Marigoldβs Pov
----
I'm still confused about what happened, and I was horrified to find that Ate Lucinda has died; it's been a long time since we last saw each other, at hindi ako nakauwi noong araw ng kasal niya dahil nasa business trip ako sa ibang bansa. And I had planned to pay her a visit nitong pag-uwi ko, but hindi ko ini-expect na may mangyayari sa aming dalawa, i don't know kung bakit kailangang sabay pang mangyari. Kaya naman gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya, at hindi na ako makapaghintay na may magsabi sa akin maliban sa aking ama.
βLen, naniniwala ka bang wala pang balita sa kaso ni Ate Lucinda? Yung asawa niya anong ginagawa?β Tanong ko, dahil bakit ang tagal na pero wala pa rin silang napala.
βMahirap lang si po Sir Edmund, anak sa labas ni Don Ponce at wala itong nakuhang mana mula sa kanyang ama. Inshort po, walang perang pang asikaso sa kaso ni Madam Lucinda. At ang tanging makakasagot lang dyan ay si Don Quintana, dahil po isang beses nakita kong meron siyang kausap na pulis isa sa mga naghahanap ng ebidensya.β
Paliwanag niya sa akin, napatingin ako sa dagat hindi pwedeng mabasura ang kaso niya. Maraming beses na niya akong tinulungan noon, kaya it's time na para suklian yun.
βNasabi mo sa akin kanina, meron siyang babae na inuuwi, it's that true or chismis lang sa bayan natin?β Hindi ko mapigilang mag tanong, dahil ang bilis niyang palitan si ate Lucinda!
βMismong kapitbahay po ni Sir Edmund ang nakakakita na laging may babaeng pumupunta sa bahay nila. Nakita na rin ng ibang katulong sa hacienda, anak raw ni Don Pruevas ang babaeng iyon.β Lalo lamang akong nainis sa akin nalaman, bakit ko ba tinatanong bahala siya kung wala itong balak asikasuhin ang kaso ni Ate Lucinda.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumakad palapit kay Willie, tiningnan nito ang pinapaasikaso kong yate, dahil balak kong mamasyal sa karagatan.
βWillie, meron kabang naririnig tungkol sa kaso ni ate Lucinda?β Tanong ko sa kanya dahil wala akong magandang nakuha na balita kay Lenie.
βAng huli kong narinig seΓ±orita ay meron daw silang nakitang bahay sa kagubatan. At inaalam kung sinong may-ari, simula noon wala ng balita sa kaso. Mukhang hinayaan na rin si Sir Edmund, simula kasi namatay si madam Lucinda ay malaki na ang ipinagbago niya. Siya pa rin naman yung namamahala sa hacienda, dahil lalo pa itong naging masipag, pero malamig na ang pakikitungo sa iba.β Kwento nito, nagkaroon naman ako ng interes sa sinasabi niyang bahay sa kagubatan. Dahil kapag umuuwi ako puro puno lang ang aking nakikita.
βDiba dapat nilang tutukan ang paghahanap ng ebidensya dahil sa nangyari? Si dad wala ba siyang ginawa?β Muli ko na tanong.
βSi Don Quintana na lang po ang tanungin mo seΓ±orita, wala kasi akong alam dahil tatlong buwan na rin akong nandito.β Sagot nito dahilan para panlisikan ko siya ng mata. Puro sila walang alam, at sa aking ama itatanong para namang meron siyang sasabihin sa akin!
βSi Doktora Victoria po, mukhang meron siyang alam dahil pinaiimbestigahan din niya ang kaso ni Madam Lucinda.β Aniya na naging dahilan para muli akong napatingin sa kanya.
βKailangan ko siyang makausap, alam mo ba ang cellphone number niya?β Agad ko na tanong, wala akong paki kung anong nangyari sa akin. Mas importanteng malaman ko kung anong balita sa kaso ni ate Lucinda.
βIto ho ang alam kong number niya.β Ibinigay nito ang kanyang cellphone.
βPwede ko bang hiramin saglit itong cellphone mo? Hindi ko dala yung akin.β Tanong ko tumango naman siya biglang sagot, lumayo ako sa kanya at dinayal ang numero ni Ate Victoria.
Hindi niya ito sinasagot nag-ring lang kaya nag-message muna ako sa kanya, bago muling tinawagan. Nakakadalawang ring palang ay sinagot na niya.
βHello, Marigold? Gi-gising ka na?β Nauutal niyang sagot at mababakas sa kanyang bibig ang saya.
βYes, and meron akong gustong itanong. Tungkol sa kaso ni ate Lucinda, meron ka bang alam?β Seryoso kong tanong, wala ng paligoy-ligoy pa dahil maraming nasayang na panahon.
βOh about that, wala na akong balita dahil huminto ang paghahanap nila ng ebidensya. Last month, ang alam ko alam na ni Uncle kung sino'ng may-ari ng bahay.β Tukoy nito kay daddy, napataas ang aking isang kilay.
βNakulong na ba ang may gawa? Ano pang nalalaman mo gusto kong malaman. Dahil meron akong balak na buhayin ang kaso, pero hindi ko sasabihin kay dad dahil magagalit iyon. And gusto kong tulungan mo ako, I know you want to know who killed Ate Lucinda. I don't have anyone else close to me, alam mong wala akong ibang maasahan, dahil kayong dalawa lang ang pinagkakatiwalaan ko. Her husband seemed to be happy with another woman; we cannot expect anything from him.β Malamig kong sabi sa kanya, desperate na kung tawagin mahalaga sakin si ate Lucinda.
βPaano kung malaman ni Uncle, malalagot tayong dalawa Marigold. At saka si Edmund patuloy pa rin ang imbestigasyon, kung gusto mong malaman ang iba pwede kang magtanong sa kanya.β Halata sa boses niya ang takot kaya mahina akong natawa.
βMadali lang naman ate Victoria, hindi niya malalaman if wala kang sasabihin sa kanya. Dahil tayong dalawa lang ang nag-usap. Isa pa paano mo nalamang patuloy, how do you know na patuloy pa rin ang pag-imbestiga niya?β Nakataas ang kilay ko na tanong bago tumingin sa yate dahil tapos ng linisan ni Willie.
βDahil nagkakausap pa kaming dalawa ni Edmund, wala akong pakialam sa babae niya. Ang gusto kong malaman ay resulta ng pag-imbestiga nila. Kasama niya ang babae, nagtutulungan silang dalawa.β Paliwanag nito, humigpit ang aking hawak sa cellphone.
βMag-usap tayo sa ibang araw, nagpapagaling lang ako bago bumalik dyan sa atin. Ipagluto mo ako ng ginataang gabi, see you soon.β Paalam ko dahil meron na akong nakuhang impormasyon. Kahit na ganun susubukan ko pa ring tanungin si dad.
Ang ipinagtataka ko lang bakit hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli kung sinong salarin. Kung alam na pala ni dad kung kanino ang bahay. Ano bang plano niya?
Binalik ko na kay Willie ang kanyang cellphone, bago sumakay sa yate sumunod naman si Lenie sa akin dala yung mga gamit.
Habang nasa dagat kami, nakatingin lang ako sa magandang tanawin, kahit papaano ay nakakapag-relax na rin sa wakas.
βSeΓ±orita, alam mo ba nung hindi ka pa nagigising, merong gwapong lalaki na pumupunta para dalawin ka. Ang pangalan niya ay Sir Louis, manliligaw mo raw siya.β Kinikilig na sabi ni Lenie, dahilan para sa kanya mabaling ang aking atensyon.
βHuh, sinong Louis? Wala naman akong manliligaw.β Nagtataka kong tanong sa kanya.
βPo, hindi mo siya maalala? Isa rin sikat na modelo, kasama mo sa trabaho ngayon kasi ay nasa ibang bansa siya.β Napaisip ako sino bang sikat na modelo ang tinutukoy niya.
βLouis Cuison?β Tanong ko, tumango naman siya bago ngumiti ng matamis.
βAkala ko nakalimutan mo na siya, siguradong matutuwa si Sir kapag nalalaman niyang gising ka na.β Tuwang-tuwa na sabi nito, hindi ko na siya pinansin nandito ako para hindi isipin ang mga bagay na hindi ko maalala.
βLenie, magpapalit lang ako tapos kuhanan mo akong larawan.β Sabi ko sa kanya bago pumasok sa loob, kinuha ko ang yellow na dress at sumbrero.
Nang matapos akong magpalit, lumabas na rin agad hinayaan ko lang nakalugay ang mahabang buhok.
βLenie, kuhanan mo ako, yung maganda bilisan mong kumilos!β Utos ko sa kanya, umupo ako at nag-pose, hawak ang aking brown na sumbrero habang naka patong naman ang aking braso sa bag, bago dumi-kwatro and medyo lumiyad ng Konte bago bumaling sa kanya nang may maalab na tingin.
βIto na seΓ±orita, 1,2,3 click!β She shouted, kasabay ng pagtunog ng kanyang camera.
Pinakita niya sa akin ang kanyang kuha, napatitig ako sa aking sarili. Malaki ang pinayat ko dahil siguro sa ilang buwan akong walang malay.
Kailangang bago ako bumalik sa probinsya ay bumalik ang aking dating alindog.
βHayaan mo muna akong mapag-isa, tatawagin nalang kita kapag meron akong kailangan!β Utos ko bago muling tumingin sa karagatan. Hindi masyadong maalon ang dapat, napapikit ako ng biglang humangin.
Thank you, papa G, for blessing me with a fresh start. I promise to cherish this opportunity and make the most of it!
to be continued.