CHAPTER 8

1073 Words
"May kasama ka pala rito, Wade," sabi ni Ridere nang tuluyang makapasok sa loob ng gym. Doon niya lang napansin sina Chioni at Elysia nang magawi ang tingin niya sa mga ito. "Ah, hindi. Pagdating ko rito nandito na sila. Mga kaklase ko sila," sabi ni Wade habang nananatiling nakatuon ang atensyon sa pagshu-shoot ng bola sa ring. "Hi!" Bati nito sa dalawa at saka lumapit kapagkuwan. Inilahad nito ang kamay na sandali namang tiningnan nila Chioni. "I'm Ridere. Ridere Fortaleza, 4th-year high school student." Kaagad namang inabot ni Elysia ang kamay nito bago nagsalita, "Elysia na lang. Siya naman ang kaibigan ko si Chioni." "Hi Chioni." Hindi maintindihan ni Chioni kung bakit ngunit nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Buong buhay niya kasi ay malayo ang loob niya sa mga tao lalo pa at wala itong mga alam tungkol sa tunay niyang pagkatao. Maging kay Elysia ay hindi niya iyon nagawang sabihin dahil sa takot na baka layuan siya nito lalo pa at magkasalungat ang kapangyarihan nilang taglay. Nanatili lang siyang nakatingin sa nakalahad na kamay ni Ridere na naging dahilan upang bawiin na lang nito ang kamay mula sa pagkakalahad. "Pasensya ka na, Ridere, medyo mahiyain kasi 'tong si Chioni," sabi ni Elysia at siniko pa siya kapagkuwan. Ngunit dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nananatili lang siya sa likod ni Elysia habang hinahatak ang laylayan ng manggas nito. "Ah... Oo nga pala. May kailangan pa kasi kaming gawin ni Chioni. Nice to meet you, Ridere. Mauna na kami." Mabilis naman na tumalikod si Chioni kasunod si Elysia at narinig pa ang huling sinabi ni Ridere sa kanila bago sila tuluyang makalabas ng gym. "Nice meeting you too. See you next time, Chioni." Hindi alam ni Chioni ngunit napangiti siya nang oras na iyon. Iyon kasi ang unang pagkakataon na may isang lalakeng nakapansin sa kaniya lalo pa at karamihan sa mga nakasalamuha niya ay walang ginawa kung hindi tingnan siya ng masama. Napahinto naman siya sa paglalakad nang biglang tumigil si Elysia sa paglalakad. "Chioni..." Humarap ito sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Uhm... Bakit?" Napangiti siya rito dahil sa kyuryosidad. Hindi niya kasi mabasa ang tumatakbo sa utak ng kaibigan nang mga oras na iyon kaya naman napapaisip siya. "Alam mo, tingin ko, may gusto sa 'yo 'yong si Ridere." Nanlaki naman ang mga mata ni Chioni dahil sa sinabi ni Elysia lalo na nang hawakan nito ang kamay niya na tila nae-exite sa mga nangyayari. "Bagay kayong dalawa, Chioni. Ramdam ko ang init ng inyong chemistry." Hindi niya naiwasang matawa dahil hindi niya maunawaan kung saan nito hinihugot ang mga sinasabi nito sa kaniya. Alam niyang hindi naman siya panget. Kung tutuusin ay may itsura din naman siya. Makinis ang kaniyang balat at maputi din naman. Iyon nga lang, iyon ang kauna-unahang pagtatagpo nilang dalawa kung kaya alam niyang imposible ang sinasabi ni Elysia sa kaniya. "Ano ka ba, Elysia. Kakakilala nga lang naming dalawa. Isa pa, hindi ko nga siya kinausap hindi ba? At malay ba natin kung may girlfriend 'yong tao. Ikaw naman, ang bilis mo namang mag-conclude." "Malay mo naman. Kitang-kita ko kasi kung paano kumutitap ang mga mata niya sa tuwing titingnan ka niya. Naroon ang nag-uumapaw niyang pagtatangi sa 'yo." Mas lalo siyang natuwa sa kaibigan dahil sa lawak ng imahinasyon nito. Hindi niya akalaing sa sandaling nagkita sila ni Ridere ay napakarami na kaagad napansin si Elysia sa binata.  Napakamot na lang siya ng ulo dahil alam niyang hindi niya ito magagawang kontrahin kung iyon talaga ang tingin ng kaniyang kaibigan dahil maging siya ay hindi rin naman tiyak sa nilalaman ng isipan ni Ridere. +++ Sakto naman pagpasok nila sa classroom nang dumating ang teacher nila sa MAPEH. Isa iyon sa ayaw niyang subject dahil na rin sa wala siyang hilig sa sports ngunit pagdating naman sa musika ay mahilig talaga siyang kumanta. Iyon nga lang ni minsan ay hindi niya pa nagawang kumanta sa harap ng maraming tao dahil sa pagiging mailap niya sa madla.Sa takot niyang mapahiya sa lahat, at makasakit ng ibang tao kung kaya pinili niyang idistansya ang sarili niya sa iba lalo pa at patuloy na nananahan sa kaniyang puso kung paano siya tingnan ng lahat. Mga tingin na kahit na kailan ay hindi niya ninais na maramdaman. "Okay, Class, dahil malapit na ang ating foundation day ay magkakaroon tayo ng program kung saan sa last day ng ating foundation day ay magkakaroon ng sayawan, kantahan, at mga palaro. On the dance category, magkakaroon tayo ng dancing competitons from different levels and sections. Meaning, kailangan natin ng participant para sa klase ninyo. Same with the singing category, singing contest naman ang paglalabanan, samantalang ang mga palaro ay paglalabanan ng lahat ng estudyante sa bawat antas kaya inaasahan namin ang inyong kooperasyon." Humarap ang kanilang guro sa blackboard at nagsimulang magsulat. "So, for dancing competition, any volunteers?" "Ma'am, si Clyde po. Magaling po sumayaw 'yan." Kaagad naman na tumayo si Clyde habang nagyayabang pa na animo'y walang makatatalo sa kaniya kaya naman hindi naiwasang maghiyawan ang mga naroon sa loob ng silid. Maging ang guro nila ay napangito na lang dahil sa self-confidence na pinapakita nito sa kanilang lahat. "Okay, si Ramirez na ang ang pambato ninyo sa dance competition. How about sa singing? Sino ang pwedeng mag-volunteer?" Biglang tumahimik ang silid dahil wala pa silang ideya kung sino ang maaari nilang isabak pagdating sa kantahan. Ngunit isang kamay ang siyang pumukaw sa atensyon ng lahat lalo na nang tumayo ito at magsalita. "Ma'am, si Chioni po." Kaagad na hinila ni Chioni ang laylayan ng suot na palda ni Elysia dahil sa sinabi nito. Hindi siya handa para sa ganoong bagay at hindi niya rin alam kung kakayanin niya ba ang humarap sa maraming tao lalo pa sa itaas ng entablado. Iyon kasi ang pinakakinatatakutan niya sa lahat ngunit tila tuluyan na siyang napipi nang ilista ng kanilang guro ang pangalan niya sa kanilang blackboard bilang pambato ng kanilang klase sa singing competition. Nagsimula namang magbulungan ang lahat dahil sa suhestyon na iyon. Kita niya ang pagkadisgusto ng mga ito na siya ang maging pambato ng klase subalit para niyang nalunok ang sariling dila sa labis na kaba at takot. Nagsisimula na naman kasi siyang panghinaan ng loob lalo pa at hindi pa man niya ipinapakita ang kakayahan ay naroon na ang mapang-aping pananaw sa kaniya ng nakararami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD