````
Tatlong buwan na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman ng mga pulis kung sinong may-ari ng bahay sa gitna ng kagubatan.
Galit na galit si Edmund dahil mukhang binabalewala lang ang kanyang reklamo. Dahil sa sobrang pagka-desperadong malutas na ang kaso, nagbibigay na siya ng pera sa kakilalang pulis. Pero dahil hawak ni Don Quintana ang ibang pulisya, wala pa rin siyang makuhang impormasyon.
Galit niyang sinipa ang gulong ng kanyang sasakyan, doon na lang ibinuhos ni Edmund yung galit niya. Sumigaw pa ito dahilan para napatingin sa kanya yung babae.
βExcuse me, pwede bang magtanong?β Tanong niya habang nakangiting nakatingin kay Edmund, seryoso naman ang mukha nito.
βNapadpad ako sa lugar nyo dahil meron akong kaibigan na taga rito. Kilala mo ba si Lucinda Quintana?β Muli niyang tanong dahilan para magsalubong ang dalawang kilay ni Edmund, nagtataka bakit tinatanong ng babae si Lucinda.
βAnong kailangan mo sa asawa ko?β Malamig niyang sagot, nagulat naman ang babae dahil wala siyang nabalitaang ikinasal na si Lucinda.
βIkaw pala ang asawa niya, walang nababanggit sa akin na ikinasal na siya. Anyway, nandito ako para malaman kung anong nangyari sa kanya. Pwede kitang tulungan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.β Ang mahinhin kaninang babae ay biglang naging seryoso, tumingin sa paligid si Edmund dahil pinagtitinginan na silang dalawa ng mga tao.
βSa ibang lugar natin pag-usapan yan.β Sagot nito at bago sinenyasan na sumakay sa kotse, napataas ang kilay ng babae dahil hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto.
βAko pala si Fabina Pruevas, magkaklase kami ni Lucinda noong highschool.β Pagpapakilala niya, tumango lang si Edmund dahil wala siyang pakialam sa babaeng kasama niya.
Medyo nairita naman si Fabina dahil mukhang isnabero ang naging asawa ng kaibigan.
Huminto ang sasakyan ni Edmund sa lugar kung saan madalas merong pumapatay, sa mapunong bahagi ng kanilang baryo.
βDito banda maraming nabiktimang patayin at kasali na doon si Lucinda, nung araw na yun ay hindi ko siya masundo dahil marami akong gawain sa hacienda. Ang huling text niya sakin ay pauwi na siya, nung madilim na pumunta akong bayan para hanapin pero nabigo ako. Ilang beses ko rin siyang tinawagan pero hindi sinasagot.β Malamig niyang kwento, nanatili namang tahimik si Fabina habang nakikinig at nakatingin sa labas.
Walang mga ilaw, at malalaking puno lang ang makikita kahit umaga pa lang ay nakakatakot na. Marami na siyang naririnig tungkol sa lugar na to. Pinangalanang ng mga matatanda, ang misteryo sa bayan ng San Quintana dahil noon pa man ay maraming nangyayari dito.
βHanggang isang umaga, meron kumatok sa bahay at sinabi sa aking nakita ang katawan ni Lucinda palutang-lutang sa malaking ilog. Hindi pa ako naniniwala nung una, pero nung nakita kong siya nga ang biktima. Puno ng pasa ang katawan, at halos hindi na makilala! Ang babaeng pinakaingat-ingatan ko sinaktan lang nila ng ganun, hindi pa sila nakuntento binaboy pa nila ni Lucinda!! Mga hayop sila!β Naging emosyonal na si Edmund, halos hirap na hirap siyang banggitin kung anong nangyari sa kanyang asawa.
βGusto mo bang mabigyan ng justice ang pagkamatay ni Lucinda? Magtulungan tayong dalawa, pumunta ako rito para lutasin ang kaso niyang pinabayaan. Or sabihin nating hawak ng isang taong makapangyarihan at ayaw mabunyag ang katotohanan.β Seryoso na sabi ni Fabina kay Edmund, natahimik ito saglit dahil mukha namang mapagkakatiwalaan ang babae. At isa pa kaibigan ito ng kanyang yumaong asawa.
βMarami akong ipapaliwanag sayo at siguradong konektado ang krimen na nangyari kay Lucinda.β Dagdag na sabi ng dalaga, ilalabas na sana nito ang mga larawan sa kanyang bag pero pinigilan iyon ni Edmund.
βHuwag dito, sa bahay natin pag-usapan yan.β Malamig niyang sabi bago muling binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.
Pagdating nila sa bahay, una siyang bumaba ng sasakyan sumunod naman si Fabina, habang naglalakad pinagtitinginan sila ng ibang kapitbahay ni Edmund dahil merong itong kasamang babae.
βSino naman kaya ang babae na yan, wala pang isang taon na patay si Madam Lucinda may bago na agad siya.β
βMukhang dalaga pa, ang kapal naman ng kanyang mukha at dito pa dinala yang bago niya.β
Naririnig niyang chismisan ng mga ito pero hindi iyon pinansin ni Edmund, pag pasok nila sa loob sinara niya ang pinto para wala ng ibang makakita sa kanilang dalawa.
Tumungo ng kusina si Edmund para kumuha ng meryenda nilang dalawa, dahil kaibigan pa rin ito ng kanyang asawa.
Iginala ni Fabina ang kanyang paningin, nakita niya yung larawan ng kaibigan kaya lumapit siya doon.
βAno yung sinasabi mo kanina, marami pa akong gagawin kaya sabihin muna kung ano ang dapat kong malaman.β Seryoso na sabi ni Edmund bago inilagay sa mesa ang dala nitong meryenda.
Umupo si Fabina sa pang isahang sofa at inilabas ang kanyang ipapakitang larawan kay Edmund, napatingin naman siya sa mesa kung saan inilapag ng babae ang mga pictures. Hindi niya ito mga kilala, makikita naman ni Fabina ang pagtataka sa mukha ng lalaki.
βMagsimula tayo dito sa mga tauhan, sila ang inuutusan upang pumatay ng inosenteng tao. At itong lalaki na βto si Mr. Contreras, They refer to him as the boss, the one who decides who their next victim will be. Ang tao na ito ay maraming koneksyon, kaya hindi malinaw kung sino ang nagdidikta sa kanya; there is a lot of proof that he is one of those responsible for the murders, but there is insufficient evidence to put him in prison. Kapag may pera ka inosente ka, ika nga nila pero hindi habang buhay ay kaya kang pagtakpan ng pera.β
Mahaba niyang paliwanag kay Edmund, tahimik naman itong nakikinig habang nakatingin sa mga larawang ipinakita ni Fabina, the fact na ang lalaki ay hindi maitatangging isang negosyante kaya lalong nagpapukaw sa kanyang pagkamausisa.
Meron pang inilapag na larawan si Fabina, napukaw ang kanyang atensyon sa isang picture, dahil kilang-kilala niya kung sino ito walang iba kundi si Don Quintana.
βSila ang mga kilalang businessman dito sa ating bansa, at halos ay magkakamag-anak. Did you know that there is still no word on who did it? We were only a few years old at the time, and Lucinda was already married, ngunit hindi niya nakuha ang hustisya para sa kanyang mga magulang, nasasaktan ako para sa kanyang sinapit. That is why I am here to help; I am not as blind and dumb as others. Kung magtutulungan tayong dalawa, makakaya natin βto walang bahong hindi nabubunyag.β
Pagkukumbinsi sa kanyang ng babae, ito lang ang kaisa-isang nakita niyang merong magandang malasakit kay Lucinda, tumango siya bilang sagot para sa hustisyang gusto niya ay handa siyang sumugal.
βSige pumapayag akong makipagtulungan sayo, pag-usapan natin ang plano.β Malamig niyang sagot, ngumiti naman si Fabina habang sunod-sunod na tumatango, ag-shake hands silang dalawa.
```
MANILA~~
Masyadong naging abala ni Don Quintana sa kanyang negosyo sa Maynila kung kaya't paminsan-minsan ay hindi siya nakakadalaw sa ospital dahil sa maraming problema.Tanging ang katulong lamang ang nagbabantay kay Marigold.
Gaya ngayon, katatapos lang gamutin ng nars ang mga sugat na naging peklat na , Nais ni Don Quintana na ibalik ang dating makinis na balat ng kanyang anak upang makalimutan niya ang masalimuot na mga pangyayari.
Saglit na lumabas ang kasambahay dahil bibili siya ng makakain, dahil alas dose na at hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga.
Out of nowhere, Marigold moved her finger, and after a brief interval, she slowly opened her eyes. Sa kanyang sorpresa, natuklasan niya ang kanyang sarili sa isang hindi pamilyar na kapaligiran, nakatingin sa isang puting kisame. Isang biglaang pagkirot sa kanyang ulo ang nag-udyok sa kanya na likas na hawakan ito, nagulat na lamang nang makapang may bendahe na nakapaligid sa kanyang ulo.
Wala siyang ibang nararamdaman na masakit kundi ang kanyang ulo, bumangon paupo si Marigold, walang siyang ibang makitang tao kundi ang sarili lang.
βWhat happened, anong ginagawa ko dito?β Mahina niyang tanong bago tuluyang bumangon, hinugot niya ang swero sa kanyang kamay at pumunta ng balkonahe para lumanghap ng hangin.
Pilit niyang inaalala ang dahilan kung bakit siya nasa ospital, ngunit lalo lamang sumakit ang kanyang ulo lalong nakaramdam ng pagkairita si Marigold.
"What the hell, why can't I remember what happened? And why is it like this, I don't know what's going on anymore," mariin niyang bulong habang hawak ang kanyang ulo, nanatili siya sa labas puro malalaking building yung nakikita niya.
Habang ang katulong, pagbukas niya sa pinto ay laking gulat nito nang makitang wala sa kama si Marigold, napatingin naman ang dalaga sa loob dahil meron siyang narinig na kaluskos.
βWhoβs there?β Malamig niyang tanong bago lumakad pabalik sa loob, gulat na gulat ang katulong nang makitang gising na si Marigold, hindi nito namamalayang umiiyak na pala ito dahil sa saya.
βSenyorito Mariz,β Tawag niya dito akmang yayakap na siya ay agad siyang pinigilan ng dalaga.
βDon't dare to hug me!β Mariin at puno ng pagbabantang sabi nito, habang malamig na nakatingin sa katulong. βWho are you?!β Dagdag na tanong niya, pamilyar ang mukha nito pero hindi maalala kung anong pangalan nito.
βLenie ang pangalan ko senorita,β pagpapakilala niya napataas ang isang kilay nito pero nanatiling seryoso yung mukha.
βWhat happened, bakit nandito ako sa ospital?β Muli niyang tanong, lalong naiyak si Len-len dahil mukhang walang naalala ang kanyang alaga.
βMaupo ka senorita sasabihin ko ang lahat.β Pinaupo niya ito sa sofa, bago nag-kwento kung anong nangyari at bakit nasa ospital sila ngayon. Nanatili namang tahimik si Marigold, iniisip ang aksidenteng nangyari.
βPero senorita, naalala mo ba ang iyong pinsan si madam Lucinda? Meron nangyaring masama sa kanya.β Tanong nito sa dalaga, kumunot ang kanyang noo at tumango.
βWhat happened to her?β Malamig na tanong nito.
βPatay na po siya, tatlong buwan na ang lumipas.β Nagulat si Marigold sa kanyang nalaman, hindi siya nakapagsalita agad.
βHanggang ngayon ay wala pa ring balita kung sinong pumatay sa kanya, tapos ang balita sa baryo natin ang asawa nitong si Edmund Ponce, meron na raw inuuwing babae sa bahay nila.β Muling kwento nito, nanatiling tahimik si Marigold huminga siya ng malalim bago tumayo sa pagkakaupo.
βLen-len, sabihin mo ihanda ang sasakyan, gusto kong pumunta sa dagat para mag-relax!β Utos niya na ikinagulat ng katulong.
βPo, dapat? Hi-β Agad na nagsalita si Marigold, hindi na niya pinatapos magsalita si Lenie.
"What, follow my orders! Call Willie, we're going to Batangas!" Mainit ang kanyang ulo na utos, hindi niya maintindihan bakit bigla siyang nainis. Walang nagawa si Lenie kundi sumunod sa utos, tinawagan niya si Don Quintana para ipaalam ang nangyayari ngayon.
βWhat, Len-len marami pa akong ginagawa!β Galit na bungad sa kanyang ng ginoo.
βSir, kailangan mong pumunta dito sa ospital si Senyorita Mariz gising na ho at gusto niyang pumunta sa Batangas.β Naiiyak na sumbong niya sa ginoo, dahil kakaiba ang kinikilos ng kanyang alaga.
Napatayo naman si Don Quintana sa kinauupuan niya dahil sa nalaman, agad nitong pinatay ang tawag at patakbong lumabas ng kanyang opisina.
Pagdating ng ginoo sa ospital, nadatnan niyang inaalis ang benda sa ulo ni Marigold, tinignan lamang siya ng dalaga na para bang hindi kilala.
βMariz, anak.β Naiiyak niyang tawag, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Marigold.
βTinawagan kaba ni Lenlen? Gusto kong mag-relax dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari, at ayokong merong nanggugulo sa akin! Gusto kong mapag-isa dad.β Malamig niyang sabi sa kanyang ama, walang nagawa ang ginoo kundi tumango.
Matapos alisin ang benda sa kanyang ulo ay nilapitan ng doktor ni Marigold si Mr Quintana, dahil mababakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa anak.
βHayaan nalang po muna natin siya Don Quintana, wala namang problema sa kanya, naalala niya naman lahat maliban sa nangyaring aksidente,β Paliwanag sa kanya, nakahinga ito ng maluwag at muling tumingin kay Marigold na palabas ng kwarto kasama si Len-len.
βDad, gusto kong malaman kung anong ang balita sa kaso ni Ate Lucinda, i know everything.β Sabi ng dalaga bago tuluyang lumabas ng kwarto, napatingin naman si Don Quintana kay Lenie napayuko naman ang katulong.
ο»Ώto be continued..