Chapter 14

1016 Words
Tanggap niyang kasalanan niya ang mga nangyari. Siya ang puno't dulo ng lahat ng kamalasan at problema sa pamilya nila. Kaya hindi niya masisis ang kanilala niyang ama kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kaniya. Totoong iba siya sa lahat. Dahil sa kapangyarihang taglay niya kung kaya lahat ay kinukutya at kinamumuhian siya. At ngayong wala na rin ang kinilala niyang ina na laging nagtatanggol sa kaniya, pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siyang muli. Dahil sa kalungkutan at sama ng loob na bumalot sa kaniya ay nadala niya ang kaniyang kinilalang ina sa kapahamakan. Nakatitiyak siyang ngayong wala na ito ay mas lalo siyang kamumuhian ng kaniyang kinilalang ama. Mas iisipin ng nakararami na isa nga siyang halimaw na puro kamalasan at kapahamakan lang ang dala para sa malalapit na tao sa kaniya. Dahil doon ay hindi niya naiwasang maisip si Elysia. Hindi niya maiwasang isipin na may punto kaya sa buhay ng kaibigan niya na inisip nitong tunay ang mga sinasabi at ikinakalat ni Jules sa buong eskwelahan? Na magagawa kaya siya nitong tanggapin sa kabila ng pagkakaiba at salungat nilang dalawa? Pinili niyang isubsob ang sarili sa malambot na nyebe at doon hinayaan ang mga luhang tumulo. Nararamdaman niya na ang pagod sa mga oras na iyon dahil sa sunud-sunod na pangyayari na hindi niya maiwasang maganap. Sa pagbagsak ng kaniyang mga luha ay mabilis itong nagiging butil ng yelo dahil sa lamig na nagsisimula na namang bumalot sa buong paligid. Para siyang nasa loob ng isang malaking freezer na binabalot ng makapal na nyebe at lamig ngunit kahit ganoon ay hindi niya alintana iyon sapagkat nabuhay siyang bitbit ang kapangyarihang mananatili na sa kaniya habang buhay. Hindi niya namalayan ay unti-unti na siyang nakatulog dulot ng pagkahapo at labis na pag-iyak. Nang magising siya ay narinig niya ang malalakas na patak ng ulan mula sa labas. Naalala niyang bigla ang mga pinatutuyo niyang pininturahan niyang karton kung kaya dali-dali siyang bumangon upang kuhanin ang mga ito ngunit nang makita niya ang mga ito ay basang-basa na ito at alam niyang hindi na ito mapapakinabangan kahit na patuyuin pa kung kaya nagpasya siyang itapon na lang iyon sa labas hindi alintana ang malalaking patak ng ulan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tapat ng basurahan at nagkakalkal pa ng ilang bagay na maaaring mapakinabangan nang maramdaman niya ang lilim mula sa kaniyang ulunan. Kaagad siyang nag-angat ng paningin at natagpuan doon ang lalaking nakilala niya sa gym kasama si Elysia. Nakasilong ito sa payong na hawak nito na siyang nagbibigay lilim din sa kaniya. Mabilis siyang napatayo dahil sa pagkahiya lalo pa at kakaiba ang nararamdaman niya tungkol sa lalakeng iyon kaya naman mabilis na naman na kumabog ang kaniyang dibdib dahil sa labis na pagkabalisa. Hindi niya maintindihan ngunit natataranta siya at kinakabahan sa tuwing lalapit ito sa kaniya. Iyon din ang dahilan kung kaya hindi siya nag-atubiling abutin ang kamay nito noong araw na iyon. Nakakaramdam siya ng hiya at pagkailang dito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Iyon kasi ang unang pagkakataon na makaramdam siya ng kakaiba para sa isang tao. Dahil sa pagkataranta ay nadulas siya sa basang sahig at muntikan nang mabuwal ngunit mabuti na lang at maagap ang binata at dali-dali siya nitong nasalo. "Ayos ka lang ba, Chioni?" Bakas sa itsura nito at boses ang pag-aalala na kaagad namang nagpamula sa kaniyang mukha. "R-Ridere?" "Buti naman naaalala mo pa rin ako. Magtatampo na sana ako dahil hind mo man lang ako pinansin noong unang nagkita tayong dalawa." Ngumiti ito at sobrang lapit lang nito sa kaniya kaya mas lalo siyang pinamulahan ng mukha. Kaagad naman din siyang nag-iwas ng tingin dito upang hindi nito mapansin iyon. "Ano palang ginagawa mo rito? Umuulan ha? Hindi ka man lang nagpayong." Bakas ang sinseridad sa tono ng boses nito at ramdam na ramdam niya iyon. "W-Wala kasi akong payong. I-isa pa, doon lang naman ang bahay ko k-kaya hindi na ako nag-abalang maghanap ng payong." Para siyang nasisiraan dahil sa klase ng kaniyang pananalita. Halatang-halata sa boses niya ang hiya dahil sa utal-utal niyang pananalita. "So, ano ngang ginagawa mo rito?" pangungulit nito. "Ah... Ano... Kasi... K-kumukuha lang ako ng mga gamit dito na maaari pang mapakinabangan at i-recycle," tugon niya. Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito pabalik sa kaniyang inuupahang silid at kaagad na binuksan nito ang pinto. "Pasok na. Pwede mo namang gawin ang gusto mo kapag huminto na ang ulan. Hindi mo kailangang magpakabayani at magpaulan kung maaari mo namang gawin mamaya," sabi nito. Mabilis din nitong inihakbang ang mga paa papasok sa loob ng kaniyang silid at pinagmasdan ang kabuuan nito. Nagulat naman ito nang kaagad na mahagip ng mga mata ang kama niya roon gayundin nang maramdaman ang kakaibang lamig sa paligid. "Woah! Ayos 'to ha... saan mo 'to nabili?" Lihim na napangiti si Chioni dahil kahit ganoon ay hindi ito naghinala sa nakita nito. Mukhang hindi rin nito naisip na baka may kung anong salamangka sa loob ng kaniyang silid kung kaya nananatili ang pagiging matigas ng kama niyang yari sa yelo. "Yari ba talaga 'to sa yelo?" tanong nito habang hinahawakan ang bawat kanto ng kama. Hinawakan din nito ang nyebe sa ibabaw nito na siyang nagsisilbing foam upang malambot ang kaniyang hihigaan sa gabi. "A-ano... kasi..." "Chioni, naiilang ka ba sa akin?" Nagulat naman siya nang bigla nitong ibahin ang topic. "Kasi napansin ko parang masyado kang nababalisa kapag kinakausap kita. Hindi ba pwedeng maging magkaibigan tayong dalawa?" Hindi siya lalo nakasagot dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Gustuhin niya man na maging kaibigan ito ay natatakot naman siya. Ayaw niyang mas lalong mapalapit dito lalo pa at hindi pa nito alam ang tunay niyang pagkatao. Alam niya rin kasing iba si Elysia kumpara kay Ridere. Halos may pagkakatulad sila ni Elysia pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala dahil salungat ang kapangyarihan nito kumpara sa kaniya. Si Ridere naman ay isang mortal. Isang ordinaryong nilalang at ayaw niyang mangyari dito ang sinapit ng kaniyang kinilalang ina nang dahil lang sa sarili niyang kapabayaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD