayuan sa kaniyang nasaksihan. Unti-unting bumagsak ang kaniyang mga luha at napasigaw na lang habang tinatawag ang kaniyang mga magulang. "Chioni! Chioni!" Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at natagpuan si Ridere sa kaniyang tabi. Mabilis nitong pinahid ang kaniyang mga luha habang pinagmamasdan niya ang puting kisame. "R-Ridere..." "Mabuti naman at gising ka na. Nag-alala ako ng sobra." "Nasaan ako?" "Nasa ospital ka. Nag-alala na kasi ang school nang hindi ka nagigising kanina kaya itinakbo ka na nila rito sa ospital at napag-alaman namin na ang dahilan ng pagkawala mo ng malay." Biglang lumungkot ang mukha nito at napasubsob sa kanto ng hospital bed habang hawak ang kaniyang kamay. "Sorry." "Bakit ka humihingi ng tawad?" "Kasi ang sabi nasobrahan ka raw ng kinain. Dapat sinabi mo sa akin na kumain ka na pala kanina. Hindi ko alam na busog ka na pala pero pinakain pa kita. Sorry talaga." Hindi niya naiwasang hawakan ang pisngi nito at ngitian. "Wala ka namang kasalanan kaya wala kang dapat na ipag-alala." "Thank you, Chioni."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD